MAKARAAN ang labing-limang minuto na biyahe nila ay humahangos na dumating sina Rudny at Beatrice sa hospital kung saan naroon ang binata."Anong nangyari Kuya?" tanong ni Beatrice na agad nilapitan at yumakap sa kapatid."K-kasalanan ko, p-pero h-hindi ko sinasadya. . . r-really! I'm in drugs k-kaya h-hindi ko nakontrol ang sarili ko at nasaktan ko siya!" Amin ni Novice na ikinabigla nilang dalawa. Nanatiling tahimik si Rudny."Kasalanan ko! Oo aaminin ko nagalit ako sa kaniya dahil sa paglilihim niya. Ngunit hindi ko matanggap na ipinagpalit niya ako sa iba!" Patuloy na lintaniya nito habang mabigat na ang pag-iyak."What do you mean?" Mula sa dulong hallway ay naglakad palapit si Shaira ang kakambal ng asawa nitong si Shaina. Kasama nito ang mister nitong si Peter."Huwag mong sabihin binugbog mo na naman ang kakambal ko Novice! Hayop ka! napakawalang-hiya mo! ipapakulong kita" Hysterical na sigaw nito, pinigilan naman ni Peter ang asawa."Calm down sweetheart. . ." Pagpapakalma
PABAGSAK na isinarado ni Beatrice ang pinto ng sariling silid niya. Dumiretso siya sa kama, mabigat niyang ibinagsak ang katawan roon. Masamang-masama ang loob niya dahil lang naman sa naging engkuwentro nila ng kanyang ama na si Don Vicenti.Hindi niya matanggap ang mga inakusa nito sa lalaking mahal na mahal niya."A-ang sama mo Dad! Napakasama mo! Hinding-hindi mangyayari ang lahat ng mga pinagsasabi mo. Dahil mahal din ako ni Rudny!" sigaw ng dalaga. Nanginginig na ang buong katawan niya sa labis na sama ng loob.Sa ganoon naman siya napasukan ni Rudny."Anong problema?" agad nitong tanong. Sa itsura nito'y tiyak ni Beatrice na kakabangon lang nito. Gulo-gulo pa ang buhok ng binata, boxer lang din ang suot nito sa mga sandaling iyon."W-wala..."nasabi ni Beatrice. Ayaw niyang ipaalam sa lalaki ang naging pagtatalo nila ng sariling ama sa opisina nito. Hindi niya gugustuhin na makarating sa binata ang mga pinagsasabi nito, ayaw na niyang bigyan ng anuman isipin ito. Lalo at isa sa
NANATILI pa rin nakatunghay sa madilim na langit si Novice. Tuluyan ng tinakpan ng ulap ang buwan at mga bituin.Isang Buwan na magmula ng umalis sa bansa at lumipad papuntang America ang mag-ina niya.Sa totoo lang habang pinapanuod niya ang pagpasok sa entrance ng mga ito sa airport ay para siyang sinasakal na kapag hinayaan niyang makaalis ang mga ito'y hindi na niya makikita ang mga ito.Pero wala siyang lakas na magpakita. Kaya tuluyan ng nakaalis ang mga ito na hindi siya lumalabas sa pinagtataguan."I'm always a loser. . . I ended being a miserable one. Ito na marahil ang singil sa akin sa lahat ng ginawa kong mga maling desisyon sa buhay. . ." Naiusal ni Novice na nakatitig lamang sa kawalan.Sa totoo lang napabayaan na niya ng tuluyan ang sarili pagkatapos. Kapag may makakakita rito, natitiyak niyang hindi na siya makikilala. Malaki na kasi ang inihulog ng katawan niya.Mapait siyang napangiti, kasabay ng pagkasa niya sa hawak na baril ay tuluyan itinutok ni Novice iyon sa sa
MATAPOS maganap ang muntik-muntikan ng pagpapakamatay ni Novice ay mas lalo silang dumamay rito.Sa lumipas na Buwan ay unti-unting tinulungan ng tatlo na makabangon ang binata.Naisipan nitong magsimulang muli. Sinuportahan nilang tatlo ang binabalak nitong sisimulan na business ang "Novisual Images" isang digital team iyon. Iba't ibang proyekto ang iko-cover ng business nito. Gagamitin ng binata ang naitabi nitong pera sa personal bank account nito na hindi nakuha ng ama.Naging mas busy ang bawat isa sa kanila, maging ang dalawa ay naging matumal ang pagkikita."Sweetheart... kailan ka pwedi? parang gusto ko ng magtampo. Mas marami ka pang oras kay Kuya," nagmamaktol na saad niya mula sa kabilang linya.Kasalukuyan siyang nasa printing machine, nasa opisina pa rin naman siya. Hapon na iyon at malapit ng mag-uwian, kaya malakas ang loob ni Beatrice na makipagdaldalan sa cellphone niya."Pasensiya na may pinapalakad din si Dad sa akin para sa Casino. Full load din ako nextweek." Dini
SA pagbaling niya sa ibang direksyon ay kitang-kita niya si Rudny na nakatayo lang doon, nag-alis ito ng shades. Nakita rin niya ang paglapit at pagkawit ni Camilla sa braso nito.Nang tapunan niya ng tingin si Beatrice ay hila-hila na ito ng anak niya papunta sa dagat.Hindi niya batid kong alam ba nitong naroon ang lalaki. Ipinagkibit na lang ng balikat ni Seth iyon, wala naman siyang pakialam.Kita niya ang paglapit ni Rudny, nakangiti ito sa kanya ngunit iba ang dating niyon sa kanya. Tila ba may kakaiba roon."Narito pala kayo ni Beatrice," wika ni Rudny."Yeah, inaya ko siyang sumama dahil gusto ng anak ko na isama siya ngayon sa out of town birthday nito," sagot niya."That's good, sige na ingatan mo siya," wika ni Rudny. Akmang tatalikod na ito ng hawakan ni Seth ang balikat niya."May problema ba kayong dalawa, napapansin ko lately ay wala sa sarili si Bea.""It's none of your business, ang mabuting gawin mo ay siguraduhin mong magiging masaya siya sa company mo," seryusong a
ALL she wanted to care is to heared what Rudny tell the truth!Naglakad na si Rudny, si Beatrice naman ay tuluyan sumunod sa binata. Tahimik silang parehas ng mga sandaling iyon habang naglalakad. Hanggang sa nakarating sila sa dalampasigan kung saan walang masiyadong taong napapadaan. Sa ikasaktong pagtigil ni Rudny ay ang pag-uumpisang magsalita ni Beatrice.“Ano ba ito, ano bang nangyayari?” kandaiyak pa rin si Beatrice. Sobra siyang nasasaktan dahil tila ibang tao ang kasama niya ng mga sandaling iyon.“Totoo lahat ng sinabi ni Don Vicenti,” wika nito.Parang pinilas ang puso ng dalaga pagkarinig sa sinabi ng binata.“A-ang alin na pinapasakay mo lang ako, n-na ginagamit mo lang ako?”Tumango naman si Rudny para lalong masaktan lalo si Beatrice.“Bakit?! Bakit mo ito ginagawa! I-iyong mga nangyari sa atin kunwari lang ba iyon, kahit kaunti wala bang totoo roon?” Patuloy ng dalaga na lalo pang nag-iiyak sa harapan ng lalaki. “I’m sorry Beatrice, tigilan na natin lahat ng ito. Napa
SA lumipas na dalawang araw ay walang ginawa ang mag-ama kung 'di aliwin siya."Tara na Bea, see nauna ng lumabas si Xeena sa labas," wika ni Seth na nakasuot na ng swimming trunks. Kung ibang babae lang siya ay mag-iinit at maglalaway na siya sa nakikitang matikas na pangangatawan ng lalaki. Dagdag mo pa ang eight pack abs nitong sarap pagmasdan.Ang buhok nito na hanggang balikat ay itinali na nito. He plastered to his handsome face ang pamatay nitong ngiti. Kung magtatabi si Rudny at ito'y 'di hamak na mas ma itsura si Seth. Kahit nakakalamang ng edad ay hindi iyon nakabawas sa karismang taglay meron ito.But as usual, hindi naman niya mapipilit ang puso niya. Dahil kahit ang pinakaguwapong lalaki ang ibigay pa sa kanya. Tanging kay Rudny lang yata siya bibigay at bubuka.Mariin niyang pinalis ang tumatakbo sa isip niya."Okay fine, sige na sundan mo na iyong bata susunod na ako. Magbibihis lang ako," tugon niya."Alright! just take your time." Kasunod niyon ay tuluyan na itong nag
SA kabadtripan niya ay tuluyan siyang naglakad palayo, agad niyang tinumbok ang pinakamalapit na restau-bar. Maaga pa para mag-inom pero iyon lamang ang paraan niya para maitaboy kahit paano ang pag-iisip niya kay Beatrice na patuloy na ginugulo ang buong sistema niya!"Damn it! pinakawalan na kita pero bakit patuloy pa rin akong naapektuhan sa'yo!" gigil niyang sabi. Pigil na pigil niya ang sariling basagin ang hawak-hawak na bote ng beer.Hanggang sa mapansin niya ang pag-upo ni Seth sa upuan na sakop ng lamesa na inuukopahan niya."Bakit ka narito, ang mabuti pa'y bumalik ka na roon s-sa— k-kay Bea!" Taboy niya wala siyang mood pakiharapan ito."Aragon takang-taka lang ako,kung bakit ipinagtatabuyan mo siya sa akin kung may nararamdaman ka naman pala sa kanya," diretsang sabi ni Seth."Pinagsasabi mo..." pag-iwas ni Rudny sa topic na binuksan nito. Ipinagpatuloy niya ang pag-inom sa nilalagok na beer ng mga sandaling iyon.Wala siyang pakialam kung manuod ito sa pag-inom niya. May