Napangiti si Luke at tinitigan ang babaeng nagpupumiglas sa kanyang mga bisig. Pagkatapos, binuhat niya ito at lumakad patungo sa kanyang sasakyan. Mabilis na nakuha ng isa niyang tauhan ang gusto niyang gawin at binuksan ang pinto ng sasakyan. Inihagis ni Luke si Gwen sa backseat, saka sumakay siya sa kotse. Nagsara ang pinto nila. Sa di kalayuan, naririnig pa rin ni Jim ang mga iyak at protesta ni Gwen mula sa loob ng sasakyan. Sa ilang kadahilanan, bigla niyang naalala si Bonnie. Si Bonnie, ang babaeng mahilig magsuot ng pula, at higit na sanay na pagalitan ang mga tao kaysa sa mag-alaga ng bata. Nang malaman niyang nagkasakit ang bata, lumabas pa siya sa ulan at nagkasipon. Ang babaeng ito ay nasa twenties, ngunit kung minsan, siya ay masyadong malikot na kumilos na para bang siya ay mas bata pa kaysa kay June. “Umuwi na tayo," sabi ni Heather sa mahinang boses sa tabi ng tenga ni Malcolm nang makita niyang pinagmamasdan ni Jim ang pag-alis ng sasakyan ni Luke. "Uma
Nang makarating sina Luna at Joshua sa puno ng cherry blossom, 2 a.m. na. Gumamit sina Lucas at mga tauhan niya ng mga malalaking flashlight para ilawan ang gabi para sa kanilang dalawa. Noong una, gusto ni Joshua na gumamit ng pala, ngunit, bigla niyang naalala na ang bata na inilibing nila sa ilalim ng puno ay walang kabaong at ang pala ay baka makasira sa bangkay ng bata. Kaya naman, sa huli, inutusan niya si Lucas na maghanap na lang ng maliit na pala para sa kanila. Kalagitnaan ng gabi ngayon, kaya’t walang magawa si Lucas kundi utusan ang mga tauhan niya para maghanap ng maliit na pala. Ngunit, pagkatapos umalis ni Lucas, tumalikod si Joshua at nakita niya na nakaluhod na si Luna sa lupa at hinuhukay ang libingan gamit ang mga kamay nito. Makikita ang kirot sa mga mata ni Joshua habang pinanood niya ang payat na babae, pati na rin ang mga kamay nito na may siyam na daliri at naghuhukay sa lupa. Huminga siya ng malalim at mabilis siyang lumapit para hawakan ang maduming
“Nahanap mo na ba ang sanggol? Gumawa na kayo ng DNA test?” Umiling ng malungkot si Luna. “Hindi namin siya mahanap…” Nagpatuloy siya ng seryoso habang pumunta siya sa bahay, “Gwen, sa tingin mo ba ay kakaiba na may taong nagnakaw sa anak namin ni Joshua?” Kinagat niya ang labi niya at sinubukan niyang pigilan ang mga luha niya. “Bakit naman nanakawin ng ibang tao ang bangkay ng isang sanggol? Ano naman ang makukuha nila sa pagnanakaw sa sanggol na namatay pagkatapos ipanganak?” Suminghot si Luna at nagpatuloy siya, “Hindi kaya’t ang tao na nagnakaw sa anak amin ni Joshua ay kinamumuhian kami sa punto na hindi nila hahayaan ang anak namin na yumao ng payapa?” Hinawakan ni Gwen ang nanginginig na katawan ni Luna at nakaramdam siya ng sakit sa kanyang puso habang nakinig siya sa malungkot na boses ni Luna. Kinagat niya ang labi niya at naalala niya ulit ang sinabi ni Vivian. “Luna, ‘wag ka na maging pesimista. Paano kung totoo ang sinabi ng katulong? Baka buhay pa ang anak ni
Pagkatapos ibaba ang phone, sumingkit ang mga mata ni Joshua at tumitig siya sa report na nasa harap niya. Ang batang namatay noong nakalipas na buwan ay hindi sa kanya. Kaya naman, hindi nagsisinungaling ang katulong; hindi nila ito anak ni Luna. Gayunpaman… Ang kinaroroonan ng anak nila, at kung buhay pa ito o hindi, ay hindi pa rin nila alam. Kaya naman, bago pa mahanap ang bata at masigurado na buhay pa ang sanggol, walang intensyon si Joshua na sabihin ito kay Luna. Kakalagpas pa lang ni Luna sa kalungkutan ng mawala ang anak niya, at kapag binigyan ni Joshua ng pagasa si Luna ngayon… Nag aalala siya na kung ang kalalabasan ay hindi nila inaasahan, hindi kakayanin ni Luna ang emosyonal na sakit. Pumikit si Joshua at sumandal siya sa sofa. Sa katotohanan, sigurado siya na ang tao na nag-utos sa sniper na patayin si Vivian ay walang iba kundi si Malcolm. Kaya naman, alam niya na si Malcolm ang taong nagpalit sa anak nila ni Luna. Ano ang binabalak ni Malcolm? Nas
Nang matapos na siya magsalita, lumingon si Malcolm at naglakad siya palabas ng pinto, kasabay nito ay inayos niya ang kurbata niya. “‘Wag kang mag alala; may ibang plano pa ako.” Umalis na ng Merchant City si Hunter ng isang buwan, at naghanda siya dati ng isang babae at sanggol na magpakita sa Quinn Mansion para makisama sa pagpapanggap ni Hunter. Kaya naman, siguradong walang oras si Joshua para imbestigahan si Malcolm ngayon at si Hunter ang dapat niyang imbestigahan ngayon. Nanatiling walang kibo si Heather at humigpit ang kamao niya, tumitig siya habang paalis si Malcolm. Walang hiya para mahalin ng lalaking ito si Luna pero tinawag siya nito na isang tanga! Kahit ilang beses sabihin ni Malcolm na wala siyang pakialam kay Luna, alam ni Heather na mahal pa rin ni Malcolm si Luna at mas gugustuhin pa nito na kamuhian siya kaysa kay Luna! Kung hindi lang dahil aksidenteng sumiping sila sa isa’t isa ni Malcolm noong walong buwan na ang nakalipas… Baka tinapon na siya ni Mal
“Magaling ka talaga magbiro, Jim.” Tumawa si Heather. “Syempre anak namin ni Malcolm si Riley, paano naman kami magkakamali?” Pagkatapos, mabilis niyang binago ang pinag uusapan nila. “Kamusta na po kayo, tatay? Masakit pa rin po ba ang ulo niyo?” Gayunpaman, tumanggi si Jim na baguhin ang pinag uusapan nila. “Heather, sa tingin ko ay hindi ka dapat sigurado sa sarili mo. PInapanood ko ang balita, at maraming kaso kung saan nagpapalit ang mga anak sa Merchant City nitong nakaraan.” Sumingkit ang mga mata niya at idinagdag niya, “Sa tingin ko ay magiging mabuti kung nagpa-DNA test kayong tatlo nila Malcolm, at Riley. Maganda kung anak mo nga talaga si Riley, pero kung hindi, pwede pa rin natin makuha ang totoong anak mo.” Pagkatapos, tumingin siya kay Charles. “Ano sa tingin niyo, tatay? Ayaw niyo naman mangyari ang nangyari kela Heather at Luna ulit, hindi ba?” Kumunot ang noo ni Charles. Sa katotohanan, pumayag siya kay Heather at naisip niya na hindi na kailangan sumailal
Tumalikod si Heather at ngumiti siya sa lalaking nakasandal sa ulo ng kama. “Opo, tatay.” “Nasaktan ka ba?” Tumingin si Charles sa balikat ni Heather. Tumigil ng ilang sandali si Heather, pagkatapos ay umiling siya habang pinunasan niya ang mga luha niya. “Hindi, ayos lang po ako. Hindi po ako nasaktan.” Suminghot siya at umupo siya sa tabi ni Charles, pagkatapos ay pinalubag niya ang loob nito, nagbuntong hininga siya. Si Charles, na iniisip na nagbuntong hininga si Heather dahil kay Jim, ay tinaas ang ulo ni Heather para himasin ang buhok nito. “‘Wag kang masyadong maabala sa bwisit na ‘yun. Dati nang masama ang ugali niya sa mga tao sa paligid niya.” “Pero lagi po siyang mabait kay Luna.” Suminghot si Heather at lumingon siya para tumingin sa mga mata ni Charles. “Tatay, hindi po ba’t kailangan ni Luna ng isang tao na tulad niya?” Kumunot ang noo ni Charles. “Anong ibig mong sabihin?” Nagbuntong hininga si Heather at nagpatuloy siya, “Sa totoo lang po, kahit na nagalit
Hindi inaasahan ni Luna na maghahanda si Charles ng blind date para sa kanya! Humigpit ang hawak niya sa phone niya at kumunot ang noo niya. “Tatay, hindi ko po kailangan nito. Ako ay—” Bago pa siya matapos magsalita, binaba na ni Charles ang phone. Kumunot ang noo ni Luna habang nakikinig siya sa dial tone. Pagkatapos ibaba ang phone, mabilis niyang tinawagan ang number ni Charles, ngunit hindi ito sumasagot. Galit na galit si Luna dahil dito. Paano naman siya pupunta sa isang blind date kahit na habang alam niya na hindi pa rin tapos ang problema sa anak niya? Gayunpaman, naghanda na agad ng date si Charles para sa kanya, at kapag hindi siya pumunta, bababa ang tingin sa kanya ng kabilang partido. Nagdesisyon si Luna na hindi na siya maabala nito, at natulog na siya. Nakatulog siya hanggang gabi. Sa huli, nagising siya sa pagkatok ni Gwen ng pinto. “Luna, pumunta ang butler ng pamilya Landry para sunduin ka sa blind date mo.” Antok na dumilat si Luna at hindi ni