“Pero, wala kayong karapatan para makialam sa kalayaan ko.” Pagkatapos, lumapit siya sa pinakamalapit na pulis at sinabi niya, “Bigyan mo ako ng visitation form.” Nagkatinginan sina Mr. at Mrs. Martin, may bahid ng sama ng loob sa mga mata nila. Namatay ang anak nila dahil dumalo ang anak nila sa kasal ni Joshua Lynch. Gayunpaman, walang intensyon ang lalaking ito na dalhin ang responsibilidad na ito at pinigilan niya pa sila sa pagbugbog sa isang miyembro ng pamilya ng pumatay sa anak nila! Gayunpaman, alam nila na wala silang karapatan o kakayahan na labanan si Joshua dahil dito.Kaya naman, walang magawa ang dalawang matanda maliban sa panoorin ng tahimik habang pumunta si Joshua sa visiting room pagkatapos mag fill up ng form. “Sir, Madam.” Ang isa sa mga pulis ay lumapit sa kanila, nakangiti. “Para sa patay na katawan, kapag nasigurado ninyong sa anak niyo ito, kailangan niyong dalhin agad ang katawan para sa cremation. Ngayon at sasapit na ang tag init, hindi ito pwede
Kasing lamig ng boses ni Joshua ang tono niya. Kumunot ang noo ni Luna habang nakatitig siya sa lalaking nasa harap niya. Bigla niyang napagtanto na hindi niya naiintindihan ang lalaking ito tulad ng inaakala niya. Akala niya dati ay mahal siya at mahalaga siya para kay Joshua. Kahit na sabihin ni Jim sa kanya ang sinabi ni Joshua, akala niya pa rin ay sobra ang sinasabi ni Jim at alam naman siguro ni Joshua kung gaano kasama ang mabuhay sa loob ng kulungan. Kung mahalaga si Luna para kay Joshua, hindi ito ipaparanas ni Joshua sa kanya. Ngunit, ang sinabi ni Joshua ay parang isang sampal sa mukha ni Luna. Sinabi ni Joshua na mas pipiliin niya na makulong si Luna kaysa labanan siya nito. Kinagat ni Luna ang labi niya at lumingon siya para tumitig kay Joshua, hindi niya alam kung tatawa o iiyak siya dahil dito. “Joshua, sa tingin mo ba ay mas mahalaga ang paghihiganti sa pamilya Landry kaysa sa akin?” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at tumitig siya kay Luna, nakangiti.
Pagkatapos, elegante na sumandal si Joshua sa upuan at sinabi niya, “‘Wag kang mag alala, hindi magiging masama ang oras mo sa kulungan.” “Hindi ko hahayaan na maulit ang nangyari sa mental hospital sa Banyan City; sinabi ko na kay Luke na humanap ng ilang babaeng security guard. Ngayong araw at bukas, dadalhin sila sa kulungan sa magkaibang kaso at poprotektahan ka nila ng bawat segundo ng araw.” Hindi mapigilan ni Luna na maramdaman na parang sinasakal nang marinig niya ito. Una sa lahat, dinala siya ng lalaking ito sa kulungan sa kaso ng first-degree murder. Pangalawa, naghanda ng dalawang babaeng preso ang lalaking ito sa kulungan para protektahan si Luna. Anong pagkakaiba nito sa pagkakakulong? Ang pinagkaiba lang nito ay legal ang ginagawa ni Joshua. Nang maisip ito ni Luna, ngumisi siya at tumitig siya ng malamig sa mukha ni Joshua. “Iniisip ko na tuloy na nagpadala ka ng tao para patayin si Cheryl para pwede mo akong dalhin sa kulungan.” Tumahimik ang buong kwar
Si Lucas ay naguguluhan na marinig ito. Buong araw ay ganun din ang sinasabi ni Joshua, sa mga magulang man ni Cheryl, kay Jim, o maging sa mga pulis. Sinabi niya na kapag tumanggi si Luna na bumalik sa Banyan City kasama niya, hahayaan niyang makulong ng tuluyan si Luna. Hindi niya ito papakawalan o bibigyan ng kahit na konting kalayaan hanggang sa magkasira ang pamilya Landry at Quinn. Bigla na lang sinabi ni Joshua na hindi niya hahayaang makulong ng walang katiyakan si Luna para sa kanyang kapakanan. Napasulyap sa nagtatakang tingin ni Lucas, naningkit ang kanyang mga mata at sinabi sa malamig na boses, "Isa lang si Luna sa mga suspek sa pagpatay na ito.” "Maging ang mga security guard na nakasaksi nito ay nakita lamang ni Cheryl na sinakal si Luna bago siya namatay, na hinihiling na malaman kung bakit niya ito gustong patayin, wala ni isa sa kanila ang nakakita sa pag-atake sa kanya ni Luna. Nagpumiglas lang siya, at hindi man lang lumaban.” "Bukod pa doon, may nakit
"Hindi na kailangan," putol ni Joshua kay Lucas. "Ang pamilya Quinn ay mayroon ding ilang mga espiya sa mga pulis." Kung sasabihin ni Lucas ang totoo kay Luna, ang pagbabago ng ugali ni Luna sa kanya ay tiyak na magbibigay sa kanila, kahit na walang nakikinig sa kanilang usapan. Sumulyap muli kay Joshua, napabuntong-hininga si Lucas ngunit hindi na muling nagsalita. Hindi nagtagal, dumating ang sasakyan sa Lynch Tower. Pagkalabas na pagkalabas ni Joshua at Lucas ng elevator, nagkaharap sila ni Theo at Gwen, naghihintay sa labas ng opisina niya. Nang makitang nakabalik na si Joshua, agad na sumugod si Gwen at sinamaan siya ng tingin. "Balita ko ikaw ang nagkumbinsi sa mga magulang ni Cheryl na panatilihing makulong si Luna, 'di ba?" Nagngalit ang kanyang mga ngipin habang patuloy na nakatitig sa kanya. "Hindi mo ba alam kung anong klaseng tao si Luna at kung kaya niyang pumatay ng tao o hindi? Ang lakas ng loob mong gawin ito sa kanya!" Walang imik na sinulyapan ni Joshua
"May nangyaring kakila-kilabot, Vice President Landry!" Sa Landry Group Tower, katatapos lang ipunin ni Jim ang kanyang mga tala ng Landry Group at Quinn Group's merge at pinag-iisipan kung paano lutasin ang suliraning ito nang pumasok ang kanyang sekretarya sa silid. "May nangyaring masama!" Nagsalubong ang kilay ni Jim. "What's wrong? Bakit ka ba kinakabahan?" Ang kanyang tren ng pag-iisip ay lubos na naputol. Sabi ng sekretarya, humihingal, "Ahm... May nagpakita ngayon na may dalang banner sa entrance ng building natin para manggulo!” "Sinasabi nila na pinatay ng CEO ng Landry Group, si Luna, ang kanilang anak na babae, at marami silang kasamang mga reporter!” "Sinabi pa nga nila kung hindi sila bibigyan ng Landry Group ng anumang kabayaran para sa pagkawala ng kanilang anak, dadalhin nila ang bangkay nito para ipaalam sa lahat ang katotohanan tungkol sa atin..." Kasama niyon, dali-daling nilabas ng secretary ang phone niya at ibinigay kay Jim. "Tingnan mo, ang buong
"Pareho kayong pinalayas sa mga pamilya niyo?" "Tama iyan." Hindi man lang nakakuha ng pagkakataon si Malcolm na magpatuloy nang marinig niyang binaba ni Jim ang telepono nang walang pag-aalinlangan. Sa kabilang dulo ng linya, napapikit si Malcolm ng walang magawa nang marinig ang dial tone. "Anong nangyari?" Lumapit sa kanya si Heather na nakaakbay kay Riley. "Anong sabi ni Jim?" Sinamaan siya ng malamig na tingin ni Malcolm at malakas na itinapon sa lupa ang telepono. "Hindi siya payag." Sapat na ang ugali ni Jim para patunayan ang lahat. Bumagsak ang telepono sa lupa kasabay ng malakas na kalabog na ikinagulat ni Riley na napaluha. Kumunot ang noo ni Heather at nagngangalit ang kanyang mga ngipin habang sinisikap niya sa pagkabigo na inalog ang sanggol upang makatulog. "Tumahimik ka!” "Hindi natin dapat ninakaw ang sanggol na ito! Ngayon, wala na tayong pera at maaari na lamang tumira sa inuupahang bahay na ito, ngunit kailangan pa nating alagaan itong isang buwang gul
Sa Landry Group. Dahil nagretiro na si Granny Quinn sa loob ng maraming taon, kailangang magsikap si Jim para makuha ang numero ni Granny Quinn. Sa oras na nagawa niyang makipag-ugnayan sa kanya, ang mga reporter at manonood sa labas ng gusali ay pinalayas na. Ang tanging mga tao na natitira ay ang mga aktor mula sa PR firm, na nagpoprotesta kasama ng mga magulang ni Cheryl. Pinikit ni Jim ang kanyang mga mata at dinial ang numero ni Granny Quinn habang pinagmamasdan ang mga tao mula sa mga security camera. "Hello, Granny Quinn." Nagpakawala siya ng hininga at nagpatuloy, "May gusto akong itanong sa iyo; kinukuha ba ng PR firm sa ilalim ng Quinn Group ang bawat alok na trabaho na dumarating?" Sa kabilang dulo ng linya, napasandal si Granny Quinn sa sofa at humithit sa kanyang tabako habang tinatamad na sinabi, "Bakit mo nasabi ito, Master Landry?" Isang ngisi ang pinakawalan ni Jim. "Ayon sa aking pagsisiyasat, ang mga taong nagdudulot ng kaguluhan sa pintuan ng aking opi
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya