Hindi ko maialis sa isipan ko ang lahat na sinabi ni Flor. Parang nasampal ako sa katotohanan. She's right, nasanay lang ako na mula noon, si kuya Santi ang nagdedesisyon sa buhay ko. Wala akong ibang nakikita kundi siya.
Binawasan ko ang oras sa pagkikita kay kuya. Inabala ko ang sarili sa skwelahan at paintings ko.
Isang araw bumungad sakin ang bulong bulongan ng mga ka klase. Umupo ako sa upuan nang tabihan ako ni Pitchy, ang may crush kay kuya.
"Alam mo na ba ang bagong post sa Monreal College Confessions?"
"Huh? May ganun ba?"
"Oo page ng Unibersidad. Alam mo, ang latest post doon ay may magkapatid raw dito sa Unibersidad na magka relasyon. Kanina lang umaga iyon nakapost. Grabe! Lahat dito pinag usapan ‘yun kung sino. At yung boy raw ay graduate na. Kaya magkakaroon raw mamaya ng meetings ang mga teachers kaya
Chapter 24My FirstMag isa akong nakatayo sa waiting shed. Tulala, hindi maproseso ng aking utak ang mga nangyayari. Handa ba akong isuko ang nararamdaman?Kung magpaparaya ako, hindi ko masisira si kuya. Wala akong maaagrabyado. Kung hindi ako magpaparaya sa nararamdaman,marami akong masasaktan at mapapahamak. Alam kong masasaktan ako ng sobra, hindi lang ako kundi si kuya.Ano bang dapat kong gawin? Ba't ang hirap mamuhay sa mundong ito?Humakbang ako palabas ng waiting shed at napag isipang maglakad lakad. Gusto kong mapag isa at yakapin ang kalungkutan na nararamdaman.Bumuhos ang patak ng ulan sa aking balat. Napatingala ako sa makulimlim na kalangitan. Imbes, ay mapait akong ngumiti sa kalangitan."Bakit ka nagpapaulan?" Napapitlag ako ng marinig ang isang boses sa aking likod."Sky!""Tss.." umirap ito at hinila ako pabalik sa shed. Kapwa na kami basa ng ulan.
Chapter 25Naalimpungatan ako sa isang marahan na paghaplos haplos sa aking pisngi at buhok. I can't help but to smile bitterly.Kinuha ko ang kamay nito at hinawakan,pinanatili ito sa aking pisngi at dinama ang init na hatid bg kanyang palad."Mag uumaga na.." kuya whispered.Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ang init ng labi niya na humalik sa aking noo."I'm tired kuya." nahalata ko ang pagkapaos ng aking boses.Humalakhak ito at niyakap ako ng mariin. Nakabihis na ako at maging siya. Parang ayoko nang matapos ito. Gusto kong makapiling siya katulad ngayon, kaming dalawa lang at tahimik. Malayo sa mga taong mapanghusga."Kuya...""Hmmmm?" Malambing na sabi nito at pinagpatuloy ang pag haplos saking buhok. Nakahilig rin ako sa kanyang dibdib."Ba't di mo tanggapin ang offer sayo?"Bumuntong hininga ito. "Sapat na sakin to Ara. Ayos na sakin na ganito lang. Ang
Chapter 26KinangAng aking mga kamay ay may bahid na dumi, dumi ng pagpinta. Ginugol ko ang oras sa pagguguhit at hindi na pintulan ang pag anyaya ng mga ka klase ko sa akin na mag break. Hindi rin ako makapaniwala na kaya kong maging matalino sa bawat klase.Libro, computer, paintings, at iba pa ang routine ko araw araw. Ang Linggo ay ginugugol ko parin sa pagpipinta. Dalawang linggo ang nakalipas at hindi ko na nakita pa si kuya. Hindi rin ako nakadalaw kay papa.Yung pananabik ko sa pamilya ay binaling ko sa aking kinahiligan. Lahat na emosyon ko nilagay ko sa aking paintings. Maraming gustong bilhin ito at minsan, pinatulan ko na sa saktong halaga. Mahirap dahil studyante lang ako at may pangangailangan."Hmm..mga anghel ba 'yan Ara?"Napalingon ako kay miss Garcia. "Opo!""Ang galing mo talaga , Ara. Sa paglipas ng panahon,lalo kang gumagaling..""Hindi naman po.."Sinubukan kong tapusin ang kulang.
Chapter 27Greatest HonorI need to be strong. Walang makakatulong sakin kundi sarili ko lang. Naisip ko rin na dinala ni kuya si papa dahil hindi ko makakaya kung nasa pangangalaga ko si papa lalo na't may gamot ito na kailangan. Kahit nga pambayad sa hospital ay wala ako. Di'hamak na estudyante lamang ako.Nagkalat sa aking mesa sa kwarto ang tatlong libro at ang aking papel. Marami akong pinag aaralan. Mas gusto ko pang matayog ang aking kaalaman. Kahit hindi na angkop sa dapat pag aralan ko basta't nakuha nang atensyon ko, pinag aaksayahan ko ito ng oras.Tumunog ang aking cellphone sa mesa. Pangalan ni tita Chimen ang nasa rehistro. Huminga ako ng malalim at sinagot."T-Tita..""Ara, ayos kalang ba? Sinabi samin ni Andre at Niko ang mga nangyari. Nag-aalala kami sayo. Gusto mo bang..pumunta kami diyan? Ara, sabihin mo lang kung ano ang pangangailangan mo dahil kapos ako bibigyan kita..""
Chapter 28KuyaAng aking mahabang buhok ay naging makinang at kulot. Ang aking kutis ay mas naging matingkad pa. Ang aking kurba ay mas humubog pa. Ang aking taas ay hindi ko inaasahan. Ito ay isa sa mga nagbago sakin. Lumipas ang anim na taon maraming nagbago.Ang aming bahay ay pinabago ko. Ang aming bakuran ay puno na nang iba't-ibang kulay at uri ng bulaklak. Ang bakanteng lupa sa likuran ay pinalagyan ko ng swimming pool at dalawang sun loungers. Ang aming bahay ay mas naging matibay na kongkreto. Kulay puti ang pintura sa ibaba at makinis na tiles ang sahig. ANg ikalawang palapag ay pinalagyan ko ng veranda at ang kalahati ay purong babasaging dingding,natatakpan lamang ng makapal na kurtina.Hindi man kasing mahal at ganda tulad ng iba, proud parin ako dahil sa sariling sikap ko ito nanggaling.Ang pera sa bank account ko ay mas dumabong at dumami. Sa tingin ko, hindi ko pa muna iyon magagalaw. I am earni
Chapter 29Fight TogetherNanginginig ang aking katawan ng hampasin niya ang bubong ng sasakyan. Pumikit siya ng mariin, tila pinapakalma ang sarili."Get in," he said breathlessly.Pumasok ako sa nakabukas na pintuan ng Benz niya. Namangha ako sa loob ng kanyang sasakyan. Purong black ang loob ng kotse niya at lalaking lalaki ang amoy. Sobrang tinted rin ng salamin nito.Pate ang pagpasok niya sa kanyang kotse ay nagpakaba sakin ng husto. After six years, walang nagbago. Tumitibok parin ang puso ko sa tuwing nandiyan siya. Parang kakawala ito sa aking dibdib anumang oras.Bawat ilaw ng poste ang madaanan ay napapasadahan ng ilaw ang kanyang mukha. Tumindig ang balahibo ko habang tinitingnan ang tangos ng kanyang ilong. Ang mapupula niyang labi at ang nakadepina niyang panga. Ang makapal niyang kilay na nagpapadagdag sa pagiging suplado niya."K-Kamusta?" halos mahimatay ako ng naitanong ko iy
Chapter 30SantiIlang oras lang yata ang naitulog ko. Pahirapan pa 'yun lalo na't hindi mawala sa isipan ko ang mga nangyari. Masaya ako na natatakot't sa pagbabalik ni kuya. Sa mga napag daanan ko sa mga lumipas na panahon...parang ayoko nang itulak pa palayo ulit si kuya. Lahat ng pasakit ay gusto kong gamutin sa mga oras na 'to. Gusto ko nalang namnamin ang mga yugtong ito ng buhay ko."Paula...urgent kasi. Dumating si kuya kahapon.."Ang pagtatalak ni Paula sa kabilang linya ay naputol."Ha? Ano?"Umirap ako sa kawalan. "Nandito si kuya..""Oh god! 'Yung nakikita ko sa mga magazine na may kasamang model?""O..Oo..""Bibisitahan kita pag hindi na'ko busy. Bruhilda ka talaga! Mabuti nalang maka cancel kopa yung photoshoot mo ngayon,""Thanks Paul!""Gaga! P.A.U.L.A! Paula! Hindi ko kilala si Paul!"Humalakhak ako dahil ayaw na ayaw nitong tatawagin ko sya sa kanyang pangalan. Nag
Chapter 31SinasambaI am happy for them. Wala akong ka alam alam sa mga nangyari sa kanila noon. Ang alam ko lang, hindi nakasama si Flor kay kuya papuntang abroad. Nagulat ako sa mga nalaman ngayon dahil siya pala ang papakasalan ni kuya Lance."Patawarin mo sana siya Ara. Pasensya na..." si kuya Lance. Humihingi ng tawad sakin para sa asawa. Si Flor ay nasa loob na ng bahay nila. Saglit kaming huminto rito para tingnan ang kanilang bahay. Hindi kalayuan ito sa barangay nila lola Lourdes."Kuya Lance, matagal na iyon.." nakita kong nagkatinginan si kuya at Lance. Ginulo ni kuya Lance ang aking buhok.Mahaba habang usapan pa bago kami umalis. Kasama namin sa sasakyan si lola Lourdes na emosyonal na nakatingin sakin ,ganon rin ang dalawa kong pinsan na si Lara at Kathlyn.Hapon na kami nakadating sa bahay ni lola Lourdes. Ingay ng ibon at ingay ng mga dahon na nakapaligid na mga puno sa bahay ni lola Lourd