Share

Chapter 2

Author: MDD
last update Last Updated: 2022-08-08 21:04:19

“Mama, akala ko ba gagala tayo?” Lumabi ito. Alam ni Ag na malungkot ang anak niya dahil isa na naman sa pangako niya ang hindi natupad.  

Itinaas niya ang kamay at maingat na ipinatong iyon sa ibabaw ng ulo nito. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa anak na may gagawin siyang trabaho ngayon kaya hindi niya magagawang gumala. 

At base sa nakikita niya sa mukha nito, mukhang umasa talaga ito. Humaba ang nguso ng anak niya. 

“Sino ba naman ang nagsabing hindi tayo gagala?” 

“E kasi ang sabi mo may trabaho ka po, kaya hindi tayo makagagala.” 

“Ngayong umaga ako may trabaho. Alam mo ba kung bakit magw-work si mommy?” Lumubo ang pisngi nito at umiling. Napangiti naman siya sa kakyutan ng anak. “Dahil ibibili ni mama si Midnight ng laruan mamayang hapon. Kaya kailangan niya munang magtrabaho para po may pambili tayo.”

“Talaga po, Mama? Magkakaroon ako ng bagong laruan?” 

“Hmm, kung papayag ka po na magtrabaho si mama at mamayang hapon na po tayo gagala.” 

Sunod-sunod na tumango ang anak niya. “Okay lang po, Mama. Basta last na, Mama ah. Mamayang hapon na talaga. Hindi na po puwede bukas.”

Tumango siya at natawa sa anak. Nanggigigil na kinurot niya ang matambok nitong pisngi. 

“At saka po, Mama, pumayag na po kasi kayong magpa-tattoo na ako.”

Naiilang na tiningnan niya ang anak. Ang kulit nito sa bagay na iyon. Paano ba naman kasi, lahat daw ng kapit bahay nila ay may mga tattoo sa katawan at gusto raw ng batang maliit na ito ang ganoon. 

“Paano po ako maging matapang sa paningin ng mga babae kung wala po akong tattoo?” 

“Aba’t—” Saan naman nito narinig ang salitang iyon? Nagsalubong ang kilay niyang tiningnan ito lalo na sa ginawang pag-iling ng anak niya na para bang ang laki-laki na nitong tao. Kagat-labi na lang siyang natawa. “Hay naku. Kung anu-ano ang  pinagsasabi mo r’yan. Magpatuli ka muna bago mo isipin `yan.” 

Kaagad na umiling ito nang narinig ang salitang tuli. "Gusto ko lang naman po maging matapang. Bakit po kasi naimbento pa `yang tuli.”

Nakangiti lang si Ag na nakatingin sa likod ng anak na papalayo. Kung magsalita ito ay akala mo talagang hindi ito anim na taong gulang lamang. 

“Maghugas ka na ng kamay at kakain na tayo. Para na rin makaalis na si mama at kumita ng pera pambili ng laruan mo,” ani niya. Pagdating sa pagkain wala na siyang ibang sinasabi dahil alam niya na  kapag kakain na ay iyon lang ang hinihintay ng anak niya. Kaya hindi na siya nagulat nang lumubo ang pisngi nito. 

“Masarap po ba ulam natin, Mama?” 

“Hmm.” Nilingon niya ito. "Hulaan mo kung ano.” 

“Iyon po ba `yong paborito ko? Tuyo, Mama?” Hindi maitago sa mukha nito ang saya na nararamdaman nang tumango siya. Napailing na lang siya nang nagmamadaling umupo ito at naghihintay na pagsandukan niya.

Iyon ang pinagpapasalamat ni Ag sa anak dahil hindi ito mapili pagdating sa pagkain; lahat ay paborito. Sa murang edad nito, pakiramdam niya naiintindihan na ng anak kung ano lang ang mayroon sila. Naiintindihan nito kung ano’ng buhay ang mayroon sila. 

“Thank you po, Mama," ani nito nang lagyan niya ng dalawang tuyo ang plato at inilapit ang sawsawan. 

Hindi niya maalis ang mata sa anak na ganadong-ganadong kumain habang nagkakamay. Ang galing-galing nitong magkamay, hindi niya alam kung saan iyon natutunan ng anak lalo na at minsan lang naman siyang nagkakamay. Napailing na lang siya at nagmamadali nang kumain. 

“Mama, bakit po pala hindi pa ako nag-aaral? Si Inday kasi na kalaro ko nag-aaral na kahit lima pa lang siya. Tapos ako na anim na, hindi pa.” 

Bigla ay nakonsensiya siya. Ang iniisip niya kasi ay walang magbabantay rito. 

“Gusto mo na bang mag-aral anak?” 

“Opo, Mama. Nakakabagot dito sa bahay, pagod na rin akong maglaro,” ani nito. 

Napanguso na lang siya sa anak at nagpipigil na matawa. “Ang kaso walang magbabantay sa `yo. Pagpapasok ka araw-araw, pati si mama rin may pasok, hindi kita mababantayan doon.”

Nilunok muna nito ang laman ng bibig bago sumagot sa kaniya, “Mama, malaki na po ako. Basta po marami lang akong baon kaya ko na po `yon. Magpapakabait po ako ro’n, lalo na kay teacher. Kaya sige na po, mag-aaral na po ako, Mama kong maganda.” Nagpa cute pa ito at talagang inuto pa siya. 

Tumango-tango siya. “Sige-sige. Pupunta muna si mama sa school mo pagkatapos bibili tayo ng gamit mo.” 

“Yes! Thank you po, Mama. I love you po.” Ngumuso pa ito, binibigyan siya ng halik. 

Nanggigil na inabot niya ang pisngi nito at kinurot. Napasimangot na lang ang anak niya. 

“Mama, naman e,” reklamo nito.  

“Sorry na po, Senyoritong Midnight. Ang guwapo-guwapo mo kasi e.” 

“Siyempre po, Mama, mana ako sa `yo. Mama, kumakain ako, isturbo ka.” Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. “Hindi po ako makapag-consentrate sa paghihimay nito.”  

“Okay. Sige na, kumain ka na," ani niya at hindi mawala-wala ang ngiti sa labi. Nakamasid lang siya sa anak na kumakain pa rin. Pagkatapos nilang kumain, hinugasan niya muna ang plato bago nagpaalam sa anak na aalis na. 

“Iyang cellphone mo palagi mong ilalagay sa bulsa mo kung hindi mo na gagamitin. Tatawag ako sa `yo at sagutin mo kaagad.” 

“Opo, Mama.” Humalik ito sa pisngi niya. 

“Ikaw ha, h’wag kang pumunta kung saan-saan. Hindi kita hahanapin kung mawawala ka, bahala ka.”  

“Opo, Mama, hindi po ako maglilikot dito.” 

Napangiti naman siya habang nakatingin sa anak. Pasalamat na lang talaga siya at ang anak niya ay matino pa sa matino; naaasahan niya na sa murang edad. 

“Sige na at aalis na ako.” Yumakap muli siya at humalik sa pisngi ng anak bago tumayo. Hawak-kamay silang lumabas ng bahay dahil iiwanan niya ang anak sa kapitbahay at alam niyang maglalaro lang ang anak niya sa bakuran. 

“Tao po, Nanay! Nanay, puwede po bang patingin-tingin ako kay Midnight?” 

“Sige, ayos lang at para na rin may kalaro ang apo ko.”

Napangiti siya, ang bait-bait talaga ng kapitbahay niyang matanda. Gustong-gusto rin nito si midnight at kay bait-bait daw. 

“Ingat ka sa trabaho mo.” 

“Thank you po, Nanay. Aalis na po ako.” Ngumiti siya sa matanda. Tiningnan niya ang anak na nakanguso ngayon sa kaniya. “Magpakabait ka kay nanay, okay? Kapag nagutom ka na, umuwi ka sa bahay at masarap ang ulam mong iniwan ko roon.” 

“Woah. Talaga po? Sige po, Mama.  Pagkatapos po naming maglaro ni Dodong.” 

Humalik siya sa ulo ng anak at pisngi bago siya umalis papasok sa trabaho. 

Related chapters

  • Madly Inlove (Tagalog)    Chapter 3

    “Ano’ng nangyari?” tiim ang bagang na tanong niya sa mga tauhan. His wearing a black suit with a mask on his face. Wala pang nakakakita sa kaniya sa tunay niyang mukha. Kahit ang kanang kamay niya. “Boss, si Mr. Ching gusto kayong makausap nang personal. Naging maganda rin ang operasyon ngayon, walang sablay at napalitan ang lahat ng pinadala natin.” Isang tango ang ginawa niya at napabuntonghininga. “Tell them to take a rest for one month and be careful for the next. Mainit tayo sa mata ng mga pulis ngayon dahil sa nangyari noong nakaraang linggo.” Sa nangyari nong nakaraang linggo, ilan rin sa tauhan niya ang namatay. Bilyon din ang nawala sa kaniya. “I’m sorry, Boss sa nangyari.” Tumango siya at tumayo. “Ihanda ang chopper pabalik sa Maynila.” “Yes po, Boss,” sagot nito at nagmamadaling tinawagan ang piloto. Dala-dala ang ang dalawang bag na ang laman ay perang pinagbintahan ng mga baril, sumakay siya sa chopper. “Ikaw na ang bahala sa lahat,” ani niya at hinabilin sa kau

    Last Updated : 2022-08-08
  • Madly Inlove (Tagalog)    Chapter 4

    Nakangusong tiningnan niya ang mama niya, gusto niya kasing sabihin na may nakilala siyang gwapong lalaki kanina na kasing gwapo niya kaso nag-aalangan siya dahil baka magalit ito at malaman kung saan pa nanggaling ang mga galos niya sa tuhod at siko. "Sinabi ko na sayong bilisan mo d'yand kumain para magamot na natin niyang sugat mo. At tatanungin kita ulit. Saan mo nakuha ang sugat na 'yan?" Kaagad niyang binaba ang ulo para itago ang mukha sa mama niya. "Nadapa nga po kasi ako. Naghabulan kasi kami ni toto. Pero po mama d'yan lang po kami, hindi po ako lumayo. Nakakita pa nga po ako ng laruang baril eh ang ganda-" Kaagad niyang natakpan ang bibig dahil sa sinabi. Dapat hindi niya 'yon nabanggit eh. "So nakalayo ka nga? pano ka nakakita kung si toto lang ang kalaro mo?" "Binilhan po siya ng lola niya." Pagsisinungaling niya. Ang kamay niya naman sa likod na hindi nakikita ng mama ay naka krus. Humihingi siya ng sorry sa god dahil sa pagsisinungaling. Sana talaga hindi magalit si

    Last Updated : 2022-11-22
  • Madly Inlove (Tagalog)    Prologue

    “H’wag ka na malungkot, kapag nakita natin ang kasintahan mo, iitlogan natin `yon.” Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan na si Karen. “Buntis na `to napakatigas ng ulo,” bulong nito pero rinig na rinig niya. “Kumain ka na at masama sa buntis ang malipasan ng gutom,” patuloy nito sa pang sesermon. "Hindi niya man lang nagawang magpaalam sa `kin.” Nanlumong nilapag niya ang pisngi sa lamesa. “Kailan ba nagawang magpaalam ng kasintahan mo kapag umaalis? Hindi ka pa nasanay. At kung ako sa `yo, hihiwalayan ko na `yon. Lalapitan ka lang kung gusto ng sex at aalis nang walang paalam. Hindi mo nga alam kung saan `yan tumutuloy dahil kung pupunta ka sa bahay nila, wala naman siya. Palagay ko talaga may iba na `yan.” “Karen naman.” Tuluyan nang tumulo ang luha niya. Iniisip niya pa lang na iiwan siya ni Noa ay hindi niya na kaya.Isang taon na silang mag kasintahan ni Noa; mahal na mahal niya ito kaya niya ibinigay ang lahat. Ngayon ay nag-aaral siya ng first year college at buntis si

    Last Updated : 2022-08-08
  • Madly Inlove (Tagalog)    Chapter 1

    “Sige, tumakbo ka at mapapalo talaga kita.”“Sorry naman po, Ali.” Nanlaki ang mata ni Ag sa narinig. Bitbit ang walis tambo at patakbong hinabol niya ang anak. “Lumapit ka sa akin at makakatikim ka talagang bata ka! At Ali pa talaga ang tawag mo sa `kin? Huh? Nanay mo ako, Midnight!” Kaso hindi niya ito naabutan; naka-lock na ang pinto. “Buksan mo ito!” At saka pinalo ang pinto. “Papaluin mo ako e.” “Mapapalo kita kapag hindi mo `to binuksan!” “Ayaw kong buksan. Papaluin mo ako.”Malalim na bumuntonghininga siya at pinakalma ang sarili. “Sige, hindi kita papaluin, pero h’wag mo na akong tawaging Ali dahil nanay mo ako at gagalangin mo ako.” Nakataas ang kilay niya nang nagtagal bago makasagot ang anak niya. “Sige na nga.” Aba’t! “Napipilitan ka ba?” Tumataas talaga ang dugo niya sa kasasaway sa anak niyang napakatigas ng ulo. “Naku, hindi po, Mama.” Kaagad na bumukas ang pinto pagkatapos ay sumilip ang anak niya. Pinigil niyang matawa sa kalokohan nito. “Ang baho po ng panty mo

    Last Updated : 2022-08-08

Latest chapter

  • Madly Inlove (Tagalog)    Chapter 2

    “Mama, akala ko ba gagala tayo?” Lumabi ito. Alam ni Ag na malungkot ang anak niya dahil isa na naman sa pangako niya ang hindi natupad. Itinaas niya ang kamay at maingat na ipinatong iyon sa ibabaw ng ulo nito. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa anak na may gagawin siyang trabaho ngayon kaya hindi niya magagawang gumala. At base sa nakikita niya sa mukha nito, mukhang umasa talaga ito. Humaba ang nguso ng anak niya. “Sino ba naman ang nagsabing hindi tayo gagala?” “E kasi ang sabi mo may trabaho ka po, kaya hindi tayo makagagala.” “Ngayong umaga ako may trabaho. Alam mo ba kung bakit magw-work si mommy?” Lumubo ang pisngi nito at umiling. Napangiti naman siya sa kakyutan ng anak. “Dahil ibibili ni mama si Midnight ng laruan mamayang hapon. Kaya kailangan niya munang magtrabaho para po may pambili tayo.”“Talaga po, Mama? Magkakaroon ako ng bagong laruan?” “Hmm, kung papayag ka po na magtrabaho si mama at mamayang hapon na po tayo gagala.” Sunod-sunod na tumango ang anak

  • Madly Inlove (Tagalog)    Chapter 1

    “Sige, tumakbo ka at mapapalo talaga kita.”“Sorry naman po, Ali.” Nanlaki ang mata ni Ag sa narinig. Bitbit ang walis tambo at patakbong hinabol niya ang anak. “Lumapit ka sa akin at makakatikim ka talagang bata ka! At Ali pa talaga ang tawag mo sa `kin? Huh? Nanay mo ako, Midnight!” Kaso hindi niya ito naabutan; naka-lock na ang pinto. “Buksan mo ito!” At saka pinalo ang pinto. “Papaluin mo ako e.” “Mapapalo kita kapag hindi mo `to binuksan!” “Ayaw kong buksan. Papaluin mo ako.”Malalim na bumuntonghininga siya at pinakalma ang sarili. “Sige, hindi kita papaluin, pero h’wag mo na akong tawaging Ali dahil nanay mo ako at gagalangin mo ako.” Nakataas ang kilay niya nang nagtagal bago makasagot ang anak niya. “Sige na nga.” Aba’t! “Napipilitan ka ba?” Tumataas talaga ang dugo niya sa kasasaway sa anak niyang napakatigas ng ulo. “Naku, hindi po, Mama.” Kaagad na bumukas ang pinto pagkatapos ay sumilip ang anak niya. Pinigil niyang matawa sa kalokohan nito. “Ang baho po ng panty mo

  • Madly Inlove (Tagalog)    Prologue

    “H’wag ka na malungkot, kapag nakita natin ang kasintahan mo, iitlogan natin `yon.” Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan na si Karen. “Buntis na `to napakatigas ng ulo,” bulong nito pero rinig na rinig niya. “Kumain ka na at masama sa buntis ang malipasan ng gutom,” patuloy nito sa pang sesermon. "Hindi niya man lang nagawang magpaalam sa `kin.” Nanlumong nilapag niya ang pisngi sa lamesa. “Kailan ba nagawang magpaalam ng kasintahan mo kapag umaalis? Hindi ka pa nasanay. At kung ako sa `yo, hihiwalayan ko na `yon. Lalapitan ka lang kung gusto ng sex at aalis nang walang paalam. Hindi mo nga alam kung saan `yan tumutuloy dahil kung pupunta ka sa bahay nila, wala naman siya. Palagay ko talaga may iba na `yan.” “Karen naman.” Tuluyan nang tumulo ang luha niya. Iniisip niya pa lang na iiwan siya ni Noa ay hindi niya na kaya.Isang taon na silang mag kasintahan ni Noa; mahal na mahal niya ito kaya niya ibinigay ang lahat. Ngayon ay nag-aaral siya ng first year college at buntis si

DMCA.com Protection Status