Share

Kabanata 171

Author: Inked Snow
last update Last Updated: 2021-10-29 11:20:00
Tumunog ang mga alarm bell sa ulo ni Luna. "Wala akong ideya sa sinasabi mo," agad niyang itinanggi.

"Alam na alam mo kung ano ang sinasabi ko." Inilipat ni Adrian ang kanyang posisyon at matikas na sumandal sa sofa. "Ms. Luna, huwag kalimutan. Dati akong isang jewelry designer bago pumanaw ang ina ni Joshua. Bukod dito, marami akong koneksyon sa industriya na ito. "

Napangiti bago siya nagpatuloy, “Nabasa ko ang iyong résumé. Sinubukan mong itago ang tunay mong pagkatao, kaya sigurado akong ang huling bagay na gusto mo ay ilantad kita rito."

Kumunot ang noo ni Luna. Matapos lumipas ang unang alon ng pagkabigla, nakaramdam siya ng kakaibang kapanatagan. Maingat siyang tumingin kay Adrian at sinabi sa mahinang boses, "Paano nyo po nalaman?"

Bakit siya iniimbestigahan ni Adrian?

"Kung nagtataka ka, hindi ko sinasadyang imbestigahan ka." Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Adrian. "Alam ko na si Nellie ang totoong pagkakakilanlan ng sikat na taga-disenyo ng alahas na kilala bilang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 172

    Sa kusina, naghahanda si Lily ng fried chicken kasama ang iba pang mga katulong."Ms. Luna,” nakangiting bati ni Lily nang mapansin niyang pumasok si Luna. “Mamantika at hindi malusog ang fried chicken. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto ito ng mga bata."Kumunot ang noo ni Luna at sumulyap sa pagkain. Tama si Lily; medyo oily nga.Naalala ni Luna na may mga natirang ingredients sa ref noong gumawa siya ng mushroom soup noong nakaraan. Huminga siya ng malalim, nagsuot ng apron, at nagsimulang maghanda ng mushroom soup."Ms. Luna.” Bihira na silang dalawa ay makapag-usap nang pribado ng ganito, kaya huminga ng malalim si Lily at nagsimulang, "Sa totoo lang, si Mr. Quinn..."“Shh.” Kumunot ang noo ni Luna at pinigilan siyang magpatuloy. "Ikaw ang bagong kasambahay dito sa Blue Bay Villa, at kung may makatuklas sa relasyon mo at ni Malcolm, iisipin nilang nag-e-espiya ka para sa kanya," bulong ni Luna habang dahan-dahang inihahanda ang mga ingredients.Natigilan si Lily

    Last Updated : 2021-10-29
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 173

    “Masarap na fried chicken!”Inihain ang fried chicken pagkaraan ng sampung minuto, at tuwang-tuwa si Nellie. Si Neil ay tuwang-tuwa din, ngunit nag-aalalang sinulyapan niya si Luna. “Mommy…”“Kumain ka na,” nakangiting sabi ni Luna. Nakaupo na siya sa dining table.“Heto na po mga Sir. Tikman nyo po itong mushroom soup,” masiglang sabi ni Lily habang nilalapag ang mga mangkok ng sopas sa harap ng lahat ng nasa mesa. "Natakot po si Ms.Luna na ang pritong manok lang ay masyadong mabigat, kaya siya po mismo ang gumawa nitong mushroom soup!"Tumikim si Adrian ng isang kutsarang sabaw at humigop. "Hindi masama."Si Joshua, gayunpaman, ay tahimik na nakaupo. Nasulyapan niya si Luna, na pilit na itinatago ang kanang kamay sa ilalim ng mesa para hindi makita. "Anong problema sa kamay mo?"Sinamaan siya ng tingin ni Luna. "Wala po. Hindi lang po ako nagugutom.""Hindi nagugutom, o nasaktan mo ang iyong sarili?" Ang madilim na mga mata ni Joshua ay tila nakikita mismo sa kanya. "Itaas mo

    Last Updated : 2021-10-29
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 174

    Kumunot ang noo ni Joshua nang marinig ito at mariing sumagot, "Makikita natin sa hinaharap."“Okay po...” Napayuko si Nellie dahil sa pagkabigo.Pero hindi matiis ni Adrian na makita iyon. “ Halika dito, Nellie, hahayaan kitang pakainin mo ako bilang kapalit.”Lumiwanag ang mukha ni Nellie. Kinuha niya ang bowl niya at umupo sa harap ni Adrian. "Inganga mo po ang iyong bibig, Lolo!"Ngumisi si Adrian sa kanya at masunuring ibinuka ang kanyang bibig.Ilang saglit pa ay natapos na rin kumain si Luna kaya sumabay si Neil kay Nellie sa pagpapakain sa kanilang lolo. Noong una ay gusto ni Adrian na tumutol dito, ngunit hindi niya napigilan na tanggihan si Nellie at makita ang kanyang naguguluhang expression, kaya hinayaan niya na lang na gawin ang anumang gusto nila.Natapos na ang pagkain ni Luna, kaya umalis na siya sa mesa at umupo sa sofa. Inilabas niya ang phone niya at titingnan ang balita nang bigla niyang naramdaman ang unan sa tabi niya na lumubog. Ibinaba ni Joshua ang kany

    Last Updated : 2021-10-29
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 175

    Binalik ni Joshua ang tingin kay Luna ng tahimik.Pagkaraan ng ilang sandali, sinulyapan niya ito at walang emosyong sumagot, “May mga plano ako.”"Mr. Lynch." Nagpakawala ng malalim na hininga si Luna. “Alam ko pong nagpapakita ka ng awa kay Ms. Gibson dahil malapit ang relasyon mo sa kanya. Matagal mo na po siyang kilala, at maliwanag na nahihirapan kang parusahan siya. Gayunpaman, may nagawa po siyang mali, at dapat niyang pagbayaran ito. Kung hindi mo po kayang gawin ang anumang bagay sa kanya, maaari mong ipasa ang lahat ng ebidensya sa pulisya, at sila na po ang bahala dito."Hindi naalis ang tingin ni Luna kay Joshua habang pilit niyang pinipigilan ang galit sa puso, at dahan-dahang nagpatuloy, “Ang pagtatangkang pagpatay po ay walang parusang kamatayan. Kung siya po ay mahatulan, gugugol siya ng ilang taon sa bilangguan. Marahil po sa oras na siya ay palayain, si Nellie ay malaki na at maaaring protektahan ang sarili. Hindi na po niya haharapin ang parehong banta na kinakaha

    Last Updated : 2021-10-30
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 176

    Tumayo si Luna sa labas ng botika at tumingin kay Neil sa glass door habang nagbuntong hininga na walang magawa. Minsan nahihirapan siyang maniwala na ang kanyang tatlong anghel—sina Nigel, Neil, at Nellie—ay mga anak ni Joshua. Hindi karapat-dapat ang lalaking iyon na magkaroon ng gayong masunuring mga anak.“Mommy.” Nag-space out na si Luna, at sa oras na nawala siya sa kanyang pagkatulala, nakalabas na si Neil sa botika na may hawak na tube ng medicinal ointment.Hinawakan niya ang kamay ni Luna. "Umuwi na po tayo. Tutulungan po kitang ilagay ang gamot!" Natahimik siya saglit bago niya inangat ang ulo para tingnan siya. "Huwag ka na pong masyadong mag-alala tungkol sa masamang lalaking iyon. Makakamit pa rin po natin ang gusto natin kahit wala po siya!”Napabuntong-hininga si Luna at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Neil. "Naniniwala ako sayo."Hangga't kasama niya ang kanyang mga anak, naniniwala siyang malalampasan niya ang bawat obstacle na dumarating sa kanya.…Marahil

    Last Updated : 2021-10-30
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 177

    Nang magising si Luna kinabukasan, mag-isa nang pumunta si Neil sa kindergarten.Naghanda siya ng almusal para sa kanya bago siya umalis at nag-iwan ng note na nakasulat, [Mommy, sa oras po na mabasa mo ito, nakapasok na po ako. Mangyaring tandaan po na kumain at panatilihing tuyo ang inyong sugat. At saka, iniwan ko ito para po sa iyo.]Sa ilalim ng note ay isang pregnancy test kit.Napaupo si Luna sa gilid ng kama habang binabasa ang note. Sinulyapan niya ang plato ng pagkain pati na ang pregnancy test kit sa mesa. Nagsimula nang lumuha ang mga mata niya. Ang pagiging maalalahanin ng kanyang mga anak ay humihila sa kanyang puso.Saglit siyang nag-alinlangan bago bumangon at tumungo sa banyo, dala niya ang pregnancy test.Isang linya lang. Hindi naman siya buntis, kung tutuusin.Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ni Luna at itinapon ang pregnancy test sa basurahan. Dapat alam na niya na hindi ito magiging ganoon kadali. Hindi naging madali ang buhay niya.Pagkatapos niyang ma

    Last Updated : 2021-10-30
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 178

    Ang kasuotan ni Luna ay parang isang bagay na isusuot ng isang young design intern.Natigilan si Wesley sa nakita. For a split second, hindi siya makapaniwala na ang babaeng ito ang siya ring nagbukas ng pinto ilang minuto ang nakalipas."Ngayon ang unang araw ko sa trabaho, tama ba?" Parang hindi napansin ni Luna ang pagkataranta niya. Sa halip, bumaba siya sa mga hagdan at nagpatuloy nang walang pag-aalinlangan, “Maari mo bang ipaliwanag sa akin ang mga oras ng trabaho? Baka kailangan kong umalis ng maaga dahil kailangan kong sunduin ang anak ko sa school."Sumunod sa kanyang likuran, laking gulat ni Wesley sa kanyang pahayag kaya napatahimik ito. “Ikaw… may anak ka?” Ang babaeng ito ay hindi mukhang isang araw na higit sa 20. Paano siya magkakaroon ng isang anak na lalaki?"Syempre." Humalakhak si Luna. "Ang aking anak ay matalik na kaibigan ng anak ni Mr. Lynch."Biglang natauhan si Wesley. Hindi nakakagulat na ang babaeng ito, na nakatira sa isang ordinaryong lugar, ay tila k

    Last Updated : 2021-10-30
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 179

    "Mahabang kwento." Napakamot ng ulo si Zach, nahihiya. “Alam kong medyo mahirap paniwalaan, pero pareho kaming mabubuting tao. Palagi naming sinusunod ang bawat utos ni Boss. Alam namin na kamag-anak ka ng aming amo, kaya tiyak na gagawin namin ang aming makakaya para alagaan ka!"Natigilan si Luna sa pagtataka. Matagal bago siya tuluyang napilitan na lumabas, "Salamat..."Sinundan niya si Wesley sa loob ng gusali at binigyan ang sarili ng kaunting katok sa ulo. Kailan pa nagkaroon ng dalawang matipunong ‘kapatid’ si Neil tulad nina Zach at Yuri?"Hindi lang personal na kilala ni Ms. Luna ang boss, si Mr. Lynch, pero mukhang malapit din sa mga security guards natin,” makahulugang pahayag ni Wesley nang makapasok sila sa elevator. Pinindot niya ang isang buton para sa isa sa mga palapag at idinagdag, “Dapat nag join ka sa amin ng mas maaga. Kung ginawa mo ito, malamang na nasa permanenteng posisyon ka na sa ngayon, sa halip na intern."May bahid ng panunuya sa tono ni Wesley. Isang

    Last Updated : 2021-10-30

Latest chapter

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3080

    Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3079

    Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3078

    Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3077

    Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3076

    “Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3075

    “Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3074

    Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3073

    Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3072

    “Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya

DMCA.com Protection Status