Home / Romance / Mafia's Lord Dark Possession / Chapter One: Stranger

Share

Mafia's Lord Dark Possession
Mafia's Lord Dark Possession
Author: Shanelaurice

Chapter One: Stranger

Author: Shanelaurice
last update Huling Na-update: 2022-09-01 21:05:39

"Sigurado ka ba na dito tayo maghahanap?" Kinakabahan na tanong ni Aleia sa kaibigan ng makita ang buong paligid.

The place was crowded with different people when they enter. Napaka-ingay rin sa loob at puno ng usok.

"Believe me, this is the perfect place for our plan." Pilyang sagot nito na kinindatan pa siya.

Pero tumigil rin kapagkuwan saka nananantiya siyang tiningnan. "Eh ikaw? Sigurado ka ba na gusto mo itong gawin?"

She look at the place again. Para ngang bigla siyang nagdalawang isip. Hindi sa desisyon niya, kundi sa lugar. How will she able to find a suitable man in this kind of place?

Naramdaman niya ang paghawak ni Meredith sa kanyang palapulsuhan saka siya hinila papasok pa sa loob.

"We're here now Lei, kung hindi mo makita ang sa tingin mong tamang lalake dito, then maghanap tayo sa ibang luga, bukas o sa ibang araw. As of now, let's just enjoy this night, tutal nandito na rin lang tayo. Kaya halika na."

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito nang makipagsiksikan ito sa kumpulan ng mga taong nagsasayaw doon sa gitna.

Nilagpasan nila iyon at dumiretso sila sa counter kung saan nag order agad ito ng alak.

"I've haven't done this for a while." sabi nito na bahagya lang nakarating sa kanyang pandinig sa sobrang ingay ng paligid.

Agad itong nagsalin sa dalawang kopita at ibinigay sa kanya ang isa. Meredith took the glass directly into her mouth na tila bang uhaw na uhaw.

"Hey.. hinay-hinay lang sa pag-inom Dith." Saway niya. Kapag nagpatuloy ito sa ganoon, ilang sandali lang tiyak lasing na ito.

Pero ngumisi lang ito. "We will going to paint the town red tonight Lei. Samahan mo akong mag celebrate dahil sa wakas malaya na ako." Sabi nitong bagama't nakangisi ay mahihinuha niya ang pait sa boses.

Tinaasan niya ito ng kilay. Akala ba niya, siya ang sinamahan nito para maghanap ng lalakeng solusyon sa plano niya? Bakit para yatang bumaligtad ang pangyayari? lumalabas ngayon na ito ang sinamahan niya para gamutin ang sugatan nitong puso.

Muli nitong dinala sa bibig ang isa na namang baso ng alak. Nakadalawa na agad ito, samantalang hindi niya pa nagagalaw ang kanya.

"Bakit may pakiramdam ako na dinala mo ako rito hindi para sa plano ko, kundi dahil para makalimot ka?" Taas kilay niyang sigaw. Sa ingay, kailangan pasigaw sila kung mag-usap.

Ngumisi itong muli. "Well, coming here can serve us double purpose. Maghahanap tayo ng poging Papa para sayo, at the same time para makalimot. O di ba?"

Umiling-iling nalang siya. May pakiramdam siya na kahit anong gawin niya, ay hindi ito papipigil ngayong gabi.

And she understand her. Dahil napagdaanan rin niya ang sakit na dinadaanan nito iyon. Ang iwanan at ipagpalit sa iba ng lalakeng inalayan nila ng kani-kanilang mga puso.

Meredith is her friend since their college days. At marami na silang napagdaanan na magkasama.

Ulila siyang lubos. She grew up in an orphanage. Umalis lang siya doon ng mag-college siya at magdesisyon na mag-working student. She wanted to finish her college so bad at hindi iyon kayang tustusan ng orphanage sa kadahilanang ang dami nila doon.

Kaya nagdesisyon siyang umalis at magtrabaho habang nag-aaral.

She met Meredith at school. Classmate sila noon, at nang malaman nito ang kanyang kalagayan ay hindi ito nagdalawang isip na tulungan siya.

Pinatira siya nito sa apartment nito ng libre. Ito rin ang nagpapasok sa kanya sa isang cafeteria noon na kakilala nito ang may-ari.

Meredith didn't have a problem when it comes to money. Suportado ito ng ama nitong naka US base ng mga panahong iyon. Like her, lumaki rin itong walang mga magulang sa tabi, kaya nga siguro magkasundo sila dahil parehas sila ng sitwasyon. Ang magkaiba lang ay hindi ito namomroblema sa pera.

Naging matalik sila nitong magkaibigan. They shared everything. Their happy moments, their sad, and their pain. Pati ang mga pinakatago-tagong sikreto ng isa't-isa ay alam nila.

Malungkot siyang napabuntong-hininga saka marahan rin na dinala ang hawak na kopita sa bibig. Unti-unti niyang ininom ang laman niyon.

Sadly, they even shared the same fate. Parehas silang niloko ng kani-kanilang mga kasintahan.

Inabot niya ang bote ng alak, at sa pagkakataong iyon, siya na ang nagsalin sa kanyang baso. She also drink it straight.

Marahil iyon nga ang kailangan nila ng kaibigan para makalimot.

Maya-maya ay naramdaman niyang tumayo ito. She hold her hand and pull her up. "Come'on let's dance. Who knows, naroroon pala sa gitna ng dancefloor ang hinanahap mo." Pilya nitong dugtong.

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. She pull her into the middle at nagkipagsiksikan sa dami ng mga tao na nagsasayaw doon.

The smell of liquor and cigarettes is filling her noses.

Hindi niya alam kung dahil sa ingay, sa ibat-ibang kulay ng disco lights, o sa nainom niya kaya tila parang umiikot na ang kanyang paligid.

"Wooh..!" Sigaw ng kaibigan, at nakiindak na sa maingay na musikang nakahalang sa ere. "It's nice to be free!"

Natawa siya sa sigaw nitong iyon. She is smiling from ear to ear na tila ba nakawala ito sa hawla ngayong gabi.

She too, started to move her body. Isang marahan na galaw para sumabay na rin dito.

Unlike Meredith, she never been in a place like this. Doon sila siguro magkaiba na dalawa. Meredith is a party goer, samantalang mas gugustuhin niyang manatili sa kanilang apartment sa kanyang libreng oras.

Wala naman kasi itong problema pagdating sa pera kaya nagagawa nito ang lahat ng magustuhan nito, at hindi rin tagtag ang katawan nito. Samantalang siya, magmula pa lang noong college ay nagtatrabaho na siya, kaya hindi lang ang katawan niya ang pagod, kundi pati na ang kanyang isip. So she rather choose to rest on her free time kaysa ang maglagalag.

"Hey, what do you think of that blond guy?" Lapit nito sa kanya.

Sinundan niya ang inginunguso nito.

Sa isang mesa sa di kalayuan ay may tatlong kalalakihan na umiinom, kasama ng mga ito ang isang lalake na tingin niya ay isang foreigner.

Napaiwas siya ng tingin ng makitang umangat ang mga mata nito sa direksyon nila. Pero ang luka-luka niyang kaibigan, ay ini-angat ang kamay at kinawayan ito.

"Hey!" Agad niyang saway.

"Why? He's handsome Lei. Tiyak guwapo o maganda ang magiging anak ninyo kung sakali. Hindi mo ba type?"

Umiling siya.

"How about that guy leaning on the wall?"

Muli niyang sinundan ang tiningnan nito. "I've been watching him since earlier, and I found him attractive."

Ngumiwi siya. "Parang pino pang kumilos kaysa sa atin iyan eh, hindi kaya bakla iyan?"

Umiling-iling ito. "Importante pa ba iyon? Hindi ba one night stand lang naman ang hinahanap mo? At sabi mo, wala kang pakialam kahit may asawa. You're just after his sperm. Matapos ang isang putok, goodbye."

Napakagat-labi siya. Iyon nga ang sabi niya, pero parang hindi yata niya maaatim kung ang foreigner na iyon o ang lalakeng nakasandal sa gilid ang makaka-one night stand niya. Ngayon pa lang naninindig na ang kanyang balahibo.

Kung itsura ang pag-uusapan, hindi naman dehado ang mga ito, katunayan gwapo ang mga ito sa tunay na kahulugan ng salitang iyon. Hindi mapapansin ni Meredith ang mga ito kung hindi bukod tangi ang itsura ng mga ito.

"I..I just don't feel them Dith. Parang eerie. Parang hindi matino." Sabi niya.

Nagtaas ito ng kilay. Hindi niya alam kung matatawa ito o maiinis sa tinuran niya. "Kung ganoong lalake pala ang hanap mo, bakit hindi nalang si Menard ang gawin mong tatay ng anak mo? For sure matino iyon dahil galing kumbento."

Nag make-face siya. Hindi naman sa minamata niya ang manliligaw niyang iyon, pero hindi niya ma-imagine ang mukha ng magiging anak niya kung ito ang tatay.

Isa pa, kaya nga one night stand sa isang estranghero ang gusto niya ay para wala siyang magiging problema. She can own her child alone.

"O told you, ayoko sa kakilala ko." Sabi niya. "Isa pa, gusto ko naman kahit paano, maging memorable ang first time ko." Nakanguso niyang sabi.

"Then, kung naghihintay ka ng matinong lalake, I am telling you, wala ng ganoon sa panahon ngayon. Base on our experience di ba? At isa pa, malabo mo iyon makita sa ganitong mga lugar."

"Hindi naman sa matino, as in matino talaga ang gusto ko. Ang akin lang naman ay yung.. ay yung.." Paano niya ba ipapaliwanag?

"Ewan ko sayo Lei.." iiling-iling ito. "But anyway, kung hindi mo makita rito ang MATINONG lalake na hanap mo," binigyan pa nito ng emphasis ang salitang matino. "We'll look in another place. Malay mo meron doon. Sa ngayon, I-enjoy nalang natin ang gabing ito. Anyway, hanggang kailan ba ang fertility period mo?" Pabulong ng tanong nito.

She bit her lower lip again. Hindi siya makapaniwalang pinag-uusapan nila iyon dito ngayon.

"Ahm, hanggang eighteen."

"Then may panahon pa tayo. As of now, lets just enjoy this night into our hearts content!" Hinila siyang muli nito. "Come'on Lei.."

Pero hindi siya nagpatianod. Bumaling naman ito.

"CR muna ako." Paalam niya rito.

Tumango naman ito saka binitiwan siya.

She turn her back and walk away from the crowd. Pero hindi sa direksyon ng CR niya inihakbang ang kanyang mga paa, kundi papunta sa pintong alam niya nakakonekta sa labas.

Nahihilo na siya sa nainom niya, dagdag pa ang ingay at sari-saring ilaw sa loob. Pakiramdam niya kung mananatili pa siya doon ay baka masuka siya.

She needs air to breathe at para na rin kalmahin ang umiikot niyang diwa.

She groggily walk towards the what she think terrace. May iilan din siyang nasasalubong mula sa labas at papasok sa loob. Mostly mga magkapareha.

Hindi na niya gustong isipin kung anong ginawa ng mga ito doon sa likod. But she care less.

Iyon naman din sana ang pakay niya kaya siya pumunta sa lugar na iyon. To look for a hook up. To find a man she can have her one night stand dahil gusto niyang magkaroon ng anak.

Tulad ni Meredith, niloko at ipinagpalit rin siya sa iba ng lalakeng mahal niya at pinangarap na makasama habang buhay. The only man she had ever loved.

Mahigit isang taon rin silang magkasintahan ni Aries, at bagama't hindi pa pormal ay napag-usapan na nila ang kanilang kasal. Ngunit ang lahat ng iyon pala ay isang malaking kasinungalingan. Dahil ilang araw ang lumipas, nabalitaan niya na lang na kasal na pala ito sa iba.

Sinubukan nitong magpaliwanag. Sinabing kinailangan nitong pakasalan ang babae dahil sa isang responsibilidad. Hindi man nito dinetalye, parang sinabi na rin nitong nabuntis nito ang babae. He said, he needs to marry her dahil sa responsibilidad. Ano pa ba ang ibig sabihin niyon? He also said that their marriage was never meant to be.

But there's no such thing na hindi sinasadya. Hindi siya naniniwala doon. If you love a certain person, kahit ano pang tukso ang dumating, love will always prevail.

Pero dahil nga, pinanaig nito ang tukso, ibig sabihin lang niyon ay mababaw lang ang pagmamahal nito. And she don't want that kind of love. She don't want to build a family wherein love is less priority.

So she choose to let go despite of, it hurts so much, despite of, it is breaking her apart.

Ang ginawa nito at ang sakit na naramdaman niya ang dahilan kaya ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na siya magtitiwala pa kahit sa sinong lalake. And she swear too, that she'll never going to fall inlove again.

But, she want something. A child of her own. Isang munting anghel na makakasama niya sa kanyang buhay.

Iyon ang dahilan kung bakit siya naroroon sa lugar na iyon ng mga sandaling iyon. To look for someone who can be the father of her child. Isang lalakeng hindi niya kilala para wala siyang magiging problema.

Kung mabubuntis siya, she want the child to be hers alone.

Kaya lang mukhang malabong magkaroon ng katuparan iyon ngayong gabi. Walang kahit sinong lalake ang pumukaw sa kanyang interes.

Mukhang mali yatang pumayag siya sa suhestyon na iyon ni Meredith.

She heave a deep sigh saka nagpatuloy sa paghakbang para lamang mapatigil ng mabangga niya ang isang bulto.

Nawalan siya ng panimbang. She close her eyes tightly as she wait her body to fall of the ground. Pero naging maagap ang taong nakabangga niya sa pagsalo sa baywang niya.

Like in slow motion, nagmulat siya ng mga mata. And the moment their eyes met, alam niya, ito ang lalakeng gusto niyang maging ama ng anak niya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
exciting ang story na to
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapte Two: Wonderful Night (SPG)

    It was as if she was hypnotized by his eyes. Wala siyang ginawa kundi ang titigan lang ito sa nakalipas na sandali."Next time, be careful." Baritono nitong sabi saka siya hinila upang makatayo ng diretso.Her heart jump as she heard his baritone voice. Tila pati ang boses nito ay nang-aakit sa kanyang pandinig. Lalakeng-lalake ang dating. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa di kalayuan poste ay namasdan niya ang mukha nito. He has deep set eyes, na may katamtamang kapal ng kilay, matangos ang ilong, and he has perfect jawline na may tubong maiksing balbas at bigote. Nang dumako ang kanyang mga mata sa mapupula nitong mga labi ay napalunok siya.His lips were made for kissing! And she shiver as scene of him kissing her crossed her mind."Are you okey?" Muli nitong tanong ng mapansin na tulala siya. Nang maramdaman niyang tila bibitawan na siya nito ay nataranta ang loob niya. May pakiramdam siya na kapag hinayaan niya itong makawala ngayong gabi, ay hindi na siya magkakaroon ng p

    Huling Na-update : 2022-09-04
  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter Three: Negative

    Malungkot at puno ng panlulumo ang mukha ni Aleia habang nakatingin sa hawak. Isang pulang linya. Isa lang ang sabihin niyon, negative. Hindi siya nagdadalang-tao. Iyon ang resulta sa hawak niyang pregnancy test.Hawak-hawak iyon ay lumabas siya. Nakangiti siyang sinalubong ni Meredith na noo'y tila excited pa kaysa sa kanya ang mukha. Pero nawala ang ngiti nito sa labi ng makita ang tila biyernes santo niyang mukha.Umiling siya saka ini-angat ang hawak para ipakita rito."Negative eh." Bigla ring nawala ang ngiti nito nang dumako ang mga mata sa hawak niya."Hindi naman one hundred percent na sigurado ang test, you can try another one again." Sabi ni Meredith, trying to comfort her. "Isa pa, dalawang linggo pa lang naman magmula ng may nangyari sa inyo ng estrangherong iyon sa club, baka kailangan pa nating maghintay ng--"She heave a sigh. "Ang sabi ni Doctora Mercado, malalaman na ng isang babae kung buntis siya kahit dalawang linggo pa lang. I bought the pregnancy test she re

    Huling Na-update : 2022-09-27
  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter Four: Closure

    "GOOD morning ma'am Lei.." Bati sa kanya ng mga nakakasalubong niyang saleslady sa pinagtatrabahuhang mall. "Good morning.." ganting bati niya sa mga ito saka tuloy-tuloy na papunta sa elevator.She was greeted by the elevator girl too, pati na rin ng iba pang nakasakay roon. Dahil maaga pa, halos puro mga empleyado pa lamang ng mall ang nasa loob. Dumiretso siya sa ikapitong palapag kung saan naroroon ang isang kwarto na nagsisilbing opisina nilang may mga posisyon doon sa mall, kabilang na ang kanilang manager. She's the mall supervisor, at mayroon siyang maliit na cubicle na nagsisilbing mesa niya. She's been working there for six years now. She applied there after graduating from college at doon na rin tumagal. Pasado alas Dies ng mag-ikot siya sa buong establishimyento, iyon na ang nakasanayan niyang gawin araw-araw. As usual, marami ng tao na paroo't-parito, nakisik-sik na nga siya sa mga tao sa escalator pababa kung saan naroroon ang grocery store. It was where the most b

    Huling Na-update : 2022-09-28
  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter Five: Murder

    Azura hotel. Tulad ng nakasanayan na niya sa mga seminars na kanyang dinadaluhan, halos memoryado na niya ang mga naturang topic. It was always the same. Customer services, stock market, sales marketing, product presentation at human resources. After lunch kanina nag-umpisa, and it lasted for almost five hours. Madilim na ang paligid ng matapos. "I hope you didn't get bored hearing the same topic in every seminars we attended every year." Napabaling siya sa tinig na iyon. Nakangiting mukha ng kanilang General manager ang kanyang nabungaran. Tulad niya may bit-bit din itong plato na may lamang pagkain.After the seminars, they had a buffet for dinner. Courtesy of the hotel."Hindi naman po sir, natutuwa nga po ako dahil marami akong nakakahalubilong mga tao sa ganitong mga pagtitipon. Nadadagdag ang mga nalalaman ko sa kanila.""Iyan ang gusto ko sayo iha, you are always positive. You never see this as boring and dull like what the others think of it. You are also honest and so de

    Huling Na-update : 2022-09-30
  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter Six: Grunt

    Halos magkanda-tapilok siya habang tumatakbo pero wala na siyang pakialam pa. She was breathless, but she knew, she can't stop, dahil sa sandaling gawin niya iyon, tiyak katapusan na niya. She run as fast as she could in the hope of saving her life. Hindi siya lumilingon pero alam niya nakasunod sa kanya ang mga kalalakihang iyon, at marahil pati na rin si Aries. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nasaksihan. Of all people, bakit siya pa ang kailangang makasaksi ng ganoong krimen? And of all people, bakit si Aries pa?Hindi kaya namalikmata lang siya? She knew him for more than a year now, hindi ang klase ni Aries ang gagawa ng ganoong karumal-dumal na krimen. He was a good person. Sa loob ng halos isang taon nila bilang magkasintahan, hindi niya ito nakitaan ng pagiging bayolente, ni wala siyang nabalitaan na ano mang karahasan na ginawa nito sa loob ng taong iyon. He's friend with anyone at the mall who knew him, pati na rin sa kumpanyang pinagtat

    Huling Na-update : 2022-10-03
  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter Seven: Saved

    Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata ng maramdamang tila may nakatunghay sa kanya. Unang pumasok sa kanyang isip ay ang nasaksihang krimen at ang mga lalakeng humahabol sa kanya.Nang maalala iyon ay bigla siyang nagpanic."Hey..." Dinig niyang sabi ng lalakeng sa kanyang harapan. Naramdaman niya ang bigla nitong paghawak sa kanyang braso sanhi para lalo siyang magwala."No.. bitawan mo ako.. bitawan mo ako!" Histerikal niyang sigaw.Buong-buo sa kanyang isip ang mukha ng mga lalakeng iyon. She knew, they are going to kill her now."Sabi ng bitawan ninyo ako!" Muli siyang nagpumiglas. At nang makawala mula sa hawak nito ay agad siyang bumangon at tumakbo palayo rito. Hindi na niya alintana ang pagsigid ng kirot sa kanyang mga paa pati na rin ang pagsakit ng kanyang mga kasu-kasuan. All she wanted was to run away and save herself. Pero napatigil siya ng mapansing gumagalaw-galaw ang kinatatayuan niya. And as she roam her eyes around, all she saw is them surrounded with u

    Huling Na-update : 2022-10-04
  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter Eight: Bathroom

    Thankfully daplis lang ang pagkakatama ng bala sa hita niya. The wound is not that deep either.Marahan lang iyon nililinis ng lalake, subalit hindi niya pa rin maiwasan ang hindi mapangiwi sa hapdi habang nilalagyan nito iyon ng alcohol at betadine. Matapos iyon ay dahan-dahan naman nito iyon nilagyan ng bandage. After he was done, unti-unti nitong ibinaba ang kanyang bestida. "I just did a first aid, we will see a Doctor the moment we arrive at Isla Verde." Sabi nito bago tumayo. Nakita niya ang mga paa nitong humahakbang palayo sa kanya. Ngunit ramdam niya ang tiim nitong mga titig. From the floor, ini-angat niya ang kanyang mga mata. Nakatalikod na ito sa my wine bar at nagsasalin ng alak sa baso. With the glass on his hand, he then turn around saka sumandal sa counter. Muli, nanunuot siya nitong tiningnan habang inikot-ikot ang baso ng alak sa kamay."Now, tell me.. sinong gumawa niyan sayo? And why you're here on my yacht? Nagkataon lang ba na naririto ka?" sunod-sunod nit

    Huling Na-update : 2022-10-05
  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter Nine: Nightmares

    Ngayon yata niya pinagsisihan na pinairal niya ang kanyang pride at lumabas siya sa ganoong ayos. The way he stare at her, he was like a hungry beast ready to devour it's prey."W-What are you doing?" She swallow hard.Pero parang wala itong narinig. Napasigaw nalang siya ng walang babala siya nitong sinikop sa bisig nito at binuhat, making her whole being panicked."H-hey... ibaba mo ako! A-Anong gagawin mo sa akin? Where are you taking me?"Mas lalo siyang nahintakutan ng makitang papunta sila sa pintong pinasok nito kanina."Damn you ibaba mo ako!" She scream and tried to struggle."Huwag kang magalaw, hindi ako pasensyoso na tao.." mahina pero puno ng panganib na saad nito.Hindi makapaniwalang ini-angat niya ang mukha rito. Is he telling her to stay still despite the fact that he's taking her to his room?Porke ba't may nangyari na sa kanila, pwede na nitong gawin ang naisin nito sa kanya? Na papayag na siya muli silang mag-sex?Yes, there was a time she thought of that.. na kapag

    Huling Na-update : 2022-10-07

Pinakabagong kabanata

  • Mafia's Lord Dark Possession    Final Chapter

    Authors Note:I'm not into sad ending that's why I always write stories with happy one.So here we go again.. another story with a happy ending.Again, thank you guys for the wait, for the support and for the love you gave to this story. It will be forever treasured.Hopefully you'll continue to support my journey in writing.Hanggang sa muli.. Mahal ko kayo..>>>>>>THEY stayed at the hospital for another three days before the Doctor finally allowed them to go home. Maayos na ang kalagayan ni Levin. He's out of danger. Pero siyempre, dahil may fracture ang tuhod nito kaya naka-wheelchair muna ito.Sinalubong sila kaagad ng mga bata pagkabukas pa lamang ng pinto ng Penthouse. "Papa.. Mama.." They happily called. They went directly on Levin and hold him with longing."How are you na po, Papa?" Tanong ni Kiel.Ngumiti si Levin pagkunwa'y ginulo ang buhok nito. "I'm very much fine.. I'm happy to be back home. Hindi ba kayo nagpasaway rito kay Lola Soledad?" He asked and r

  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter One Hundred Thirty Two

    It was as if a heavy weight was lifted from her shoulder as she saw him open his eyes. Nang yumuko siya para yakapin ito ng mahigpit at naramdaman ang init ng katawan nito, she knew, he made it. He managed to hold on and be saved.At sobra siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil dininig nito ang taimtim niyang panalangin. Sa sobrang saya niya ay napahagulgol siya sa bisig nito. "Ang sama mo... Pinag-alala mo ako ng sobra." Sumbat niya pero mahigpit namang nakayakap rito. Naramdaman niya ang unti-unting pag-angat ng kamay nito papunta sa kanyang likod. He then caress her back gently."I-I'm fine now. Kaya huwag ka ng umiyak." Paos nitong sambit.Napahikbi siya. "Takot na takot ako.. akala ko talaga, tuluyan mo na akong iiwan."Sabi niya saka ini-angat ang luhaang mukha rito. Halata sa mukha nito ang panghihina pero nagawa nitong marahan na ngumiti.Ini-angat nito ang kamay papunta sa mukha niya saka hinaplos iyon. "B-Bakit ko gagawin iyon, eh alam kong iiyak ka ng ganito? Stop cryi

  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter One Hundred thirty One

    NANGHIHINA siyang napasandig sa naroroong pinto. Mula sa labas ay dinig na dinig niya ang komosyon ng mga Doctor sa loob ng ICU."300 joules.. clear..!""Clear..!"Pangatlong beses na niyang narinig ang sigaw na iyon. And rising the electric current to almost it's limit indicates that there's still no sign of him breathing. Tumaas pa iyon sa 320 joules. Umupo na siya doon na takip-takip ang kanyang taynga. Her whole being is shivering. From fear and from pain. Biglang natahimik sa loob ng ICU kaya dahan-dahan siyang tumayo at dumungaw sa maliit na siwang ng pinto.Her eyes widened in fear as she saw the flat line on the electronic machine infront of Levin's bed. Wala man siyang alam sa medisina, ngunit hindi ang bagay na iyon. Iisa lang ang ibig sabihin ng flat line na iyon. That is.. Levin's heart already stop beating. And the Doctor in charge is already taking his surgical mask. Lumalapit dito ang isang nurse na may dalang notepad. Iisa lang ang ibig sabihin niyon..Sumuko na an

  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter One hundred Thirty

    She's in histerics. Nanginginig ultimo ang kaliit-liitang bahagi ng kanyang mga ugat. Naginginig sa matinding takot. The blood on Levin's chest is still gushing. And he's unconscious. Mahigpit niyang hawak ang nanlalamig nitong kamay. Her tears were blinding her. Ini-angat niya ang duguang kamay nito at dinama sa kanyang mukha."Please.. please.. don't do this to me Lev. Alam mong hindi ko na kakayanin kapag iniwan mo ako." She begged with trembling voice.Kasalukuyan silang nasa loob ng isang ambulansiya, nakahiga ito sa stretcher habang siya ay nasa gilid nito. Sa kabilang gilid naman ay naroroon ang dalawang medic. One is monitoring the oxygen, at ang isa naman ay ikinakabit nag dextrose.Sa kalagitnaan ng katahimikan ng gabi, umalingawngaw sa daan ang sirena ng ambulansiya na kinalululan nila. Mabilis ang pagpapatakbo ng driver, halos paliparin na nga iyon, at hindi na alintana ang mga parte na daang may lubak, pero para sa kanya, mabagal pa rin iyon. She wanted to reach the h

  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter One Hundred Twenty Nine

    Pagkarinig sa sinabi na iyon ng tao ni Miguel, ay napangisi ito. Isang ngising nagpatindig sa kanyang mga balahibo sa katawan."O di ba sabi ko, kusa niya akong hahanapin?" He said. Kung sa kanya o sa mga kasama nito ay hindi niya alam. Maybe to the both of them. Mariin siyang napalunok habang tinatanaw ang ginagawa nito sa baril nito. Wala ni katiting siyang pagdadalawang isip na nakikita sa mga mata nito. All was in his eyes is darkness and the hatred he have for Levin. "Pakawalan mo ako dito, Miguel!" She hissed and tried to struggle. Gustong-gusto niyang makawala para takbuhan ang kinaroroonan ni Levin ngayon. To give him warning, to run away with him far from that place. To escaped. Pero dahil nakatali siya ay hindi niya magawa. Nanatili na lamang sa kanyang isip ang kagustuhang iyon."Huwag kang mag-alala mahal kong kapatid, pakakawalan naman kita eh. Pakakawalan kapag napatay ko na si Levin.." Matigas at madilim nitong sabi.She shiver at that thought. Hindi iyon pwedeng m

  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter One Hundred Twenty Eight

    Marahan at walang ingay siyang lumabas mula sa kinakukublihang gilid ng makitang dumating na ang kanyang pakay.Sumisipol pa ang lalake habang ibinabababa ang hawak na baril sa mesa pagkunwa'y naghubad ng t-shirt. Inilang hakbang niya ang kanilang pagitan, at naramdaman nito iyon. Tinangka nitong damputin ang ulit ang baril nito, but it was too late. Nasa likod na siya nito at mahigpit ng nakadiin ang kanyang braso sa leeg nito. "Nasaan si Miguel?!" He asked fiercely.Ramdam sa braso niyang nasa leeg nito ang mariin nitong paglunok."L-Lev..." Hirap nitong sambit. Magkagayon man, bakas sa boses nito ang gulat."Tinatanong kita! Nasaan ngayon si Miguel?" "H-Hindi ko alam--ahg!" Daing nito nang mas lalo niyang pang hinigpitan ang kanyang pagkakasakal rito. Nagpumiglas ito, trying so hard to breath. Pero wala itong laban sa kanyang lakas.He was too angry to give even a little bit of remorse.Nang makitang tila hindi na ito makahinga, ay niluwagan niya ng kaunti ang kanyang braso. He

  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter One Hundred Twenty Seven

    --LEVIN--"Levin, anong nangyari? Where's Aleia? Tell me, hindi totoo yung nasa balita di ba?" Mariin siyang napapikit sa tanong na iyon ng biyenan. Hindi niya alam kung paano niya iyon sasagutin. Nahihiya siya, kagabi lang buong tapang niyang sinabi na poprotektahan niya ang asawa kahit kapalit pa ang kanyang buhay, at ngayon... Wala pang beinte kwatro oras ang lumipas ay nangyari na ito. Dahil doon kaya hindi niya alam kung paano haharapin ang biyenan. Narinig niyang tuluyan na itong napaiyak sa kabilang linya. Para niya na rin kinumpirma ang katotohanan ng hindi siya agad nakasagot."Kagabi ka lang nangako. Sabi mo gagawin mo ang lahat para protektahan siya. Anong nangyari?" Di nito napigilang sumbat. At mas lalo lamang siya nagagalit sa sarili at nahihiya rito. Isa siyang walang silbi!"I-I'm sorry ma'am. Kasalanan ko ang lahat." Iyon nalang ang tanging nasabi niya. "Pupunta kami diyan ni Manolo. I want to know every details about what happened. Hindi ako matatahimik dito han

  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter One Hundred Twenty Six

    "Where are you?" Napakunot-noo siya ng marinig ang boses ng asawa na tila natataranta sa kabilang linya."Kanina pa ako tumatawag, why didn't you answer your phone?" "I'm sorry, it was in my bag. Naka silent kasi kaya hindi ko narinig. Umuwi lang ako saglit ng bahay para kumuha ng gamit namin ni Kiel. Pero pabalik na ako. I'm on the way. Nagpaalam ako kay inay hindi niya ba nasabi sa--""Did you bring your bodyguards with you?" He cut her in panic. Lumingon siya at nakita niya ang pamilyar na SUV na nakasunod sa kanya. "Yes, nakasunod sila sa amin ni Morgan." Sabi niya na tiningnan rin ang lalakeng nasa driver seat."Why?" "Listen carefully, umuwi na kayo agad. Huwag ka ng dumaan sa kung saan-saan pa. Its dangerous out there. Bakit ba kasi hindi mo nalang inutos sa katulong ninyo na dalhin sa Penthouse ang mga gamit ninyo. Sweetheart, I'm--""I-I'm fine, Lev. Pauwi na ako at saka kasama ko naman ang mga bodyguards.""Where are you exactly? Magpapadala pa ako ng additional bodygua

  • Mafia's Lord Dark Possession    Chapter One Hundred Twenty Five

    Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at marahan na inikot sa kanyang gilid. Nang masilayan niya ang kanyang mga-aama ay isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Cena is on her side, sa tabi nito ay si Kiel na katabi naman ni Levin. Both three are still peacefully sleeping.Ah, this is a dream came true for her. Waking up with her little family on her side is priceless. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sayang nararamdaman niya. She will treasure this scene as long as she is living. Idinako niya ang kanyang mga mata sa maliit nga orasan sa side table and found out that its still four thirty in the morning.Muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi. May oras pa siya. May oras pa para namnamin ang sandaling iyon. Inabot niya ang kamay ni Levin na noo'y nakapatong sa bandang gitna nina Cena at Kiel at mahigpit iyon na hinawakan. Pagkatapos non ay muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata na may masayang ngiti sa labi.>>>"Wake them up Kiel, mataas na ang sikat ng araw. Nakalu

DMCA.com Protection Status