NAIILING na tinitigan ni Rudny si Novice na palapit sa kinaroroonan nila ni Lawrence.Nasa isang gym sila ng mga sandaling iyon. Sinusundan lamang nilang dalawa ni Lawrence ang pag-uumpisang pagbanat ng suntok ni Novice sa punching bag na nasa harapan nga nito.Halos lumipad na iyon sa lakas ng ng pagsuntok ng kaibigan nila."Ano ba iyan bro, baka mamaya niyan masira pa iyan. Hinay-hinay lang pwedi." Panunuway ni Rudny dito."Paano ako hihinahon, pinaglihiman ako ni Shaina! Kung nalaman ko lang ng mas maaga 'di sana'y hindi ko na lang siya pinakasalan!" gigil na bigkas ni Novice. Hindi pa rin tinitigilan nito ang pagsuntok sa punching bag. Halos tumilapon naman si Rudny na umaalalay doon."Chill bro, baka naman may dahilan si Shaina bakit niya inilihim iyon. . ." sabat ni Lawrence."At ano ang magiging dahilan niya huh? Nang dahil sa ginawa niya nagmukha akong tanga!" inis pa rin sagot ni Novice.Nagkatinginan naman si Rudny at Lawrence sa sandaling iyon."Ang mabuti pa ay kausapin mo
LUMIPAS ang ilang Buwan na naging okay naman ang pagsasama nila ng patago. Dahil para sa dalaga hangga't hindi nalalantad sa lahat ang relasyon nila ay mananatiling ligaw na relasyon ang meron sila ni Rudny.Kasalukuyan siyang may inaayos na document na ipapasa sa boss niyang si Seth ng mapansin niya ang pagdating ni Duke Amaroso. Lately napapansin niyang napapadalas ang pagpupunta nito roon. Dati-rati'y isang beses sa isang Buwan ito napapasiyal, sa ngayon ay halos apat na beses niya itong nakikitang pasulpot-sulpot."Goodmorning Sir Amoroso, may kailangan kayo?" tanong ni Beatrice na may pagbibigay-galang sa matandang lalaki.Agad nangiti ito pagkarinig sa sinabi niya. Para sa dalaga ay dito nagmana si Seth, istriktong tignan ngunit magaan ang aura."Yes iha, nariyan ba sa loob ang anak ko?" magiliw nitong tanong."Naku! thirty minutes na po siyang nakaalis. May meeting po siya sa isang investor sa Makati," tugon ni Beatrice matapos niyang ma-i-check ang schedule ng boss niya."Gano
EXCITED na siyang magkwento kay Rudny sa gabing iyon, kahit hindi siya sigurado kung uuwi ito ngayon sa unit nito ay hindi pa rin mapigilan ni Beatrice na hintayin ang binata.Nasanay na siya na naghihintay gabi-gabi sa lalaki, para na nga siyang misis nito sa inaakto niya. Sa totoo lang ay malaki na ang ipinagbago niya. Dahil kung dati-rati ay panay labas siya kasama sina Penelope at Farah ay heto na siya ngayon matiyagang naghihintay sa mahal niya.Kulang na lang ay liparin niya ang pinto ng madinig niya ang pagpihit ng seradura ng pinto."Rudny!" tili ni Beatrice na agad yumakap sa lalaki."Hey! Hey! Bek-Bek... sweetheart take it easy! ambaho ko. Ligo muna ako okay?" Pagpapatigil ng binata ng mahigpit siyang yakapin at halikan pa nito ang buong mukha niya ni Beatrice."Na-miss kita eh, bakit ngayon ka lang." Patuloy ng dalaga na sumunod pa hanggang sa may silid ng binata. Pinanuod pa nito ang pag-alis nng suot nitong leather jacket na isinunod naman ang white shirt nito."Maliligo
MAKARAAN ang labing-limang minuto na biyahe nila ay humahangos na dumating sina Rudny at Beatrice sa hospital kung saan naroon ang binata."Anong nangyari Kuya?" tanong ni Beatrice na agad nilapitan at yumakap sa kapatid."K-kasalanan ko, p-pero h-hindi ko sinasadya. . . r-really! I'm in drugs k-kaya h-hindi ko nakontrol ang sarili ko at nasaktan ko siya!" Amin ni Novice na ikinabigla nilang dalawa. Nanatiling tahimik si Rudny."Kasalanan ko! Oo aaminin ko nagalit ako sa kaniya dahil sa paglilihim niya. Ngunit hindi ko matanggap na ipinagpalit niya ako sa iba!" Patuloy na lintaniya nito habang mabigat na ang pag-iyak."What do you mean?" Mula sa dulong hallway ay naglakad palapit si Shaira ang kakambal ng asawa nitong si Shaina. Kasama nito ang mister nitong si Peter."Huwag mong sabihin binugbog mo na naman ang kakambal ko Novice! Hayop ka! napakawalang-hiya mo! ipapakulong kita" Hysterical na sigaw nito, pinigilan naman ni Peter ang asawa."Calm down sweetheart. . ." Pagpapakalma
PABAGSAK na isinarado ni Beatrice ang pinto ng sariling silid niya. Dumiretso siya sa kama, mabigat niyang ibinagsak ang katawan roon. Masamang-masama ang loob niya dahil lang naman sa naging engkuwentro nila ng kanyang ama na si Don Vicenti.Hindi niya matanggap ang mga inakusa nito sa lalaking mahal na mahal niya."A-ang sama mo Dad! Napakasama mo! Hinding-hindi mangyayari ang lahat ng mga pinagsasabi mo. Dahil mahal din ako ni Rudny!" sigaw ng dalaga. Nanginginig na ang buong katawan niya sa labis na sama ng loob.Sa ganoon naman siya napasukan ni Rudny."Anong problema?" agad nitong tanong. Sa itsura nito'y tiyak ni Beatrice na kakabangon lang nito. Gulo-gulo pa ang buhok ng binata, boxer lang din ang suot nito sa mga sandaling iyon."W-wala..."nasabi ni Beatrice. Ayaw niyang ipaalam sa lalaki ang naging pagtatalo nila ng sariling ama sa opisina nito. Hindi niya gugustuhin na makarating sa binata ang mga pinagsasabi nito, ayaw na niyang bigyan ng anuman isipin ito. Lalo at isa sa
NANATILI pa rin nakatunghay sa madilim na langit si Novice. Tuluyan ng tinakpan ng ulap ang buwan at mga bituin.Isang Buwan na magmula ng umalis sa bansa at lumipad papuntang America ang mag-ina niya.Sa totoo lang habang pinapanuod niya ang pagpasok sa entrance ng mga ito sa airport ay para siyang sinasakal na kapag hinayaan niyang makaalis ang mga ito'y hindi na niya makikita ang mga ito.Pero wala siyang lakas na magpakita. Kaya tuluyan ng nakaalis ang mga ito na hindi siya lumalabas sa pinagtataguan."I'm always a loser. . . I ended being a miserable one. Ito na marahil ang singil sa akin sa lahat ng ginawa kong mga maling desisyon sa buhay. . ." Naiusal ni Novice na nakatitig lamang sa kawalan.Sa totoo lang napabayaan na niya ng tuluyan ang sarili pagkatapos. Kapag may makakakita rito, natitiyak niyang hindi na siya makikilala. Malaki na kasi ang inihulog ng katawan niya.Mapait siyang napangiti, kasabay ng pagkasa niya sa hawak na baril ay tuluyan itinutok ni Novice iyon sa sa
MATAPOS maganap ang muntik-muntikan ng pagpapakamatay ni Novice ay mas lalo silang dumamay rito.Sa lumipas na Buwan ay unti-unting tinulungan ng tatlo na makabangon ang binata.Naisipan nitong magsimulang muli. Sinuportahan nilang tatlo ang binabalak nitong sisimulan na business ang "Novisual Images" isang digital team iyon. Iba't ibang proyekto ang iko-cover ng business nito. Gagamitin ng binata ang naitabi nitong pera sa personal bank account nito na hindi nakuha ng ama.Naging mas busy ang bawat isa sa kanila, maging ang dalawa ay naging matumal ang pagkikita."Sweetheart... kailan ka pwedi? parang gusto ko ng magtampo. Mas marami ka pang oras kay Kuya," nagmamaktol na saad niya mula sa kabilang linya.Kasalukuyan siyang nasa printing machine, nasa opisina pa rin naman siya. Hapon na iyon at malapit ng mag-uwian, kaya malakas ang loob ni Beatrice na makipagdaldalan sa cellphone niya."Pasensiya na may pinapalakad din si Dad sa akin para sa Casino. Full load din ako nextweek." Dini
SA pagbaling niya sa ibang direksyon ay kitang-kita niya si Rudny na nakatayo lang doon, nag-alis ito ng shades. Nakita rin niya ang paglapit at pagkawit ni Camilla sa braso nito.Nang tapunan niya ng tingin si Beatrice ay hila-hila na ito ng anak niya papunta sa dagat.Hindi niya batid kong alam ba nitong naroon ang lalaki. Ipinagkibit na lang ng balikat ni Seth iyon, wala naman siyang pakialam.Kita niya ang paglapit ni Rudny, nakangiti ito sa kanya ngunit iba ang dating niyon sa kanya. Tila ba may kakaiba roon."Narito pala kayo ni Beatrice," wika ni Rudny."Yeah, inaya ko siyang sumama dahil gusto ng anak ko na isama siya ngayon sa out of town birthday nito," sagot niya."That's good, sige na ingatan mo siya," wika ni Rudny. Akmang tatalikod na ito ng hawakan ni Seth ang balikat niya."May problema ba kayong dalawa, napapansin ko lately ay wala sa sarili si Bea.""It's none of your business, ang mabuting gawin mo ay siguraduhin mong magiging masaya siya sa company mo," seryusong a
SABI nga nila nagbabago ang lahat. Katulad ng mga taong nasa paligid mo. Katulad ng inaasahan ni Beatrice at ng lahat, ikinasal ang Kuya Novice niya at Ate Shaina niya. Ngunit, iyon din ang araw na nawala ang anak ng mga ito.Ang saya ay kadalasan napapalitan ng lungkot. Kasama na iyon sa buhay ng isang tao, kaya madalas iba't ibang klase ang karanasan ng isang tao sa mundo.Magmula noon, natutunan ni Beatrice na i-appreciate ang mga taong nasa paligid niya. Madami pa ang nangyari pagkatapos noon na hindi inaasahan."Hello! Nasaan ka, nakita mo na ba si Kuya Novice. Ano! magsalita ka!" Pasigaw na turan ni Beatrice mula sa kabilang linya.Saglit na inilayo naman ni Rudny ang aparato mula sa kanyang teynga. Walang sandali na nabibingi siya sa kasisigaw nito sa kanya. Ngunit pinagtitiisan na lang niya, tutal malapit ng matapos ang lahat."Pwedi ba, papunta pa lang ako sa bahay bakasyunan ng Kuya mo. Kaso, ang lakas na bigla ng ulan, kaya bukas na lang ako tutuloy," sagot naman ni Ru
MAGMULA sa gabing nasaksihan ni Beatrice ang lahat ay muling nagbago siya."May problema ba tayo?" tanong ni Rudny na mabilis na hinawakan ito sa balikat.Nakasimangot naman itong lumingon at napatitig sa kanya."Ano magsalita ka, may nagawa ba ako kaya ka nagkakaganiyan?" Pag-uusisa ni Rudny."Wala, sige na at baka magtaka pa sina Kuya Novice at Ate Shaina kung bakit wala pa tayo roon," sagot nito.Rehearsal kasi sa kasal ng kapatid niya. Sa isang linggo na iyon, mabilisan ang pagpre-prepara dahil sa kasalukuyan estado ng pamangkin nito.Tuluyan na niyang tinabig ang kamay ng lalaki at diretsong naglakad papasok sa gate.Kahit walang nakuhang matinong sagot si Rudny ay kaagad na niyang sinundan ang babae. Ayaw na niyang kinukulit ito katulad ng dati, mas mahihirapan kasi siya kapag dumating ang araw na kailangan niyang iwanan ito.Halos lahat ay naroon na."Bakit ngayon lang kayo, start na tayo," wika ni Novice nang mapansin silang dumating.Nasa dati silang garden sa school nila
NANATILING lihim ang relasyon ni Beatrice at Rudny. Naging abala sila sa kanya-kanyang buhay, kaya naging madalang ang pagkikita ng dalawa."Sheena, paki-print nga ito ngayon at kailangan ko para bukas," utos niya sa kanyang secretary."Yes ma'am." Agad na inabot nito ang papel na hawak niya at nagmadaling lumabas.Muling bumalik sa kinauupuan si Beatrice habang patuloy pa rin binabasa ang dokumento na kasalakuyan niyang pinag-aaralan.Napagawi ang tingin niya sa may pinto ng bumukas iyon at iluwa si Farah."Hai Goodmorning! kumusta ka naman. Mukhang nakakulong ka na naman dito sa opisina mo huh," paunang salita ng kaibigan matapos na maiabot nito sa kanya ang dala-dalang mga papeles na kakailanganin niyang mabasa at pirmahan."Heto okay lang naman, O.A mo naman bii. Hindi naman ako workaholic katulad ng dati," iiling-iling na sabi ni Beatrice at itinuon na ang pansin sa pagbabasa.Habang ang kaibigan niya ay naglakad papunta sa coffee mixer niya upang magtimpla ng inumin na kape
MAAGANG inihatid ni Rudny sina Beatrice, ayon na rin sa huli ay kakailanganin nilang makauwi ng maaga. Dahil sa may pasok pa ito sa kumpaniya ng ama."Hindi ka na ba papasok, dito ka na kaya mag-dinner." Paanyaya ni Beatrice sa lalaki matapos na makababa mula sa loob ng sasakiyan ng binata si Jaxx Rube at makuha ito ng Yaya."Next time na lang Bea, may importante pa kong lakad," matipid na sagot ni Rudny.Mataman naman natitigan ito ni Beatrice at matipid na nangiti."Sige mag-iingat ka," tugon niya. Agad niyang iniiwas ang pansin at nag-umpisa ng magtanggal ng seatbelt.Napabuntong-hininga naman si Rudny. Kilala niya ang babae, kapag ganitong matipid itong magsalita ay may kung anong tumatakbo sa isipan nito.At sigurado siyang hindi niya gusto kung ano man iyon."Sweetheart, may problema ba?" usisa ni Rudny.Nang hindi magsalita si Beatrice ay tuluyan na niyang pinigil ito."Your not leaving my car sweety. Hangga't hindi mo sinasabi sa akin mismo kung ano na naman tumatakbo sa utak
PALABAS na si Rudny sa kanilang mansyon upang puntahan si Beatrice at Jaxx. Nang habulin siya ni Rudjun."Saan ka pupunta Kuya? Makikisabay ka na sa akin sa pagpunta sa hospital?" Sunod-sunod ang pagtatanong nito. Tinutukoy ang ama nilang itinakbo noong isang araw dahil nagkabarilan."Nope! Pero huwag kang mag-alala. Susunod ako sa iyo, puntahan ko lamang sina Bea," tugon ni Rudny. Akmang papasok ito sa loob ng sasakiyan ng pigilan siya ng binata."Teka! Bakit mo pa sila uunahin.Huwag mong sabihin mas priority mo pa sila? Unbelievable! ano ng iisipin ni Dad sa pinaggagawa mo. Kahapon ka pa niya itinatanong." Pangungulit ni Rudjun. Hindi maitangging may galit itong nararamdaman."C'mon Jun, Dad will gonna understand. Kaya sige na, susunod ako roon. Importante lang talaga ang pupuntahan namin nina Bea." Matapos sabihin iyon ay nagmadali na siyang pumasok at pinaandar ang sariling kotse.Iiling-iling naman na naiwan si Rodjun at tuluyan na rin nagmaneho papunta sa ospital kung saan naro
HINDI inaasahan ni Beatrice ang sumunod na nangyari. Dahil bigla na lang bumaba ang mukha ni Rudny palapit.Imbes na iwasan ang napipintong paghalik sa kanya nito ay kusa niyang sinalubong ang labi ng lalaki."Sweetheart I miss you so much. Kung gusto mo man akong pigilan sa ngayon... please do it. Dahil hindi ko na magagawang magpigil pagtagal," anas ni Rudny sa pagitan ng pag-angkin niya sa labi ng babae.Ngunit walang sagot mula kay Beatrice. Kahit ayaw man gawin ni Rudny ay kusa niyang binitiwan ito."Bakit ka tumigil." May yamot sa tinig na bigkas ni Beatrice.Siya na ang kusang naglapit muli sa sarili sa lalaki at isang mapusok na halik ang pinagsaluhan nilang muli.Tinugon ni Rudny ang halik ni Beatrice, nilaliman na rin niya ang paghalik dito. Mas mapaghanap... mapag-angkin.Kusang humawak ang kamay ni Beatrice sa batok ng lalaki. Habang ang huli ay binuhat siya, tuluyan kumapit ang dalawang biyas niya sa beywang nito. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang papunta sa may
MATAPOS nilang makapag-usap ni Cloe ay nagpatuloy pa rin sa pag-inom si Rudny. He need that bady now, lalo at hindi pa rin humuhupa ang pagkainis niya sa nakitang pagkakalapit at pag-uusap ni Beatrice at Zebastian.Ginagawa na niya ang lahat para siya ang piliin ng babae, halos hindi na nga niya makilala ang dating siya. Sobra siyang hirap sa sitwasyon pero pinapabayaan na lang niya ang pakiramdam na napapahiya siya. Dahil gusto niya rin makita nito na malaki na ang pinagbago niya.Ngunit 'di yata't ay wala na talagang pakialam sa kanyang nararamdaman ang babae."Ganito ka na lang ba Rudny? Iinom ka hangga't gusto mo," patutsada ng isang tinig na nanggaling mula sa likuran niya ng balingan niya ito ay nakita lang naman niya si Seth."Ano bang pakialam mo, pwedi ba umalis ka rito!" asik niya. Muli niyang sinalinan ng alak ang baso na inisang lagok niya ang nilalaman."Umagang-umaga ay nag-iinom ka, iyan ba dapat ang ginagawa ng matinong lalaki."Hindi na lamang ito pinakinggan ni Rudn
PAGKAGISING niya ng umagang iyon ay wala na sa tabi niya ang natutulog na anak na si Jaxx Rube. Nang balingan niya ang pinaghigaan ni Rudny ay wala na rin ito sa pinaghigaan nito. Iinot-inot na siyang bumangon at nag-inat.Hindi katulad noong una ay nag-aalala siya na ito ang kasama ng anak niya. Ngayon may pagtitiwala na siya sa lalaki na hindi mapapahamak ito sa piling ng ama nito.Naglakad na siya papunta sa banyo para maghilamos. Madali naman siyang nakatapos, saka siya dumiretso sa kusina para ipagluto ang sarili. Nakatitiyak siya na sa baba na kumain ang mag-ama niya.Ngunit laking gulat niya na mayroon ng nakahain sa may lamesa. Kaagad niyang inalis ang nakadikit na maliit na notes at binasa iyon."I cook this for you, kaya kumain kana dahil hihintayin ka namin sa may pool," basa ni Beatrice. Muli niyang binalingan ang mga pagkain na nasa hapag kasabay ng pag-arko ng ngiti sa kaniyang labi.Ewan niya may kilig siyang nadama.Naupo na siya at nag-umpisang kumain, kung meron lama
TULUYAN nagpaalam na aalis si Zebastian kay Beatrice. Napatango naman ang huli at muling nagpasensiya ang dalaga sa ginawang pagsuntok ni Rudny. Pahiyang-pahiya siya sa ginawa ng lalaki."Kainis ka talagang lalaki ka, kapag umuwi ka talaga mamaya rito ay makakatikim ka na!" Banta ni Beatrice sa isip kay Rudny. Na tila kaharap lang niya ang lalaking pinagbabantaan niya.Pumasok na siya sa loob ng unit nila at pabagsak na isinarado ang pinto. Mabuti na lang at matibay iyon, kung 'di ay makasira pa siya at lagot siya sa hipag kapag nagkataon. Nakakahiya rito.Tuluyan na siyang nagpunta sa shower room para makapaglinis ng katawan dahil nanlalagkit na siya. Habang naliligo ay hindi maiwasan ni Beatrice na muling maalala ang ginawang pagsuntok ni Rudny kay Zebastian.Isang quick shower lang naman ang ginawa niya at tuluyan na siyang nagbihis ng pantulog. Muli ay isang napaka-disenting damit ang isinuot niya. Ayaw niyang ma-trigger si Rudny at baka isipin nitong inaakit pa niya ito.Nakahiga