Itinabi ni Joshua ang phone niya at tumingin siya sa mukha ni Luna. “Baka kakaiba ang pag uugali niya dahil pakiramdam niya na responsable siya sa pagkamatay ni Roanne.” “Isipin mo ito: Hindi mo gusto si Cheryl noong buhay pa siya, pero nang mamatay siya, hindi mo mapigilan na maawa sa kanya, sinisi mo pa ang sarili mo sa pagpatay sa kanya.” “Pareho din ito para kay Heather. Noong namatay si Heather sa harap mo, hawak mo ang kamay niya na parang matalik na magkaibigan kayo, pero noong buhay pa siya, galit kayo sa isa’t isa.” Tumahimik si Luna nang marinig niya ito. Tama… si Joshua. Gayunpaman, kahit na naawa si Theo sa pagkamatay ni Roanne, tila hindi tama para sa kanya na layuan ang mga kaibigan niya at makipag break sa girlfriend niya dahil kay Roanne, hindi ba? Masyadong hindi makatwiran si Theo. Biglang nagring ang phone ni Luna. Kumunot ang noo niya at tumingin siya sa caller ID. Si Nathan ito, ang tatay ni Theo. Nagkaroon siya ng masamang kutob nang makita niya
Kumunot ang noo ni Joshua at hinawakan niya ng mahigpit ang manibela. “Mukhang kailangan nating hanapin agad si Charlotte.” Nagbuntong hininga siya at idinagdag niya, “Naisip ko na hindi talaga gusto ni Theo na pakasalan si Roanne dahil mahal niya ito, kundi dahil…” Sumingkit ang mga mata niya. “Pero dahil nakokonsensya siya sa pagkamatay ni Roanne. Naisip niya na malaki ang parte niya sa pagkamatay ni Roanne, kaya’t ginagawa niya ang lahat para bumawi kay Roanne para hindi na siya malunod sa kalungkutan.” “Ito ang rason kung bakit nakipaghiwalay siya kay Rachel, at ang hula ko ay ito ang rason kung bakit balak niyang pakasalan si Roane.” Kinagat ni Luna ang labi niya at lumingon siya para tumitig kay Joshua, hawak niya pa rin ng mahigpit ang phone niya. “Ibig bang sabihin nito ay kapag nahanap natin si Charlotte at pinilit natin siya na umamin sa pagkakamali niya at kinuha niya ang responsibilidad sa pagpatay kay Roanne… mababawasan ang pagsisisi ni Theo?” Tumango si Joshua
Ito rin ang dahilan kung bakit lumala ang kondisyon ni Rosalyn at nawalan pa siya ng kagustuhan na mabuhay. Kung… Kung si Quentin ang nagsabi kay Rosalyn tungkol sa koneksyon ni Sirius sa pagkamatay ni Lucy, malamang ay ito ay dahilan kung bakit halos mamatay si Rosalyn dahil dito. Gayunpaman, umiling si Luna at inalis niya ang ideya na ito sa isip niya. Sinabi na ni Rosalyn na namatay si Sirius ng higit sa 20 taon na ang nakalipas, at buhay pa rin si Quentin. Bukod pa dito, habang pinapanood ang video ng pagkamatay ni Lucy, hindi lang sa parehong nasa video sina Sirius at Larry, nakita pa nila Luna at Joshua si Quentin sa eksenang ito. Kung iisang tao sina Quentin at Sirius, hindi sila dapat makita sa iisang lugar ng sabay. Gayunpaman, kung hindi si Sirius si Quentin… sino pala siya? Sumakit ang ulo ni Luna, pumikit siya, at hinawakan niya ang noo niya, at nagdesisyon siya na hindi niya na ito pag isipan. Biglang nagring ang phone niya. Ito ay si Bonnie. Ang boses
Samantala, sa underground na kulungan ng Quinn Mansion, nakahiga sa kama si Charlotte, nakatitig siya ng mapanglait sa lalaking nakatayo sa harap niya. “Dito mo ba ako patitirahin sa impyernong ito?” Pagkatapos itong sabihin, ngumuya siya ng mga almond sa mangkok sa tabi niya at tumingin ulit siya sa lalaki. “Sirius— ah, teka, Quentin na ang tawag sayo ngayon.” “Akala ko ay bilang master ng pamilya Quinn, marami kang kapangyarihan at impluwensya sa mga tao, pero mukhang mataas masyado ang tingin ko sayo.” Naghagis siya ng ilang almond sa lalaki at sinabi niya, “Hindi ako tumira sa isang pangit na lugar ng higit sa sampung taon na, simula nang kunin ako ni Jim mula sa bahay ampunan. Paano mo tinatrato ang sarili mong anak ng ganito?” Sumingkit ang mga mata ni Quentin nang marinig niya ito. Tumingin siya ng masama kay Charlotte at sinabi niya ng malamig, “Ano ba ang gusto mo? Inaasahan mo ba na dadalhin kita sa bahay at sasabihin kong anak kita?”“Isa kang mamamatay tao, Charl
Si Charlotte ang tanging anak niya. Kahit anong mangyari, poprotektahan ni Sirius si Charlotte! Ngumisi si Charlotte at inulit niya ng masaya, “Sinabi ko na mas malaki kang halimaw kaysa sa akin, Quentin.” Ang matagumpay na ngisi niya ay pananakot lang kay Quentin. Sumingkit ang mga mata ni Quentin, lumapit siya, at hinawakan niya ang leeg ni Charlotte, binuhat niya ito mula sa leeg. “Charlotte, maraming bagay na hinahayaan ko lang dahil alam ko na hindi ka tinuruan ng mabuti ng nanay mo noong bata ka pa, pero may mga bagay na hindi mo dapat sabihin.” Tumitig siya ng sobrang lamig kay Charlotte at wala mang bahid ng emosyon ng isang tatay na meron dapat para sa isang anak. “Naiintindihan mo ba?” “Ahk!” Umubo si Charlotte. “Na… Naiintindihan ko po…” Namula ang buong mukha niya dahil sa kakulangan sa hangin, na para bang mamamatay na siya sa anumang sandali.” Pilit niyang tumakas sa hawak ni Sirius at nagmakaawa siya, “Pa… Pasensya na, Quen—hindi… Tatay… Pasensya na po…” An
“Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ko dito.”Sa sandali na makita nila si Jim, biglang napagtanto ni Bonnie na para bang ang puso niya ay hindi na tumitibok. Ngumiti siya ng mapait, lumingon siya para tumingin sa dalawang tao sa likod ni Jim. “Mr. at Mrs. Landry, sa tingin ko po ay mali ang oras ng pagdating ko.” “Dahil ayaw po akong makita ni Mr. Jim Landry, dapat po siguro ako maghintay sa labas. Papasok na lang po ako kapag tapos na bumisita si Mr. Jim.” Pagkatapos, lumingon siya ng hindi man lang niya binigyan ng oras na kumilos ang tatlo. Kumunot ang noo ni Jim nang makita niya na umalis si Bonnie pero hindi ito sumagot. Halos napatayo si Rosalyn sa kama dahil dito. “Jim, pigilan mo siya! Inimbitahan ko siya dahil gusto ko siyang kausapin; pakiusap, ‘wag mo siyang hayaan na umalis!” Kumunot ang noo ni Jim nang marinig niya ito, pagkatapos ay lumingon siya para tumingin kay Rosalyn, “Bakit niyo po siya gustong kausapin?” Gumulong ang mga mata ni Rosalyn. “Hindi l
Noon pa man ay gusto ni Jim ang magiliw, elegante, ngunit matatag na kababaihan tulad ni Number-9 o si Charlotte.Si Bonnie ay napakarilag at kaakit-akit, hindi tulad ng isang rosas na may mga tinik sa tangkay nito. Kahit na siya ay napakaganda, tila may iba pang nakatago sa ilalim —isang bagay na makamandag at posibleng nakamamatay.Habang iniisip niya ito, narating niya ang gilid ni Bonnie at biglang napagtanto na sa sandaling ito, si Bonnie ay nakatitig sa isang larawan, pinalaki ito sa kanyang telepono at pinagmamasdan ito ng husto.Larawan iyon ng isang lalaki.Ibinaba ni Jim ang kanyang ulo at sinulyapan ang larawan, sinusubukang alamin kung sino iyon. Tapos, nagdilim ang ekspresyon niya.Nakita na niya ang lalaking ito dati.Si Sean iyon, ang bagong mekaniko at driver na kinuha ni Joshua.Ang parehong lalaki na nagkaroon ng kapansin-pansing pagkakahawig sa kanya at na-admit sa isang ospital noong nakaraang gabi dahil sa kanilang pag-aaway.Sa sandaling ito, sinisiyasat n
Nanigas ang buong katawan ni Bonnie dahil sa sinabi ni Jim, .Makalipas ang ilang segundo, naintindihan na niya ang ibig nitong sabihin.Itinago niya ang kanyang telepono, nakaismid, pagkatapos ay sinulyapan si Jim ng malamig na tingin. "Ano bang masama kung tinitingnan ko ang mga larawan ng boyfriend ko? Bakit may pakialam ka ba, Mr. Landry? Tsaka—"Bigla siyang tumayo at idinagdag, "Ang dahilan kung bakit ako nagpunta dito ay hiniling nina Mr. at Mrs. Landry na pumunta ako. Tatlong beses niya akong tinawagan, iginiit na kailangan kong pumunta.”“Kung ayaw mong bumisita ako sa kanila, Mr. Landry, dapat mong sabihin ito sa kanila at linawin mo na hindi ako ang ayaw sumama.”"Aalis na ako ngayon."Kasama niyon, tumalikod siya at naglakad palayo.Kumunot ang noo ni Jim habang pinagmamasdan itong umalis, pagkatapos ay humakbang pasulong upang hawakan ang balikat nito. "Saan ka pupunta sa tingin mo? Pinapunta ako ng mga magulang ko dito para hanapin ka."Huminto si Bonnie sa kanyan
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya