PUMASOK na sa loob ng elevator si Beatrice at Seth ng mga sandaling iyon."Can I ask a something Bea sana ay huwag kang ma-offend sa itatanong ko," wika ng binata habang lulan sila ng elevator. Walang tao kaya maari niyang masabi iyon."Ano iyon?""Umuuwi pala si Rudny rit sa condo, ang alam ko marami pa siyang available na unit. Nakakapagtaka lang na pinipili niyang magpalipas ng gabi rito,"wika ni Seth."A-ano ba ang pinupunto mo?" Nag-umpisa na siyang magtaray."C'mon Bea, today I'm gonna start to court you. Sana naman seryusuhin mo iyon, I will do everything para maging karapat-dapat ako sa'yo. When the right time came sana ay umalis ka na sa condominium unit niya," tuloy-tuloy na wika ni Seth. Nahimigan ni Beatrice ang pagka-possesive sa tono ng tinig ng binata.Tuluyan na siyang lumabas nang magbukas ang elevator."Hey! naiintindihan mo ba ang sinasabi ko. Sana matutuhan mo rin balang-araw na mahalin ako." Pahabol pa ni Seth na ipinagbukas na niya ng pinto ng sasakiyan itoNatig
MAKALIPAS pa ang isang linggo ay mas lalong hindi na napapadalaw si Rudny sa condominium kung saan tumutuloy si Beatrice.Kahit sobrang namimiss ni Beatrice at labis na ang pagtatampo niya sa binata ay pinili na lang niya ituon ang isip sa trabaho at mga bagay-bagay.Lagi siyang hatid-sundo ni Seth at napapadalas ang pagtambay ng dalaga sa mansyon ng mga Amoroso. Isang beses ay nagpunta ang mag-ama sa place niya."Naku! bakit hindi kayo nagsabi na pupuntahan niyo ako rito," ani ni Beatrice na inaayos ang nakalugay na buhok."Namiss po kasi kita Mommy, saka wala naman po ginagawa si Dad kaya sinabi ko pong puntahan na lang kita rito," tugon ni Xeena na ngiting-ngiti."Come in, maupo muna kayo. Ilalabas ko lang sa oven iyong chiffon cake na isinalang ko. Maya bibigyan ko rin sina kuya Luther at Sigmund," sabi ni Beatrice sa dalawang tauhan ni Rudny na nagbabantay sa harapan ng pinto.Pumasok naman ang mag-ama at agad na naupo sa may sofa. Ini-on ng dalaga ang television at inilagay sa i
TULOY-TULOY na pumasok sa loob ng hideout si Rudny. Sa sandaling iyon ay kalmado lang siya, ngunit sa loob ay halos sumabog na siya sa labis na galit.Galit na nararamdaman niya na makitang binalak makipaghalikan sa ibang lalaki si Beatrice.Hindi niya na naiintindihan ang sarili, dapat natutuwa siya na umaayon sa plano niya ang lahat. Pero heto siya, nagpupuyos sa sobrang ngitngit!Tuluyan siyang kumuha ng baso sa cabinet at ice cubes naman sa fridge. Maging ang isang bote ng whiskey ay binuksan niya at tuloy-tuloy na nilagyan ang iinuman niya.Agad siyang naupo sa swivel chair ng desk. Walang pasakalyeng itinaas niya sa ibabaw ng lamesa ang paa niya.He sip the glass that contain of whiskey, naglandas sa lalamunan niya ang mainit at swabeng likido.Maya-maya ay nakarinig siya ng pagkatok sa pinto."Bukas 'yan," wika ni Rudny."Hai! narito ka lang pala, nagpunta ako sa club house pero sabi ay hindi ka pa nagpunta roon. Kaya nagbakasali ako na narito ka," wika ni Cleo.Umayos naman ng
NATIGILAN naman si Rudny, mataman siyang nag-iisip."Nagsasabi ka ba ng totoo?""O-oo k-kahit puntahan niyo pa ang ospital kung saan naroon ang ina ko. Inoperahan siya k-kaya kinailangan kong gastusin a-ang pera na dapat ibibigay ko sa tao mo."Naglakad sa may bintana si Rudny at mataman nagmasid lang doon. Mayamaya'y inutusan na niyang pakawalan si Mr. Bruce."S-salamat Aragon, tatanawin kong utang na loob ito!" wika ni Mr. Bruce na tuluyan inakay na ng mga tauhan niya upang ihatid ito.Binalingan niya si Jeremy na nanatiling walang malay."Ano ng gagawin dito boss?" tanong ng isang tao niya."Tawagin mo si Dr. Louise, bigyan ng lunas at gamot. Kapag nagising siya tawagin niyo ako." Tukoy niya sa underground Doctor ng grupo. Tumango ang lalaki at nagmadaling dinala ng mga ito sa kabilang silid si Jeremy.Naiwan naman na sila ni Cleo roon."Bakit mo naman ginawa iyon hmmm..." Agad na lumingkis ang babae sa kanya. Binubuksan na nito ang butones ng suot niyang polo."Dahil kailangan, I
KATULAD ng plano ay hindi nagagawi si Rudny sa condominium unit niya sa Roxas, kung saan nakatira si Beatrice.Ngunit sa ika-isang linggo ng ginagawang pag-iwas rito ay kinailangan niyang puntahan mismo ang dalaga.Binilisan ni Rudny ang paglalakad nang bumukas ang pinto ng elevator. Kita niya sina Sigmund at Luther na nasa harapan ng pinto, tinanguan niya lang ang dalawa matapos siyang binati ng mga ito.Tuluyan niyang sinusian ang seradura gamit ang duplicate key niya."Bek-Bek! ang sabi sa akin ni Novice ay—" Ngunit hindi na natapos ni Rudny ang sasabihin dahil kitang-kita niya si Beatrice na busy sa paghahalo ng laman ng kaserola na kasalukuyan nakasalang sa may kalan."Naks! wala pang kalahating oras ay narito ka na Ruru. Na-appreciate ko naman ang pag-aalala mo sa akin. Dahil diyan ay naghanda ako ng food for you na tiyak mong magugustuhan," masiglang wika ni Beatrice na binale-wala ang pagdidilim ng mukha nito.Sa totoo lang ay nagsinungaling siya sa Kuya Novice niya na masama
Makaraan ang ilang minuto matapos na mabigyan ng paunang lunas at reseta para sa bibilhin na gamot ng dalaga ay kahit paano ay mas okay na ang pakiramdam nito ngayon.Agad naman inihatid ni Rudny ang manggagamot mula sa labas ng pinto pagkatapos ng ilang pagbibilin pa."Luther, buy this." Utos ni Rudny."Sige boss,"tugon nito.Kasasarado pa lang ng binata ang pinto ay muli na naman niyang narinig ang pagtawag ni Beatrice sa pangalan niya."Bakit?" nagtimpi siyang magtaas ng boses sa babae dahil may dinadaramdam ito. Ngunit hindi niya mapapalampas ang ginawa nito."A-akala ko kasi u-umalis ka na naman," nanghihina na saad nito.Napahalukipkip na napasandig naman sa pader si Rudny at mataman siyang pinakatitigan."Bakit ano na naman bang gagawin mo para mapuntahan kita rito. Maglalagay ka na naman ng ganyan sa kakainin ko!" Kasabay niyon ang pagbato ni Rudny sa maliit na botelya na nakuha nito sa may bulsa ng sinuot niyang apron kanina.Hindi naman nakaimik si Beatrice, hindi niya kayan
LIMANG minuto din umabot ang biyahe nila bago sila nakarating sa harapan ng simbahan."Wala ka man lang bang sasabihin?" tanong ni Rudny matapos na nagdadabog na bumaba si Camilla."What for! sa totoo lang ay napilitan lang akong sumakay! Gosh! nagulo tuloy ang buhok ko!" Ngit-ngit ni Camilla at inirapan pa siya bago tuluyan tinalikuran.Naiiling naman ni Rudny ang ulo, ibang-iba kasi ang ugali nito noong unang magkita sila sa engagement ni Novice parang hindi ito makabasag-pinggan. Totoo nga yata ang sinabi sa kanya ni Beatrice na nangpapanggap lang itong mabait kapag may kailangan sa'yo.Tuluyan na niyang isinabit sa gilid ng manibela niya ang suot na helmet. Hahakbang na sana siya ng mula sa kabilang panig ng simbahn ay kitang-kita naman niya si Beatrice na mataman lang nakatitig sa kanya.Akmang kakawayan ng binata ito nang mapansin niya ang pag-irap ng dalaga sa kanya. Agad nitong ikinawit ang kamay sa braso ni Seth na katabi nito. Tanging pagsunod na lang ng tingin ni Rudny ang
UMILING lamang si Beatrice at lalong nag-iiyak ito sa bisig niya."I-I can't mahal kita Ruru, hindi mo ba kayang ibigay ang hinihiling kong mahalin mo rin sana ako kahit ngayong gabi lang." Kasabay niyon ang pag-angat ng mukha ni Beatrice. Hinawakan ng dalawang kamay niya ang batok ni Rudny at tuluyan hinila pababa iyon.Hindi na nakahuma ang binata ng dumampi ang labi nila sa bawat isa. Imbes na ilayo niya ito ay kusang pumalibot ang kamay ng binata sa beywang ni Beatrice. Tuluyan niyang siniil ang labi nito. Dahil sa kalituhan ng isip ay hindi na rin nakapagpigil ang binata.Makaraan ang ilang segundo ay unti-unti silang naglayo."B-Bea habang maaga pa l-let's stop this. Ngayon pa lang ay nasasaktan na kita." Pakiusap ni Rudny.Umiling naman si Beatrice at muling yumakap sa kanya. Sa sandaling iyon ay biglang napaupo si Rudny, kasabay ng pagbagsak nilang parehas ng babae.Dahil si Beatrice ang nasa ibabaw niya ay hindi niya ito mai-alis."Bea please...""No! I want this, so please pa
SABI nga nila nagbabago ang lahat. Katulad ng mga taong nasa paligid mo. Katulad ng inaasahan ni Beatrice at ng lahat, ikinasal ang Kuya Novice niya at Ate Shaina niya. Ngunit, iyon din ang araw na nawala ang anak ng mga ito.Ang saya ay kadalasan napapalitan ng lungkot. Kasama na iyon sa buhay ng isang tao, kaya madalas iba't ibang klase ang karanasan ng isang tao sa mundo.Magmula noon, natutunan ni Beatrice na i-appreciate ang mga taong nasa paligid niya. Madami pa ang nangyari pagkatapos noon na hindi inaasahan."Hello! Nasaan ka, nakita mo na ba si Kuya Novice. Ano! magsalita ka!" Pasigaw na turan ni Beatrice mula sa kabilang linya.Saglit na inilayo naman ni Rudny ang aparato mula sa kanyang teynga. Walang sandali na nabibingi siya sa kasisigaw nito sa kanya. Ngunit pinagtitiisan na lang niya, tutal malapit ng matapos ang lahat."Pwedi ba, papunta pa lang ako sa bahay bakasyunan ng Kuya mo. Kaso, ang lakas na bigla ng ulan, kaya bukas na lang ako tutuloy," sagot naman ni Ru
MAGMULA sa gabing nasaksihan ni Beatrice ang lahat ay muling nagbago siya."May problema ba tayo?" tanong ni Rudny na mabilis na hinawakan ito sa balikat.Nakasimangot naman itong lumingon at napatitig sa kanya."Ano magsalita ka, may nagawa ba ako kaya ka nagkakaganiyan?" Pag-uusisa ni Rudny."Wala, sige na at baka magtaka pa sina Kuya Novice at Ate Shaina kung bakit wala pa tayo roon," sagot nito.Rehearsal kasi sa kasal ng kapatid niya. Sa isang linggo na iyon, mabilisan ang pagpre-prepara dahil sa kasalukuyan estado ng pamangkin nito.Tuluyan na niyang tinabig ang kamay ng lalaki at diretsong naglakad papasok sa gate.Kahit walang nakuhang matinong sagot si Rudny ay kaagad na niyang sinundan ang babae. Ayaw na niyang kinukulit ito katulad ng dati, mas mahihirapan kasi siya kapag dumating ang araw na kailangan niyang iwanan ito.Halos lahat ay naroon na."Bakit ngayon lang kayo, start na tayo," wika ni Novice nang mapansin silang dumating.Nasa dati silang garden sa school nila
NANATILING lihim ang relasyon ni Beatrice at Rudny. Naging abala sila sa kanya-kanyang buhay, kaya naging madalang ang pagkikita ng dalawa."Sheena, paki-print nga ito ngayon at kailangan ko para bukas," utos niya sa kanyang secretary."Yes ma'am." Agad na inabot nito ang papel na hawak niya at nagmadaling lumabas.Muling bumalik sa kinauupuan si Beatrice habang patuloy pa rin binabasa ang dokumento na kasalakuyan niyang pinag-aaralan.Napagawi ang tingin niya sa may pinto ng bumukas iyon at iluwa si Farah."Hai Goodmorning! kumusta ka naman. Mukhang nakakulong ka na naman dito sa opisina mo huh," paunang salita ng kaibigan matapos na maiabot nito sa kanya ang dala-dalang mga papeles na kakailanganin niyang mabasa at pirmahan."Heto okay lang naman, O.A mo naman bii. Hindi naman ako workaholic katulad ng dati," iiling-iling na sabi ni Beatrice at itinuon na ang pansin sa pagbabasa.Habang ang kaibigan niya ay naglakad papunta sa coffee mixer niya upang magtimpla ng inumin na kape
MAAGANG inihatid ni Rudny sina Beatrice, ayon na rin sa huli ay kakailanganin nilang makauwi ng maaga. Dahil sa may pasok pa ito sa kumpaniya ng ama."Hindi ka na ba papasok, dito ka na kaya mag-dinner." Paanyaya ni Beatrice sa lalaki matapos na makababa mula sa loob ng sasakiyan ng binata si Jaxx Rube at makuha ito ng Yaya."Next time na lang Bea, may importante pa kong lakad," matipid na sagot ni Rudny.Mataman naman natitigan ito ni Beatrice at matipid na nangiti."Sige mag-iingat ka," tugon niya. Agad niyang iniiwas ang pansin at nag-umpisa ng magtanggal ng seatbelt.Napabuntong-hininga naman si Rudny. Kilala niya ang babae, kapag ganitong matipid itong magsalita ay may kung anong tumatakbo sa isipan nito.At sigurado siyang hindi niya gusto kung ano man iyon."Sweetheart, may problema ba?" usisa ni Rudny.Nang hindi magsalita si Beatrice ay tuluyan na niyang pinigil ito."Your not leaving my car sweety. Hangga't hindi mo sinasabi sa akin mismo kung ano na naman tumatakbo sa utak
PALABAS na si Rudny sa kanilang mansyon upang puntahan si Beatrice at Jaxx. Nang habulin siya ni Rudjun."Saan ka pupunta Kuya? Makikisabay ka na sa akin sa pagpunta sa hospital?" Sunod-sunod ang pagtatanong nito. Tinutukoy ang ama nilang itinakbo noong isang araw dahil nagkabarilan."Nope! Pero huwag kang mag-alala. Susunod ako sa iyo, puntahan ko lamang sina Bea," tugon ni Rudny. Akmang papasok ito sa loob ng sasakiyan ng pigilan siya ng binata."Teka! Bakit mo pa sila uunahin.Huwag mong sabihin mas priority mo pa sila? Unbelievable! ano ng iisipin ni Dad sa pinaggagawa mo. Kahapon ka pa niya itinatanong." Pangungulit ni Rudjun. Hindi maitangging may galit itong nararamdaman."C'mon Jun, Dad will gonna understand. Kaya sige na, susunod ako roon. Importante lang talaga ang pupuntahan namin nina Bea." Matapos sabihin iyon ay nagmadali na siyang pumasok at pinaandar ang sariling kotse.Iiling-iling naman na naiwan si Rodjun at tuluyan na rin nagmaneho papunta sa ospital kung saan naro
HINDI inaasahan ni Beatrice ang sumunod na nangyari. Dahil bigla na lang bumaba ang mukha ni Rudny palapit.Imbes na iwasan ang napipintong paghalik sa kanya nito ay kusa niyang sinalubong ang labi ng lalaki."Sweetheart I miss you so much. Kung gusto mo man akong pigilan sa ngayon... please do it. Dahil hindi ko na magagawang magpigil pagtagal," anas ni Rudny sa pagitan ng pag-angkin niya sa labi ng babae.Ngunit walang sagot mula kay Beatrice. Kahit ayaw man gawin ni Rudny ay kusa niyang binitiwan ito."Bakit ka tumigil." May yamot sa tinig na bigkas ni Beatrice.Siya na ang kusang naglapit muli sa sarili sa lalaki at isang mapusok na halik ang pinagsaluhan nilang muli.Tinugon ni Rudny ang halik ni Beatrice, nilaliman na rin niya ang paghalik dito. Mas mapaghanap... mapag-angkin.Kusang humawak ang kamay ni Beatrice sa batok ng lalaki. Habang ang huli ay binuhat siya, tuluyan kumapit ang dalawang biyas niya sa beywang nito. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang papunta sa may
MATAPOS nilang makapag-usap ni Cloe ay nagpatuloy pa rin sa pag-inom si Rudny. He need that bady now, lalo at hindi pa rin humuhupa ang pagkainis niya sa nakitang pagkakalapit at pag-uusap ni Beatrice at Zebastian.Ginagawa na niya ang lahat para siya ang piliin ng babae, halos hindi na nga niya makilala ang dating siya. Sobra siyang hirap sa sitwasyon pero pinapabayaan na lang niya ang pakiramdam na napapahiya siya. Dahil gusto niya rin makita nito na malaki na ang pinagbago niya.Ngunit 'di yata't ay wala na talagang pakialam sa kanyang nararamdaman ang babae."Ganito ka na lang ba Rudny? Iinom ka hangga't gusto mo," patutsada ng isang tinig na nanggaling mula sa likuran niya ng balingan niya ito ay nakita lang naman niya si Seth."Ano bang pakialam mo, pwedi ba umalis ka rito!" asik niya. Muli niyang sinalinan ng alak ang baso na inisang lagok niya ang nilalaman."Umagang-umaga ay nag-iinom ka, iyan ba dapat ang ginagawa ng matinong lalaki."Hindi na lamang ito pinakinggan ni Rudn
PAGKAGISING niya ng umagang iyon ay wala na sa tabi niya ang natutulog na anak na si Jaxx Rube. Nang balingan niya ang pinaghigaan ni Rudny ay wala na rin ito sa pinaghigaan nito. Iinot-inot na siyang bumangon at nag-inat.Hindi katulad noong una ay nag-aalala siya na ito ang kasama ng anak niya. Ngayon may pagtitiwala na siya sa lalaki na hindi mapapahamak ito sa piling ng ama nito.Naglakad na siya papunta sa banyo para maghilamos. Madali naman siyang nakatapos, saka siya dumiretso sa kusina para ipagluto ang sarili. Nakatitiyak siya na sa baba na kumain ang mag-ama niya.Ngunit laking gulat niya na mayroon ng nakahain sa may lamesa. Kaagad niyang inalis ang nakadikit na maliit na notes at binasa iyon."I cook this for you, kaya kumain kana dahil hihintayin ka namin sa may pool," basa ni Beatrice. Muli niyang binalingan ang mga pagkain na nasa hapag kasabay ng pag-arko ng ngiti sa kaniyang labi.Ewan niya may kilig siyang nadama.Naupo na siya at nag-umpisang kumain, kung meron lama
TULUYAN nagpaalam na aalis si Zebastian kay Beatrice. Napatango naman ang huli at muling nagpasensiya ang dalaga sa ginawang pagsuntok ni Rudny. Pahiyang-pahiya siya sa ginawa ng lalaki."Kainis ka talagang lalaki ka, kapag umuwi ka talaga mamaya rito ay makakatikim ka na!" Banta ni Beatrice sa isip kay Rudny. Na tila kaharap lang niya ang lalaking pinagbabantaan niya.Pumasok na siya sa loob ng unit nila at pabagsak na isinarado ang pinto. Mabuti na lang at matibay iyon, kung 'di ay makasira pa siya at lagot siya sa hipag kapag nagkataon. Nakakahiya rito.Tuluyan na siyang nagpunta sa shower room para makapaglinis ng katawan dahil nanlalagkit na siya. Habang naliligo ay hindi maiwasan ni Beatrice na muling maalala ang ginawang pagsuntok ni Rudny kay Zebastian.Isang quick shower lang naman ang ginawa niya at tuluyan na siyang nagbihis ng pantulog. Muli ay isang napaka-disenting damit ang isinuot niya. Ayaw niyang ma-trigger si Rudny at baka isipin nitong inaakit pa niya ito.Nakahiga