Paglabas ng cafe, gumaan ang loob ni Luna. Bago pa siya pumunta sa cafe, naisip ni Luna na hihiling si Charlotte ng mahirap na bagay. Hindi niya inaasahan na ang gusto ni Charlotte sa mga sandaling ‘yun ay para bumalik ang itsura niya, ngunit naisip ni Luna na hindi pagbibigyan ni Jim si Charlotte sa ginawa nito dati at hindi rin makikipag balikan si Jim kay Charlotte, kahit na maganda na ito. Gayunpaman, ang papasukin si Charlotte sa warehouse ng nanay niya para makuha ang gamot na nagpapagaling ng balat ay hindi mahirap gawin. Kung sabagay, minsang sinabi ng butler na ginamit na ang mga nakakamatay na gamot sa warehouse ng nanay niya. Kahit na ang mga natitirang gamot ay nakakalason, hindi nito kayang pumatay ng isang tao. Pati, sinabi ni Charlotte na dinala na siya ng nanay ni Luna sa warehouse dati, naaalala pa rin ang dami ng gamot na nagpapagaling ng balat. Hindi magiging mali ang pagkakaalam niya dito. Habang nagiisip, nakarating na si Luna sa Landry Mansion. Nang pu
“Kaya… sinabi mo na gusto mong pakasalan si Bonnie. Ito ba ay dahil kay Harvey o dahil gusto mo talaga siya?” Tumaas ang mga kilay ni Jim at tumingin siya kay Luna. “Sa tingin mo ba ay isasakripisyo ko ang sarili ko dahil sa gusto ni Harvey?” Nagbuntong hininga si Jim at nagpatuloy siya, “Isang mabuting babae si Bonnie.” Kahit na sinabi niya na ang anak nila Luna at Joshua ay sa kanya at sinabi niya kay Bonnie na alagaan ang anak niya, hindi na nagtanong pa si Bonnie, at ayos lang din kay Bonnie. Inalagaan pa ni Bonnie si Shelly. Paanong hindi nararamdaman ni Jim ang tiwala at damdamin ni Bonnie para sa kanya? Pati, ang impresyon na ipinakita ni Bonnie sa kanya ay iba kumpara sa lahat ng babaeng nakilala niya dati. Gusto niyang protektahan at mahalin si Bonnie. Kahit na sinabi ni Jim na gusto niya si Bonnie, halata din sa mga mata niya ang pagmamahal. Ang mga mata ng isang taong in love ay hindi kayang itago. Hindi na nagtanong pa si Luna. Kinuha niya ang fruit juice at i
Nabigla ang butler. Hindi niya inaasahan na itatanong ni Luna ang tungkol sa warehouse ni Rosalyn. Pagkatapos ng ilang sandali, mabait na inulit ni Luna ang tanong niya. Umubo ng mahina ang butler. “Ang warehouse po ni Ma’am ay nasa loob ng isang kweba sa likod ng main mansion, pero ito po ang pribadong lugar niya. Lagi po itong binabantayan ni Mickey. Wala pong nakakapasok dito ng basta basta.” Kalmadong sumagot si Luna, “Alam ba ni Mickey ang mga epekto ng bawat gamot sa loob warehouse? Gusto ko ang gamot na para sa balat.” Dahil walang nakakapasok ng basta basta, ayos lang para makuha ang gamot na gusto ni Charlotte, hindi ba? Nagdalawang isip ang butler bago ito umiling. “Hindi rin po siya sigurado dito. Ang lahat po ng gamot sa warehouse ay nilagyan ng numero at nilagay ni Ma’am. Si Ma’am lang po ang nakakaalam kung anong numero ang gamot na ‘yun.” Tumingin ng seryoso ang butler kay Luna at sinabi niya, “Ms. Luna, kung may gusto po kay ng gamot na para sa balat, mara
Habang may suot na cap at mask, tumayo si Charlotte sa entrance ng mansion. Tumingin siya sa magandang gusali at naramdaman niya na may naipit sa lalamunan niya. “Nakabalik na ako.” Nakabalik na rin siya. Anim na taon na ang nakalipas. Noon, siya ang nobya ni Jim, at siya na ang magiging isa sa pinaka makapangyarihan na tao sa pamilya Landry. Gayunpaman, pagkatapos ng isang test, natuklasan niya na baog siya. Para pilitin niya na magpakasal sa kanya si Jim pati na rin ang itago ang katotohanan na hindi niya kayang magkaroon ng anak, sinetup niya si Jim. Habang nasa isang business trip sila papunta sa Banyan City, nabuntis ang babae kay Jim. Lumala ang sitwasyon para kay Charlotte nang masira niya ang sarili niya dahil hindi siya nag ingat. Gayunpaman; nakabalik na rin siya sa Landry Mansion. Huminga ng malalim si Charlotte, ngumiti siya, at tumingin siya sa tanawin sa harap niya. “Makukuha ko na ang mga gusto ko ngayon,” Sinabi niya ito sa sarili niya. Sa mga oras na ‘y
Napatalon si Luna, natakot siya kay Jim na nasa likod niya. Nataranta siya at napatingin siya sa direksyon kung saan umalis ang kotse ni Charlotte, at pagkatapos ay nahihiya siyang tumingin kay Jim. “Jim! K—Kailan ka pa dumating?” “Nang gumawa ka ng kasunduan kay Charlotte na makipagkita sa kanya pagkatapos mo bumalik mula sa Banyan City.” Sumandal ang matangkad na katawan ni Jim sa pinto, puno ng lamig ang mga mata niya habang nakatingin siya sa mukha ni Luna. “Hindi ba’t binalaan na kita dati na ‘wag mo nang kausapin ang mga tao na tulad ni Charlotte? Hindi mo lang binalewala ang babala ko, kausap mo pa rin siya at dinala mo pa siya sa bahay.” Kinagat ni Luna ang labi niya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya ngayon. Gusto niyang sabihin kay Jim ang tungkol sa bata. Naniniwala siya na kung alam ni Jim ang problema niya kaya’t dinala niya si Charlotte sa Landry Mansion, maiintindihan ni Jim ang sitwasyon niya. Gayunpaman, hindi niya ito pwedeng sabihin kay Jim.
Pagsapit ng tanghali, dumating na ang eroplano sa Banyan City Airport. Pagbaba ng eroplano, nalungkot si Luna nang makita niya ang mga naglalakad na tao. Sa higit sa nakalipas na isang taon, sumakay din siya mula Merchant City papuntang Banyan City. Noon, dala niya sina Neil at Nellie, puno siya ng pag alala kay Nigel at pagkamuhi kay Joshua. May plano siya para sa lahat, ngunit nang muli siyang bumalik sa tabi ni Joshua, nawalan ng kontrol ang lahat. Napuno siya ng mga alaala ng nakaraan. Naramdaman niya na nanatili sa dati ang lahat, ngunit nagbago rin ang lahat. Kung sabagay, noong nakalipas na isang taon, kahit anong mangyari, hindi inaasahan ni Luna na siya ang magiging tagapagmana ng pamilya Landry. Hindi niya rin inaasahan na magiging ganito si Joshua. "Luna!" Sa exit, si John at ang buntis na si Anne ay kumaway sa kanya ng sabik. “Dito!” Nang marinig ang pamilyar na boses, huminga ng malalim si Luna habang puno ng pagkasabik. Hinila niya ang bagahe niya at lum
Sa oras na napansin ni Luna si Joshua, napansin din ito ni John. Agad niyang binati si Joshua. “Mr. Lynch!” Umalis ng trabaho si John pagkatapos magpakasal kay Anne, nagsimula siya ng maliit na negosyo sa Banyan City. Walang ideya si John kung bakit maganda ang trato sa kanya ni Joshua, at akala niya pa ay dahil ito kay Luna. Ano man ito, sa nakalipas na kalahating taon, maganda ang pag unlad ng negosyo ni John. Kahit na hindi malaki ang negosyo niya, ang negosyo niya ay naging isa sa mga partner ng Lynch Group, at malaking karangalan ito. Kaya naman, nang makita ni John si Joshua, kahit na alam niya na hindi magkasundo sina Joshua at Luna, binati niya pa rin si Joshua. May ugat na lumabas sa noo ni Luna. Gusto niyang magpanggap noong una na hindi niya nakita si Joshua at aalis siya kasama ang lahat. Sa mga sandaling ito, binati ni John si Joshua, kaya’t hindi na pwedeng magpanggap si Luna na hindi niya na napansin si Joshua. "Mr. Young." Habang nag iisip si Luna sa probl
Gayunpaman, kahit gaano kabait at matulungin ang mga katulong ni Luna, hindi sila ang tatay ng bata. Itong kakulangan sa pagiging metikuloso ng mga tao na ito ang rason kung bakit hindi niya alam ngayon kung patay na o buhay pa ang bata. Habang iniisip ito ni Luna, dumating na ang kotse ni John. Bumalik sa sarili si Luna at tinulungan niya si John na dalhin si Anne papunta sa kotse. Gumalaw na ang kotse. Nagmamaneho si John habang nasa passenger seat si Christopher sa tabi niya. Nasa backseat sina Luna at Anne. Mabigat ang traffic sa airport kapag tanghali. Mabagal ang andar ng kotse ni John. Pagkatapos ng kalahating oras, nakalabas na sila ng paikot na kalsada sa paligid ng airport. Huminga ng malalim si John at binilisan niya na ang kotse. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na ang pagpapabilis niya ng kotse ay magdadala ng gulo. Maayos ang lahat nang masiraan ang kotse sa harap nila. Hindi nakahinto sa oras ang kotse ni John, at nabunggo niya ang likod ng kotse na nasa ha