Sa Landry Group. Dahil nagretiro na si Granny Quinn sa loob ng maraming taon, kailangang magsikap si Jim para makuha ang numero ni Granny Quinn. Sa oras na nagawa niyang makipag-ugnayan sa kanya, ang mga reporter at manonood sa labas ng gusali ay pinalayas na. Ang tanging mga tao na natitira ay ang mga aktor mula sa PR firm, na nagpoprotesta kasama ng mga magulang ni Cheryl. Pinikit ni Jim ang kanyang mga mata at dinial ang numero ni Granny Quinn habang pinagmamasdan ang mga tao mula sa mga security camera. "Hello, Granny Quinn." Nagpakawala siya ng hininga at nagpatuloy, "May gusto akong itanong sa iyo; kinukuha ba ng PR firm sa ilalim ng Quinn Group ang bawat alok na trabaho na dumarating?" Sa kabilang dulo ng linya, napasandal si Granny Quinn sa sofa at humithit sa kanyang tabako habang tinatamad na sinabi, "Bakit mo nasabi ito, Master Landry?" Isang ngisi ang pinakawalan ni Jim. "Ayon sa aking pagsisiyasat, ang mga taong nagdudulot ng kaguluhan sa pintuan ng aking opi
Pinikit ni Jim ang kanyang mga mata at ibinaba ang telepono nang may kalabog. Tapos, napasandal siya sa upuan niya habang hinihingal. Ang mga pamilyang Landry at Quinn ay matagal nang nagbuklod, at hindi na niya posibleng makalag ang mga gapos na iyon pagkatapos lamang ng isang araw na pamumuno. Ang kumpanyang nagkaroon ng problema ay ang Quinn Group, hindi ang Landry Group, ngunit habang siya ay abala sa pag-revive at pag-aayos ng dalawang korporasyon, ang pamilya Quinn ay nagpaplano kung paano kukunin ang awtoridad sa dalawang kumpanya! Inihampas ni Jim ang kanyang mga kamao sa kanyang mesa sa galit, na nagngangalit ang kanyang mga ngipin. Noong nakaraan, iniisip ni Jim na malupit si Malcolm, ngunit sa wakas ay alam na niya kung kaninong genes ang minana ni Malcolm. "Vice President Landry." Biglang kumatok ang sekretarya at pumasok sa kanyang opisina. "Inimbitahan na namin ang mga magulang ni Cheryl sa VIP room, pero mukhang psychologically unstable silang dalawa... Gusto m
Ang Landry Group ay hindi kayang magbayad ng 500 milyong dolyar! At saka, kahit na kaya nila, hindi papayag si Jim na ibigay ang perang ito sa mga Martin para sa isang bagay na tulad nito. Nang makita ang masakit na ekspresyon sa mukha ni Jim, napangisi si Mr. Martin at napasandal sa likod ng kanyang upuan. "Hindi kami titigil hangga't hindi namin nakukuha ang limang daang milyong dolyar." Bago dinala sa tower, sinabi na sa kanila ng mga tao sa PR firm na kaya silang bayaran ng Landry Group ng 500 milyong dolyar bilang kabayaran at ang problema ay kung handa silang gawin ito o hindi. Ang reputasyon ng pamilya Landry, isa sa mga pinaka-maimpluwensyang pamilya sa Merchant City, ay nagkakahalaga ng higit sa 500 milyong dolyar! Hindi napigilan ni Jim ang mapangiti nang marinig niya ito. "Natatakot ako na kahit na makuha mo ang iyong mga kamay sa limang daang milyong dolyar na ito, hindi kayo mabubuhay nang sapat para gastusin ito!" "Secretary, paalisin mo ang dalawang taong ito
"Paanong inilantad nila ang personal na impormasyon ng aming anak na babae sa buong web?" Walang taong perpekto, at hindi rin si Cheryl, siyempre. Sa mga taong nakapanayam, ang ilan sa kanila ay naglantad ng lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Cheryl noon. Ang ilan sa kanila ay nagsabing gusto ni Cheryl na maging isang maybahay at sinubukang pilitin si Joshua na mahalin siya, kahit na alam niyang ang puso niya ay pag-aari ng iba... Bukod pa riyan, pati ang tindera sa tindahan kung saan binili ni Cheryl ang kanyang damit ay na-interview. Ang lahat ng negatibong balitang ito ay tumama kay Mr. at Mrs. Martin na parang alon. Ang kanilang anak na babae ay namatay na, ngunit kahit na pagkatapos nito, ang kanyang personal na impormasyon at mga nakaraang karanasan ay nalantad sa buong mundo upang makita. Kahit na inilipat ang channel, ang mga headline ng maraming channel ng balita ay tungkol kay Cheryl. Galit na galit si Mr. Martin na nagsimulang manginig ang buong katawan n
Nalaglag ang panga ni Lucas sa gulat. Lumalabas na ang fingerprint na naiwan sa murder weapon ay hindi kanang hintuturo. Ito ay isang piraso lamang ng maling impormasyon na inilabas ni Joshua at ng pulisya upang akitin ang mamamatay-tao. Tiyak na susubukan ng mamamatay-tao na sirain ang anumang ebidensya na tumuturo sa kanya sa sandaling malaman nila ang tungkol sa fingerprint. Samakatuwid, ang sinumang desperado na tanggalin ang daliri na umano'y nag-iwan ng fingerprint sa pinangyarihan ng krimen ay siyang mamamatay-tao! Sa sandaling naisip niya ito, hindi maiwasan ni Lucas na humanga sa katalinuhan ni Joshua. Itinaas niya ang kanyang mga hinlalaki kay Joshua at sinabing, "Napakagandang plano, Sir!" Sinamaan siya ng tingin ni Joshua ngunit hindi sumagot. Maamong binawi ni Lucas ang kanyang kamay at nagpatuloy, "Well, Sir, dahil alam na natin na si Hunter Quinn ang pumatay kay Cheryl, may gagawin bang aksyon ang mga pulis? "Makakalabas na ba si Ma'am sa kulungan pagkata
Hindi pinapayagan ang mga bisita sa gabi, ngunit ang babae ay naglabas ng isang nakakatakot na masamang aura na ang pulis na naka-duty ay gumawa ng eksepsyon para sa kanya at pinapasok siya. Nagising si Luna mula sa kanyang pagkakatulog. Hindi niya mapigilang tanungin ang guwardiya ng bilangguan kung sino ang bisita habang sinusundan niya ito palabas ng selda. Gayunpaman, ang bantay ng bilangguan ay hindi kayang mag-alok sa kanya ng anumang impormasyon maliban sa kasarian ng bisita. Babae ang bisita. Kumunot ang noo ni Luna, sa pag-aakalang si Gwen iyon. Sa pagkagulat niya, ito ay isang kakaibang babae na nakasuot ng ganap na itim at nakasuot ng isang pares ng sunglasses. Pumasok si Luna sa visitation room na nakakunot ang noo at umupo sa tapat ng babae. "Ikaw ay si…" "Hayaan mo akong magpakilala." Inangat ng babae ang ulo para ngumiti kay Luna. "Ang pangalan ko ay Charlotte Jacobs, halos kasing edad mo ako, at ako ang unang naging kasintahan ng kapatid mong si Jim." Na
Natahimik ang buong kwarto. Napatitig si Luna sa babaeng nasa harapan niya, na wasak ang kalahati ng mukha. "Ano ang iyong mga kondisyon?" Ang gusto lang niya ay makaalis sa kulungan. Gayunpaman, alam na alam ni Luna na hinding-hindi siya pakakawalan hangga't hindi nagbabago ang isip ni Joshua. Kahit na siya ay nasa kulungan, siya ay protektado pa rin ng apat na babaeng bodyguard na ipinadala niya, at hindi niya maaaring makuha ang kanyang kalayaan mula sa kanya, kahit na sa bilangguan. Kung ang kalagayan ni Charlotte ay hindi masyadong mapangahas, ano ang masama sa pagsang-ayon dito? "Ang kondisyon ko ay pagkatapos mong makalaya sa kulungan at kunin ang Landry Group bilang CEO, kailangan mong kunin ako bilang iyong sekretarya o assistant. Tungkol sa lahat ng iyong gagawin, kasama ang mga diskarte sa pagpapatakbo ng kumpanya, kailangan mong makinig sa mga sinasabi ko." Kumunot ang noo ni Luna at tinitigan si Charlotte na may pagtataka. Ang nasa isip niya ay...gusto ni Cha
Siguro, bilang kaibigan ni Bonnie, hindi dapat pinabayaan ni Luna si Charlotte na manatili, ngunit... May mga bagay lang na hindi talaga maiiwasan. Hindi niya gustong iwasan ni Bonnie ang kanyang mga problema tulad ng ginawa niya sa nakaraan, na nauwi sa pagpilit sa kanyang relasyon at kasal sa malalim na problema. Dahil sa biglaang pagdalaw ni Charlotte, hindi na makatulog si Luna at sa halip ay paikot-ikot sa higaan buong gabi. Nagawa lamang ni Luna na umidlip nang malapit na ang bukang-liwayway. Siya ay ginising ng guwardiya ng bilangguan noong 6 a.m. at ipinadala upang magpahangin, kumain ng almusal, at lumabas sa bakuran ng page-ehersisyo. Matapos tumakbo ng paikot-ikot sa field nang ilang sandali, pinigilan siya ng guwardiya ng bilangguan, na sinasabing may ibang babae na dumating upang bisitahin siya. Sigurado si Luna na ito na si Gwen sa pagkakataong ito, pero laking gulat niya, ito na ang huling taong gusto niyang makita.Si Heather. "Anong ginagawa mo dito?"
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya