NANATILI lamang nakamasid si Rudny sa likuran. Nasa monitoring room siya ng casino, katatapos lang niyang bisitahin ang hostel nila sa may malate. Kahit paano ay walang naging aberya sa hindi niya pagpunta roon ng ilang linggo.Tuluyan niyang inilaglag sa lapag ang hinihithit na sigarilyo at madiin na tinapakan pagkatapos. Mabilis siyang naglakad."Hold on, check the camera fifty three please,"wika niya sa babaeng nakaupo sa harap ng isa sa monitor.Sumunod naman agad ito at mabilis na iginalaw-galaw ang hawak na mouse tumipa-tipa rin ito sa keyboard."Zoom it." Mando pa ni Rudny.Pinagmasdan ng binata ang mga nangyayari sa kuha ng footage mula sa loob ng casino, naningkit ang mata nito pagkatapos niyang mahuli na yinakap ni Beatrice si Seth. Tila may namuong kakaibang damdamin sa loob niya habang nakikita niya kung gaano mag-ngitian ang dalawa sa bawat isa.Hindi na siya nagtagal doon at tuluyan nang lumabas. Tuloy-tuloy lamang siyang naglakad hanggang sa makasakay siya sa Ducati m
AGAD na naglakad si Rudny palabas ng elevator. Napahawak siya sa gilid upang mabalanse niya ang tindig.Nagtinginan naman si Sigmund at Luther, nagtataka ang dalawa. Dahil sa nagbilin ang boss nilang si Rudny na hindi makakapunta sa condominium ngayon."K-kumusta, si Beatrice nasa loob na ba?" tanong ni Rudny matapos na makalapit sa dalawang lalaking bantay sa harap ng pinto."Yes boss, kanina pa po," tugon naman ni Sigmund.Napatango-tango naman si Rudny, nag-a-alangan siyang itanong sa mga ito iyon. Ngunit hindi rin naman siya nakapagpigil."Ahmmm! m-may kasama ba sa loob si Beatrice?""Wala boss," tugon ni Luther."Hindi siya hinatid niyong lalaking ka-date niya sa casino?" tanong niya."H-hindi naman boss, ang totoo nauna pang umalis sa casino si sir Amoroso," sagot ni Sigmund. Parehas na pamilyar ang dalawa kay Seth dahil sa parati itong isinasama sa mga gatherings ng ama nitong si Duke Amoroso na siyang bestfriend ng Dad niya. Lalo na at parehas ng sumakabilang buhay din ang kan
NAGING maayos naman ang unang linggo sa trabaho ni Beatrice sa kumpaniya ni Seth Amoroso.Magaan ang trabaho niya, parang mas marami pa ang upo niya kaysa sa gawa."Natapos mo na ba ang official report na ipinapaayos kong loan para sa health insurance ni Mrs. Ferrer?" tanong ni Seth mula sa telephono."Yes sir, kailangan niyo na ho ba ngayon?""Oo, come to my office right away. May sasabihin din ako," wika ni Seth at tuluyan ng naputol ang tawag.Naglakad na palapit sa may pinto ang dalaga. Habang bit-bit niya ang folder na kailangan nito."Have a seat, i-re-review ko lang ito," nakangiting sabi ni Seth na iminuwestra pa ang upuan sa harap ng table nito.Matipid naman nangiti si Beatrice at pasimpleng iniwas ang mukha nang mapansin niya ang kakaibang ning-ning sa mata ng lalaki.Inabala na lang niya ang sarili sa pagmamasid sa loob ng office ng boss niya. Lahat ng designs, furniture at piniling kulay roon ay maaliwalas tignan. White and light blue.Makalipas ang limang minuto ay binal
BASE sa napansin niya ay tila ikinatuwa naman ng tunay ni Duke ang ka-date niya sa gabing iyon. Gusto niya kasing ma-impress kahit paano at hindi na madis-appoint ito. Katulad ng nangyari sa pagsasama nila ni Kyline— her ex-wife after that failed marriage with the woman ay natatakot na siyang sumubok ulit. He admit, nagalit siya sa mundo, sa mga kauri nitong eba. Pero after many years had past, narealize niya maybe it's time to face the reality. Kakailanganin niya rin ng babaeng titingin sa anak niya, magiging katuwang and the right woman for him is no other than Beatrice."Wait! iho may hinihintay pa tayo, here they are," bigkas ni Ricardo na tumingin mula sa likuran nilang dalawa.All of a sudden ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ni Beatrice. Itinago niya tuloy ang kamay niya sa ilalim ng lamesa upang maitago ang panginginig niya."Welcome home son, let's start," wika ni Ricardo. Agad ipinakilala ni Rudny ang kasama nitong babae."Hindi ko alam na nakasama pala ngayon di
KASALUKUYAN siyang nagsusuot ng maluwang na t-shirt ng makarinig si Beatrice ng pagbukas at pagsarado ng pinto. Agad siyang nagtatakbo palabas mula sa kanyang silid.Gusto niyang mapatunayan kung tama siya ng hinuha at hindi nga siya nagkamali. Ilang dipa ang layo niya mula sa binata na kasalukuyan nagbukas ng fridge.Hindi na siya nagdalawang-isip na nagtatakbo palapit at yakapin ito mula sa likuran."I knew it! Ikaw nga Rudny! Alam kong hindi mo ako matitiis," puno ng kasiyahan na anas ni Beatrice sa napapiksing lalaki."Ano ka ba naman Bek-Bek, kita mong kukuha ako ng malamig na tubig, lumayo ka nga! baka ibuhos ko sa'yo ito!" Banta ni Rudny. Pinilit nitong inilalayo ang babae ngunit sadiyang mahigpit ang pagkakalingkis nito na parang sa sawa."Ayuko nga! baka iwan mo na naman ako bigla! sobra kaya kitang namiss!""Pwes! Ako hindi kita namiss! andami kayang babae sa pinuntahan ko," dire-diretso niyang sabi."K-kita mo 'tu, ang sama-sama mo lagi sa akin!" nagmamaktol na saad ni Bea
Napahalakhak tuloy si Rudny habang si Beatrice naman ay agad na nagtatakbo at yumakap sa kanya. "Hayop ka talaga! open the light please!" Pakiusap ni Beatrice habang nakadikit ang mukha nito sa likuran ni Rudny. Maya-maya'y dinig na nito ang paghikbi ng babae."Tama na, ano ba hindi ka naman mamatay kung walang ilaw." Pang-aalo ni Rudny na tuluyan umikot at hinaplos ang mahabang buhok ni Beatrice."H-hindi mo kasi naiintindihan, everytime the light is off in my room ay may nakikita akong ghost," nanginginig na anas ni Beatrice na nanatiling nakapikit at nakadikit sa lalaki."Ganoon ba, here's I gave you something para kapag nasa madilim kang lugar ay hindi matakot. On mo lang ito, just imagine a pleasant images. Taong nagbibigay ng kapayapaan sa'yo." Bilin ni Rudny na ibinigay sa kanya ang isang pocket flashlight na singliit ng hintuturong kamay.Sinunod nga niya iyon, natuwa pa siya dahil pweding i-adjust ang lakas ng ilaw niyon."Sige na humiga ka na, late na may pasok ka pa," mas
PUMASOK na sa loob ng elevator si Beatrice at Seth ng mga sandaling iyon."Can I ask a something Bea sana ay huwag kang ma-offend sa itatanong ko," wika ng binata habang lulan sila ng elevator. Walang tao kaya maari niyang masabi iyon."Ano iyon?""Umuuwi pala si Rudny rit sa condo, ang alam ko marami pa siyang available na unit. Nakakapagtaka lang na pinipili niyang magpalipas ng gabi rito,"wika ni Seth."A-ano ba ang pinupunto mo?" Nag-umpisa na siyang magtaray."C'mon Bea, today I'm gonna start to court you. Sana naman seryusuhin mo iyon, I will do everything para maging karapat-dapat ako sa'yo. When the right time came sana ay umalis ka na sa condominium unit niya," tuloy-tuloy na wika ni Seth. Nahimigan ni Beatrice ang pagka-possesive sa tono ng tinig ng binata.Tuluyan na siyang lumabas nang magbukas ang elevator."Hey! naiintindihan mo ba ang sinasabi ko. Sana matutuhan mo rin balang-araw na mahalin ako." Pahabol pa ni Seth na ipinagbukas na niya ng pinto ng sasakiyan itoNatig
MAKALIPAS pa ang isang linggo ay mas lalong hindi na napapadalaw si Rudny sa condominium kung saan tumutuloy si Beatrice.Kahit sobrang namimiss ni Beatrice at labis na ang pagtatampo niya sa binata ay pinili na lang niya ituon ang isip sa trabaho at mga bagay-bagay.Lagi siyang hatid-sundo ni Seth at napapadalas ang pagtambay ng dalaga sa mansyon ng mga Amoroso. Isang beses ay nagpunta ang mag-ama sa place niya."Naku! bakit hindi kayo nagsabi na pupuntahan niyo ako rito," ani ni Beatrice na inaayos ang nakalugay na buhok."Namiss po kasi kita Mommy, saka wala naman po ginagawa si Dad kaya sinabi ko pong puntahan na lang kita rito," tugon ni Xeena na ngiting-ngiti."Come in, maupo muna kayo. Ilalabas ko lang sa oven iyong chiffon cake na isinalang ko. Maya bibigyan ko rin sina kuya Luther at Sigmund," sabi ni Beatrice sa dalawang tauhan ni Rudny na nagbabantay sa harapan ng pinto.Pumasok naman ang mag-ama at agad na naupo sa may sofa. Ini-on ng dalaga ang television at inilagay sa i
SABI nga nila nagbabago ang lahat. Katulad ng mga taong nasa paligid mo. Katulad ng inaasahan ni Beatrice at ng lahat, ikinasal ang Kuya Novice niya at Ate Shaina niya. Ngunit, iyon din ang araw na nawala ang anak ng mga ito.Ang saya ay kadalasan napapalitan ng lungkot. Kasama na iyon sa buhay ng isang tao, kaya madalas iba't ibang klase ang karanasan ng isang tao sa mundo.Magmula noon, natutunan ni Beatrice na i-appreciate ang mga taong nasa paligid niya. Madami pa ang nangyari pagkatapos noon na hindi inaasahan."Hello! Nasaan ka, nakita mo na ba si Kuya Novice. Ano! magsalita ka!" Pasigaw na turan ni Beatrice mula sa kabilang linya.Saglit na inilayo naman ni Rudny ang aparato mula sa kanyang teynga. Walang sandali na nabibingi siya sa kasisigaw nito sa kanya. Ngunit pinagtitiisan na lang niya, tutal malapit ng matapos ang lahat."Pwedi ba, papunta pa lang ako sa bahay bakasyunan ng Kuya mo. Kaso, ang lakas na bigla ng ulan, kaya bukas na lang ako tutuloy," sagot naman ni Ru
MAGMULA sa gabing nasaksihan ni Beatrice ang lahat ay muling nagbago siya."May problema ba tayo?" tanong ni Rudny na mabilis na hinawakan ito sa balikat.Nakasimangot naman itong lumingon at napatitig sa kanya."Ano magsalita ka, may nagawa ba ako kaya ka nagkakaganiyan?" Pag-uusisa ni Rudny."Wala, sige na at baka magtaka pa sina Kuya Novice at Ate Shaina kung bakit wala pa tayo roon," sagot nito.Rehearsal kasi sa kasal ng kapatid niya. Sa isang linggo na iyon, mabilisan ang pagpre-prepara dahil sa kasalukuyan estado ng pamangkin nito.Tuluyan na niyang tinabig ang kamay ng lalaki at diretsong naglakad papasok sa gate.Kahit walang nakuhang matinong sagot si Rudny ay kaagad na niyang sinundan ang babae. Ayaw na niyang kinukulit ito katulad ng dati, mas mahihirapan kasi siya kapag dumating ang araw na kailangan niyang iwanan ito.Halos lahat ay naroon na."Bakit ngayon lang kayo, start na tayo," wika ni Novice nang mapansin silang dumating.Nasa dati silang garden sa school nila
NANATILING lihim ang relasyon ni Beatrice at Rudny. Naging abala sila sa kanya-kanyang buhay, kaya naging madalang ang pagkikita ng dalawa."Sheena, paki-print nga ito ngayon at kailangan ko para bukas," utos niya sa kanyang secretary."Yes ma'am." Agad na inabot nito ang papel na hawak niya at nagmadaling lumabas.Muling bumalik sa kinauupuan si Beatrice habang patuloy pa rin binabasa ang dokumento na kasalakuyan niyang pinag-aaralan.Napagawi ang tingin niya sa may pinto ng bumukas iyon at iluwa si Farah."Hai Goodmorning! kumusta ka naman. Mukhang nakakulong ka na naman dito sa opisina mo huh," paunang salita ng kaibigan matapos na maiabot nito sa kanya ang dala-dalang mga papeles na kakailanganin niyang mabasa at pirmahan."Heto okay lang naman, O.A mo naman bii. Hindi naman ako workaholic katulad ng dati," iiling-iling na sabi ni Beatrice at itinuon na ang pansin sa pagbabasa.Habang ang kaibigan niya ay naglakad papunta sa coffee mixer niya upang magtimpla ng inumin na kape
MAAGANG inihatid ni Rudny sina Beatrice, ayon na rin sa huli ay kakailanganin nilang makauwi ng maaga. Dahil sa may pasok pa ito sa kumpaniya ng ama."Hindi ka na ba papasok, dito ka na kaya mag-dinner." Paanyaya ni Beatrice sa lalaki matapos na makababa mula sa loob ng sasakiyan ng binata si Jaxx Rube at makuha ito ng Yaya."Next time na lang Bea, may importante pa kong lakad," matipid na sagot ni Rudny.Mataman naman natitigan ito ni Beatrice at matipid na nangiti."Sige mag-iingat ka," tugon niya. Agad niyang iniiwas ang pansin at nag-umpisa ng magtanggal ng seatbelt.Napabuntong-hininga naman si Rudny. Kilala niya ang babae, kapag ganitong matipid itong magsalita ay may kung anong tumatakbo sa isipan nito.At sigurado siyang hindi niya gusto kung ano man iyon."Sweetheart, may problema ba?" usisa ni Rudny.Nang hindi magsalita si Beatrice ay tuluyan na niyang pinigil ito."Your not leaving my car sweety. Hangga't hindi mo sinasabi sa akin mismo kung ano na naman tumatakbo sa utak
PALABAS na si Rudny sa kanilang mansyon upang puntahan si Beatrice at Jaxx. Nang habulin siya ni Rudjun."Saan ka pupunta Kuya? Makikisabay ka na sa akin sa pagpunta sa hospital?" Sunod-sunod ang pagtatanong nito. Tinutukoy ang ama nilang itinakbo noong isang araw dahil nagkabarilan."Nope! Pero huwag kang mag-alala. Susunod ako sa iyo, puntahan ko lamang sina Bea," tugon ni Rudny. Akmang papasok ito sa loob ng sasakiyan ng pigilan siya ng binata."Teka! Bakit mo pa sila uunahin.Huwag mong sabihin mas priority mo pa sila? Unbelievable! ano ng iisipin ni Dad sa pinaggagawa mo. Kahapon ka pa niya itinatanong." Pangungulit ni Rudjun. Hindi maitangging may galit itong nararamdaman."C'mon Jun, Dad will gonna understand. Kaya sige na, susunod ako roon. Importante lang talaga ang pupuntahan namin nina Bea." Matapos sabihin iyon ay nagmadali na siyang pumasok at pinaandar ang sariling kotse.Iiling-iling naman na naiwan si Rodjun at tuluyan na rin nagmaneho papunta sa ospital kung saan naro
HINDI inaasahan ni Beatrice ang sumunod na nangyari. Dahil bigla na lang bumaba ang mukha ni Rudny palapit.Imbes na iwasan ang napipintong paghalik sa kanya nito ay kusa niyang sinalubong ang labi ng lalaki."Sweetheart I miss you so much. Kung gusto mo man akong pigilan sa ngayon... please do it. Dahil hindi ko na magagawang magpigil pagtagal," anas ni Rudny sa pagitan ng pag-angkin niya sa labi ng babae.Ngunit walang sagot mula kay Beatrice. Kahit ayaw man gawin ni Rudny ay kusa niyang binitiwan ito."Bakit ka tumigil." May yamot sa tinig na bigkas ni Beatrice.Siya na ang kusang naglapit muli sa sarili sa lalaki at isang mapusok na halik ang pinagsaluhan nilang muli.Tinugon ni Rudny ang halik ni Beatrice, nilaliman na rin niya ang paghalik dito. Mas mapaghanap... mapag-angkin.Kusang humawak ang kamay ni Beatrice sa batok ng lalaki. Habang ang huli ay binuhat siya, tuluyan kumapit ang dalawang biyas niya sa beywang nito. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang papunta sa may
MATAPOS nilang makapag-usap ni Cloe ay nagpatuloy pa rin sa pag-inom si Rudny. He need that bady now, lalo at hindi pa rin humuhupa ang pagkainis niya sa nakitang pagkakalapit at pag-uusap ni Beatrice at Zebastian.Ginagawa na niya ang lahat para siya ang piliin ng babae, halos hindi na nga niya makilala ang dating siya. Sobra siyang hirap sa sitwasyon pero pinapabayaan na lang niya ang pakiramdam na napapahiya siya. Dahil gusto niya rin makita nito na malaki na ang pinagbago niya.Ngunit 'di yata't ay wala na talagang pakialam sa kanyang nararamdaman ang babae."Ganito ka na lang ba Rudny? Iinom ka hangga't gusto mo," patutsada ng isang tinig na nanggaling mula sa likuran niya ng balingan niya ito ay nakita lang naman niya si Seth."Ano bang pakialam mo, pwedi ba umalis ka rito!" asik niya. Muli niyang sinalinan ng alak ang baso na inisang lagok niya ang nilalaman."Umagang-umaga ay nag-iinom ka, iyan ba dapat ang ginagawa ng matinong lalaki."Hindi na lamang ito pinakinggan ni Rudn
PAGKAGISING niya ng umagang iyon ay wala na sa tabi niya ang natutulog na anak na si Jaxx Rube. Nang balingan niya ang pinaghigaan ni Rudny ay wala na rin ito sa pinaghigaan nito. Iinot-inot na siyang bumangon at nag-inat.Hindi katulad noong una ay nag-aalala siya na ito ang kasama ng anak niya. Ngayon may pagtitiwala na siya sa lalaki na hindi mapapahamak ito sa piling ng ama nito.Naglakad na siya papunta sa banyo para maghilamos. Madali naman siyang nakatapos, saka siya dumiretso sa kusina para ipagluto ang sarili. Nakatitiyak siya na sa baba na kumain ang mag-ama niya.Ngunit laking gulat niya na mayroon ng nakahain sa may lamesa. Kaagad niyang inalis ang nakadikit na maliit na notes at binasa iyon."I cook this for you, kaya kumain kana dahil hihintayin ka namin sa may pool," basa ni Beatrice. Muli niyang binalingan ang mga pagkain na nasa hapag kasabay ng pag-arko ng ngiti sa kaniyang labi.Ewan niya may kilig siyang nadama.Naupo na siya at nag-umpisang kumain, kung meron lama
TULUYAN nagpaalam na aalis si Zebastian kay Beatrice. Napatango naman ang huli at muling nagpasensiya ang dalaga sa ginawang pagsuntok ni Rudny. Pahiyang-pahiya siya sa ginawa ng lalaki."Kainis ka talagang lalaki ka, kapag umuwi ka talaga mamaya rito ay makakatikim ka na!" Banta ni Beatrice sa isip kay Rudny. Na tila kaharap lang niya ang lalaking pinagbabantaan niya.Pumasok na siya sa loob ng unit nila at pabagsak na isinarado ang pinto. Mabuti na lang at matibay iyon, kung 'di ay makasira pa siya at lagot siya sa hipag kapag nagkataon. Nakakahiya rito.Tuluyan na siyang nagpunta sa shower room para makapaglinis ng katawan dahil nanlalagkit na siya. Habang naliligo ay hindi maiwasan ni Beatrice na muling maalala ang ginawang pagsuntok ni Rudny kay Zebastian.Isang quick shower lang naman ang ginawa niya at tuluyan na siyang nagbihis ng pantulog. Muli ay isang napaka-disenting damit ang isinuot niya. Ayaw niyang ma-trigger si Rudny at baka isipin nitong inaakit pa niya ito.Nakahiga