Maliban kela Aura at Joshua, nakaupo din si Michael sa mesa na may malinis na suit, ngunit hindi pa rin siya mukhang elegante.Nang makita na pababa si Luna, agad na tumayo si Michael ng may maliwanag na ngiti sa mukha. “Luna.”Sumimangot si Luna at tumingin siya ng masama kay Michael, puno ng pagkalito ang mga mata niya. Hindi ba’t pumunta si Michael dito para mag record ng video ng paghingi ng tawad? Bakit nandito pa rin siya kahit na tapos na irecord ang video?Nakita ni Aura ang pagkalito ni Luna at ngumiti siya ng maliit. “Inimbita ko si Michael. Gabing gabi na, hindi pa siya kumakain ng hapunan. Malaki ang villa, wala namang magbabago kung may isa pang nakaupo sa mesa.”Pagkatapos, tumaas ang mga kilay niya at tumingin siya kay Luna mula sa gilid. “Sis, ‘wag mo sabihin sa akin na hindi mo hahayaan man lang si Michael na kumain dito?”Kumunot ang noo ni Luna dahil sa mga sinabi ni Aura. Sumimangot siya, “Ayos lang sa akin kung may ibang nakaupo sa mesa, pero…” Umupo siya sa p
“Inumin mo ang akin.” Nang makita ang ubos na bowl sa harap ni Joshua, nabigla si Luna.Ito ay…Sa tabi nila, galit na galit si Aura.Tanga si Michael! Ito ang huling lason na meron si Aura! Gusto niyang personal na makita na inumin ito ni Luna at maghintay para umepekto ang lason ngayong gabi! Ngunit ininom ng tanga na ‘yun ang lahat! Ngumiti ng masaya si Joshua sa galit at irita sa mga mata ni Aura. “Gusto ko pasalamatan ang kapatid ko dahil sa pagmamalasakit niya sa kalusugan ko at binigay niya sa akin ang soup na ito.” Pagkatapos, kinuha niya ang bowl ng mushroom soup at ininom niya ito.Hindi naintindihan ni Michael ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Joshua, naisip niya lang na ngumiti talaga si Joshua para iligtas ang sarili nito sa pagkabigo sa pagmamalaki ng pagmamahalan nila sa publiko.Mas masaya pa si Michael, ngumisi siya habang kumakain siya, ngumiti siya at sinabi niya, “Hindi mo na ako kailangan pasalamatan, dapat ko lang gawin ‘yun.”Nang makita ang mayabang na i
Pagkatapos ng hapunan, bumalik si Luna sa kwarto niya at nagpatuloy siya sa panonood ng video ng jewelry design exhibition. Ngunit tila mainit ang pakiramdam niya. Kahit na binaba niya na ang temperatura ng aircon at tumataas na ang mga balahibo sa balat niya dahil sa malamig na hangin, mainit pa rin ang pakiramdam niya. Akala niya ay nagkasakit na siya, kaya’t nagshower siya. Mas uminit lang ang pakiramdam niya. Sa huli, wala siyang magawa kundi pumunta sa balkonahe habang nakasuot ng pajama at uminom siya ng tubig.Kakaiba ito. Taglagas na, maraming nakakalat na dahon sa hardin, sa sobrang init niya ay gusto niyang maligo sa nagyeyelong tubig.“Luna.” Biglang may narinig siyang mababang boses ng lalaki. Kumunot siya at napatingin siya sa direksyon ng boses.Sa maliit na hardin sa ibaba ng balkonahe, may matangkad at payat na lalaki na nakangiti, may ash gay trench coat sa balikat nito. Umilaw ang buwan sa gwapong mukha nito at mas naging gwapo pa siya.Kinilig ang puso ni Luna sa
Sa mga sandaling ito, naramdaman na nila Aura at Michael ang epekto ng gamot. Habang nakaupo sila sa sala, pareho silang nagkatinginan sa kotse.Sumimangot si Michael. “Bakit biglang nawala ang kuryente?”Nanunuya si Aura, “Hindi mo siya mahanap dahil walang kuryente?” Gumulong ang mga mata ni Aura kay Michael. Hahanapin ko si Joshua, hanapin mo si Luna.”Hirap na tumayo si Michael, kinakapa niya ang kadiliman habang paakyat ng hagdan.Pagkatapos umalis, huminga ng malalim si Aura at kinuha niya mula sa bag niya ang bote ng pabango na pareho ng amoy ni Luna. Kahit na malakas ang gamot para mawala sa tamang isip si Joshua, natatakot si Aura na makilala siya ni Joshua. Mas mabuti kung naisip ni Joshua na si Luna siya.Sa itaas—Nagbihis din si Michael na tulad ng damit ni Joshua at pareho pa silang amoy ni Joshua. Alam niya rin na sa impluwensya ng gamot, iisipin ni Luna na siya ay si Joshua. Basta’t ang suot at amoy niya ay pareho kay Joshua, hindi malalaman ni Luna na siya ito.
Tumigil si Luna, napagtanto niya na ang rason kung bakit mainit ang pakiramdam niya kahit na binuksan niya ang air-con at uminom siya ng gamot.Habang iniisip ito, mas uminit ang pakiramdam niya, mas naging pula ang mukha niya. Inabot niya ang kamay niya at hinawakan niya ang umaapoy niyang mga pisngi. Mula sa madilim na ilaw ng kotse, may nakita siyang pamilyar na pawis sa noo ni Joshua.Tila mas masakit ito para kay Joshua kaysa kay Luna. At least meron siyang iced team habang si Joshua ay walang ininom.Kinagat niya ang labi niya. “Anong dapat nating gawin?”Sumingkit ang mga mata ni Joshua, pilit niyang kinontrol ang init ng katawan niya. “Pumili ka sa dalawa. Pupunta tayo sa hospital, o sa hotel.”Tumalikod si Joshua, nakita niya ang pulang mukha ni Luna. “Ano ang pipiliin mo?”Tumigas ang katawan ni Luna. Hospital o hotel. Matanda na siya, alam niya ang ibig sabihin ng dalawang pagpipilian na ito. Kumunot ang noo niya at sinabi niya, “Hindi ba’t medyo malayo ang hospital?”
“Sinabi ko sa babaeng ‘yun na ikaw ang mahal ng buhay ko. Ang mga bagay na importante sayo ay kasing importante rin ng buhay ko. Kung tumanggi siya na ibigay ang jewelry… gagawin ko ang lahat para makuha ‘yun.”“Gagawin mo ang lahat?”“May business dealings kami, pwede kaming magkasundo o maging magkaaway. Sinabi ko sa kanya na gagawin ko ang kahit ano para makuha ito, hulaan mo kung ano ang pinili niya?”Napagtanto na ni Luna ang katotohanan. “Ganun lang kasimple?”“Syempre hindi lang ganun kasimple.” Suminghal si Joshua at nagpatuloy siya sa paghalik ng labi ni Luna. “Sa tingin mo ba ay madali para sa akin para sabihin na ikaw ang mahal ng buhay ko?”Nabigla si Luna. Bigla niyang napagtanto ang ibig sabihin ni Joshua…Umaamin ba ng pagmamahal si Joshua?Tinikom niya ang mga labi niya at may sasabihin sana siya, ngunit siningitan siya.Wala siyang masabi. Magulo at nalilito ang isip niya. Ang tanging nakikita niya lang ay ang gwapo at nakakaakit na mukha Joshua na nasa harap n
"Bakit ka sumisigaw?!" Sumakit ang ulo ni Aura sa kanyang malakas na sigaw. Pinandilatan siya nito. "Labas!" Hinawakan ni Michael ang kumot para matakpan ang sarili. “Bakit naging ikaw? Kagabi, sinigurado kong naamoy ko ang pabango ni Luna at ang kanyang mga damit bago ako…” Nangutya si Aura. “Ganoon din ang ginawa mo, pareho ang suot mo na damit at pabango ni Joshua! Kung hindi ka nagbihis ng tulad kay Joshua, mapapagkamalan ba kita?" Dahil doon, pinulot niya ang mga damit na ibinato nito sa sahig, isinuot sa kanyang mga bisig, pagkatapos ay itinulak siya palabas ng pinto. "Labas!" Sa dagundong ng galit niya, sinara ng padabog ang pinto. Pagtingin sa pinto ng kwartong naka-lock nang mahigpit, napabuntong-hininga si Michael at nagsuot ng damit na may walang magawang ekspresyon sa mukha, pagkatapos ay lumabas ng villa na nagtatampo. Pagkaalis ni Michael, mas lalong nagalit si Aura habang iniisip ito. Galit niyang binasag ang lahat ng maaring basagin sa lupa. Paanong nangyari
Halatang nag-iisa si Joshua kagabi. Walang magawang tinampal ni Aura ang kanyang noo. Dahil nakatulog si Joshua sa sarili niyang kwarto kagabi, bakit hindi niya nahanap si Joshua? Kahit siya ay...kasama si Michael... Ang lahat ng ito ay dahil sa pahamak na pagkawala ng kuryente! Huminga siya ng malalim at palihim na nilinis ang mga mantsa ng tubig sa ilalim, saka hinubad ang kanyang pajama at humiga sa kama ni Joshua. Iniunat niya ang kanyang mga braso at niyakap si Joshua mula sa likuran. Mula sa isang anggulong hindi niya nakikita, binuksan ni Joshua ang kanyang pares ng napakalalim na mga mata. Bumaba ang tingin niya sa pares ng mga kamay na nakahawak sa kanya, at bakas ng pagkasuklam ang sumilay sa kanyang mga mata. Naisip kung ano ang sinabi ni Luna sa kanya kagabi, gayunpaman... Bumuntong-hininga ang lalaki nang hindi nakikita. Iminulat niya ang kanyang mga mata na parang kakagising lang, napatingin sa braso ng babaeng nakahawak sa kanya, saka humarap. “Ikaw...” K