Kung wala lang siya sa alanganing sitwasyon ay bumulanghawit na siya ng tawa. Ano daw? Pagmamay-ari na siya nito? Sa kaninong pahintulot? Baliw nga talaga ang lalakeng 'to!"Excuse me Mr. Ferroci, for your information, I don't belong with anyone. Mukha yatang maluwag na ang turnilyo ng utak mo. Magpa-check-up ka na, para hindi na lumala." Sarkastiko niyang sabi saka marahas na kumawala mula sa hawak nito.Pero sa ikinairita niya, ay hindi siya nito binitiwan. Bagkus mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya. She look at him sharply. "Bitiwan mo ako!" "No!" Madilim ang mga matang sabi nito. He then pull her. "Bumalik na tayo sa villa." "Hindi na ako sasama sayo pabalik doon!" She hissed. "I will stay here and wait for someone who can bring me to the nearest town! Gusto ko nang umuwi!" "Kung alam mo kung anong makabubuti sayo, hindi mo iyon gagawin. Don't try my patience any longer dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo?" Matapang niyang sinalubong ang mg
Wearing a skin tone gown with slit from the bottom up to her knee, she can't stop but to stare at herself on the mirror.Napaawang ang kanyang bibig. Hindi siya makapaniwalang ang sarili niya ang nakikita niya ngayon sa salamin. She darted her eyes on her dress. Ang suot niya ngayon ay isang sleeveless gown na may mababang neckline na halos makita na ang gilid sa magkabilang gitna ng dib-dib niya. May mga kumikinang na maliliit na beads sa buong dib-dib ng damit hanggang sa ibabang bahagi na tila mga diamante. Tila sinukat rin iyon sa kanyang katawan dahil tamang-tama lamang ang pagkakabakat niyon sa kanyang maliit na baywang.It was indeed beautiful. With it's brand name, alam niyang hindi rin biro ang halaga non. Pero wala ni kahit na katiting na excitement siyang naramdaman. Instead, she felt like hell was upon her shoulder. Ang impiyernong pinaghaharian ni Levin."Muy bunita!" Anang bakla sa kanyang likod na siyang nag-ayos sa kanya. Hinawakan pa nito ang kanyang balikat at in
"Hindi mo man lang tinutulan ang matadang iyon! Instead you smile at him sweetly when he kissed your hand!" Madilim at tiim ang mga bagang na akusa ni Levin sa kanya."Kung wala siguro ako, gagamitin mo ang pagkakataong iyon para hilingin sa matanda na ilayo ka rito sa Isla. And I'm sure he will gladly do that, he seems interested in you." Patuloy pa rin ito sa pang-akusa. And how dare him! Hindi pa nga nababawasan ang galit at inis na nararamdaman niya para rito, heto at dinagdagan na naman nito. She really wanted to get away from him, at desperado siyang gawin iyon, but with director's Joey expense? Ngayon pa nga lang naiisip niya ang ginawa nitong pagtitig sa kanya kanina, kinikilabutan na siya. But then, hindi na niya gustong ipangalandakan pa iyon sa kaharap. Katunayan, nasisiyahan siya. Sana mamatay ito sa inis!She raised her brows sarcastically."Teka, ano ba ang ipinagpuputok ng butse mo? Hindi ba ikaw mismo ang nag-utos sa akin na pakiharapan ko ng maayos ang mga bisita
There's only one thing she need to do kung gusto niyang makita at makilala kung sino ang babaeng iyon.Katatapos lang ng speech ng pasasalamat ni senator Arcoyo nang lumabas siya. She slowly walk towards the crowd while her eyes is searching. Ngunit naikot na niya ang kanyang mata sa loob ng bulwagan ay hindi niya nakita kung saan naroroon si Levin.Umangat ang kanyang kilay. Biglang sumibol ang inis sa kanyang dib-dib ng maisip na baka umalis na ito at iniwan na siya doon. May posibilidad na may nakilala itong babae, maybe that woman who talked shit behind her back, and right now, he is fucking her somewhere. O baka dinala sa villa nito. Looking at the crowd without him, hindi malayong mangyari iyon.She gritted her teeth. Damn him! Dinala-dala siya doon para lamang iwang mag-isa! "Bigyan mo ako ng isa.." sabi niya sa dumaang waiter na may dala-dalang mga kopita ng alak na nakalagay sa isang tray."Champagne ma'am or whiskey?""Whiskey." Sabi niya. Agad namang kumuha ng isang
Sandali siyang hindi nakapagsalita sa tinuran nito. She stare at him wanting to know if he was serious of what he have said or he is just toying with her. Pagak siyang tumawa ng makita ang seryoso nitong mukha. She raised her eyebrows."I'm sorry Mr. Ferroci, but I don't do boyfriends." Ito naman ngayon ang nagtaas ng kilay. Marahil hindi makapaniwalang narinig nito iyon sa kanya. Higit lalo ang tanggihan ito. Tingin pa naman niya ay hindi ito sanay na tinatanggihan.Pero dagli ring napalis ang kung ano mang pagkakagulat sa mukha nito. Ang pumalit doon ay isang mapaglarong ngisi."Oh really? Then we're at the same boat my darling. I also don't do girlfriends, that was never in my rules."Sabi na nga ba niya at pinaglalaruan lang siya nito."Hindi pala eh, bakit sinabi mong may intensyon kang gawin akong girlfriend?" "Dahil akala ko isa ka sa mga babaeng gusto nang may label na relasyon. A romantic one, that's why I'm ready to break my own rules for you to be with me. Its an except
"Saan ka nagpunta? Kanina pa kita hinahanap?" Agad na salubong sa kanya ni Levin ng makitang pumasok siya. "Ang paalam mo ay pupunta ka sa ladies room." Tiningnan pa nito ang kanyang likuran sa nagdududang tingin."Oh please Levin, give me a break.." Saad niya. "Nagpahangin lang ako sa labas."She look around. It was already crowded inside. Labas-pasok na ang mga tao. Some were drinking, some was at the dancefloor dancing. Ang iba naman ay nasa kani-kanilang mesa pa rin, nagkwekwentuhan at nagtatawanan.Ang makita ang eksenang iyon ay lalo nagpahilo sa kanya. Naka limang shot rin siya kanina, at ngayon na yata iyon umepekto."Pwede bang mauna na ako sa villa? Hindi na kasi maganda ang pakiramdam ko." Paalam niya. At sana pumayag ito. She really want to go. She really don't belong in a place like this.Sandali siya nitong minasdan, pagkunwa'y malalim na bumuntong-hininga."Okey, sabay na tayong aalis--""No, Lev, kaya ko na nang bumalik doon, hindi mo na ako kailangan--""I said, sabay
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at napangiwi ng maramdaman ang pagsigid ng kirot sa kanyang ulo. She roam her eyes around at natagpuan niya ang sarili sa pamilyar na kwartong iyon sa villa ni Levin. She ceased her brows. Hindi niya maalala kung paano siya nakabalik doon kagabi. The last thing she remember is her trying to annoyed Silvana at the party. At ang huli ngang ginawa niya ay noong yayain niya si Levin na magsayaw sa gitna.Ikiniling niya ang ulo. Yes, she had a shot last night, nakalimang kopita yata siya ng whiskey at nadagdagan pa iyon nong nasa mesa na sila nina Silvana at mga kaibigan nito, pero wala naman siyang natatandaan na nalasing siya ng husto. Kung ganoon bakit wala siyang maalala sa nangyari matapos ang kanilang sayaw ni Levin?Sayaw?Napalunok siya ng biglang may pumasok na isang anag-ag sa kanyang isip. 'Its game over now Lei..'Nanlalaki ang mga matang napabangon siyang bigla sa kama nang tuluyan maalala ang ginawang paghalik sa kanya ni Levin k
"Yes we've met, last night." Nakangiting sagot ni Miguel habang ang mga mata ay tiim na nakatitig sa kanya. She darted her eyes on him, and raised her brows. Nagkita nga sila nito kagabi at nagpakilala ito sa kanya, but they never had a chance to talk to each other dahil agad din niya itong tinalikuran.Pero iba yata ang nasa isip ni Levin, dahil pansin niyang madilim ang titig nito. She could also feel the chilling aura coming from him."We just had a brief encounter last night." Mahina niyang sabi sa pagitan ng pagsubo.Ewan niya, pero pakiramdam niya kailangan niyang sabihin iyon, or else Levin will going to flip the table in the way he stare at her. Lalo na kay Miguel."Bakit ka nandito?" He asked darkly at the man infront of them."I was also invited by senator Arcoyo, of course." "Cut that shit Miguel." Mahina pero puno ng panganib na sabi ni Levin. "What are you doing here in my villa? You have your own, bakit nandito ka?""Hindi ko ba pwedeng bisitahin ang kapatid ko?" Baha
Authors Note:I'm not into sad ending that's why I always write stories with happy one.So here we go again.. another story with a happy ending.Again, thank you guys for the wait, for the support and for the love you gave to this story. It will be forever treasured.Hopefully you'll continue to support my journey in writing.Hanggang sa muli.. Mahal ko kayo..>>>>>>THEY stayed at the hospital for another three days before the Doctor finally allowed them to go home. Maayos na ang kalagayan ni Levin. He's out of danger. Pero siyempre, dahil may fracture ang tuhod nito kaya naka-wheelchair muna ito.Sinalubong sila kaagad ng mga bata pagkabukas pa lamang ng pinto ng Penthouse. "Papa.. Mama.." They happily called. They went directly on Levin and hold him with longing."How are you na po, Papa?" Tanong ni Kiel.Ngumiti si Levin pagkunwa'y ginulo ang buhok nito. "I'm very much fine.. I'm happy to be back home. Hindi ba kayo nagpasaway rito kay Lola Soledad?" He asked and r
It was as if a heavy weight was lifted from her shoulder as she saw him open his eyes. Nang yumuko siya para yakapin ito ng mahigpit at naramdaman ang init ng katawan nito, she knew, he made it. He managed to hold on and be saved.At sobra siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil dininig nito ang taimtim niyang panalangin. Sa sobrang saya niya ay napahagulgol siya sa bisig nito. "Ang sama mo... Pinag-alala mo ako ng sobra." Sumbat niya pero mahigpit namang nakayakap rito. Naramdaman niya ang unti-unting pag-angat ng kamay nito papunta sa kanyang likod. He then caress her back gently."I-I'm fine now. Kaya huwag ka ng umiyak." Paos nitong sambit.Napahikbi siya. "Takot na takot ako.. akala ko talaga, tuluyan mo na akong iiwan."Sabi niya saka ini-angat ang luhaang mukha rito. Halata sa mukha nito ang panghihina pero nagawa nitong marahan na ngumiti.Ini-angat nito ang kamay papunta sa mukha niya saka hinaplos iyon. "B-Bakit ko gagawin iyon, eh alam kong iiyak ka ng ganito? Stop cryi
NANGHIHINA siyang napasandig sa naroroong pinto. Mula sa labas ay dinig na dinig niya ang komosyon ng mga Doctor sa loob ng ICU."300 joules.. clear..!""Clear..!"Pangatlong beses na niyang narinig ang sigaw na iyon. And rising the electric current to almost it's limit indicates that there's still no sign of him breathing. Tumaas pa iyon sa 320 joules. Umupo na siya doon na takip-takip ang kanyang taynga. Her whole being is shivering. From fear and from pain. Biglang natahimik sa loob ng ICU kaya dahan-dahan siyang tumayo at dumungaw sa maliit na siwang ng pinto.Her eyes widened in fear as she saw the flat line on the electronic machine infront of Levin's bed. Wala man siyang alam sa medisina, ngunit hindi ang bagay na iyon. Iisa lang ang ibig sabihin ng flat line na iyon. That is.. Levin's heart already stop beating. And the Doctor in charge is already taking his surgical mask. Lumalapit dito ang isang nurse na may dalang notepad. Iisa lang ang ibig sabihin niyon..Sumuko na an
She's in histerics. Nanginginig ultimo ang kaliit-liitang bahagi ng kanyang mga ugat. Naginginig sa matinding takot. The blood on Levin's chest is still gushing. And he's unconscious. Mahigpit niyang hawak ang nanlalamig nitong kamay. Her tears were blinding her. Ini-angat niya ang duguang kamay nito at dinama sa kanyang mukha."Please.. please.. don't do this to me Lev. Alam mong hindi ko na kakayanin kapag iniwan mo ako." She begged with trembling voice.Kasalukuyan silang nasa loob ng isang ambulansiya, nakahiga ito sa stretcher habang siya ay nasa gilid nito. Sa kabilang gilid naman ay naroroon ang dalawang medic. One is monitoring the oxygen, at ang isa naman ay ikinakabit nag dextrose.Sa kalagitnaan ng katahimikan ng gabi, umalingawngaw sa daan ang sirena ng ambulansiya na kinalululan nila. Mabilis ang pagpapatakbo ng driver, halos paliparin na nga iyon, at hindi na alintana ang mga parte na daang may lubak, pero para sa kanya, mabagal pa rin iyon. She wanted to reach the h
Pagkarinig sa sinabi na iyon ng tao ni Miguel, ay napangisi ito. Isang ngising nagpatindig sa kanyang mga balahibo sa katawan."O di ba sabi ko, kusa niya akong hahanapin?" He said. Kung sa kanya o sa mga kasama nito ay hindi niya alam. Maybe to the both of them. Mariin siyang napalunok habang tinatanaw ang ginagawa nito sa baril nito. Wala ni katiting siyang pagdadalawang isip na nakikita sa mga mata nito. All was in his eyes is darkness and the hatred he have for Levin. "Pakawalan mo ako dito, Miguel!" She hissed and tried to struggle. Gustong-gusto niyang makawala para takbuhan ang kinaroroonan ni Levin ngayon. To give him warning, to run away with him far from that place. To escaped. Pero dahil nakatali siya ay hindi niya magawa. Nanatili na lamang sa kanyang isip ang kagustuhang iyon."Huwag kang mag-alala mahal kong kapatid, pakakawalan naman kita eh. Pakakawalan kapag napatay ko na si Levin.." Matigas at madilim nitong sabi.She shiver at that thought. Hindi iyon pwedeng m
Marahan at walang ingay siyang lumabas mula sa kinakukublihang gilid ng makitang dumating na ang kanyang pakay.Sumisipol pa ang lalake habang ibinabababa ang hawak na baril sa mesa pagkunwa'y naghubad ng t-shirt. Inilang hakbang niya ang kanilang pagitan, at naramdaman nito iyon. Tinangka nitong damputin ang ulit ang baril nito, but it was too late. Nasa likod na siya nito at mahigpit ng nakadiin ang kanyang braso sa leeg nito. "Nasaan si Miguel?!" He asked fiercely.Ramdam sa braso niyang nasa leeg nito ang mariin nitong paglunok."L-Lev..." Hirap nitong sambit. Magkagayon man, bakas sa boses nito ang gulat."Tinatanong kita! Nasaan ngayon si Miguel?" "H-Hindi ko alam--ahg!" Daing nito nang mas lalo niyang pang hinigpitan ang kanyang pagkakasakal rito. Nagpumiglas ito, trying so hard to breath. Pero wala itong laban sa kanyang lakas.He was too angry to give even a little bit of remorse.Nang makitang tila hindi na ito makahinga, ay niluwagan niya ng kaunti ang kanyang braso. He
--LEVIN--"Levin, anong nangyari? Where's Aleia? Tell me, hindi totoo yung nasa balita di ba?" Mariin siyang napapikit sa tanong na iyon ng biyenan. Hindi niya alam kung paano niya iyon sasagutin. Nahihiya siya, kagabi lang buong tapang niyang sinabi na poprotektahan niya ang asawa kahit kapalit pa ang kanyang buhay, at ngayon... Wala pang beinte kwatro oras ang lumipas ay nangyari na ito. Dahil doon kaya hindi niya alam kung paano haharapin ang biyenan. Narinig niyang tuluyan na itong napaiyak sa kabilang linya. Para niya na rin kinumpirma ang katotohanan ng hindi siya agad nakasagot."Kagabi ka lang nangako. Sabi mo gagawin mo ang lahat para protektahan siya. Anong nangyari?" Di nito napigilang sumbat. At mas lalo lamang siya nagagalit sa sarili at nahihiya rito. Isa siyang walang silbi!"I-I'm sorry ma'am. Kasalanan ko ang lahat." Iyon nalang ang tanging nasabi niya. "Pupunta kami diyan ni Manolo. I want to know every details about what happened. Hindi ako matatahimik dito han
"Where are you?" Napakunot-noo siya ng marinig ang boses ng asawa na tila natataranta sa kabilang linya."Kanina pa ako tumatawag, why didn't you answer your phone?" "I'm sorry, it was in my bag. Naka silent kasi kaya hindi ko narinig. Umuwi lang ako saglit ng bahay para kumuha ng gamit namin ni Kiel. Pero pabalik na ako. I'm on the way. Nagpaalam ako kay inay hindi niya ba nasabi sa--""Did you bring your bodyguards with you?" He cut her in panic. Lumingon siya at nakita niya ang pamilyar na SUV na nakasunod sa kanya. "Yes, nakasunod sila sa amin ni Morgan." Sabi niya na tiningnan rin ang lalakeng nasa driver seat."Why?" "Listen carefully, umuwi na kayo agad. Huwag ka ng dumaan sa kung saan-saan pa. Its dangerous out there. Bakit ba kasi hindi mo nalang inutos sa katulong ninyo na dalhin sa Penthouse ang mga gamit ninyo. Sweetheart, I'm--""I-I'm fine, Lev. Pauwi na ako at saka kasama ko naman ang mga bodyguards.""Where are you exactly? Magpapadala pa ako ng additional bodygua
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at marahan na inikot sa kanyang gilid. Nang masilayan niya ang kanyang mga-aama ay isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Cena is on her side, sa tabi nito ay si Kiel na katabi naman ni Levin. Both three are still peacefully sleeping.Ah, this is a dream came true for her. Waking up with her little family on her side is priceless. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sayang nararamdaman niya. She will treasure this scene as long as she is living. Idinako niya ang kanyang mga mata sa maliit nga orasan sa side table and found out that its still four thirty in the morning.Muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi. May oras pa siya. May oras pa para namnamin ang sandaling iyon. Inabot niya ang kamay ni Levin na noo'y nakapatong sa bandang gitna nina Cena at Kiel at mahigpit iyon na hinawakan. Pagkatapos non ay muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata na may masayang ngiti sa labi.>>>"Wake them up Kiel, mataas na ang sikat ng araw. Nakalu