Pinaupo ni Christopher si Luna sa harap niya para sa isang pagsusuri. Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Aunty Rosalyn, may gusto po akong itanong. Hindi po ba’t matagal na kayong tumigil sa pag eksperimento ng mga gamot sa sarili niyo?” Bakit po bigla niyo ulit ito ginawa at nalason niyo pa po ang sarili niyo?” Nawala ang kulay sa mukha ni Rosalyn nang marinig niya ito. Lumingon siya sa isang tabi, ayaw niya nang magpatuloy sa pakikipag usap tungkol dito, at nakita nia ang dalawang lalaking may suot ng maskara na may hawak ng bag ni Christopher. “Sino ang dalawang ito? Hindi ba’t si June ang lagi mong kasama kapag bumisita ka?” Ngumiti si Christopher, nilagay niya ang mga daliri niya sa pulso ni Luna at sumagot siya, “May ilang mga pasyente po ako sa bahay na kasing edad ni June, at busy po siya sa pag aalaga sa kanila. Masaya po siya sa pagiging maliit na doctor, kaya’t hinayaan ko po siya na manatili sa bahay at alagaan sila.” Tumalon ang puso ni Luna nang marinig niya
Tumahimik ang buong kwarto. Sumimangot si Malcolm, tumingin siya sa tuyong gamot sa bag ni Christopher. Ito ba ang tuyong halaman na gumamot kay Rosalyn? Hindi niya maalala. Noong dinala ang halaman sa kanya, mabilis niya lang ito tiningnan bago niya ito binigay kay Christopher, paano niya maaalala ang itsura nito?” “Syempre naaalala ko.” Ngumiti si Malcolm kahit na wala siyang alaala na nakita niya ang halaman na ito dati. “Ito ang gamot na dinala ko para gamutin po kayo, Mrs. Landry, paano ko naman makakalimutan?” Hindi mapigilan ni Christopher na itikom ang mga labi niya nang marinig niya ito. “Matalas ang memorya ni Master Quinn.” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya kay Rosalyn, na siyang nakasandal sa ulo ng kama. Madilim ang ekspresyon ni Rosalyn. Tinikom niya ang mga labi niya at tinanong niya, “Malcolm… sigurado ka ba at naaalala mo?” Ngumiti si Malcolm. “Syempre po. Pinadala ko po ang mga tauhan ko sa isang bansa para kunin ito, syempre naaalala ko po.”
Tila pinupuntirya ni Christopher si Malcolm sa mga akusasyon na ito. Kakaiba ito. Nang dinala ni Malcolm kay Christopher ang Clinging Root, naintindihan niya ang galit ni Christopher nang lokohin siya ni Joshua, kaya’t dapat ay may magandang relasyon sila ni Christopher. Bakit malupit si Christopher kay Malcolm ngayong araw? “May sinusubukan lang akong unawain.” Ngumisi si Christopher at inabot niya ang kamay niya kay Joshua, na siyang nakasuot pa rin ng mask. Inabot ni Joshua ang isang phone sa kanya. Nagscroll si Christopher sa call history at mga text message sa phone na ito at tumitig siya kay Malcolm. “Ang katulong na ito na sinabi mo na umalis ng Quinn Mansion ay nagpanggap at nagtrabaho sa Swan Lake Chalet. “Pagkatapos akong tawagan ng kaibigan ni Joshua na si Jude tungkol sa Clinging Root, tinawagan ng lalaking ito ang pamilya Quinn, sa sobrang dalas ay kahit anong gawin ko na importante o hindi, tatawagan niya ang pamilya Quinn.” Habang sinasabi niya ito, tumitig
Sumingkit ang mga mata ni Malcolm habang pinapanood niya ang video na pinakita sa kanya ni Christopher. Malinaw ang pagkuha sa video ng pag uusap nila Jude at Hunter sa background. Kahit na kalmado si Malcolm, minumura niya ng palihim si Hunter. Inutusan niya na si Hunter na sirain ang lahat ng ebidensya na may kinalaman siya dito! Naisip siguro ng p*ta na ‘yun na sapat na para sirain ang lahat ng security footage sa airport. Pero, nakalimutan ni Hunter na ito ay ang airport entrance, at bukod pa dito, maraming turista sa Merchant City pagsapit ng taglagas, kaya’t maraming tao na kumukuha ng mga litrato at video. Kung nahanap ni Christopher ang video na ito, ibig sabihin ay mayroon pang iba. Sumingkit ang mga mata ni Malcolm at lumingon siya para tumitig kay Christopher. “Hindi ako sigurado. Baka ang lalaking ito, si Mr. Jude, ay may kasunduan kay Hunter.” Habang nakatitig kay Malcolm, hindi mapigilan ni Christopher na isipin na walang hiya ang lalaking ito. Nagawa niya
Si Joshua ang nakahanap ng Clinging Root. Ginamit ni Malcolm at Hunter ang hindi pagiging makakilala nila Jude at Christopher para lokohin sila! Inisip pa ng pamilya Landry na si Malcolm ang tagapagligtas nila at binigyan pa nila ng maraming pribilehiyo sa business ang Quinn Group. Tumingin ng nakakaawa si Malcolm kay Rosalyn, pagkatapos ay tumingin siya kay Luna. Sa huli, yumuko siya at umamin siya, “Kasalanan ko ang lahat…” Nagbuntong hininga siya at nagpatuloy siya, “Alam ko na kailangan ni Mrs. Landry ang Clinging Root para sa antidote, at kabado ako para patunayan ang sarili ko, pero…” Yumuko siya at tumitig siya sa mga binti niya. “Pilay na ako, at hindi ko kayang hanapin ito ng mag isa, kaya’t humingi ako ng tulong sa pinsan kong si Hunter…” Pumikit si Malcolm at may ekspresyon siya na tila nasaktan siya, sumandal siya sa wheelchair niya. “Araw araw kong sinabihan si Hunter at binigay ko pa ang lahat sa kanya kapalit ng hiling na ito. Sa huli, nangako siya sa akin na
“Bakit naman ako tatanggi doon?” Tumingin si Malcolm kay Christopher habang nakangiti, ngunit malamig ang tingin niya. “Kasalanan ng pinsan ko kaya’t may hindi pagkakaunawaan sina Luna at Joshua, kaya’t hahayaan ko na makipagkita sina Luna at Joshua at ipaliwanag ang lahat.” “Pati…” Tumingin si Malcolm kay Luna ng may malambing na ekspresyon. “May tiwala ako sa kanya. Dahil pumayag na siyang magpakasal sa akin, alam ko na hindi niya ako iiwan at hindi siya tatakas ng Merchant City. Bakit naman ako mag aalala na makita niya si Joshua?” Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito. Hindi siya komportable dahil dito. Naisip niya na alam ni Malcolm kung anong klaseng tao siya. Dahil gumawa na ng desisyon si Luna, hindi niya pagsisisihan ang desisyon niya. Pero, nagpapahiwatig si Malcolm na ‘wag magbago ang isip ni Luna tungkol sa engagement. “Dahil ayos lang ito sayo, Malcolm, sasama ako ngayong kay Christopher papunta sa Swan Lake Chalet.” Naiirita na tumayo si Luna at naglakad
Nagbuntong hininga si Rosalyn at tumitig siya kay Malcolm. “Alam ko na marami kang sinakripisyo para kay Luna sa mga nakalipas na taon… pero alam ko na hindi ka mahal ni Luna.” Dumilim ang ekspresyon ni Malcolm nang marinig niya ito. Pero, pinigilan niya ang emosyon niya at lumingon siya para tumitig kay Rosalyn habang nakangiti. “Aunty, kahit na hindi po ako mahal ni Luna, kaya ko po siyang mahulog para sa akin.” “Basta’t mahal ko po siya, sapat na ‘yun.” Tumawa ng mahina si Rosalyn habang nakatitig siya sa lalaking nasa wheelchair. Pagkatapos, sumandal siya sa ulo ng kama at sinabi niya, “Pero mahal mo ba talaga si Luna na tulad ng sinasabi mo?” “Tumatanda na ako ngayon, at marami na akong nakita. Madali kong malaman kung mahal mo si Luna at kung nagsasabi ka ng totoo.” “Ang katawan ko lang ang mahina, at nakapag pahinga na ako. Hindi ko powedeng baguhin ang isip ni Charles sa lahat ng bagay ngayon.” Pumikit siya at ngumiti siya. “Kapag gumanda ang kalusugan ko, hindi ko
Klaro na nandito si Heather para lang gumawa ng gulo. Gayunpaman, ngumiti pa rin si Christopher ng mabait at sumagot siya, “Ano ba ang sinasabi mo, Ms. Heather? Paano ka naman naging hindi importante kumpara sa iba?” “May… kailangan lang akong gawin na importante.” “Ano ba ang sobrang importante na wala kang oras para bigyan ako ng mabilis na checkup?” Humalukipkip si Heather at tumingin siya ng mapanglait kay Christopher. “Hindi ako buntis, kaya’t hindi naman matagal ang pag checkup sa akin.” “Pero—” “Christopher, bakit hindi mo bigyan ng mabilis na checkup si Heather?” Nang may sasabihin pa si Christopher, tumunog ang boses ni Charles sa likod nila. “Isang makulit na bata si Heather. Kung si Luna lang ang bibigyan mo ng checkup at hindi siya, sasama ang loob niya ng matagal.” Pagkatapos, mabagal na lumapit si Charles at tumingin siya kay Christopher. “Pati, hindi ba’t sapat na ang pagkakakilala ko sayo? Alam ko na wala ka masyadong importanteng gagawin.” Walang magawa n