Share

CHAPTER 34: VINCENT’S BROTHER

“I want you to file a divorce.”

Muntikan na akong mabulunan sa iniinom kong kape nang bigla na lamang sinabi iyon ng mommy ni Vincent. Nagtataka akong tumingin sa kanya. “P-Po?”

“Do you love him?” bigla niyang tanong.”

Napalunok ako saka nag-iwas ng tingin sa kanya. “A-Asawa ko siya, kaya naman —“

“You don’t. You are probably not in love with that jerk.”

“Bakit gusto n’yo po akong mag-file ng divorce?” tanong ko.

“Gusto kong ma-realize ni Vincent na walang magmamahal sa kanya.”

“A-Ano?”

Tumayo siya. “Walang magmamahal sa kanya dahil isa siyang demonyo, at walang utang na loob. I want him to live miserably. I want him to realize how much he needs us in his life. I want him to regret leaving us behind.”

“P-Pasensiya na po, pero hindi ko kayo maintindihan.”

“Mas pinili niyang magtayo ng sarili niyang kompanya kaysa tulungang palaguin ang kompanya ng Daddy niya. What an ungrateful son he is, right? Huminto siya sa pag-aaral at lumayas nang hindi man lang inisip kung gaano kami naghirap sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status