Nagulat si Luna ng marinig ang mga sinabi ni Lily. Bakit gusto ni Adrian Lynch na kausapin si Joshua tungkol sa kanya? Hindi ba siya ay isang nagresign na kasambahay lang sa pamilyang Lynch? Ano ang pag-uusapan?Nagulat din si Joshua. Sinimangutan niya si Luna at muling tumingin kay Lily. "Sabihan ang mga chef na maghanda ng fried chicken," utos niya.Tumango si Lily pagkatapos ng ilang sandali na pag-aalinlangan. Hinawakan niya ang dalawang bata, at sabay na pumasok ang tatlo sa bahay. Umalis na rin si Lucas para iparada ang kotse sa garahe.Si Joshua at Luna na lang ang natitirang dalawang tao na nakatayo sa harap ng Blue Bay Villa, pero mukhang hindi nagmamadali si Joshua. Kumuha siya ng isang pakete ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at nagpatuloy sa pagsindi ng isa. Pagkatapos, kaswal siyang sumandal sa haligi at humitit sa kanyang sigarilyo. Ang usok ay mas nagpalamig sa walang bahid ng ngiting mukha nito.Itinuon ni Joshua ang kanyang bakal na tingin kay Luna at nginisian, "
"Nabanggit ni Lily na higit sa isang oras ka na naghihintay ngayon?" Hinubad ni Joshua ang jacket niya at ibinigay sa isang katulong. Umupo siya sa sofa at idinantay ang kamay sa leather na armrest. “Gusto mo akong makausap?"Oo," sagot ni Adrian. Sinulyapan niya si Luna at ngumiti. "Okay lang, sa susunod na lang tayo mag-usap.""Baka hindi na ako interesadong marinig ang tungkol dito sa susunod," sabi ni Joshua habang naka-dekwatro. "Sabihin mo na sa akin ngayon."Si Joshua ay hindi kailanman naging mahilig sa kanyang ama, lalo na ang magkaroon ng isang malapit na relasyon sa kanya. Ang paraan ng pakikipag-usap niya sa kanyang ama sa sandaling iyon ay hindi naiiba sa pakikipag-usap sa isang nasasakupan.Hindi inaasahan ni Adrian na ganoon ang ugali ni Joshua; hindi man lang siya nag-abalang magpakita ng respeto sa kanya. Saglit na nanahimik si Adrian bago ngumiti. "Sige, lalabas lang ako at sasabihin ko na."Sumulyap siya kay Luna at tumahimik. "Tungkol ito kay Ms. Luna. Sigurado
Tumunog ang mga alarm bell sa ulo ni Luna. "Wala akong ideya sa sinasabi mo," agad niyang itinanggi."Alam na alam mo kung ano ang sinasabi ko." Inilipat ni Adrian ang kanyang posisyon at matikas na sumandal sa sofa. "Ms. Luna, huwag kalimutan. Dati akong isang jewelry designer bago pumanaw ang ina ni Joshua. Bukod dito, marami akong koneksyon sa industriya na ito. "Napangiti bago siya nagpatuloy, “Nabasa ko ang iyong résumé. Sinubukan mong itago ang tunay mong pagkatao, kaya sigurado akong ang huling bagay na gusto mo ay ilantad kita rito."Kumunot ang noo ni Luna. Matapos lumipas ang unang alon ng pagkabigla, nakaramdam siya ng kakaibang kapanatagan. Maingat siyang tumingin kay Adrian at sinabi sa mahinang boses, "Paano nyo po nalaman?"Bakit siya iniimbestigahan ni Adrian?"Kung nagtataka ka, hindi ko sinasadyang imbestigahan ka." Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Adrian. "Alam ko na si Nellie ang totoong pagkakakilanlan ng sikat na taga-disenyo ng alahas na kilala bilang
Sa kusina, naghahanda si Lily ng fried chicken kasama ang iba pang mga katulong."Ms. Luna,” nakangiting bati ni Lily nang mapansin niyang pumasok si Luna. “Mamantika at hindi malusog ang fried chicken. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto ito ng mga bata."Kumunot ang noo ni Luna at sumulyap sa pagkain. Tama si Lily; medyo oily nga.Naalala ni Luna na may mga natirang ingredients sa ref noong gumawa siya ng mushroom soup noong nakaraan. Huminga siya ng malalim, nagsuot ng apron, at nagsimulang maghanda ng mushroom soup."Ms. Luna.” Bihira na silang dalawa ay makapag-usap nang pribado ng ganito, kaya huminga ng malalim si Lily at nagsimulang, "Sa totoo lang, si Mr. Quinn..."“Shh.” Kumunot ang noo ni Luna at pinigilan siyang magpatuloy. "Ikaw ang bagong kasambahay dito sa Blue Bay Villa, at kung may makatuklas sa relasyon mo at ni Malcolm, iisipin nilang nag-e-espiya ka para sa kanya," bulong ni Luna habang dahan-dahang inihahanda ang mga ingredients.Natigilan si Lily
“Masarap na fried chicken!”Inihain ang fried chicken pagkaraan ng sampung minuto, at tuwang-tuwa si Nellie. Si Neil ay tuwang-tuwa din, ngunit nag-aalalang sinulyapan niya si Luna. “Mommy…”“Kumain ka na,” nakangiting sabi ni Luna. Nakaupo na siya sa dining table.“Heto na po mga Sir. Tikman nyo po itong mushroom soup,” masiglang sabi ni Lily habang nilalapag ang mga mangkok ng sopas sa harap ng lahat ng nasa mesa. "Natakot po si Ms.Luna na ang pritong manok lang ay masyadong mabigat, kaya siya po mismo ang gumawa nitong mushroom soup!"Tumikim si Adrian ng isang kutsarang sabaw at humigop. "Hindi masama."Si Joshua, gayunpaman, ay tahimik na nakaupo. Nasulyapan niya si Luna, na pilit na itinatago ang kanang kamay sa ilalim ng mesa para hindi makita. "Anong problema sa kamay mo?"Sinamaan siya ng tingin ni Luna. "Wala po. Hindi lang po ako nagugutom.""Hindi nagugutom, o nasaktan mo ang iyong sarili?" Ang madilim na mga mata ni Joshua ay tila nakikita mismo sa kanya. "Itaas mo
Kumunot ang noo ni Joshua nang marinig ito at mariing sumagot, "Makikita natin sa hinaharap."“Okay po...” Napayuko si Nellie dahil sa pagkabigo.Pero hindi matiis ni Adrian na makita iyon. “ Halika dito, Nellie, hahayaan kitang pakainin mo ako bilang kapalit.”Lumiwanag ang mukha ni Nellie. Kinuha niya ang bowl niya at umupo sa harap ni Adrian. "Inganga mo po ang iyong bibig, Lolo!"Ngumisi si Adrian sa kanya at masunuring ibinuka ang kanyang bibig.Ilang saglit pa ay natapos na rin kumain si Luna kaya sumabay si Neil kay Nellie sa pagpapakain sa kanilang lolo. Noong una ay gusto ni Adrian na tumutol dito, ngunit hindi niya napigilan na tanggihan si Nellie at makita ang kanyang naguguluhang expression, kaya hinayaan niya na lang na gawin ang anumang gusto nila.Natapos na ang pagkain ni Luna, kaya umalis na siya sa mesa at umupo sa sofa. Inilabas niya ang phone niya at titingnan ang balita nang bigla niyang naramdaman ang unan sa tabi niya na lumubog. Ibinaba ni Joshua ang kany
Binalik ni Joshua ang tingin kay Luna ng tahimik.Pagkaraan ng ilang sandali, sinulyapan niya ito at walang emosyong sumagot, “May mga plano ako.”"Mr. Lynch." Nagpakawala ng malalim na hininga si Luna. “Alam ko pong nagpapakita ka ng awa kay Ms. Gibson dahil malapit ang relasyon mo sa kanya. Matagal mo na po siyang kilala, at maliwanag na nahihirapan kang parusahan siya. Gayunpaman, may nagawa po siyang mali, at dapat niyang pagbayaran ito. Kung hindi mo po kayang gawin ang anumang bagay sa kanya, maaari mong ipasa ang lahat ng ebidensya sa pulisya, at sila na po ang bahala dito."Hindi naalis ang tingin ni Luna kay Joshua habang pilit niyang pinipigilan ang galit sa puso, at dahan-dahang nagpatuloy, “Ang pagtatangkang pagpatay po ay walang parusang kamatayan. Kung siya po ay mahatulan, gugugol siya ng ilang taon sa bilangguan. Marahil po sa oras na siya ay palayain, si Nellie ay malaki na at maaaring protektahan ang sarili. Hindi na po niya haharapin ang parehong banta na kinakaha
Tumayo si Luna sa labas ng botika at tumingin kay Neil sa glass door habang nagbuntong hininga na walang magawa. Minsan nahihirapan siyang maniwala na ang kanyang tatlong anghel—sina Nigel, Neil, at Nellie—ay mga anak ni Joshua. Hindi karapat-dapat ang lalaking iyon na magkaroon ng gayong masunuring mga anak.“Mommy.” Nag-space out na si Luna, at sa oras na nawala siya sa kanyang pagkatulala, nakalabas na si Neil sa botika na may hawak na tube ng medicinal ointment.Hinawakan niya ang kamay ni Luna. "Umuwi na po tayo. Tutulungan po kitang ilagay ang gamot!" Natahimik siya saglit bago niya inangat ang ulo para tingnan siya. "Huwag ka na pong masyadong mag-alala tungkol sa masamang lalaking iyon. Makakamit pa rin po natin ang gusto natin kahit wala po siya!”Napabuntong-hininga si Luna at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Neil. "Naniniwala ako sayo."Hangga't kasama niya ang kanyang mga anak, naniniwala siyang malalampasan niya ang bawat obstacle na dumarating sa kanya.…Marahil