Leonora’s POV“Inang, may ipapakilala po ako sa inyo,” sabi ko rito, nagugulahan naman siya pero ng makita niya si Drack na nasa likod ko.“Sino siya Leonora?” tanong niya sa akin, napakamot naman ako sa ulo ko hindi ko alam ang sasabihin kay inang lalo na at ang seryoso ng mukha niya ngayon. “Good morning Ma’am, I’m Drack Mozen Asher,” pagkasabi ni Drack doon, halata sa mukha ni inang ang gulat.“A-asher?” nauutal niyang sabi sa apilyido ni Drack. “Yes, ma’am,” nakangiti naman na sabi ni Drack sa inang ko. Himala ngumiti siya ang pogi niya pala pag-naka ngiti, hindi halatang masungit itong isa na ito.“Ka-ano-ano mo si Cassandra Asher?” tanong ni Inang kay Drack, nagulat naman si Drack sa sinabi ni Inang. Pero ang mas nagulat ay ako, biruin mo alam ni Inang ang pangalan ni Tita Cass. “She’s my Mom, bakit niyo po pala kilala ang mom ko?” tanong niya kay Inang matapos niya sabihin iyon. “Ang liit lang pala ng mundo, kaybigan kaba ni Leonora Iho?” sabi niya kay Drack.Tinignan ko naman
Leonora’s POV“Drack, sorry pala sa ginawa ni tatang kanina sayo,” sabi ko sa kanya, habang bakas sa mukha ko ang pag-aalala. Napatingin naman siya sa akin, at ngumiti sa akin.“It’s okay, hindi naman ako nasaktan. Hindi ko naman alam naghahabol pala ang dad mo,” sabi niya sa akin. “Hindi ko siya tatay Drack,” sabi ko nalang sa kanya, umalis nalang ako at pinuntahan ang kambal.“Wai–,” sabi ni Drack, pero hindi ko na narinig ang lahat dahil naka pasok na ako sa loob ng bahay. May Kumatok naman sa pintuan, pagtingin ko sa pintuan si Joseph pala.Lumapit naman siya sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Napangiti nalang ako, kababata ko itong si Joseph anak ni tatang at Aling Lian.“Paparts, umuwi kana pala hindi ka man lang nag-pasabi nasundo ka sana namin,” sabi niya sa akin ng makahiwalay siya sa pag-yakap sa akin.“Ahh, Joseph maykasama kasi kami,” sabi ko, napapansin ko narin kasi ang pagdidilim ng itsura ni Drack. Tumabi naman si Drack sa akin sabay sabing.“I'm Leonora’s h
Leonora’s PovKinabukasan, maaga akong nagising upang tumulong kay Inang sa mga gawain dito sa bahay. Samantalang si Drack at ang mga bata ay natutulog pa. Maaga pa rin naman para gumising sila, pero ako ay nasanay na sa ganitong oras.“O, anak, maayong buntag,” bati sa akin ni Inang. Ngumiti lang ako at lumapit sa kanya para yakapin siya. Namiss ko lang siguro si Inang kaya naglalambing ako sa kanya. “Nako, ang unika iha ko naglalambing sa akin,” pabiro niyang sabi sa akin.“Inang naman eh, hindi ba pwedeng namiss ko lang po kayo?” sabi ko habang hindi inaalis ang yakap ko sa beywang niya.“Ay, anak, pwede ba akong makahiram sa’yo? Naniningil na naman si Leandro, eh. Tinaasan na naman ang tubo dito sa lupa,” sabi niya sa akin, kaya biglang sumama ang itsura ng mukha ko.Siyempre, ilang taon na kaming nakatira dito sa lupa nila, at ngayon pa talaga sila nagtaas ng upa. “Magkano raw, Inang? Adik talaga yang si Leandro, ngayon pa talaga!” sabi ko kay Inang.“Tataasan niya daw ng 6k,” sa
Leonora’s POV“A-ano bang pinagsasabi mo Drack,” nauutal kong sabi sakanya, hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil sa pumumula ng mukha ko ng sabihin niya iyon. Oo alam ko dapat kaming magpakasal dahil sa sinabi ni Inang. Pero bakit ganon nagugulat ako pag siya ang nag sasabi ng ganon. Subrang lapit ng mukha niya sa akin ngayon, hindi ko alam kong titingin ba ako sa mga mata niya o hindi. Bigla naman pumasok sila Ezra at Alex. “Bro, look, moma’s like a tomato. Sobrang nag-blush siya,” sabi pa ni Ezra kay Alex. Itong mga batang ito talaga, napaka-chismoso. “Leonora, hey, face me,” sabi ni Drack at hinawakan ang mukha ko at dahan-dahang hinarap sa kanya.“Tumigil nga kayo, ang kukulit niyo talaga,” sabi ko sa kanila. Lalapitan ko sana sila nang hinarap ako ni Drack at dahan-dahang hinila palapit sa kanya, kaya napadaus-dos ako sa dibdib niya. “D-Drack, b-bakit?” nauutal kong tanong sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa mga titig niya.“I’m asking you a quest
Leonora’s POV“Leonora Lumabas Kayo D’yan!!!” galit na galit na sigaw ng isang lalaki sa labas ng bahay namin. Napabangon ako sa kama, sino na naman kaya ang nagsisigaw sa ganitong oras?Narinig ko namang may naglalakad papasok, tila papunta na sa kwarto ko. Kaya bago pa siya kumatok, binuksan ko na ang pinto, at sa pagbukas ko, si Ana pala."Anong meron, Ana? Sino ang sumisigaw sa ganitong oras?" inaantok kong tanong sa kanya. Buti na lang at hindi nagising ang kambal.Lumabas naman si Drack mula sa kwarto ni JunJun—magkatabi sila."What’s happening?" tanong niya habang sinusuot ang damit.Jusko, ang yummy talaga ng katawan ni Drack! ‘Yung abs niya, pang-morning breakfast na!“Ate, okay ka lang? Parang nakakita ka ata ng masarap,” kalabit sa akin ni Ana. Bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang bungisngis ni Drack.“A-ah, ano? Wala, hahaha,” awkward kong tawa, kaya nilingon ko na lang si Ana para tanungin kung sino ang nasa labas ng bahay.“Ana, sino ba 'yang nasa labas?” ta
Leonara’s POVMadaling araw na, at gising pa rin kami ni Drack. Hinihintay ko siya dahil kausap pa niya sila Tita Cassandra at Tito Paulo. Nakakahiya kung doon sila titira ni Inang sa bahay nila—baka kung ano pa ang isipin nila.“Leonora, bakit gising ka pa?” sabi ni Drack nang makapasok siya sa loob ng bahay.“Itatanong ko lang sana kung hindi ba nakakahiya sa mga magulang mo kung doon titira si Inang,” sabi ko sa kanya. Tumabi naman siya sa akin sa sofa at hinarap ako.“I just talked to them, and they said it’s okay. Don’t worry, it’s safe there. You know Mom—she’s talkative,” sabi niya sa akin habang nakangiti. Ngayon ko lang siya nakita na ngumiti nang hindi napipilitan.“Salamat, Drack, ha,” sabi ko sa kanya.“It’s nothing, Leonora. Ikakasal na tayo, kaya pamilya ko na rin sila Mama Vivian,” sabi niya sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko.“Ang bait ng mga magulang mo, pati na rin ang kapatid mong si Xiana,” sabi ko sa kanya.Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.
Leonora’s POVKinabukasan, maaga akong nagising upang ihanda ang aming mga gamit, samantalang mahimbing pang natutulog si Drack at ang mga bata. Nagulat na lamang ako nang makita ko si Drack doon—sabi niya, doon daw sila matutulog kasama ang mga bata.Hindi naman naka-lock ang pinto nila; sadyang kumakatok lang talaga ako."Ana, gising ka na riyan, tinatawag ka ni Inang," sabi ko habang nakatayo sa may pintuan."Leonora, huwag mo nang gisingin si Ana. I'll help," sabi ni Drack.Nagulat ako sa boses niya—hindi ko man lang napansin na nasa likod ko na pala siya! Dahil sa gulat, napaatras ako sa kinatatayuan ko, pero agad kong naramdaman ang yakap niya sa bewang ko."D-Drack, a-ahm, magandang umaga sa'yo," nauutal kong sabi sa kanya.Pinaharap niya naman ako sa kanya at sabay tiningnan nang mabuti."Why are you so red? Mukha kang kamatis! Hahaha!" natatawa niyang sabi sa akin.Dahil doon, napatakip na lang ako sa mukha ko."Huwag mo nga akong tignan!" inis kong sabi sa kanya. Ang lakas ta
Leonora’s POVNagising ako sa isang malambot na kama, may nakapalibot na malumanay na liwanag sa paligid. Naramdaman kong may malamig na tuwalya sa aking noo, at nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Drack na nakaupo sa gilid ng kama, nakatitig sa akin nang may pag-aalala."Leonora, okay ka lang ba?" tanong niya habang hinawakan ang kamay ko.Napakurap-kurap ako bago ko naalala ang mga nangyari. Ang reaksyon ni Tita Cassandra, ang pangalan ni Emanuel, at ang takot sa mukha ni Inang—lahat ng iyon ay bumalik sa akin."A-Anong nangyari? Bakit ako nawalan ng malay?" mahina kong tanong.Bago pa makasagot si Drack, bumukas ang pinto at pumasok si Inang kasama si Tita Cassandra. Halata sa mga mata ni Inang ang pag-aalala, ngunit mas nangingibabaw ang kaba at takot."A-Anak... may kailangan kang malaman," nagsimulang magsalita si Inang, halatang nag-aalinlangan.Umupo si Tita Cassandra sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. "Vivian, ito na ang tamang panahon para sabihin mo sa
Leonora’s POVSumunod ako kay Kuya Lance. Gusto ko siyang kausapin—alam kong nagkasala si Inang sa kanya. Pero baka hindi lang niya alam kung ano talaga ang nangyari kay Inang at sa ama namin, kaya siya galit."K-Kuya," mahinang tawag ko sa kanya habang nakatalikod siya sa akin. Lumingon naman siya, at kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata."Ahm, hindi ko alam kung pwede ba kitang tawagin na Kuya," sabi ko. Nakatingin lang siya sa akin, kaya lumapit pa ako."You’re my baby sister, Leonora… It’s okay to call me Kuya. I did not expect that you were my sister. Well, I knew Mom was pregnant with you back then, but I never realized you were so close to me this whole time, and I never even noticed," sabi niya bago ako niyakap.Ito ang pinakaunang yakap ko mula sa nakatatanda kong kapatid. Napaiyak ako habang nakayakap sa kanya."K-Kuya, please… pakinggan mo naman si Inang. Alam kong galit ka sa kanya dahil iniwan ka niya noon, pero Kuya, trust me, may rason kung bakit niya ginawa 'yo
Leonora's POVSiya na ba iyon? Ang lalaking nanakit kay Inang noon—ang tatay ko. Pinapanood ko lang silang dalawa ni Inang. Hindi ko siya nakitang ganyan noon kay Tatang. Kahit galit si Inang, sinusuyo pa rin siya ng lalaking iyon."Hey, are you okay, Leonora?" tanong sa akin ni Drack. Tumango lang ako sa kanya. Napatingin naman sa akin ang ama ko, kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan dahil sa ginawa niya noon kay Inang."Is she really my daughter, Vivian?" tanong niya kay Inang. Ako na ang sumagot. Hindi ko naman alam na may sa sirang plaka pala itong tatay ko."Oo, paulit-ulit, tanda," diin kong sabi."Halata naman na siguro, Emanuel. Magkaugali kayo—may pagka-pilosopo," inis na sabi ni Inang rito. Nakanganga lang siya, kaya nilapitan ko siya sabay sabing,"Isara mo bibig mo, tanda, baka makapasok ang langaw," sabay irap ko sa kanya.Pumunta naman ako kina Ezra at Alex na naglalaro. Hindi ko na tiningnan kung nakasunod ba sina Inang at Drack. Wala ako sa mood ng
Leonora’s POV“Leonora, say it to me… who killed our daughter,” nanginginig na sabi ni Drack sa akin. Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan rin.Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang paglabas ng ingay. Ayaw kong marinig na naman ng mga bata na umiiyak ako palagi tuwing pumupunta kami rito.“Hindi ko maalala, Drack… Noong araw na pinanganak ko ang tatlo, nasa ospital kami noon. Pagising ko, may nakita akong babae. Karga-karga niya si Vicky—she was crying so hard… but I couldn't save her. Dahil sobrang pagod ako, kakagaling ko lang sa panganganak noon,” umiiyak kong sabi sa kanya.Nakatingin lang si Drack sa kalangitan. Sana alam ko man lang kung ano ang iniisip niya ngayon.“I’m sorry, Drack… Hindi ko man lang nailigtas ang anak natin. Hindi ko man lang nailigtas si baby Vicky,” sabi ko rito. Humagulgol lang ako habang nakaluhod sa damuhan.“Hindi nakuha sina Ezra at Alex dahil nasa incubator pa sila noon. Si Vicky ang mas malakas sa kanilang tatlo,” nahihirapan kong sabi sa k
Leonora’s POVNakatingin lang ako kay Drack—bakas sa itsura niya na nagagalit siya habang nakatingin sa pinapakita ni Walter sa kanya. I can see how his face darkened. Nagsalita naman si Walter, na mas lalong ikinagalit ni Drack.I wonder what they are talking about. Saan kaya iyon tungkol? Nakakuyom ang kamao ni Drack ngayon kaya naglakad ako palapit sa kanila. Habang papalapit ako, unti-unti ko nang naririnig ang sinasabi nilang dalawa.“What should we do to her, boss?” tanong ni Walter kay Drack. Sino kaya ang tinutukoy ni Walter doon?“No, just make her move… para malaman natin ang susunod niyang galaw,” sagot ni Drack.“How about the men? What should we do?” tanong ulit ni Walter kay Drack.“Let them talk… and if hindi sila magsalita lahat, kill them all!” galit na sabi ni Drack.Umatras ako, na nagbigay ng tunog, kaya napalingon si Drack sa akin. Naglakad siya palapit sa akin, bakas sa reaksyon niya ang pag-aalala.“Hey, kanina ka pa ba rito?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“H
Leonora’s POVPapunta kami ngayon sa bahay ng mga magulang ni Drack. Hindi na namin sinama ang mga bata. Lumipat na rin kami sa bahay ni Drack kahapon kasama sila Inang.“What’s bugging you, Leonora?” biglang tanong sa akin ni Drack.Nakatingin pa rin ako sa labas ng sasakyan. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang napag-usapan namin ni Drack noong isang linggo.“Wala naman, na-miss ko lang kaagad ang mga bata,” malumanay na sabi ko sa kanya. Narinig ko naman siyang napabuntong-hininga kaya napatingin ako sa kanya.Nakasimangot na naman siya—sobrang gwapo niya pa naman kapag gano’n siya.“Quit staring, Leonora. Hindi ako makapag-focus sa pagmamaneho dahil sa malagkit mong tingin,” sabi niya pa, sabay bahagyang tawa.“Sorry, ang gwapo mo kasi talaga,” I burst out. Nang magsink-in sa akin ang sinabi ko, napatakip na lang ako sa mukha ko.Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi ko—grabe, nakakahiya talaga! Narinig ko naman siyang tumatawa kaya mas lalo pa akong namula sa
Leonora’s POVTahimik ang biyahe pauwi. Nakaupo si Alex at Ezra sa likuran, abala sa laruan nilang dala mula sa opisina ni Drack. Hindi ko alam kung iniisip pa rin ni Drack ang pinag-usapan nila ni Mom Cass, pero ramdam ko ang bigat ng hangin sa loob ng sasakyan.Nilingon ko siya. Nakatitig siya sa daan, pero alam kong hindi lang pagmamaneho ang iniisip niya."Drack," mahina kong tawag.Saglit siyang lumingon sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "Hmm?"Alam kong hindi ito ang tamang oras para pag-usapan si Cleo, lalo na't kasama namin ang kambal, pero hindi ko na kayang kimkimin ang bigat sa dibdib ko."Anong napag-usapan niyo ni Mom Cass?"Napahinga siya nang malalim. "She wanted to know what I plan to do about Cleo.""And?"Saglit siyang natahimik bago sumagot. "I told her the truth. That I have no plans of letting Cleo back into my life. Pero hindi ganon kasimple, Leonora.""Because of the child?"Tumango siya, pero hindi na nagsalita pa.Nilingon ko ang kambal. Buti
Leonora’s POVHindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo lang doon, nakatitig kay Drack. Ang mga sinabi niya ay parang bombang sumabog sa loob ng utak ko.Cleo was pregnant… but not with his child.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Oo, niloko siya ni Cleo, pero hindi ko rin maiwasang mag-isip. Kung talagang mahal niya ito noon, bakit niya ito pinalayas sa buhay niya? Paano kung may iba pang dahilan bukod sa galit?“Leonora?” mahina niyang tawag.Napakurap ako. Hindi ko namalayang lumapit siya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.“Hindi ko alam kung ano’ng iisipin ko, Drack.”He took my hand, but I didn’t hold him back. “I know this is hard to accept. And I know you're confused. But I want you to know that I have nothing to hide from you.”I looked up at him. “Nothing?”A flicker of hesitation crossed his face, but he quickly masked it. “I have no intention of hurting you, Leonora. You’re the one I love.”I wanted to believe him. But too many questions swirl
Leonora’s POVHindi ko maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Ang halik na iyon. Ang ngiti ni Cleo. At higit sa lahat, ang mga sinabi niya—na para bang may dapat akong alamin.Sinubukan kong mag-focus sa trabaho, pero kahit anong gawin ko, bumabalik sa isip ko ang tanong: Ano ba talaga ang nakaraan nila ni Drack?Napatingin ako kay Drack na abala sa pagbabasa ng mga papeles sa kanyang lamesa. Mukha siyang kalmado, parang walang nangyari. Pero ako? Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali.Gusto kong maniwala sa sinabi niya—na wala na siyang nararamdaman para kay Cleo. Pero paano kung hindi iyon totoo?Huminga ako nang malalim at tumayo mula sa desk ko. Kailangan kong malinis ang isip ko. Lumabas ako ng opisina para kumuha ng tubig, pero pagdating ko sa pantry, may narinig akong dalawang empleyadong nag-uusap.“Hala, nakita mo ba kanina? Si Ma’am Cleo, bigla na lang hinalikan si Sir Drack!”“Oo nga! Grabe, sa harap pa ni Ma’am Leonora! Pero alam mo, hindi na ako nagulat. Dati naman
Leonora’s POVMaaga akong nagising ngayon—trabaho na naman. Ihahatid namin ni Drack ang mga bata sa eskwelahan nila ngayon.Lumabas na ako sa kwarto at pinuntahan ang mga bata sa loob ng kwarto nila. Masyadong mapilit ang dalawa—gusto daw nilang magkaroon ng sariling kwarto, kaya pinagbigyan sila ni Drack.“Honey, anak, Ezra… Alex, wake up na. Hindi ba may school kayo ngayon?” paggising ko sa dalawa. Ang cute ng posisyon nilang dalawa—si Ezra ay nakayakap sa braso ni Alex.Hindi naman pahirapan ang paggising ko sa kanila. Pagkalabas ko sa kwarto nila, sakto namang lumabas rin si Drack mula sa kwarto niya. Hindi kami magkatabi ni Drack—nakakahiya kayang lumapit sa kanya.“Good morning, Leonora,” nakangiti niyang bati sa akin. Kaya nginitian ko siya pabalik at bumaba na kasama siya. Wala dito ngayon sila Inang; nasa bahay ni Mom Cass.Inaasikaso nila ang simpleng kasal namin ni Drack—malapit na rin iyon. Baka sa susunod na buwan ay maikasal na kaming dalawa.Matapos ang ilang oras, nata