Share

Madly Inlove (Tagalog)
Madly Inlove (Tagalog)
Author: MDD

Prologue

Author: MDD
last update Huling Na-update: 2022-08-08 21:02:34

“H’wag ka na malungkot, kapag nakita natin ang kasintahan mo, iitlogan natin `yon.” Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan na si Karen. “Buntis na `to napakatigas ng ulo,” bulong nito pero rinig na rinig niya. “Kumain ka na at masama sa buntis ang malipasan ng gutom,” patuloy nito sa pang sesermon. 

"Hindi niya man lang nagawang magpaalam sa `kin.” Nanlumong nilapag niya ang pisngi sa lamesa. 

“Kailan ba nagawang magpaalam ng kasintahan mo kapag umaalis? Hindi ka pa nasanay. At kung ako sa `yo, hihiwalayan ko na `yon. Lalapitan ka lang kung gusto ng sex at aalis nang walang paalam. Hindi mo nga alam kung saan `yan tumutuloy dahil kung pupunta ka sa bahay nila, wala naman siya. Palagay ko talaga may iba na `yan.” 

“Karen naman.” Tuluyan nang tumulo ang luha niya. Iniisip niya pa lang na iiwan siya ni Noa ay hindi niya na kaya.

Isang taon na silang mag kasintahan ni Noa; mahal na mahal niya ito kaya niya ibinigay ang lahat. Ngayon ay nag-aaral siya ng first year college at buntis siya, alam ito ni Noa at hindi naman ito galit. Ang bata ay biglaan lang; hindi nila ito ginusto, pero wala na silang magagawa kung hindi ang tanggapin ang bata. 

Pero simula nang nalaman nito na buntis siya, parang may nagbago. Nagpapakita lang ito sa kaniya kung gusto nitong makipagtalik at aalis din pagkatapos. Naiiyak siya kapag naiisip iyon, pero bakit ganoon? Kulang pa ba? Kulang pa ba ang ibinibigay niya para rito?Wala nang natitira sa kaniya, pero bakit ganoon? Iniwan pa rin siya. 

“Mahal na mahal ko s-siya, Karen. Kahit noong nakaraan ayaw kong makipagtalik, pumayag n-na lang ako dahil nagagalit siya. Pinagbibigyan ko s-siya kung ano ang gusto n-niya, pero wala pa rin. Ramdam kong tuluyan na siyang nawala sa `kin. Ramdam kong iiwanan niya na ako. B-Bakit gano’n? B-Binigay ko ang lahat ng pagmamahal, wala nang natira sa s-sarili ko. Ibinigay ko na rin ang isang bagay na pinakainiingatan ko bilang patunay na mahal na mahal ko siya, pero b-bakit gano’n? Iniwan niya pa rin ako.” Nahihirapan siyang huminga dahil sa sakit at kirot ng puso niya. 

“Ikaw kasi, sinabihan na kita dati na h’wag siya. Kahit hindi ko pa siya kilala noon alam ko na kaagad ang ugali niya. Sa unang kita mo pa lang sa kaniya, malalaman mo kaagad na masama ang kaniyang ugali,” sermon nito habang hinahagod ang likod niya.

“Ano nang g-gagawin ko ngayon? Buntis ako, hindi puwedeng m-malaman ni mama na buntis ako dahil tiyak p-palalayasin ako n’on, Karen. Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kong paano siya palalakihin, ngayon iiwan na ako ni Noa at wala na akong makasasama. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Karen. Litong-lito na ako.”

“H’wag kang mag-alala, nandito lang ako. Hindi kita iiwanan. Angelica, gusto kong magtino ka na at pakinggan mo na ako, kapag bumalik muli siya rito ay h’wag na h’wag mo na siyang kakausapin. Alam naman natin na wala talaga siyang pakialam sa inyong mag-ina dahil kong mayroon man ay hindi `yon bigla-biglang mawawala. Gusto kong buhayan mo ang bata na kasama ako kaysa na kasama `yong bugok na lalaking `yon. Pangako gagawin ko ang lahat para matulungan ang kaibigan ko, para matulungan ko ang inaanak ko,” bulong nito na ikinahikbi niya. Ang kaibigan niya; ang nag-iisa na kaibigan niya. 

"Hindi pa nga l-lumalabas ang baby ko, ninang ka na agad?"

“Aba’y siyempre, ako ang unang ninang n’yan.” 

“Salamat, Karen. Salamat sa lahat.” 

Tinapos niya lang ang first semester at huminto na siya sa pag aaral. Lumuwas na rin siya sa Maynila dahil may kamag-anak ang mga magulang niya sa Bulacan, at kapag nakita siya ng mga ito ay tiyak na aabot iyon sa mama niya na nasa Dubai at nagtatrabaho bilang DH. 

Ang kaibigan niya mismo ang nagsabing sa Maynila na lang sila dahil doon walang makakakilala sa kanila.

Nakatira sila sa isang apartment, at dito na rin nag-aaral ang kaibigan niya. Mabuti na lang at pumayag ang mga magulang nito na rito na ito mag-aaral; siya naman ay nagtatrabaho dahil maliit pa naman ang tiyan niya at hindi pa halata,

Masakit man sa loob na nagsisinungaling siya sa ina, pero wala na siyang ibang choice. Lahat ng perang ipinapadala nito ay iniipon niya para sa kaniyang panganganak at gastusin. 

Gusto niyang sabihin sa mama niya ang nangyayari sa kaniya pero wala siyang lakas ng loob. Ayaw niyang sumama ang loob nito. 

Malaki lamang ang pasasalamat niya sa Panginoon dahil may isang tao ang nasa tabi niya at 

hindi siya iniiwan; iyon ay ang kaibigan niya. Walang nakakaalam na buntis siya bukod sa ama ng anak niya pati na rin ang kaniyang kaibigan.

Three months na ang tiyan niya, at three months na rin na hindi ito nagpaparamdam sa kaniya. Iniisip niyang tatawag ito sa kaniya o magt-text para man lang sa bata. Kahit na ayaw na nito sa kaniya ay papayag siya basta nandito lang ito sa tabi niya para sa anak nila, pero nagkamali siya; talagang wala itong pakialam kahit sana sa anak nito. 

Tanggap niya na; na hanggang dito na lang; na hindi maayos ang pagtatapos ng relasyon nila ng taong pinakamamahal niya.

Kaugnay na kabanata

  • Madly Inlove (Tagalog)    Chapter 1

    “Sige, tumakbo ka at mapapalo talaga kita.”“Sorry naman po, Ali.” Nanlaki ang mata ni Ag sa narinig. Bitbit ang walis tambo at patakbong hinabol niya ang anak. “Lumapit ka sa akin at makakatikim ka talagang bata ka! At Ali pa talaga ang tawag mo sa `kin? Huh? Nanay mo ako, Midnight!” Kaso hindi niya ito naabutan; naka-lock na ang pinto. “Buksan mo ito!” At saka pinalo ang pinto. “Papaluin mo ako e.” “Mapapalo kita kapag hindi mo `to binuksan!” “Ayaw kong buksan. Papaluin mo ako.”Malalim na bumuntonghininga siya at pinakalma ang sarili. “Sige, hindi kita papaluin, pero h’wag mo na akong tawaging Ali dahil nanay mo ako at gagalangin mo ako.” Nakataas ang kilay niya nang nagtagal bago makasagot ang anak niya. “Sige na nga.” Aba’t! “Napipilitan ka ba?” Tumataas talaga ang dugo niya sa kasasaway sa anak niyang napakatigas ng ulo. “Naku, hindi po, Mama.” Kaagad na bumukas ang pinto pagkatapos ay sumilip ang anak niya. Pinigil niyang matawa sa kalokohan nito. “Ang baho po ng panty mo

    Huling Na-update : 2022-08-08
  • Madly Inlove (Tagalog)    Chapter 2

    “Mama, akala ko ba gagala tayo?” Lumabi ito. Alam ni Ag na malungkot ang anak niya dahil isa na naman sa pangako niya ang hindi natupad. Itinaas niya ang kamay at maingat na ipinatong iyon sa ibabaw ng ulo nito. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa anak na may gagawin siyang trabaho ngayon kaya hindi niya magagawang gumala. At base sa nakikita niya sa mukha nito, mukhang umasa talaga ito. Humaba ang nguso ng anak niya. “Sino ba naman ang nagsabing hindi tayo gagala?” “E kasi ang sabi mo may trabaho ka po, kaya hindi tayo makagagala.” “Ngayong umaga ako may trabaho. Alam mo ba kung bakit magw-work si mommy?” Lumubo ang pisngi nito at umiling. Napangiti naman siya sa kakyutan ng anak. “Dahil ibibili ni mama si Midnight ng laruan mamayang hapon. Kaya kailangan niya munang magtrabaho para po may pambili tayo.”“Talaga po, Mama? Magkakaroon ako ng bagong laruan?” “Hmm, kung papayag ka po na magtrabaho si mama at mamayang hapon na po tayo gagala.” Sunod-sunod na tumango ang anak

    Huling Na-update : 2022-08-08
  • Madly Inlove (Tagalog)    Chapter 3

    “Ano’ng nangyari?” tiim ang bagang na tanong niya sa mga tauhan. His wearing a black suit with a mask on his face. Wala pang nakakakita sa kaniya sa tunay niyang mukha. Kahit ang kanang kamay niya. “Boss, si Mr. Ching gusto kayong makausap nang personal. Naging maganda rin ang operasyon ngayon, walang sablay at napalitan ang lahat ng pinadala natin.” Isang tango ang ginawa niya at napabuntonghininga. “Tell them to take a rest for one month and be careful for the next. Mainit tayo sa mata ng mga pulis ngayon dahil sa nangyari noong nakaraang linggo.” Sa nangyari nong nakaraang linggo, ilan rin sa tauhan niya ang namatay. Bilyon din ang nawala sa kaniya. “I’m sorry, Boss sa nangyari.” Tumango siya at tumayo. “Ihanda ang chopper pabalik sa Maynila.” “Yes po, Boss,” sagot nito at nagmamadaling tinawagan ang piloto. Dala-dala ang ang dalawang bag na ang laman ay perang pinagbintahan ng mga baril, sumakay siya sa chopper. “Ikaw na ang bahala sa lahat,” ani niya at hinabilin sa kau

    Huling Na-update : 2022-08-08
  • Madly Inlove (Tagalog)    Chapter 4

    Nakangusong tiningnan niya ang mama niya, gusto niya kasing sabihin na may nakilala siyang gwapong lalaki kanina na kasing gwapo niya kaso nag-aalangan siya dahil baka magalit ito at malaman kung saan pa nanggaling ang mga galos niya sa tuhod at siko. "Sinabi ko na sayong bilisan mo d'yand kumain para magamot na natin niyang sugat mo. At tatanungin kita ulit. Saan mo nakuha ang sugat na 'yan?" Kaagad niyang binaba ang ulo para itago ang mukha sa mama niya. "Nadapa nga po kasi ako. Naghabulan kasi kami ni toto. Pero po mama d'yan lang po kami, hindi po ako lumayo. Nakakita pa nga po ako ng laruang baril eh ang ganda-" Kaagad niyang natakpan ang bibig dahil sa sinabi. Dapat hindi niya 'yon nabanggit eh. "So nakalayo ka nga? pano ka nakakita kung si toto lang ang kalaro mo?" "Binilhan po siya ng lola niya." Pagsisinungaling niya. Ang kamay niya naman sa likod na hindi nakikita ng mama ay naka krus. Humihingi siya ng sorry sa god dahil sa pagsisinungaling. Sana talaga hindi magalit si

    Huling Na-update : 2022-11-22

Pinakabagong kabanata

  • Madly Inlove (Tagalog)    Prologue

    “H’wag ka na malungkot, kapag nakita natin ang kasintahan mo, iitlogan natin `yon.” Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan na si Karen. “Buntis na `to napakatigas ng ulo,” bulong nito pero rinig na rinig niya. “Kumain ka na at masama sa buntis ang malipasan ng gutom,” patuloy nito sa pang sesermon. "Hindi niya man lang nagawang magpaalam sa `kin.” Nanlumong nilapag niya ang pisngi sa lamesa. “Kailan ba nagawang magpaalam ng kasintahan mo kapag umaalis? Hindi ka pa nasanay. At kung ako sa `yo, hihiwalayan ko na `yon. Lalapitan ka lang kung gusto ng sex at aalis nang walang paalam. Hindi mo nga alam kung saan `yan tumutuloy dahil kung pupunta ka sa bahay nila, wala naman siya. Palagay ko talaga may iba na `yan.” “Karen naman.” Tuluyan nang tumulo ang luha niya. Iniisip niya pa lang na iiwan siya ni Noa ay hindi niya na kaya.Isang taon na silang mag kasintahan ni Noa; mahal na mahal niya ito kaya niya ibinigay ang lahat. Ngayon ay nag-aaral siya ng first year college at buntis si

DMCA.com Protection Status