"Kaya tinanggihan mo ang mungkahi ni Joshua..."Kinagabihan, umupo si Anne sa harap ng floor-to-ceiling window ng coffee shop, hinahalo ang kape sa kanyang mga kamay, habang bumuntong-hininga at sinulyapan ang babaeng nasa harapan niya. "Kaya ngayon ang magagawa mo lang ay maghintay ng pagkilos ni Aura?" Kasabay noon, nagbuntong hininga siya at humigop ng kape. “Ang totoo, sa tingin ko medyo magandang ideya ang pagpapanggap na pakasalan si Joshua. Tingnan mo, medyo matagal na mula nang bumalik si Aura sa lungsod. Kahit na nandiyan si Fiona noon, hinding-hindi susundin ni Fiona ang bawat utos niya. Ganun pa man, nanatiling kalmado at collected si Aura. Parehong nagsagawa ng paghahanap sa kanya ang mga tauhan ni Joshua at Bonnie ngunit nabigo pa rin siyang mahanap…” Nagtaas siya ng mata at tumingin kay Luna. "Siguro ang pagpapakasal kay Joshua ay talagang itatapon siya sa kanyang mga paa." Kinagat ni Luna ang kanyang mga labi at inilibot ang kanyang mga mata kay Anne nang walang
Ang eksena sa harap ng kanyang mga mata ay nagpatulala kay Luna ng ilang sandali. Paano kaya naging siya? Nasaan si Theo? Nang makita siya, kinulot ni Joshua ang mga labi at mahinang tumawa. Nakaupo siya sa piraso ng bato nang elegante, ang kanyang tingin ay kalmado at walang pakialam habang nakatingin sa kanya. "Tumigil ka sa paghahanap, ako ang tumawag sayo dito." Nagsalubong ang mga kilay ni Luna. Tumingin siya sa kanya, malamig ang boses niyang sinabi, “Kung gusto mo akong makita, tawagan mo lang ako. Bakit mo pipiliin na maglaro ng balabal at punyal?" Nagpadala sa kanya ng text message at humihiling pa na makipagkita sa isang lugar na tulad nito. Ang akala niya talaga ay galing kay Theo at napatakbo rito nang may sprained ankle! Pero sa huli ay si Joshua pala? Ano ang dapat niyang sabihin sa kanya na hindi maiparating sa telepono? "Para sa pormalidad." Madilim ang sikat ng araw sa gabi at walang streetlights sa eskinita kaya hindi maaninag ni Luna ang ekspresyon ni Joshu
Dinala si Joshua sa emergency room at tatlong araw siyang nasa hospital. Nang magising siyang muli , nakatanggap siya ng tawag mula kay Nellie.“Daddy.” Mula sa kabilang linya ng phone, tumunog ang cute na boses ng bata sa tainga niya. “Naaalala niyo po ba kung anong araw bukas?”Habang nakahiga sa kama ng hospital, tumingin si Joshua sa kalendaryo sa pader at bahagyang sumingkit ang mga mata niya. “Birthday ng Mommy mo.”Hindi niya nakalimutan ang kaarawan ni Luna. Noong kasal pa sila, gusto niyang ipagdiwang ang kaarawan ni Luna ng bawat taon. Ngunit, tuwing darating ang araw na ‘yun, naiisip niya na masyadong maraming dekorasyon at apeksyon sa paghahanda niya, kaya’t sa huli, kaswal niya lang binibigay ang regalo at sinasabi niya kay Luna na binili niya lang ito ng basta basta. Sa katotohanan… ang bawat regalo niya ay siya mismo ang pumipili. Sa loob loob niya, natutuwa siyang makita ang regalo niya sa kamay ni Luna habang tinatawag siya nito na ‘dear’.Ngunit dati, ang pride ni
“Sir, malala po ang sugat niyo, alam niyo rin po ito. Sinabi po ng doctor na kailangan niyo po magpahinga. Hindi po kayo pwedeng mapahamak ulit, kung hindi…” Hindi na kailangan pang bigkasin ang mga susunod niyang sasabihin. Nanatiling tahimik ng ilang sandali si Lucas. “O hindi po kaya… pwede niyo pong ihanda ang proposal, at ako na po ang gagawa. Hindi niyo po kailangan mag alala sa mga ipapagawa niyo sa akin, alam niyo naman po ito, hindi ba?” Nakahiga si Joshua sa ulunan ng kama, ngumiti siya at sinabi habang maputla at walang kulay ang mukha niya, “Nag aalala pa rin ako. Ako lang ang may alam kung ano ang mga gusto at ayaw ni Luna. Pati…” Ngumiti siya at nagpatuloy, “Sa nakalipas na mga linggo, mahirap ang pinagdaanan niya dahil sa akin, dapat kong personal na maghanda ng party para sa kanya…” Pagkatapos, bumangon siya mula sa kama. Tumingin si lucas sa maputlang mukha ni Joshua. “Tatawagin ko po ang doktor!”… Kinabukasan ng gabi. Pagkatapos ng isang araw ng shopping
Pagkatapos ng phone call, huminga ng malalim si Luna, balisa at problemado siya. Inisip niyang tumawag sa pulis. Ngunit maingat magmatyag at magbantay si Aura, kapag tumawag siya sa pulis… Nag aalala siya na mapupunta sa panganib sina Nellie at Nigel. Kahit na maprotektahan niya sina Nellie at Nigel, paano si Neil? Kapag niligtas ng pulis sina Nigel at Nellie, siguradong ilalabas ni Aura ang galit niya kay Neil.Hindi magandang isugal niya ito. Kaya’t wala siyang magawa kundi pumunta ng mag isa.Habang iniisip ito, mahigpit siyang humawak sa phone niya at tumitig siya sa bintana ng balisa. Dapat ay ligtas sila. Dapat maging ligtas sina Nellie at Nigel!Sa buong biyahe mula Blue Bay Villa papunta sa beach, malakas ang tibok ng puso ni Luna. Hindi niya alam kung anong binabalak ni Aura, hindi niya rin alam kung ano ang naghihintay sa kanya kapag dumating siya doon. Iniisip niya rin kung pwede siyang humingi ng saklolo… Habang malakas ang tibok ng puso, nakarating na si Luna sa b
Kilala niya ang sarili niya… kung gaano puno ng takot ang dibdib niya nang makita niya ang piraso ng papel at inakala niya na kinidnap sina Nellie at Nigel. Hindi nila alam. Akala nila ay mabuti ito para kay Luna, isang masayang sorpresa. Ang pag aalala, pagkabalisa, at pagkataranta sa biyahe niya ay wala dapat dito, dapat siya maging masaya. “Luna.” Pinigilan ni Joshua ang sakit na nararamdaman niya sa tiyan niya, lumapit siya na parang isa siyang lalaking walang nararamdaman, hawak ang regalo na hinanda niya. Tumingin siya kay Luna, malambing at maamo ang mga mata niya. “Makalipas ang maraming taon, ito ang unang beses na ipinagdiwang ko ang birthday mo ng kasama ka.” Inabot niya ang regalo kay Luna. “Sana ay magustuhan mo.” Sa sandali na sabihin niya ang mga ito, sumigaw ang mga madla sa pagkasabik. “Luna, dalian mo na, tanggapin mo, pinagsikapan ni President Lynch na piliin ang regalo mo!” “Tama! Nagbook siya ng buong hotel at beach, ang romantiko niya!” “Hindi ako maka
Bigla, sa sobrang tahimik ay ang tanging maririnig lamang ay ang tunog ng mga alon. Gulat na tumitig ang lahat kay Luna. Walang umaasa na ang perpektong birthday celebration ay mauuwi sa ganito… Nalilitong tumitig si Nellie sa eksenang nasa harap niya, halos umiyak na siya sa pagkabalisa. Sa totoo lang, ang pagkawala nila ni Nigel pati ang note, ay plano niya pareho. Tumanggi ang Daddy niya sa planong ito, sinabi na hindi ito magugustuhan ng Mommy niya, na mag aalala at mababalisa ang Mommy niya. Ngunit naisip niya na ito ang pinakamagandang plano. Sa pagpipilit niya, pumayag na ang Daddy niya. At ngayon… sinampal ni Mommy si Daddy! Balisa siyang lumapit kay Luna at hinawakan niya ang kamay nito. “Mommy, ‘wag po kayong magalit, sa totoo lang po, ako ang gumawa ng planong ito, hindi si Daddy! Kung galit po kayo, sa akin po kayo magalit. Gusto lang po ni Daddy na maging masaya kayo…” Ngunit sa mga sandaling ito, puno lang ng galit ang isip ni Luna. Tumingin siya kay Nellie na sin
“Dalawang oras.”“Sige.” Huminga ng malalim si Luna. “Sasamahan kita at magpapaalam ako sayo sa airport.” “Sasamahan mo ako?” Sa kabilang linya ng phone, nagulat si Christian sa hindi inaasahang sinabi ni Luna. “Hindi ba’t nasa birthday ka dapat ngayon at nagdiriwang? Bakit…” Tumigil siya. “Hindi ka pumunta?” “Oo.” Suminghot si Luna, “Ayaw ko ng ipinagdiriwang ang kaarawan ko.” Pagkatapos, hindi na siya nagsalita pa at binaba niya ang phone, tumawag siya ng taxi, at pumunta na siya ng airport. Ayaw niyang umuwi sa Blue Bay Villa. Ayaw niya rin pumunta sa apartment ni Anne. Ayaw niyang hanapin siya ng kahit sino. Alam niya na kung sino ang makakahanap sa kanya ngayon ay magagalit dahil sa ginawa niya kanina, at sasabihin sa kanya ang lahat ng pagsisikap na ginawa ni Joshua sa paghahanda nila. Hindi niya kailangan ito. Kaya, nagdesisyon siya na samahan si Christian sa airport bago ito umalis. Gabing gabi na, walang iisip na nasa airport siya ngayon. Mas maganda sa kanya ang tahi