Biglang pinakopya si Luna ng isang dokumento ng may higit sa 10,000 salita gamit ang sulat kamay.Nabigla siya nang matanggap niya ang dokumento. Walang relasyon ang dokumento sa jewelry design o sa panuntunan ng design department.Ito ang rules and regulations ng kumpanya, at halos 20,000 na salita ito.Nilapag ni Shannon ang dokumento sa harap niya, binigyan siya ng instructions, at umalis na ito.“Ipasa mo bago ka umalis ngayong araw.”“Wow.” tinulak pataas ni Bonnie ang salamin niya at sinuri niya ito. “May nasa 20,000 na salita ka. Maliban sa lunch break, may limang oras ka pa. Kailangan mong magsulat ng 60 na salita bawat minuto.”Imposible itong gawin!Tinabi ni Bonnie ang phone niya.“Kakaiba ito. Wala kang ginawang masama ngayong araw, at hindi ka rin pinagalitan ng president. Bakit ka biglang pinapahirapan ng director?”Kalmadong naghanap ng pen at papel si Luna para magsimula na siya. “Baka ang president ang nagpagawa sa akin nito.” ngumiti siya ng maliit.Nung lum
Pagkatapos, tumingin ng mayabang si Shannon kay Luna. “Akala ko naman may magaling na tayong staff na kayang kumuha ng mungkahi ng president; sa huli pinaglalaruan ka niya lang pala. Pinagbabayad ka lang niya.”Uminom ng tsaa si Shannon pagkatapos itong sabihin. “Kung ako sayo, nagresign na lang ako at umuwi na agad ng tanghali. Halatang hinahanapan ka niya ng mali. Paano mo natitiis? Wala ka bang respeto sa sarili mo? Hindi ka ba nahihiya?”Gusto nang umalis ni Luna, ngunit pinigilan siya ni Shannon.Tumalikod siya at sumulyap siya ng malamig kay Shannon. “Dahil lang pinapahirapan ako at sumusunod ako, wala na agad akong hiya?”Umupo ng mas komportable si Shannon habang pinapaikot niya ang pen sa kanyang kamay. Tumingin siya ng tamad at mayabang kay Luna. “Ano pa ba?”“Kayo ang magsabi.” kinuha ni Luna ang mga dokumento na kinopya niya ng sulat kamay at tumingin siya ng malupit. “Limang beses nang binalik ni Mr. Lynch ang design proposal niyo, pero bakit niyo pa rin uulitin ng an
“Pwede bang patingin?” tumuro si Courtney sa mga dokumento sa mesa at tinanong niya ng magalang.Huminto si Luna ng ilang saglit. Pagkatapos, kinuha niya ang tasa ng tsaa at uminom siya dito. “Sige lang.” Hindi maganda ang sulat kamay ni Luna, ngunit hindi rin ito pangit.Ang rules and regulations ng kumpanya ay hindi isang kumpidensyal na dokumento ng kumpanya, kaya’t pwede itong tingnan ni Courtney kahit kailan niya gusto.“Salamat!” ngumiti si Courtney, kinuha niya ang dokumento, at binuklat niya ito.“Wow, ang ganda ng sulat kamay mo!” binuklat ito ni Courtney habang tinanggal niya ang dokumento mula sa folder nito, nagpanggap siya na nabibighani siya sa sulat kamay ni Luna.Sumimangot si Luna at tumingin siya kay Courtney, wala siyang sinabi.Nung dinala ng mga janitor ang timba palagpas kay Courtney, naalog ang kamay niya at nahulog niya ang lahat ng papel na may sulat kamay ni Luna papunta sa timba.Agad nabura ng maduming tubig ang mga sulat sa puting mga papel.Napatal
Sinasadya ito ni Luna.Puno ng kasinungalingan si Joshua. Palagi niyang sinasabi na gusto niyang bumalik si Luna Gibson, pero gusto niya lang na mawala na ito ng tuluyan, hindi ba?Ang sinabi ni Luna ay sapat na dahilan na para tumigil sa pagpapanggap si Joshua.Naging tahimik sa loob ng opisina ng ilang segundo, at pagkatapos ng ilang saglit, ngumiti si Joshua. “May punto ka.”Galit lang si Luna Gibson kay Joshua. Hindi niya ito mahal. Kung hindi bumalik si Luna Gibson kahit ano man ang gawin ni Joshua, ibig sabihin ay tama ang mungkahi ni Luna. Kung kailangan niya ng babae para magpanggap, at least hindi hindi nakakadiri si Luna para kay Joshua.Higit pa dito, ang nangyari nung gabing ‘yun ay kasalanan talaga ni Joshua. Trinato niya si Luna na parang kapalit ni Luna Gibson. Hindi niya pinanagutan ang ginawa niya.Dahil gusto magpatuloy ni Luna sa pagkakakilanlan na ito at tumabi kay Joshua para kunin ang mga sikreto ng kumpanya, ibibigay na ni Joshua ang pagkakataong ito.Ito
Kalmadong binuklat ni Joshua ang mga dokumento. “Pagkatapos silang palitan, alamin niyo na kailangan natin ang dalawa sa mga dating gwardya na tumulong kay Aura. Bantayan niyo ang dalawa. Pagkatapos, tingnan niyo ang background nila.”Napahinto si Lucas ng ilang saglit; naintindihan niya ang binabalak ni Joshua. Huminga siya ng malalim at tatalikod na siya para umalis.“Sandali lang.” tumuro si Joshua sa mga dokumento na basang basa. “Mag utos ka na patuyuin ito, at tawagin mo ang mga eksperto para ikumpara ulit ang mga sulat kamay.”Nabigla si Lucas. “Nasa... masamang kondisyon na po ito. Nagdududa po ako na wala na pong magagawa ang mga eksperto dito, hindi po ba?”Tumingin si Joshua ni Lucas. “Alam na nila ang gagawin nila.”Guni guni man lang ‘to o hindi, naramdaman ni Joshua na kahit na nabura ang mga sulat, ito ay… mas mukhang sulat kamay ni Luna Gibson.…“Courtney, tumigil ka na sa pag iyak.”Nung bumalik si Luna sa design department at pagpasok siya, nakita niya ang il
Namutla ang mukha ni Shannon dahil sa mga sinabi ni Luna.Nawala na ang elegante na itsura ng mukha ni Shannon. Agad niyang pinagalitan si Luna, “Sino ka ba sa tingin mo? Ang lakas ng loob mo na sermonan ako. May alam ka ba sa mga alahas at sa design? Ang lakas ng loob mo para punahin ang design department namin? Isang intern ka lang. Ano ang alam mo? Sa tingin mo ba ikaw ang sikat na jewelry design na si Moon? Sa tingin mo ba may bigat ang mga salita mo?”Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Luna, medyo nagulat siya nang mabanggit ang dati niyang alias.“Luna.” suminghot si Courtney at naglakad siya palapit ng mapagkumbaba. Sinabi niya habang namumula ang mga mata, “Pwede mo ba akong pagbigyan? Kapag hindi mo ako pinagbigyan, hindi ko na masasagot ang president.”“Sige, pagbibigyan kita.” nangutya si Luna at tumuro siya kay Shannon. “Kapag pinaluhod at pinahingi mo siya ng tawad sa akin ng tatlong daan na beses.”Lumaki sa galit ang mga mata ni Shannon. “Managinip ka!”“Managinip n
Sumakit lang ito ng kaunti nung kinopya ni Luna ang mga dokumento kanina.“Pinarusahan po ako ni Mr. Lynch kagabi. Sinigawan rin po ako ni Mr. Quinn kanina.” tumaas ang ulo ni Lily. “Alam ko po na ako ang may kasalanan.”Huminto ng ilang saglit si Luna bago niya tinapik ng mahina ang balikat ni Lily. “Alam ko na wala kang masamang intensyon. ‘Wag mo silang pansinin; naiintindihan ko. Pagbibigyan pansin ko ang problemang ito sa susunod. Mas madalas ko na ring tatawagan si Malcolm.”Nabigla si Lily, hindi niya inaasahan na ganito ang isasagot ni Luna. Sa sobrang pagkabigla niya ay wala siyang masabi.Nagbuntong hininga si Nellie at hinalikan niya si Luna sa pisngi. Pagkatapos, tumalikod siya para kunin ang kamay ni Lily. “Lily, tara na!”Nang makita ni Neil na sinusundo na si Nellie, medyo kumunot ang noo niya. “Bakit sobrang bait niyo po sa kanya?”“Sino ba ang hindi nagkakamali?” nagbuntong hininga si Luna at humawak siya sa kamay ni Neil. “Inalagaan niya kayong tatlo nung nasa i
“Ma’am, pumasok muna po tayo para mag usap.” napansin ni Neil ang pangit na ekspresyon sa mukha ni Luna, kaya’t lumapit siya kay Natasha at hinila niya ang manggas nito. “Marami pong tao sa maliit na lugar na ‘to, at baka marinig po ng mga kapitbahay. Mas mabuti po kung sa loob na lang po tayo mag usap!”Kumunot ang noo ni Natasha at gusto niya sanang tumanggi kay Neil nang makita niya ang malapitan ang mukha nito.Ang mukhang ito...Bigla niyang naisip si Luna Gibson nung bata pa siya. Ang aura ng batang ito, ang amoy, at ang malaki at kumikislap na mga mata nito ay parang kay Luna Gibson nung bata pa siya.Nawala ang lahat ng iniisip ni Natasha nang makita niya ang batang ito.Pagkatapos ang ilang saglit, nagbuntong hininga si Natasha at hinayaan niya na papasukin siya ni Neil.Walang pinag-iba sa iba ang labas ng bahay. Ang hindi inaasahan ni Natasha ay ang loob ng bahay, may simple at malinis na dekorasyon, may mga bakas ng sunog sa pader at sa kisame.Kahit na pininturahan