Palihim na tinititigan ng lahat si Luna mula sa gilid ng kanilang mga mata nang bumalik siya sa design department, sinusubukang makita ang pagkabigo sa kanyang mukha matapos siyang pagsabihan ng kanilang pangulo.Gayunpaman, wala silang nakita.Kalmadong dinala ni Luna ang tumpok ng mga dokumento pabalik sa kanyang mesa.Si Bonnie, katabi ni Luna, ay itinulak pataas ang kanyang salamin habang tinitingnang mabuti si Luna. "Natuloy ba ang proposal?"Pagtingin kay Luna, parang hindi siya napagalitan.Ang ilang mga taga-disenyo ay nagpunta sa opisina ng pangulo at bumalik na may dinanas na pagbulyaw bago pa pumunta si Luna.Ang ilan na may marupok na ego ay pumasok nang buong kumpiyansa at bumalik lamang na lumuluha.Ayon sa mga sabi-sabi, hindi nawawalan ng galit si Joshua, ang pangulo. Gagamitin lamang niya ang kanyang nakamamatay na malamig na mga titig. Sobrang nakakatakot na awtomatiko nilang aminin ang kanilang mga pagkakamali.Ang bawat babae na pumunta sa opisina ng pangulo
Gayunpaman, hindi lang sa hindi siya nahiya dahil dito, ipinagmamalaki niya pa ito?Naintindihan na ni Luna kung bakit ang isang simpleng jewelry design proposal ay kailangan pang baguhin ng higit sa limang beses.Mukhang ang mga designer sa design department… ay walang puso para sa pag dedesign.“Ang galing mo naman.” Pagkabalik ni Luna sa kanyang mesa, nginitian siya ni Bonnie at binigyan siya nito ng isang piraso ng chewing gum.“Ikaw pa lang ang tao sa department natin na hindi pinagalitan ni president at hindi ka rin natakot ng sobra. Nagdala ka pa ng isang piraso ng papel na may sulat kamay ng president! Mukhang hindi ka na magiging intern lang!”Hindi alam ni Luna kung tatawa siya o iiyak. Sinubo niya ang piraso ng chewing gum. “Nagbibiro ka siguro.”“Hindi! Kilala ang president natin sa pagiging istrikto niya. Walang kayang lumapit sa kanya. Ginagawang pagkakataon ng mga president ng ibang kumpanya na mapunta sa isang relasyon ng empleyado nila, pero ang president natin?
Biglang pinakopya si Luna ng isang dokumento ng may higit sa 10,000 salita gamit ang sulat kamay.Nabigla siya nang matanggap niya ang dokumento. Walang relasyon ang dokumento sa jewelry design o sa panuntunan ng design department.Ito ang rules and regulations ng kumpanya, at halos 20,000 na salita ito.Nilapag ni Shannon ang dokumento sa harap niya, binigyan siya ng instructions, at umalis na ito.“Ipasa mo bago ka umalis ngayong araw.”“Wow.” tinulak pataas ni Bonnie ang salamin niya at sinuri niya ito. “May nasa 20,000 na salita ka. Maliban sa lunch break, may limang oras ka pa. Kailangan mong magsulat ng 60 na salita bawat minuto.”Imposible itong gawin!Tinabi ni Bonnie ang phone niya.“Kakaiba ito. Wala kang ginawang masama ngayong araw, at hindi ka rin pinagalitan ng president. Bakit ka biglang pinapahirapan ng director?”Kalmadong naghanap ng pen at papel si Luna para magsimula na siya. “Baka ang president ang nagpagawa sa akin nito.” ngumiti siya ng maliit.Nung lum
Pagkatapos, tumingin ng mayabang si Shannon kay Luna. “Akala ko naman may magaling na tayong staff na kayang kumuha ng mungkahi ng president; sa huli pinaglalaruan ka niya lang pala. Pinagbabayad ka lang niya.”Uminom ng tsaa si Shannon pagkatapos itong sabihin. “Kung ako sayo, nagresign na lang ako at umuwi na agad ng tanghali. Halatang hinahanapan ka niya ng mali. Paano mo natitiis? Wala ka bang respeto sa sarili mo? Hindi ka ba nahihiya?”Gusto nang umalis ni Luna, ngunit pinigilan siya ni Shannon.Tumalikod siya at sumulyap siya ng malamig kay Shannon. “Dahil lang pinapahirapan ako at sumusunod ako, wala na agad akong hiya?”Umupo ng mas komportable si Shannon habang pinapaikot niya ang pen sa kanyang kamay. Tumingin siya ng tamad at mayabang kay Luna. “Ano pa ba?”“Kayo ang magsabi.” kinuha ni Luna ang mga dokumento na kinopya niya ng sulat kamay at tumingin siya ng malupit. “Limang beses nang binalik ni Mr. Lynch ang design proposal niyo, pero bakit niyo pa rin uulitin ng an
“Pwede bang patingin?” tumuro si Courtney sa mga dokumento sa mesa at tinanong niya ng magalang.Huminto si Luna ng ilang saglit. Pagkatapos, kinuha niya ang tasa ng tsaa at uminom siya dito. “Sige lang.” Hindi maganda ang sulat kamay ni Luna, ngunit hindi rin ito pangit.Ang rules and regulations ng kumpanya ay hindi isang kumpidensyal na dokumento ng kumpanya, kaya’t pwede itong tingnan ni Courtney kahit kailan niya gusto.“Salamat!” ngumiti si Courtney, kinuha niya ang dokumento, at binuklat niya ito.“Wow, ang ganda ng sulat kamay mo!” binuklat ito ni Courtney habang tinanggal niya ang dokumento mula sa folder nito, nagpanggap siya na nabibighani siya sa sulat kamay ni Luna.Sumimangot si Luna at tumingin siya kay Courtney, wala siyang sinabi.Nung dinala ng mga janitor ang timba palagpas kay Courtney, naalog ang kamay niya at nahulog niya ang lahat ng papel na may sulat kamay ni Luna papunta sa timba.Agad nabura ng maduming tubig ang mga sulat sa puting mga papel.Napatal
Sinasadya ito ni Luna.Puno ng kasinungalingan si Joshua. Palagi niyang sinasabi na gusto niyang bumalik si Luna Gibson, pero gusto niya lang na mawala na ito ng tuluyan, hindi ba?Ang sinabi ni Luna ay sapat na dahilan na para tumigil sa pagpapanggap si Joshua.Naging tahimik sa loob ng opisina ng ilang segundo, at pagkatapos ng ilang saglit, ngumiti si Joshua. “May punto ka.”Galit lang si Luna Gibson kay Joshua. Hindi niya ito mahal. Kung hindi bumalik si Luna Gibson kahit ano man ang gawin ni Joshua, ibig sabihin ay tama ang mungkahi ni Luna. Kung kailangan niya ng babae para magpanggap, at least hindi hindi nakakadiri si Luna para kay Joshua.Higit pa dito, ang nangyari nung gabing ‘yun ay kasalanan talaga ni Joshua. Trinato niya si Luna na parang kapalit ni Luna Gibson. Hindi niya pinanagutan ang ginawa niya.Dahil gusto magpatuloy ni Luna sa pagkakakilanlan na ito at tumabi kay Joshua para kunin ang mga sikreto ng kumpanya, ibibigay na ni Joshua ang pagkakataong ito.Ito
Kalmadong binuklat ni Joshua ang mga dokumento. “Pagkatapos silang palitan, alamin niyo na kailangan natin ang dalawa sa mga dating gwardya na tumulong kay Aura. Bantayan niyo ang dalawa. Pagkatapos, tingnan niyo ang background nila.”Napahinto si Lucas ng ilang saglit; naintindihan niya ang binabalak ni Joshua. Huminga siya ng malalim at tatalikod na siya para umalis.“Sandali lang.” tumuro si Joshua sa mga dokumento na basang basa. “Mag utos ka na patuyuin ito, at tawagin mo ang mga eksperto para ikumpara ulit ang mga sulat kamay.”Nabigla si Lucas. “Nasa... masamang kondisyon na po ito. Nagdududa po ako na wala na pong magagawa ang mga eksperto dito, hindi po ba?”Tumingin si Joshua ni Lucas. “Alam na nila ang gagawin nila.”Guni guni man lang ‘to o hindi, naramdaman ni Joshua na kahit na nabura ang mga sulat, ito ay… mas mukhang sulat kamay ni Luna Gibson.…“Courtney, tumigil ka na sa pag iyak.”Nung bumalik si Luna sa design department at pagpasok siya, nakita niya ang il
Namutla ang mukha ni Shannon dahil sa mga sinabi ni Luna.Nawala na ang elegante na itsura ng mukha ni Shannon. Agad niyang pinagalitan si Luna, “Sino ka ba sa tingin mo? Ang lakas ng loob mo na sermonan ako. May alam ka ba sa mga alahas at sa design? Ang lakas ng loob mo para punahin ang design department namin? Isang intern ka lang. Ano ang alam mo? Sa tingin mo ba ikaw ang sikat na jewelry design na si Moon? Sa tingin mo ba may bigat ang mga salita mo?”Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Luna, medyo nagulat siya nang mabanggit ang dati niyang alias.“Luna.” suminghot si Courtney at naglakad siya palapit ng mapagkumbaba. Sinabi niya habang namumula ang mga mata, “Pwede mo ba akong pagbigyan? Kapag hindi mo ako pinagbigyan, hindi ko na masasagot ang president.”“Sige, pagbibigyan kita.” nangutya si Luna at tumuro siya kay Shannon. “Kapag pinaluhod at pinahingi mo siya ng tawad sa akin ng tatlong daan na beses.”Lumaki sa galit ang mga mata ni Shannon. “Managinip ka!”“Managinip n
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya