Nagpakawala ng hininga si Luna at sinabing maingat na binibigkas ang kanyang mga salita, “Isinusumpa ko na simula ngayon, ako, si Luna, ay hinding hindi na makikipagkita muli kay Joshua Lynch nang pribado.” “Kapag ako’y sumira sa aking pangako, ako ay…” Nagpakawala siya ng isa pang buntong-hininga at nagpatuloy, nanginginig ang kanyang boses, "Kapag ako’y sumira sa aking pangako, hindi na isisilang ang aking anak." Dahil doon, inangat niya ang kanyang ulo para tingnan si Charles na may pulang mga mata. “Kuntento ka na ba ngayon, Tatay?” Nakakunot ang noo ni Charles habang nakatitig sa kanya. Lumapit siya at inabot para haplusin ang buhok ni Luna. Pagkatapos, sinabi niya na may pahiwatig ng kawalan ng kakayahan, “Luna, bata ka pa, at hindi mo pa masyadong naiintindihan.” "Sa hinaharap, kapag mas matanda ka na, mauunawaan mo kung bakit kailangan kong gawin ito..." Nang matapos niya ang kanyang pangungusap, umismid si Jim at tumayo para tulungan si Luna na bumangon mula sa l
Si Rosalyn ay nasa operation room ng halos labindalawang oras...Siguradong malubha ang kanyang kalagayan upang sumailalim sa napakatagal na operasyon. Kung namatay si Rosalyn, hindi lamang walang makakatuklas na nilason siya ni Heather, ngunit wala nang makakapagdulot ng gulo para kay Malcolm. Bukod pa doon, hinding-hindi na magkakasundo sina Luna at Joshua! Sa sandaling naisip niya ito, hindi mapigilan ni Heather ang labis na kagalakan, kaya't gusto niyang umuwi at magbukas ng bote ng alak upang magdiwang! Ang namamatay na hiling ni Aura ay ang paghiwalayin sina Luna at Joshua. Samakatuwid, nakatulong siya sa paghihiganti sa pagkamatay ni Aura! Biglang bumuntong-hininga ang doktor na lumabas sa operation room at sinabing, “Sinubukan namin ang aming makakaya. Kahit na nagawa naming iligtas si Mrs. Landry,...” "Nasa parang gulay na kalagayan na siya ngayon." Parang gulay na kalagayan. Ang mga salitang ito ay parang kulog na bumabagsak sa paligid ng ulo nina Jim, Luna,
Tumahimik ang buong hallway nang marinig nila ito. Humigpit ang mga kamao ni Luna. Lumingon siya at tumingin siya kay Jim, may sasabihin sana siya, ngunit hindi siya makaimik. Kung sinaktan talaga ni Joshua si nanay ng ganito… Ayaw nang isipin ni Luna ang mga kahihinatnan, at ayaw niya rin itong harapin. Biglang nilabas ng mga doctor si Rosalyn mula sa operating room. Mabilis na lumapit si Luna para tingnan si Rosalyn. Ang babaeng may gusto na umalis si Luna sa pamilya Landry at bumalik sa tabi ni Joshua ay nakahiga ng payapa sa kama, na para bang natutulog lang siya. Parang may maliit pang ngiti sa mukha ni Rosalyn. Naramdaman ni Luna na tila sinaksak siya sa puso nang makita niya ang itsura ni Rosalyn. Kinagat niya ang ngipin niya at hinawakan niya ang kamay ni Rosalyn at sumunod siya sa mga doctor papunta sa kwarto ni Rosalyn. Mula sa operating room papunta sa ward, nakatitig si Luna sa mukha ni Rosalyn, hindi nawala ang tingin niya kahit saglit. “Nanay…” Ang s
Pakiramdam ni Heather na tila kakainin siya ng buhay mula sa tingin sa mata at tono ni Jim. Kahit na umiwas siya sa tingin ni Jim, ramdam niya pa rin ang kamuhian at lamig ng tingin nito. Hindi niya mapigilan na manginig habang sumagot siya, “Anong—Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Paano ko… paano ko naman…” “Hindi ba’t klaro ang ebidensya ng pagpatay ni Joshua kay nanay? ‘Wag mo akong sisihin para lang makatakas ng walang parusa ang pinsan mo!” Ngumisi si Jim at sinabi niya, “Sana nga ganun. Kung hindi, hindi ko masasabi ang kahihinatnan.” Pagkatapos, binitawan niya na si Heather at naglakad siya palayo. Sumandal si Heather sa pader habang nakatitig siya kay Jim. Nakahinga na ng maluwag at dumulas pababa ng pader si Heather nang pumasok na si Jim ng elevator. Mabilis ang tibok ng puso niya. Kahit na may mga plano siya dati para patayin ang ibang tao sa tulong ni Aura, maging si Luna noong anim na taon na ang nakalipas o si Granny Lynch noong nakaraan… Hindi niya gi
Sumingkit ang mga mata ni Jim. Tapat ang ekspresyon sa mukha ni Joshua, walang bahid ng pagpapanggap. Nagbuntong hininga si Jim at sumagot siya, “Nakaligtas siya, pero…” Lumingon siya para obserbahan ang ekspresyon ni Joshua at nagpatuloy siya, “Parang lantang gulay siya ngayon, at hindi na siya makapagsalita o makagalaw. Sinabi ng mga doctor na malabo na gumising siya mula sa kondisyon niya.” Tumigas ang katawan ni Joshua. Makalipas ang ilang sandali, pumikit siya at sinabi niya, “Mabuti na lang at buhay siya. Basta’t buhay siya, may pagasa pa.” Sumingkit ang mga mata ni Jim nang marinig niya ito. Sinabi rin ni Joshua ang mga sinabi ni Luna kanina. Nagbuntong hininga ulit si Jim at tumitig siya kay Joshua. Hindi pa siya nakakita ng isang mamamatay-tao na gustong makaligtas ang kanilang biktima. Maaaring hindi si Joshua ang killer, o magaling lang talaga siya sa pagpapanggap. Mas maniniwala si Jim na hindi si Joshua ang killer. Lumingon siya at tumitig siya kay Josh
Nanatiling walang kibo si Jim at sumingkit ang mga mata niya habang pinanood niyang umalis si Joshua. Dati, tuwing nakikita niya si Joshua, laging mukhang mahina at malungkot si Joshua dahil kay Luna. Gayunpaman, pagkatapos masaksihan ang malamig at mayabang na lalaking nasa harap niya, napagtanto ni Jim na hindi niya kilala ang tunay na Joshua. Ang malupit at walang pusong lalaking ito ba ay ang tunay na Joshua Lynch? Bumalik ang pagiging kalma ni Jim, at paglabas niya ng pinto ng police station, nakasalubong niya sina Charles at Heather, na kakalabas pa lang ng kotse. Nagalit si Charles sa oras na makita niya si Jim. Lumapit siya ng galit at tinaas niya ang kamay niya para sampalin si Jim sa mukha. “Anong ginagawa mo dito? Nandito ka ba para makita si Joshua Lynch at tulungan siya na matakasan ang krimen niya?” Sinalo ni Jim ang kamay ni Charles gamit ang kamay niya at sinabi niya habang hawak niya ang kamay ni Charles ng mahigpit, “Ano ang pakialam mo kung ano ang gina
Sa loob ng police station. Mag isang nakaupo si Joshua sa maliit na kulungan at nakatitig siya sa langit. Biglang tumunog ang boses ng gwardya sa likod niya, “Mr. Lynch, nandito sina Mr. Landry at Ms. Heather para makita kayo.” Ngumisi si Joshua. Tumalikod siya at tumingin siya sa gwardya. “Ayaw ko silang makita.” Nagdalawang isip ng ilang sandali ang gwardya, pagkatapos ay sumagot ito, “Pero… sila po ang pamilya Landry. Kapag tumanggi po kayo, papahirapan nila ang buhay niyo kapag umalis kayo ng kulungan.” “Hindi po kayo nagmula dito, kaya’t hindi niyo naiintindihan ang tunay na kapangyarihan ng pamilya Landry sa Merchant City… lalo na po si Ms. Heather. Wala pong kayang umaway sa kanya kahit na gumawa po siya ng gulo kahit saan.” Yumuko si Joshua at sinabi niya, “Para sayo lang ‘yun. Pag lumabas na ako dito…” “Hindi ko masasabi kung kaninong buhay ang papahirapan ng sino.” Pagkatapos, umupo siya ng mas komportable at sinabi niya, “Sabihin mo sa kanila na ayaw ko silan
“Kawawa naman si nanay, parang lantang gulay na siya ngayon at nasa kama na lang siya, pero hindi pa naparusahan ang tunay na killer dahil kulang sa ebidensya…” Tumulo ang luha sa mga mata ni Heather habang sinasabi niya ito. “Wala na bang ibang paraan? Kawawa naman si nanay…” Sumingkit ang mga mata ni Charles nang marinig niya ito. Suminghal siya at sinabi niya, “Paano naman mawawalan ng ibang paraan?” Dahil hindi niya kayang parusahan si Joshua gamit ang batas, gagamit siya ng ibang paraan! Nabalitaan ni Charles na ang isang gangster na may pangalan na Luke Jones, na sikat dahil sa mga krimen nito, ay dumating nitong nakaraan sa Merchant City. Ngayong gabi, hahanapin niya si Luke Jones at uutusan niya ito na patayin si Joshua, kahit ano ang mangyari! “Kung may plano po kayo, tatay, mabuti po ‘yun…” Nagbuntong hininga si Heather, pinagaan niya ang loob ni Charles, at pinauwi niya na ito. Pagkatapos ihatid si Charles sa Landry Mansion, umalis siya ng nagmamadali. Habang nak