Tumingin ng malamig si Luna kay Natasha. “Hindi po ba’t ayaw niyo pumasok kanina?”Walang masabi si Natasha.Hindi nagtagal, nagbuntong hininga siya, kinuha niya ang handbag at umalis siya.Bang!Sumara ang pinto.Sa sandali na umalis si Natasha, hindi napigilan ni Luna ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.Lagi niyang inuuna ang pamilya niya. Sinisi niya ang sarili niya dahil hindi siya nagparamdam sa pamilya niya mula sa ibang bansa.Kahit dati pa, alam niya na hindi siya mauunawaan ni Natasha, at sinisi niya si Luna sa pagiging malayo ng mahabang panahon. Ngunit, nang marinig niya na hindi masyado bumigat ang loob ni Natasha nung nawala siya, namulat ang mga mata ni Luna. Walang tao ang may gusto sa kanya nung simula pa lamang.Wala.Ang pamilya niya, ang kasintahan niya… Lahat sila ay mahal si Aura.“Mommy, nandito pa rin po kaming tatlo.” hindi alam ni Luna kung kailan tumayo si Neil sa likod niya.Inabot niya ang daliri ni Luna, mahina pero determinado ang boses n
Pumasok sina Neil, Nellie, at Luna sa kotse.Umupo si Neil sa harap ng passenger seat habang nakaupo sa likod sila Luna at Nellie, nakaupo sa tabi ni Joshua.Eleganteng sumandal si Joshua sa upuan ng may maliit na ngiti. “Bigla kong napansin na kamukha mo rin pala si Nellie.”Biglang tumigas ang katawan ni Luna, at medyo nagbago rin ang ekspresyon ni Nellie.“Magkamukha po ang lahat ng magandang mga babae.” Habang nakaupo si Neil sa harap, sinuot niya ang seat belt at sumandal siya ng elegante.“Magkamukha po lahat ng magandang mga tao, pero ang mga pangit po ay pangit sa kanya kanyang paraan.”Halos mapatawa si Lucas sa mga sinabi ni Neil.Gumaan rin ang loob nila Luna at Nellie.Samantala, tumawa ng mahina si Joshua. “Totoo ‘yun, pero…”Kaswal na sumulyap si Joshua kay Luna. “Kamukha pa rin ni Nellie ang asawa ko, si Luna Gibson.”Inayos ni Luna ang sarili niya at ngumiti siya kay Joshua. Syempre po.”Kung sabagay, iba na ang itsura niya mula sa dating niyang sarili.“Nel
Akala ni Luna na kapag inannounce ni Joshua ang katayuan niya sa harap ng lahat, magaganap ito sa isang company conference sa umaga o sa iba pang lugar.Ang hindi niya inaasahan ay ang mga tao mula sa upper management ay ihahanda ang kanilang mga sarili sa Lynch Group Tower pagdating ng kotse.Ang lahat ng staff at mga executive ay nakapila sa dalawang tabi ng entrance, binuksan ang daan sa gitna.Habang nakatingin mula sa kotse, ang dalawang gilid ng red carpet ay mga taong nakasuot ng itim.Ito ang unang pagkakataon na makita ni Luna ang isang malaking paghahanda.Lumingon siya at tumingin sa titig ni Joshua.“Ito ang paraan kung paano sinasalubong ang mahalagang mga bisita ng group,” ang kalmadong sinabi ni Joshua ng mababang boses.Walang masabi si Luna.Hindi naman kailangan maging ganito kapormal, hindi ba?Sa mga sandaling ito, may taong kumatok sa pinto ng kotse.Tumayo si Courtney sa labas habang nakangiti. Nakasuot siya ng pink na dress, ang mahaba niyang buhok ay n
Pinanood ng lahat kung paano kinarga ni Joshua si Luna sa lobby at papunta sa loob ng elevator, papunta sa President’s office sa pinakamataas na palapag.Parang hindi totoo ang lahat para kay Luna nang dumikit ang paa niya sa sahig. Parang isa itong panaginip, ngunit isa itong masamang panaginip.Kung sabagay, sa panaginip, kinarga rin ni Joshua si Luna Gibson, pero sa katotohanan, karga ni Joshua ang kasalukuyan na Luna.“Bibigyan ba kita ng oras para mag isip?”Bumalik sa katotohanan si Luna dahil sa mababa at malamig na boses ni Joshua, at agad siyang bumalik sa sarili nang makita niya ang malamig na mga mata ni Joshua.Ngumiti siya ng awkward. “Medyo nabigla lang ako. Nagpapanggap lang tayo, pero hindi ko inaasahan na malaking bagay pala ito.”Dumilim ang mga mata ni Joshua. Sinadya niya ito.Dahil nagpapanggap lang si Joshua para makuha ang atensyon ni Luna Gibson at bumalik ito sa kanya ng madaling panahon, dapat niya talaga itong pagselosin.Nung nawala si Luna Gibson da
Nanahimik ang buong design department dahil sa mga sinabi ni Luna. Naging pangit ang ekspresyon ng mga katrabaho niya.Talaga ngang pinupuri at inuuto nito si Courtney kagabi kasama si Shannon. Kung sabagay, kakilala ng Design Director si Courtney, at malapit sila sa isa’t isa.Bigla lamang sumulpot si Luna; walang nakakaalam ng background niya. Isang taong ganito ay isang panganib para sa kanila! “Hindi ko inaasahan na may tao pala na ipinagmamalaki ang pagiging isang kapalit.” nakasandal si Shannon sa tabi ng pinto ng opisina at tumingin siya ng mayabang kay Luna. “Kaya pala ang yabang mo. May suporta ka ng tao na hindi namin pwedeng galitin.”“Alam mo rin na hindi mo siya pwedeng galitin?” ngumiti si Luna. “Higit pa dito, wala namang sinabi si Joshua na kapalit ako ng kahit na sino, hindi ba? Paano kung gusto talaga ako ni Joshua?”“Nagsisinungaling ka!” Balisa na tumuro ang isang staff kay Luna at nagalit ito, “Tunay ang pagmamahal ni President Lynch sa ex-wife niya! Malalim
Bang!Sinara ang pinto at tinulak ng malakas si Luna sa malamig na pinto.Sinakal ni Joshua si Luna ng may malamig na tingin. “Sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob na magkalat ng tsismis tungkol sa akin?”Halos hindi makahinga si Luna habang naubos ang hangin sa baga niya. Pilit niyang magsalita, “Sinasabi ko lang naman po ang iniisip ko.”Tumingin ng masama si Joshua kay Luna, naging mas malamig ang titig niya. “Sa tingin mo ay na-engage ako kay Aura dahil gusto ko siya?”“Ano pa po ba?” tumingala si Luna at tumingin siya ng determinado. “Sinabi ko na po kanina. Maraming paraan para alagaan ng isang tao, at hindi naman po kailangan na ma-engage ka sa kanila.”Noong nasa ibang bansa si Luna, nakahanap siya ng maraming dahilan sa pag uugali ni Joshua. Sinubukan niyang humanap ng paraan para alamin na nagkakamali lang siya. Gusto niyang humanap ng rason para kay Joshua!May pag asa siya dati, kahit gaano kaliit, nangangarap na hindi ito ginawa ni Joshua, na wala siyang relasyon
Ibinaba ni Joshua ang ulo at eleganteng inayos ang gusot niyang damit. "Hayaan mo siyang maghintay ng ilang minuto pa," mataray niyang sabi. "Malapit na akong bumaba.""Opo, Sir."Nang marinig ang mga yabag ni Lucas na papaalis, sumandal sa pinto ang pagod na si Luna at huminga ng malalim.Nang matauhan siya ay naayos na ni Joshua ang sarili, na nakatayo na sa harapan niya.Tinitigan siya nito ng may pag-aalinlangan. Napakalamig ng boses niya. “Sana hindi na mangyari ang bagay na ito sa pangalawang pagkakataon. Maaari mong galitin ang sinumang gusto mo sa kumpanyang ito maliban sa akin."Pagkatapos ay tumalikod na siya para umalis nang ibinuka ni Luna ang kanyang mga braso, nakaharang sa dinadaanan ni Joshua.“May iba ka pa bang kailangan?” Nagsalubong ang kilay ni Joshua na hindi masaya.“Oo.” Huminga ng malalim si Luna at inangat ang ulo. "Kung hindi ako nagkakamali, sinabi mo na ako ay isasama mo ngayon sa tanghalian nung nasa design department tayo , hindi ba?"“Hmm.” Bahag
Nakita ni Joshua ang poot sa mga mata ni Luna nang banggitin niya si Aura.Kakatwa, hindi talaga sila nagkrus ang landas ni Aura. Ang tanging pagkakataon lang ay noong tagapaglingkod pa si Luna sa Blue Bay Villa.Dahil ba kay Nellie?Wala ring relasyon si Luna kay Nellie—sila ay isang katulong at isang amo. Hindi siya naniniwalang ang isang calculative na babae na tulad ni Luna ay masusuklam ng husto kay Aura dahil lang kay Nellie."Ako ang nagmumungkahi ng deal ngayon, Mr. Lynch, hindi ang kabaligtaran." Napaiwas ng tingin si Luna, ayaw niyang salubungin ang matalim niyang titig. "Ang kailangan mo lang sabihin ay kung sumasang-ayon ka sa deal o hindi."Tiningnan ni Joshua ang halos walang bahid na mukha ni Luna. Bahagya niyang pinagsalubong ang mga kilay.Maya-maya, marahan siyang tumango.Bahagyang tumawa si Luna. Nilagpasan niya si Joshua at lumabas. “Salamat, Mr. Lynch. Sasamahan kita sa tanghalian. Papayag din ako sa lahat ng hihingin mo ngayong linggo."“Mabuting panindig
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya