Umalis na ang mga reporter na parang hindi sila makapaniwala.Nang makaalis na ang lahat ng reporter, tumingin ng malamig si Joshua kay Luna. Hinagis niya papunta kay Luna ang tissue na nasa tabi niya. “Magaling ang pagpapanggap mo.”Naramdaman ni Luna na para bang isang biro lang ang mga luha niya, nang marinig niya ang mga salita ni Joshua. Tinanggap niya ang mga tissue at pinunasan niya ang kanyang luha. “Magaling din ang pagpapanggap mo, Mr. Lynch.”“Hindi ako nagpapanggap.” Tumingin si Joshua ng malalim kay Luna. “Nakita ko lang sayo si Luna Gibson kanina.”Halos matawa si Luna dito. “So, ang mga bagay na sinabi mo kanina ay mula sa puso?”Hindi siya naniniwala sa kahit isang salita!Tinala nabasa ni Joshua ang isip niya. Kalmadong tumayo si Joshua. “Pwede mong paniwalaan ang kahit anong gusto mo.”Pagkatapos, tumayo siya at umalis na.Nakaupo pa rin si Luna sa upuan.Pagkatapos ng ilang hakbang, tumigil sa paglalakad si Joshua. “Bakit hindi ka pa kumikilos, hindi ba’t gu
Tumawa si Luna.Kapatid.Sino ang nakakita ng kapatid na buntis sa anak ng asawa ng sarili niyang kapatid, at nagawa pang niyang ipapatay ng bayaw niya ang sarili nitong asawa?Sino ang nakakita ng kapatid, na maraming beses nang sinubukan na patayin ang anak ng sarili niyang kapatid?Minsan, nagtataka siya kung anak ba talaga si Aura ng mga magulang niya.Sabay silang lumaki at pareho rin ang natanggap na edukasyon, bakit ibang iba si Aura sa kanya?“Sundan mo ako.” Natanggap na ng mental hospital ang pera ni Joshua, at nilagay nila si Aura sa isang istriktong pagbabantay na 24-oras.Nang makita ng mga staff na dumating na sila, maligaya sila nitong binati.“Nasa loob po si Ms. Gibson.”Dinala ng staff sina Joshua at Luna sa kwarto sa dulo ng corridor at magalang na sinabi, “Soundproof po ang kwarto. Natatakot po kami na baka umatake siya, kaya’t pinosasan po namin siya. Pwede po kayong pumasok ng walang problema.”“Salamat.” Pinasalamatan ni Luna ang staff, pagkatapos ay tu
Pinahinga ni Luna ang mukha sa kamay niya. Ngumiti siya ng maliit at tinanong niya, “HIndi ba’t anak ng kapatid mo si Nellie? Bakit sadya mong sinubukan na patayin si Nellie sa ferris wheel? Hindi mo rin naman kailangan sunugin ang bahay namin.”Tumingin si Aura sa saradong pinto.Ngumiti siya.“Maganda ang soundproof dito. Alam ko. Sasabihin ko sayo ang totoo. Pwede kong tratuhin na anak ang kahit sino. Pwede ko rin magustuhan ang anak ng kahit sinong babae, maliban kay Luna. Hindi ko kaya!”Nang makita ni Luna ang tunay na kulay ni Aura, medyo humigpit ang puso niya.Nangutya siya, “Bakit? Trinato ka ba ng masama ni Luna Gibson?”“Hindi, pero ang mali niya ay masyado siyang magaling.”Tumingin ng masama si Aura kay Luna. Tila tumagos kay Luna ang titig niya, nakatingin pa sa kalayuan.Makikita sa mga mata ni Aura na parang nababaliw na siya. “Mula pa nung bata ako, lagi lang ako sumusunod sa mga tagumpay ni Luna, sinasabi nila na hindi ako kasing galing niya. Hindi ako narara
Nung lumabas si Luna ng kwarto, nakasandal pa rin si Joshua sa upuan habang nakatingin sa mga dokumento sa phone.Nang makita ni Joshua na lumabas na si Luna, kalmado niyang tinabi ang kanyang phone. Tumayo siya ng elegante. “Tapos na?”“Hmm,” Tumawa ng mahina si Luna, “Mr. Lynch, gusto mo rin bang kausapin ang dating nobya mo?”Kumunot ang noo ni Joshua sa mga salitang ‘dating nobya’.Matapos ang ilang saglit, ngumiti siya. “Syempre.”Tumingin siya sa sinag ng araw sa labas ng bintana. “Hintayin mo ako sa kotse, hindi ako magtatagal.”Nagkibit balikat si Luna, tumalikod siya at umalis.Wala siyang pakialam kung ano ang pag uusapan ni Joshua at ni Aura, at wala rin siyang pakialam kung matagal silang mag uusap o hindi.Inabot niya ang kanyang bulsa at pumisil siya ng mahigpit sa bagong recording device. Nakuha niya na ang kailangan niya mula kay Aura.Bago pa siya pumunta dito, gusto niyang magsalita pa si Aura, pagkatapos ay kumuha ng mga ebidensya kasama si Neil, at iabot it
Kung hindi lang dahil kay Luna Gibson, si Aura na sana ang asawa ni Joshua!Noon, inagaw ni Luna ang posisyon niya bilang asawa ni Joshua.At ngayon, nagbago ng pagkakakilanlan si Luna Gibson, at muli niyang inagaw si Joshua sa kanya.Nararapat talaga kay Luna na namatay.“May pinadala akong mga tao para bantayan ka.”Tumingin si Joshua sa mukha ni Aura. ”Noon, pagkatapos mamatay ni Luna, pumunta ka sa Obstetrics and Gynecology department para sa isang operasyon, hindi namin makita ang mga detalye ng operasyon.”Tumingin siya ng malupit kay Aura. “Tinatanong kita, anong operasyon ang naganap sa hospital?”Sumingkit si Aura.Walang pagdududa, sinabi siguro ito ni Luna Gibson sa kanya.Nanunuya siya. Malinaw na may ginampanang pagkakakilanlan pa rin na iba si Luna Gibson, kung hindi, hindi ganito magrereakt si Joshua.Habang iniisip ito, ngumiti si Aura. “Joshua, gusto mo bang marinig ang totoo?”Sumingkit si Joshua. Wala siyang sinabi.Tumawa ng parang baliw si Aura. “Pumunt
“Joshua, matagal na panahon na kitang gusto! Mas matagal pa kaysa kay Luna!”Mainit ang tingin ni Aura kay Joshua, na parang isang pulubi na nakatingin sa isang masarap na pagkain.Kabaliwan, kasakiman, at kawalan ng pasensya.Tumingin siya ng malapit kay Joshua. “Kung kaya mong magustuhan si Luna, bakit ako hindi? Kung sabagay, pinagtataksilan mo rin naman si Luna Gibson. Hindi ba’t ayos lang kung pagtaksilan mo siya ng isa o dalawang beses?”Ang sabi niya habang gumagalaw ang mga kamay at paa.Napuno ang kwarto ng nababaliw na boses ni Aura, kasama ang tunog ng kadena.Kumunot ng malalim ang noo ni Joshua.“Mukhang bagay sayo ang lugar na ito.”Tumayo siya at tumingin siya kay Aura ng puno ng lamig sa kanyang mata. “Pero, dapat ko pa rin ipaalam sayo. Isa, lagi mong sinasabi na patay na si Luna Gibson. Hindi pa siya patay. Ikalawa, maghihintay ako sa pagbabalik niya. Ikaw din. Huli sa lahat…”Tumingin siya ng malamig kay Aura. “Hindi ko pinagtaksilan si Luna Gibson.”Aamin
Gayunpaman, kung nanggaling ang hindi pagkakaunawaan na ito kay Luna Gibson, dapat ipaliwanag ni Joshua ang sarili niya.Sa ngayon, hindi niya matatawagan si Luna Gibson, kaya’t maaasahan niya lang na ipasa kay Luna ang mensahe.Nangutya si Luna, “Sa tingin mo ba maniniwala siya sayo?”Nangutya si Joshua, “Kung hindi, tatanggapin ko na iklaro niya sa akin.”Agad na nilunok ni Luna ang mga salita niya.Huminto siya ng ilang saglit. Matapos ang ilang saglit, nangutya siya, “Sasabihin ko sa kanya.”Sigurado si Joshua na hindi magpapakita si Luna Gibson, kaya’t mayabang siya tungkol dito.Iklaro ito para sa kanya? Kapag bumalik siya sa pagiging Luna Gibson at hinarap niya si Joshua, hindi niya alam kung mabubuhay pa siya para ikwento ito!Tumahimik ang loob ng kotse. Pareho silang tahimik.Hindi nagtagal, dumating na sila sa Blue Bay Villa.Nung tumigil ang kotse, agad na bumaba si Joshua sa kotse.Nagbuntong hininga si Luna at binuksan niya ang pinto ng kotse, sumunod siya kay
Muling huminto ang itim na Maserati sa entrance ng mental hospital.Bumaba si Luna sa kotse at tumakbo siya papunta sa mental hospital!Masama ang kutob niya. Hindi bumaba ang elevator mula sa pinakamataas na palapag. Kumunot ang noo ni Luna at agad siyang umakyat ng hagdan.Nasa ika-walong palapag ang kwarto ni Aura. Tumakbo siya paakyat. Kumapit siya sa pader, naghihingalo habang hinahanap ang namumuno ng lugar.Lumakad siya at bumukas ang elevator. May matangkad na lalaki na naglakad palabas ng elevator.Tumingin ang lalaki sa kanya ng kalmado. “Mali ang dinadaanan mo.”Pagkatapos, lumingon ang lalaki at naglakad sa kabilang direksyon.Naghihingalo si Luna sa sobrang pagod. Umikot ang mga mata niya at agad siyang humabol kay Joshua.Dinala ni Joshua si Luna sa opisina ng doctor na namamahala kay Aura.Nang makita ng doctor sina Joshua at Luna, kumunot ang noo niya. “Bakit bumalik po kayo?”“May cute po bang babae na bumisita kay Aura Gibson?”Tumango ang doctor. “Oo.”“S