Share

027: Mafia?

Author: Quen_Vhea
last update Last Updated: 2025-02-12 22:19:16
Leonora’s POV

Nagising ako sa isang malambot na kama, may nakapalibot na malumanay na liwanag sa paligid. Naramdaman kong may malamig na tuwalya sa aking noo, at nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Drack na nakaupo sa gilid ng kama, nakatitig sa akin nang may pag-aalala.

"Leonora, okay ka lang ba?" tanong niya habang hinawakan ang kamay ko.

Napakurap-kurap ako bago ko naalala ang mga nangyari. Ang reaksyon ni Tita Cassandra, ang pangalan ni Emanuel, at ang takot sa mukha ni Inang—lahat ng iyon ay bumalik sa akin.

"A-Anong nangyari? Bakit ako nawalan ng malay?" mahina kong tanong.

Bago pa makasagot si Drack, bumukas ang pinto at pumasok si Inang kasama si Tita Cassandra. Halata sa mga mata ni Inang ang pag-aalala, ngunit mas nangingibabaw ang kaba at takot.

"A-Anak... may kailangan kang malaman," nagsimulang magsalita si Inang, halatang nag-aalinlangan.

Umupo si Tita Cassandra sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. "Vivian, ito na ang tamang panahon para sabihin mo sa
Quen_Vhea

Medjo mahina po ang Update natin ngayon, medjo busy lang talaga this days. Nakaka drain din misan ang buhay.

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   028: The Ceo's Back

    Leonora’s POVTatlong araw na ang lumipas mula nang malaman ko ang totoong pagkatao ni Drack. Mahirap man itong tanggapin, pero wala akong magagawa. Ayaw ko rin namang mapalayo sa kanya dahil, aaminin ko man o hindi, alam kong may puwang na siya sa puso ko.Bumalik na rin ako sa trabaho, habang sina Inang ay naiwan sa bahay ng mga magulang ni Drack. Total naman, magkakilala sina Tita Cassandra at Inang, kaya kampante ako."Leonora, can you come to my office?" tawag sa akin ni Drack gamit ang intercom na nasa lamesa ko."Okay po, Sir," sagot ko bago tumayo at naglakad papasok sa opisina niya. Naabutan ko siyang abala sa pagbabasa ng mga report."Ano po ang kailangan ninyo, Sir?" tanong ko sa kanya. Itinigil niya ang pagbabasa, at ngayon “So far, Sir, wala naman po. Si Mr. Lim ay nire-schedule ang meeting ninyo sa Friday. May emergency raw po sa bahay nila,” sabi ko sa kanya. Iniiwasan kong iangat ang ulo ko, baka magtagpo ang mga mata namin.“Leonora, can we talk?” Doon ko lang napansi

    Last Updated : 2025-02-21
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   029: Paano mo nalaman!

    Leonora’s POVNapalunok ako at pilit na iniiwas ang tingin kay Drack. Paano niya nalaman? Hindi naman ako nagrereklamo tungkol sa nangyari sa accounting department."W-Wala naman po, Sir," sagot ko, ngunit nanatiling matalim ang tingin niya sa akin. Alam kong hindi siya maniniwala sa simpleng sagot na iyon."Leonora," malamig niyang tawag sa pangalan ko. Lumapit siya at tumigil sa harapan ko, ang matangkad niyang tindig ay tila nagdadala ng bigat sa paligid. "I don't like being lied to."Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag nang hindi siya mag-aalala. Ayaw kong isipin niyang mahina ako, pero ayaw ko ring magkagulo dahil lang sa paninirang nararanasan ko sa opisina.Napabuntong-hininga ako at marahang tumango. "May nasabi lang po sila tungkol sa akin, Sir. Wala namang dapat ipag-alala."Umigting ang panga ni Drack. "Ano ang sinabi nila?" tanong niya, puno ng awtoridad ang boses niya."Wala namang bago. Mga salita na hindi na rin naman bago sa akin," sagot ko, pilit na nginitian siy

    Last Updated : 2025-02-22
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   030: May Crush na si Alex

    Leonora’s POV“Our babies are waiting, future Mrs. Asher,” he said with a sweet smile in his lips, hindi ko maiwasang pamulahan sa huling sinabi niya sa akin.Tumango lang ako sa sinabi niya at naglakad na kami papunta asa sasakyan niya, hawak-hawak ang kamay ko. Wala naman ng tao ngayon kaya I’m sure walang makakakita sa amin.Nasa sasakyan na kami ngayon, nakatingin lang si Drack sa kalsada. “Tumawag na ba sila mama sayo?” tanong niya sa akin. “Hindi pa e,” sagot ko, kaya kinuha ko ang cellphone ko para tawagan sila Inang. Ilang ring lang at maysumagit na sa tawag ko, napangiti na ako ng marinig ko ang boses ni Inang at mga bata.“Inang, magandang gabi po. Kamusta naman po kayo ng mga bata? Kumain na po ba kayo?” sabi ko sa kanya.“Hindi pa, pero nagluluto na kami ni Cassandra ngayon,” masayang sabi ni Inang sa akin, narinig ko naman si Mom Cassandra nagsalita.“Iha, pauwi na ba kayo ni Drack?” tanong niya sa akin.“Oo po, mom. Papunta na kami diyan. Kumusta naman po ang mga bata?”

    Last Updated : 2025-03-01
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   031: Jealous

    Leonora’s POVMaagang dumating si Drack sa opisina ngayong araw dahil sa isang mahalagang meeting kasama ang mga investors. Ako naman ay kasalukuyang nag-aasikaso ng ilang documents sa HR department.Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria ng building, isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likuran.“Leonora?”Napahinto ako sa paglalakad at dahan-dahang lumingon. Hindi ako maaaring magkamali—si Lance. Matagal ko na siyang hindi nakikita, at sa totoo lang, hindi ko inaasahang magkikita pa kami ulit.“Lance?” Nagulat ako, pero agad kong inayos ang sarili ko. “Anong ginagawa mo rito?”Napangiti siya sa akin. “Nagkaroon ako ng business meeting sa kabilang kumpanya. At ikaw? Dito ka pala nagtatrabaho?”Tumango ako. “Oo, dito ako nagtratrabaho, I’m the assistant of the Ceo.”Napakunot ang noo niya. “Ow, it’s Drack Mozen Asher?”Tumango ulit ako. “Oo, siya nga.”Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita. “Matagal na kitang hindi nakikita, Leonora. How are you?”Nag-aalan

    Last Updated : 2025-03-03
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   032: Party!

    Leonora’s POVIlang araw na rin ang lumipas simula nang tumira kami kina Drack. Malapit na ang kaarawan ng kambal—mag-a-anim na taong gulang na sila. Ang bilis talaga ng panahon. Noong una, hawak-hawak ko pa si Alex at Ezra sa aking mga braso habang kinakantahan sila.“Iha, Leonora, have you thought of any theme para sa birthday ng mga apo ko?” tanong sa akin ni Mom Cass. Tumango ako sa kanya.“Yes po, actually, paborito po kasi nina Alex at Ezra ang Paw Patrol, kaya siguro iyon na lang po,” masaya kong sagot.Tumingin ako kina Ezra at Alex na masayang naglalaro kasama si Drack. Ang saya nilang pagmasdan.“I never saw Drack that happy before. I thank you for bringing them to him, iha,” sabi ni Mom Cass kaya tumingin ako sa kanya. Masaya niyang pinagmamasdan sina Drack, hindi niya mapigilang mapangiti na rin.“Nako, ako nga po ang dapat magpasalamat sa kabaitan po ninyo,” sagot ko nang bukal sa loob.“Deserve mong maging masaya, anak. At ang kambal, deserve nila ang isang masayang birth

    Last Updated : 2025-03-03
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   033: Shock!

    Leonora’s POVHindi ko pa rin matanggap ang narinig ko mula kay Inang. Para akong hinihila sa isang mundo na hindi ko kailanman naisip na papasukin. Buong buhay ko, naniwala akong wala akong ama—na iniwan niya kami o sadyang hindi ko siya makikilala kailanman. Pero ngayon, nalaman kong hindi lang siya buhay… may kapatid din ako?Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Drack sa aking kamay. Para bang gusto niyang ipaalala na nandito siya sa tabi ko, na hindi ako nag-iisa sa pagharap sa katotohanang ito.“Inang… bakit ngayon mo lang sinabi?” mahina kong tanong, halos hindi lumalabas ang boses ko dahil sa bigat ng emosyon.Hinaplos ni Inang ang pisngi ko, punong-puno ng pagmamahal at pagsisisi ang kanyang mga mata. “Anak, natatakot akong sabihin sa iyo. Natatakot akong malaman mo ang buong katotohanan nang hindi mo pa ito kayang tanggapin.”“Kapatid…” muli kong inulit ang salitang iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala. “Inang, anong pangalan niya?”“His name is Lance. Lance Klient Handerson

    Last Updated : 2025-03-04
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   034: Disparate Girl

    Leonora’s POVMaaga akong nagising ngayon—trabaho na naman. Ihahatid namin ni Drack ang mga bata sa eskwelahan nila ngayon.Lumabas na ako sa kwarto at pinuntahan ang mga bata sa loob ng kwarto nila. Masyadong mapilit ang dalawa—gusto daw nilang magkaroon ng sariling kwarto, kaya pinagbigyan sila ni Drack.“Honey, anak, Ezra… Alex, wake up na. Hindi ba may school kayo ngayon?” paggising ko sa dalawa. Ang cute ng posisyon nilang dalawa—si Ezra ay nakayakap sa braso ni Alex.Hindi naman pahirapan ang paggising ko sa kanila. Pagkalabas ko sa kwarto nila, sakto namang lumabas rin si Drack mula sa kwarto niya. Hindi kami magkatabi ni Drack—nakakahiya kayang lumapit sa kanya.“Good morning, Leonora,” nakangiti niyang bati sa akin. Kaya nginitian ko siya pabalik at bumaba na kasama siya. Wala dito ngayon sila Inang; nasa bahay ni Mom Cass.Inaasikaso nila ang simpleng kasal namin ni Drack—malapit na rin iyon. Baka sa susunod na buwan ay maikasal na kaming dalawa.Matapos ang ilang oras, nata

    Last Updated : 2025-03-05
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   035: Shadows of past

    Leonora’s POVHindi ko maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Ang halik na iyon. Ang ngiti ni Cleo. At higit sa lahat, ang mga sinabi niya—na para bang may dapat akong alamin.Sinubukan kong mag-focus sa trabaho, pero kahit anong gawin ko, bumabalik sa isip ko ang tanong: Ano ba talaga ang nakaraan nila ni Drack?Napatingin ako kay Drack na abala sa pagbabasa ng mga papeles sa kanyang lamesa. Mukha siyang kalmado, parang walang nangyari. Pero ako? Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali.Gusto kong maniwala sa sinabi niya—na wala na siyang nararamdaman para kay Cleo. Pero paano kung hindi iyon totoo?Huminga ako nang malalim at tumayo mula sa desk ko. Kailangan kong malinis ang isip ko. Lumabas ako ng opisina para kumuha ng tubig, pero pagdating ko sa pantry, may narinig akong dalawang empleyadong nag-uusap.“Hala, nakita mo ba kanina? Si Ma’am Cleo, bigla na lang hinalikan si Sir Drack!”“Oo nga! Grabe, sa harap pa ni Ma’am Leonora! Pero alam mo, hindi na ako nagulat. Dati naman

    Last Updated : 2025-03-05

Latest chapter

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   042: Comfort

    Leonora’s POVSumunod ako kay Kuya Lance. Gusto ko siyang kausapin—alam kong nagkasala si Inang sa kanya. Pero baka hindi lang niya alam kung ano talaga ang nangyari kay Inang at sa ama namin, kaya siya galit."K-Kuya," mahinang tawag ko sa kanya habang nakatalikod siya sa akin. Lumingon naman siya, at kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata."Ahm, hindi ko alam kung pwede ba kitang tawagin na Kuya," sabi ko. Nakatingin lang siya sa akin, kaya lumapit pa ako."You’re my baby sister, Leonora… It’s okay to call me Kuya. I did not expect that you were my sister. Well, I knew Mom was pregnant with you back then, but I never realized you were so close to me this whole time, and I never even noticed," sabi niya bago ako niyakap.Ito ang pinakaunang yakap ko mula sa nakatatanda kong kapatid. Napaiyak ako habang nakayakap sa kanya."K-Kuya, please… pakinggan mo naman si Inang. Alam kong galit ka sa kanya dahil iniwan ka niya noon, pero Kuya, trust me, may rason kung bakit niya ginawa 'yo

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   041: Dad

    Leonora's POVSiya na ba iyon? Ang lalaking nanakit kay Inang noon—ang tatay ko. Pinapanood ko lang silang dalawa ni Inang. Hindi ko siya nakitang ganyan noon kay Tatang. Kahit galit si Inang, sinusuyo pa rin siya ng lalaking iyon."Hey, are you okay, Leonora?" tanong sa akin ni Drack. Tumango lang ako sa kanya. Napatingin naman sa akin ang ama ko, kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan dahil sa ginawa niya noon kay Inang."Is she really my daughter, Vivian?" tanong niya kay Inang. Ako na ang sumagot. Hindi ko naman alam na may sa sirang plaka pala itong tatay ko."Oo, paulit-ulit, tanda," diin kong sabi."Halata naman na siguro, Emanuel. Magkaugali kayo—may pagka-pilosopo," inis na sabi ni Inang rito. Nakanganga lang siya, kaya nilapitan ko siya sabay sabing,"Isara mo bibig mo, tanda, baka makapasok ang langaw," sabay irap ko sa kanya.Pumunta naman ako kina Ezra at Alex na naglalaro. Hindi ko na tiningnan kung nakasunod ba sina Inang at Drack. Wala ako sa mood ng

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   040: Vicky

    Leonora’s POV“Leonora, say it to me… who killed our daughter,” nanginginig na sabi ni Drack sa akin. Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan rin.Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang paglabas ng ingay. Ayaw kong marinig na naman ng mga bata na umiiyak ako palagi tuwing pumupunta kami rito.“Hindi ko maalala, Drack… Noong araw na pinanganak ko ang tatlo, nasa ospital kami noon. Pagising ko, may nakita akong babae. Karga-karga niya si Vicky—she was crying so hard… but I couldn't save her. Dahil sobrang pagod ako, kakagaling ko lang sa panganganak noon,” umiiyak kong sabi sa kanya.Nakatingin lang si Drack sa kalangitan. Sana alam ko man lang kung ano ang iniisip niya ngayon.“I’m sorry, Drack… Hindi ko man lang nailigtas ang anak natin. Hindi ko man lang nailigtas si baby Vicky,” sabi ko rito. Humagulgol lang ako habang nakaluhod sa damuhan.“Hindi nakuha sina Ezra at Alex dahil nasa incubator pa sila noon. Si Vicky ang mas malakas sa kanilang tatlo,” nahihirapan kong sabi sa k

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   039: Kill Them!

    Leonora’s POVNakatingin lang ako kay Drack—bakas sa itsura niya na nagagalit siya habang nakatingin sa pinapakita ni Walter sa kanya. I can see how his face darkened. Nagsalita naman si Walter, na mas lalong ikinagalit ni Drack.I wonder what they are talking about. Saan kaya iyon tungkol? Nakakuyom ang kamao ni Drack ngayon kaya naglakad ako palapit sa kanila. Habang papalapit ako, unti-unti ko nang naririnig ang sinasabi nilang dalawa.“What should we do to her, boss?” tanong ni Walter kay Drack. Sino kaya ang tinutukoy ni Walter doon?“No, just make her move… para malaman natin ang susunod niyang galaw,” sagot ni Drack.“How about the men? What should we do?” tanong ulit ni Walter kay Drack.“Let them talk… and if hindi sila magsalita lahat, kill them all!” galit na sabi ni Drack.Umatras ako, na nagbigay ng tunog, kaya napalingon si Drack sa akin. Naglakad siya palapit sa akin, bakas sa reaksyon niya ang pag-aalala.“Hey, kanina ka pa ba rito?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“H

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   038: Flying Bullets

    Leonora’s POVPapunta kami ngayon sa bahay ng mga magulang ni Drack. Hindi na namin sinama ang mga bata. Lumipat na rin kami sa bahay ni Drack kahapon kasama sila Inang.“What’s bugging you, Leonora?” biglang tanong sa akin ni Drack.Nakatingin pa rin ako sa labas ng sasakyan. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang napag-usapan namin ni Drack noong isang linggo.“Wala naman, na-miss ko lang kaagad ang mga bata,” malumanay na sabi ko sa kanya. Narinig ko naman siyang napabuntong-hininga kaya napatingin ako sa kanya.Nakasimangot na naman siya—sobrang gwapo niya pa naman kapag gano’n siya.“Quit staring, Leonora. Hindi ako makapag-focus sa pagmamaneho dahil sa malagkit mong tingin,” sabi niya pa, sabay bahagyang tawa.“Sorry, ang gwapo mo kasi talaga,” I burst out. Nang magsink-in sa akin ang sinabi ko, napatakip na lang ako sa mukha ko.Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi ko—grabe, nakakahiya talaga! Narinig ko naman siyang tumatawa kaya mas lalo pa akong namula sa

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   037: Paninindigan

    Leonora’s POVTahimik ang biyahe pauwi. Nakaupo si Alex at Ezra sa likuran, abala sa laruan nilang dala mula sa opisina ni Drack. Hindi ko alam kung iniisip pa rin ni Drack ang pinag-usapan nila ni Mom Cass, pero ramdam ko ang bigat ng hangin sa loob ng sasakyan.Nilingon ko siya. Nakatitig siya sa daan, pero alam kong hindi lang pagmamaneho ang iniisip niya."Drack," mahina kong tawag.Saglit siyang lumingon sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "Hmm?"Alam kong hindi ito ang tamang oras para pag-usapan si Cleo, lalo na't kasama namin ang kambal, pero hindi ko na kayang kimkimin ang bigat sa dibdib ko."Anong napag-usapan niyo ni Mom Cass?"Napahinga siya nang malalim. "She wanted to know what I plan to do about Cleo.""And?"Saglit siyang natahimik bago sumagot. "I told her the truth. That I have no plans of letting Cleo back into my life. Pero hindi ganon kasimple, Leonora.""Because of the child?"Tumango siya, pero hindi na nagsalita pa.Nilingon ko ang kambal. Buti

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   036: Truth

    Leonora’s POVHindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo lang doon, nakatitig kay Drack. Ang mga sinabi niya ay parang bombang sumabog sa loob ng utak ko.Cleo was pregnant… but not with his child.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Oo, niloko siya ni Cleo, pero hindi ko rin maiwasang mag-isip. Kung talagang mahal niya ito noon, bakit niya ito pinalayas sa buhay niya? Paano kung may iba pang dahilan bukod sa galit?“Leonora?” mahina niyang tawag.Napakurap ako. Hindi ko namalayang lumapit siya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.“Hindi ko alam kung ano’ng iisipin ko, Drack.”He took my hand, but I didn’t hold him back. “I know this is hard to accept. And I know you're confused. But I want you to know that I have nothing to hide from you.”I looked up at him. “Nothing?”A flicker of hesitation crossed his face, but he quickly masked it. “I have no intention of hurting you, Leonora. You’re the one I love.”I wanted to believe him. But too many questions swirl

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   035: Shadows of past

    Leonora’s POVHindi ko maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Ang halik na iyon. Ang ngiti ni Cleo. At higit sa lahat, ang mga sinabi niya—na para bang may dapat akong alamin.Sinubukan kong mag-focus sa trabaho, pero kahit anong gawin ko, bumabalik sa isip ko ang tanong: Ano ba talaga ang nakaraan nila ni Drack?Napatingin ako kay Drack na abala sa pagbabasa ng mga papeles sa kanyang lamesa. Mukha siyang kalmado, parang walang nangyari. Pero ako? Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali.Gusto kong maniwala sa sinabi niya—na wala na siyang nararamdaman para kay Cleo. Pero paano kung hindi iyon totoo?Huminga ako nang malalim at tumayo mula sa desk ko. Kailangan kong malinis ang isip ko. Lumabas ako ng opisina para kumuha ng tubig, pero pagdating ko sa pantry, may narinig akong dalawang empleyadong nag-uusap.“Hala, nakita mo ba kanina? Si Ma’am Cleo, bigla na lang hinalikan si Sir Drack!”“Oo nga! Grabe, sa harap pa ni Ma’am Leonora! Pero alam mo, hindi na ako nagulat. Dati naman

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   034: Disparate Girl

    Leonora’s POVMaaga akong nagising ngayon—trabaho na naman. Ihahatid namin ni Drack ang mga bata sa eskwelahan nila ngayon.Lumabas na ako sa kwarto at pinuntahan ang mga bata sa loob ng kwarto nila. Masyadong mapilit ang dalawa—gusto daw nilang magkaroon ng sariling kwarto, kaya pinagbigyan sila ni Drack.“Honey, anak, Ezra… Alex, wake up na. Hindi ba may school kayo ngayon?” paggising ko sa dalawa. Ang cute ng posisyon nilang dalawa—si Ezra ay nakayakap sa braso ni Alex.Hindi naman pahirapan ang paggising ko sa kanila. Pagkalabas ko sa kwarto nila, sakto namang lumabas rin si Drack mula sa kwarto niya. Hindi kami magkatabi ni Drack—nakakahiya kayang lumapit sa kanya.“Good morning, Leonora,” nakangiti niyang bati sa akin. Kaya nginitian ko siya pabalik at bumaba na kasama siya. Wala dito ngayon sila Inang; nasa bahay ni Mom Cass.Inaasikaso nila ang simpleng kasal namin ni Drack—malapit na rin iyon. Baka sa susunod na buwan ay maikasal na kaming dalawa.Matapos ang ilang oras, nata

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status