Nagkaroon ng matagumpay na ngiti sa mukha ni Laura dahil sa tanong ni Luna. “Natatakot ka ba, Luna? Totoo ito; hindi mo kailangan patunayan ang sarili mo para sa akin. Ano naman ang magbabago? Kung patunayan mo man ito o hindi, isang walang kwentang p*ta ka pa rin na umaasa lang sa mga lalaki para mabuhay.” “Ang tanging bagay na higit ka lang sa akin ay ang magandang mukha mo.” Pagkatapos, naghikab siya at lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Kahit na ito na ang huling araw ng trabaho ko, kailangan ko pa rin umakyat para bigyan ng checkup si June.” Kahit na nangyari ang lahat ng ito, naalala niya pa rin na doctor siya. Sa sandali na natapos siyang magsalita, lumingon siya at umakyat siya ng hagdan. Gayunpaman, pagkatapos ng ilang hakbang, tumigil si Laura at sinabi niya, “Akala ko ay at least magkakaroon ka ng lakas ng loob para patunayan na mali ako, Luna, pero mukhang masyado mataas ang tingin ko sayo.” Pagkatapos, nagpatuloy siya sa paglalakad sa hagdan. Nanatiling
Hindi maintindihan ni Luna kung bakit kailangan magtago ni Joshua mula sa kanya habang sinasagot ang phone call na ito. Maraming taon na silang mag asawa; ano ang kailangan itago ni Joshua mula kay Luna? Pagkatapos ng hindi malaman kung gaano katagal, bumalik na si Joshua.Lumapit siya kay Luna at sinabi niya, “Umakyat ka at magbihis ka ng maganda at mag makeup; dadalhin kita sa hospital.” Agad na kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito. “Magbihis ako ng maganda at mag makeup ako… para pumunta sa hospital?” Bakit niya kailangan magbihis? Bakit sila pupunta ng hospital? Hindi mapigilan ni Joshua na ngumiti nang marinig niya ito. Hinimas niya ang pisngi ni Luna at sinagot niya, “Umaabante ang schedule, magtiwala ka lang sa akin. Mag makeup ka at magsuot ka ng pinakamagandang dress mo. Isasama kita para makipagkita sa isang mahalagang tao.” Hindi mapigilan ni Luna na kumunot ang noo niya sa pagkalito nang marinig niya ito. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siy
Hindi mapigilan ni Luna na isipin na kakaiba ang kilos ni Caleb, ngunit hindi niya malaman kung ano ang mali. Sa mga sandaling ito, tinawag ni Joshua ang pangalan niya, kaya’t sumunod si Luna kay Joshua so hospital pagkatapos magpaalam kay Caleb. Hindi mapigilan na ngumiti ni Caleb nang makita niya na pumasok sina Joshua at Luna ng hospital. Alam niya nang sa simula nang makilala niya si Joshua at Luna ay magkakatuluyan ang dalawang ito, ngunit nabigla siya at mabilis na dumating ang araw na ito. “Sino ang bibisitahin natin dito?” Ang tanong ni Luna ng may mahinang boses habang sumusunod siya kay Joshua. May maliit na ngiti sa mukha ni Joshua habang sinasamahan si Luna sa hallway, magkahawak ang kanilang mga kamay, “Bibisitahin natin ang babaeng kausap ko sa phone.” Bahagyang tumigas ang katawan ni Luna nang marinig niya ito. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya ng kabado kay Joshua. “Sino… siya?” Hindi pa binabanggit ni Luna ang tungkol sa babae, ngunit biglang
May bahid ng pagkasabik sa boses ni Rosalyn habang niyakap niya ang nanginginig na katawan ni Luna. “Ayaw ko na mag-alala ka, kaya’t hindi ko ito sinabi sayo noong nagising ako.” “Noong sinuri ako ni Dr. Liddell para masigurado na ayos na ako, at pagkatapos ko tulungan si Christopher na kontrolin ang pag iisip niya, doon lang ako bumalik dito sa Merchant City.” Hinawakan niya ang luhaan na mukha ni Luna at sinabi niya, “Hindi ka galit sa akin, hindi ba?” Mabilis na umiling si Luna habang patuloy ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mukha. “Syempre, hindi po.” Bakit naman siya magagalit? Pagkatapos mapunta sa coma ng higit sa isang taon, ang unang bagay na gustong gawin ni Luna ay makasama ang nanay niya, kaya’t paano naman siya magagalit kay Rosalyn? “Salamat sa pag unawa.” Nagbuntong hininga si Rosalyn at nagpatuloy siya sa pagyakap kay Luna ng matagal bago niya binanggit si Joshua. “Isang mabuting lalaki si Joshua.” Sa sandali na hawakan niya ang kamay ni Luna, sinabi niy
Tumalon ang puso ni Luna. Kinagat ni Luna ang labi niya at tumitig siya ng kabado sa maputlang mukha ni Rosalyn. “Pero… Pero, ano po?” Puno ng kalungkutan ang mukha ni Luna, nag aalala siya na ibubunyag ni Rosalyn ang katotohanan tungkol sa koneksyon ni Joshua sa coma ni Rosalyn. Alam ni Rosalyn ang iniisip ni Luna. Nagbuntong hininga siya at hinawakan niya ang kamay ni Luna. “‘Wag kang kabahan; ang gusto kong sabihin ay…” Nagbuntong hininga si rosalyn. “Kahit na wala pang ginawa si Joshua para saktan ako dati, hindi iyon naaangkop sa akin." Tumitig siya kay Luna at sinabi niya ng may mahinang boses, “Kahit na iwasan natin ang katotohanan, ang rason kung bakit pumanaw ang lola ni Joshua… ay dahil sa gamot na ginawa ko.” Agad na gumaan ang loob ni Luna nang marinig niya ito. Tumahimik siya ng ilang sandali bago siya lumingon para tumingin kay Rosalyn at sinabi niya ang tanong na naipit sa lalamunan niya, “Nanay… pwede niyo po bang sabihin sa akin… may kinalaman po ba kayo
Gayunpaman… Matagal na pinag isipan ito ni Luna bago niya nakita ang tingin ni Rosalyn. “Hindi po ako nagmamadali. Ang kailangan po nating gawin ay mag hintay hanggang mahanap namin si Sirius para malaman namin ang katotohanan tungkol sa nangyari sa nakaraan, pagkatapos ay hahanapin po namin ang nawawala kong anak. Kapag natapos na po natin ito, pag iisipan na po namin ang kasal.” Hindi mapigilan ni Rosalyn na magbuntong hininga nang marinig niya ito. “Sa totoo lang, isa pa itong rason kung bakit bumalik ako ng Merchant City. Gusto kong pag usapan natin si Sirius.” Lumingon siya para tumingin kay Luna. “Sabihin mo kay Joshua na pumasok din siya.”Ilang araw na ang nakalipas, habang kausap niya si Joshua, nagtanong na si Joshua ng maraming beses tungkol sa kinaroroonan ni Sirius. Sa mga oras na ‘yun, hindi alam ni Rosalyn kung ano ang nasa isip ni Joshua, kaya’t hindi niya sinabi ang kahit anong impormasyon sa kanya. Gayunpaman, dahil binanggit ni Luna na may parte si Sirius
Patay na si Sirius? Napahinto sina Luna at Joshua nang marining nila ito. Nagkatinginan silang dalawa at hindi sila makapaniwala. Paano nangyari ito? Kung namatay si Sirius ng higit sa 20 taon na, paanong si Charlotte, na nasa 20 pa lang ang edad, ay natuklasan ang nangyari sa pagitan nila Sirius at Todd at ginamit niya pa ito para takutin siya? Walang paraan para ipaliwanag ito! Nagbuntong hininga si Charles nang makita niya ang gulat na itsura sa mga mukha nila Luna at Joshua. “Namatay talaga si Sirius noong dalawampung taon na ang nakalipas; ako mismo ang naglibing sa kanya.” “Isang mabait na bata si Sirius, at lagi niyang trinatrato si Rosalyn na parang kapatid niya. Tuwing nakakahanap siya ng magandang bagay, lagi niya itong pinapakita kay Rosalyn. Hindi lang ‘yun…” Nagbuntong hininga si Charles. “Aksidente kong napagkamalan na si Rosalyn ay si Lucy habang lasing ako noong maraming taon na ang nakalipas… si Sirius ang unang bumugbog sakin dahil dito.” Medyo nahihiy
Hindi lang ‘yun, tila maganda pa ang impresyon nila Rosalyn at Charles kay Sirius. Hindi mailalabas ni Joshua ang video sa ganitong sitwasyon. Mga magulang ito ni Luna, na kakagaling lang mula sa malalang mga kalagayan. Hindi mabuti kung maglalabas siya ng ebidensya na nagpapahiwatig na ang malapit na kaibigan nila, na namatay na ng higit sa 20 taon na, ay pumatay ng tao. Kaya naman, walang magawa si Joshua kundi magbuntong hininga at humanap ng dahilan. “Wala. May mga nakita lang kami na may kinalaman sa kanya noong iniimbestigahan namin ang nakaraan.” Tumigin siya kay Rosalyn at idinagdag niya, “Noong una, akala ko ay buhay pa si Sirius, kaya’t gusto kong kumuha ng mas maraming impormasyon mula sa kaya, pero dahil namatay na siya ng higit sa 20 taon na…” “Iimbestigahan ko pa ito; baka mali ang natuklasan ng team ko.” Pagkatapos, tumayo siya at yumuko siya kela Rosalyn at Charles. “Sir, Ma’am, mauuna na po ako. May mga bagay pa ako na kailangan kong asikasuhin. Nandito s