Tinutuya ni Bonnie si Jim tungkol sa pagkalinlang ni Charlotte, ngunit para kay Jim, parang tinutuya niya ito tungkol sa pagkahulog sa kanya at sa mga panlilinlang ni Luna noon.Nagdilim ang kanyang ekspresyon sa sandaling napagtanto niya ito.Malamig niyang tinitigan ang nakatawang mukha ni Bonnie at napaismid siya. "Sa tingin mo ba ito ay nakakatawa?"Sa wakas ay tumigil si Bonnie sa pagtawa at sumagot, na may bahagyang nakakaawang hitsura sa kanyang mukha, "Hindi mo ba iniisip na ito ay malungkot, Jim?""Mas naaawa ako sayo." Malamig na sumulyap sa kanya si Jim at walang emosyong idinagdag, "Hindi mo pinahahalagahan ang pagkakaroon ng isang taong nagmamahal sa iyo tulad ng ginagawa ni Christopher, at sa halip, hinayaan mo ang iyong sarili sa maruming supling ng ibang lalaki."Maruming supling.Ang dalawang salitang ito ay parang mga tinik na tumutusok sa puso ni Bonnie.Kinagat niya ang kanyang labi at ibinaon ang kanyang mga kuko sa kanyang mga palad na nagsimulang sumakit a
Bilang kasalukuyang CEO ng Landry Group, hindi pinapayagan ni Jim ang kanyang mga empleyado na magdusa sa mga kahihinatnan ng kanyang pagiging pabigla-bigla.Kaya naman, nagpakawala ng hininga si Jim, pinigilan ang galit sa kanyang puso, at ngumiti kay Joshua. "Siguradong nagbibiro ka, Mr. Lynch. Bakit ko gugustuhing guluhin ang isang babaeng nasugatan na katatapos lang magpalaglag?"Kasama niyon, nagpakawala siya ng buntong hininga at lumingon kay Christopher. “Christopher, naiintindihan ko na gusto mo ang tulong ko sa pagpilit kay Bonnie na ipalaglag ang isang sanggol na hindi sa iyo, ngunit tulad ng sinabi ko, wala akong higit na kinaiinisan sa mundong ito kundi ang lokohin at gamitin ng isang tao.”"Kung alam ko lang ang totoong intensyon mo na pumunta dito, hindi na sana ako pumayag na sumama sayo."Dahil doon, tumalikod si Jim at lumakad palayo, iniwan ang maputlang mukha, hindi gumagalaw na si Christopher.Nang makitang aalis na si Jim, mabilis siyang tumayo, ngunit bago pa
Kumunot ang noo ni Luna at napaawang ang labi sa hindi pagsang-ayon nang makita ang misteryosong ekspresyon ni Joshua.Alam niyang hangga't ayaw ni Joshua na sabihin sa kanya, hindi niya malalaman ang sagot. Kaya naman, nagpasya siyang huwag nang ituloy ang tanong na ito at sa halip ay dumiretso sa itaas.Noong una, gusto niyang tingnan si Bonnie, ngunit nang mapadaan siya sa silid ni Bonnie, nakita niya mula sa isang siwang ng pinto na si Bonnie ay nakasandal sa balikat ni Sean, humihikbi.Gusto niyang pumasok sa loob at aliwin siya, ngunit...Pagkahawak pa lang ng kamay ni Luna sa doorknob ay hindi niya napigilang mag-alinlangan.Kung tutuusin, ang taong nanakit kay Bonnie ay si Jim, ang kanyang kapatid.Kahit na nawala ang mga alaala niya at na-brainwash ni Charlotte, kapatid pa rin niya ito.At saka, malaking bahagi kung paano napunta si Jim sa ganitong paraan ay kasalanan ni Luna.Kaya naman, hindi inisip ni Luna na nararapat na i-comfort niya si Bonnie sa mga oras na ito,
Nagpakawala ng hininga si Luna at sinulyapan si Joshua ng walang magawa. "Ikaw ay isang tapat na tao."Dahil doon, inilabas niya ang dalawang singsing sa drawer na pinagtataguan niya at inilagay sa palad ni Joshua. "Ang dalawang singsing na ito ang nagtataglay ng sikreto sa pagkamatay ng Aunt Lucy mo."Nanlamig ang buong katawan ni Joshua.Makalipas ang ilang segundo, tinitigan niya ang mga singsing, nakasimangot. "Paano mo nalaman ito?""Binigay sa akin ng tatay ni Malcolm na si Samuel. Buong-buo na siyang nakatuon sa simbahan ngayon, kaya hindi ko inaakala na magsisinungaling siya sa akin tungkol dito. Tsaka—"Tumayo siya, kinuha ang mga singsing kay Joshua, at inilagay sa ilalim ng lampara sa mesa. "Nakikita mo ba iyon? May dalawang chips na naka-embed sa loob ng mga singsing na ito, at hulaan ko na sa sandaling ma-unencrypt natin ang mga ito, malalaman natin ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng iyong Aunt Lucy."Bahagyang napaawang ang labi ni Joshua sa narinig. "Ito ang
Ang pamilyang Quinn?Inangat ni Luna ang ulo para mapanganga si Joshua. "Sinasabi mo na...ang pamilya Quinn ang may pananagutan sa aksidente ng Uncle Colin ko?""Oo." Bumuntong-hininga si Joshua at ipinaliwanag ang nalaman niya mula sa talaarawan ni Todd, "Inimbestigahan namin ang pagkamatay ni Heather at natuklasan na pinatay siya ng isang nagngangalang Todd, at nagkataon, ito rin ang lalaking nasangkot sa aksidente ng Uncle Colin mo.”"Hindi lang iyon, ngunit gumawa rin si Todd ng mas masahol pa..."He let out an exhale and continued, "Ninakaw niya ang katawan ng Aunt Lucy ko sa pamilya Landry at dinala sa amin."Nanlamig ang buong katawan ni Luna.Natigilan, tinitigan niya si Joshua, may gustong sabihin bilang tugon, ngunit walang lumabas na salita.Ito ay lampas sa kanyang pinakaligaw na mga panaginip.Makalipas ang mahabang panahon, kinagat ni Luna ang kanyang labi at nagpakawala ng isang buntong-hininga. "Ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon ay upang magdulot ng hindi
"Dahil isa kang skilled hacker, bakit mo itinanggi noong una kitang tanungin tungkol dito noong kasal pa lang tayo?"Naalala ni Luna na hindi nagtagal pagkatapos nilang ikasal, minsan ay nasasabik niyang tinanong si Joshua kung may alam ba ito tungkol sa mga computer dahil lagi niyang hinahangaan ang mga hacker at ang mga magaling sa computer.Gayunpaman, sa oras na iyon, tinapunan siya ni Joshua ng isang malamig na sulyap at sumagot, "Ano ang magandang tungkol sa mga hacker? Ano ang napakahusay sa pagta-type ng isang grupo ng mga code sa isang keyboard?"Ang malamig na salita ni Joshua ay parang isang balde ng tubig na pumawi sa pagnanasa ni Luna.Pagkatapos noon, hindi na siya naglakas-loob na ilabas ang parehong paksa at kinailangan niyang itago ang kanyang paghanga sa pamamagitan ng palihim na pagbabasa ng mga libro nang hindi nalalaman ni Joshua.Gayunpaman, nang bumalik siya sa tabi niya anim na taon na ang nakalilipas, nalaman ni Luna na sa totoo lang, si Joshua ay isang na
Sa loob ng video, hindi mabilang na beses na sinampal ng lalaki ang babae, ngunit hindi siya umimik na parang hindi niya maramdaman ang sakit.Ang tanging naririnig lang mula sa kanya ay ang ilang ungol sa sakit habang nagsusuka ng dugo mula sa ilan sa mga mas matitigas na sampal nito.Hindi lang iyon, malinaw na nakikita ni Luna ang isang bagay na puti sa dugo.Ito ay malamang na ... ang kanyang ngipin.Laking gulat ni Luna sa eksenang nasa harapan niya kaya hindi siya makagalaw, para siyang tinamaan ng kidlat.Kinagat niya ang labi niya at lumapit kay Joshua.Sa kabila ng nasaksihan niya noon ang pagkamatay nina Dr. Robert Jensen, Cheryl, at Heather, hindi pa rin niya maiwasang maramdaman ang tibok ng puso habang pinapanood niya ang video.Siyempre, ibang-iba ang video sa mga madugong aksidenteng nasaksihan niya noon.Nahihilo siya at nasusuka pa siya sa tuwing makakakita siya ng mga ganitong marahas na eksena, pero takot lang ang nararamdaman ni Luna sa kanyang puso habang p
“Paano nangyari ito…” Kasing edad lang ni Christopher si Jim, at bata pa lang siya noong 20 taon na ang nakalipas. Gayunpaman, ang lalaking nasa video ay kamukhang kamukha niya! Kumunot ang noo ni Joshua at tumitig siya sa screen. Kahit na kamukha ng lalaking nakasuot ng itim si Christopher, ang tingin at kilos niya ay mas nakakakilabot kumpara kay Christopher. “Ito ang leksyon mo para hindi mo na akitin ang ibang lalaki. Ang lakas ng loob mo para agawin ang fiance ng Rosie ko mula sa kanya.” Ngumisi ang lalaki at sinabi nito ng malamig habang nakahawak sa baba ni Lucy. “May ideya ka ba kung ano ang pinagdaanan ni Rosie sa dalawang taon na kasal kayo ni Charles?” “Nagkaroon siya ng depresyon dahil sa inyong dalawa! Kasalanan niyo ang lahat ng ito!” Habang nakaluhod sa kama, lumingon si Lucy para tumitig ng malamig sa lalaki. “Alam ba ni Rosalyn ang tungkol dito? Sa tingin mo ba ay papatawarin ka niya kapag natuklasan niya kung ano ang ginawa mo para sa kanya?” Tumayo ng d
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya