Chapter 32Dave POVIT'S BEEN 3 YEARS, 3 years na ang lumipas hanggang ngayon ay hindi parin namin sya makita. 'It's time to give up know?' tanong ko sa aking sarili. Yes! laging laman ng aking isipan na sumuko na pero ang aking puso ay ina ang dinikta. Nagpapasalamat na lang ako dahil ang aking dalawang kambal ay hindi ko nakitang nahihirapan o nahihina sa pagkawala sa kanilang ina. Kaya sila ang nag bibigay sa akin ng lakas tuwing nais ko nang sumuko sa buhay. Muntik ng bumaksak ang negosyo ko at muntik nang mawala ang isa sa kambal buti na lang at marunong itong mag self-defense kaya naka ligtas sa nais dumukot."Boss! ready na ang mga kailangan nating dalhin sa Laguna," sabi sa akin secretary. "Let's go!" sabi ko dito, kahit lalake ang secretary ko ay masasabi ko lang na masipag ito at laging na ka tuon ang kanyang attention sa kanyang gawain. Lulan sa aking sasakyan patungo sa Laguna kung saan ko last na masilayan si Ana ay binili ko ang isang lupain doon upang gawin isang Ma
Chapter 33Pagkatapos kong dalhin sa tinutukoy nya ay agad nitong inilagay sa matigas na higaan, hindi ko alam kung anong tawag nila dito. Hanggang nag uusap kami at tinanong ko ang dalawang matanda. Saka naman nila ito ipinaliwanag kung anong nangyayari. Samo't sari ang aking nararamdaman hindi ko maipaliwanag ang tibok sa aking puso. KABA, PANGAMBA, LUNGKOT AT SAYA, yang ang aking nararamdaman. Hanggang kinausap ako nila Skay at pinalabas nila ako, noong una ay umayaw ako dahil gusto ko din malaman kung ano ang kanyang kondisyon, pero agad din nag iba ang aking isip nag kinasa ni Sky ang kanyang baril at pinutukan ako, kaya agad akong sumang-ayon at daling-dali lumabas sa maliit na kwarto. "Manang Lucy at Manong Tasyo, salamat sa pag ligtas sa aking mahal," sabi ko dito ng naabutan ko silang na ka upo sa may labasan. "Walang anong yun Iho, kahit sinong makakita sa kanyang kalagayan ay tutulungan nila ito," sabi ni Manong Tasyo sa akin. "Tama ang aking asawa Iho, pero pala isipan
Chapter 34Anastasia POVHabang nag uusap kami ng aking kasamahan sa organisasyon at kaibigan ko ay saka namang dumating si Meme na nag mamadali pa pag pasok sa loob. "Nako Lo," hindi nya natuloy ang kanyang sasabihin nang makita nito na hindi lang ako ang iisa. " May mga diwatang lumabas galing sa kanilang mapala palasyong kaharian. Ang gaganda nila," sabi pa nito habang pa lipat-lipat ang mga mata nito hanggang na pako ang kanyang mata kay Sky mas lalong lumaki ang kanyang mata sa nakita. "Ay idol Angel Locsin, ang ganda mo talaga, pa picture naman," sabi nito habang nilabas ang kanyang phone saka pumuwesto sa gilid nito. "Lovi paki suyo naman, picture ran mo kami sa idol ko," sabi nya sa akin kaya napa ngiti lang ako sa kanyang sinabi. "Akin na, ready 1-2-3 smile," sabi ko sabay pindot sa phone nito. "Thank you talaga, eh po-post ko ito sa gc namin, siguro akong maiinggit sila sa akin," sabi nya habang ang mata ay na ka tuon sa kanyang phone. Ilang sandali ay saka naman itong l
Chapter 35Pag-alis nilang lahat ay agad ko napa isip. ' Ano kaya ang ikakabuti, sabihin ko sa kanila na bumalik na ang ala-ala ko o hindi!' yan ang pumasok sa aking isipan habang nag hahanda nag pagkain para sa anim dinner. Kaya isang bumuo na disesyon sa aking isipan ang ipagtapat ko sa kanila ang lahat-lahat pwera lang sa pagka Assassin/Agent ko. KINABUKASAN: Kinabukasan ay agad kong kinundisyon ang aking sarili upang masabi ko sa kanila ang nais kung sabihin. Pero kailangan na kami lang tatlo ang nakakaalam sa lahat, upang maiwasang malaman ni Dave. Nakita ko silang nag kakape sa may balkunahe habang nag uusap sila. "Nay, Tay!" agaw pansin ko sa kanila habang papalapit sa kanilang pwesto. "May nais akong ipagtatapat sa inyong dalawa, pero sana ay walang ibang makaka-alam kung anomang ang aking sabihin," sabi ko sa kanilang dalawa. Agad naman silang nagtinginang dalawa bago nag Salita si Tatay. "Ano yun anak? Makakaasa kang walang ibang makakaalam kung ano man ang iyong nais ipa
Chapter 36DALAWANG LINGGO: Dalawang linggo na pa lang lumipas, lagi akong kinukulit ni Dave na sumama na sa kanya, ang hindi nya alam na palihim akong pumunta sa mansyon kung nasaan ang aking mga anak. Tuwing pumapasok sila sa paaralan ay sinubaybayan ko ito na hindi alam ng kambal. Kahit na subrang miss ko na sila ay pinigilan kong hindi magpakita sa kanilang dalawa ngunit sadyang mapa masid ang anak kung lalake at agad nya ako na kilala. Kaya sinabihan ko lang si Enno na walang ipag sabi na nakita nya ako kahit sa kapatid pa n'ya. Buti na lang at agad akong naitindihan sa aking anak. Ngayon araw ay kaarawan ng isang lalake na nag imbita sa akin, kahit na ayaw akong pumunta ay nahihiya ako sa nag imbita at na ka Oo na rin ako noon, itong damit na aking isusuot ay galing kay Meme at nakakahiya naman kung hindi ko ito isusuot man langg. Simply lang ang damit pero napaka gandang tingnan lalo na't likas na maputi ako. Naglagay rin ako ng kaunting makeup sa aking mukha at light lipstick
Chapter 36Habang sumunod kami ni Meme papasok sa loob ay busy rin ang aking mga mata pa simpleng pinag-aralan ang mga nasa paligid.'Mukhang may mga tinatagong sekreto ang na ka tira sa bahay na ito, hmmmm mukhang ito ang kauna-unahang misyon ko kung sakali,' usal ko sa aking sarili hanggang naglalakad kung saan kami dadalhin ni Brandon. "Lovi! pwedeng umuwi na lang tayo, di ko talaga kaya ang nararamdaman ko para akong aatakihin sa kaba," sabi nya sa akin. Kaya agad akong na karoon ng idea upang maka uwi si Meme ng ligtas. "Ah, Bran!" tawag ko dito dahilan upang mahinto sa kakalakad saka ito lumingon sa aming direksyon."May nais ka bang sabihin Lov?" kahit hindi maganda ang aking pandinig sa pagtawag nyang Lov ay binaliwala ko na lang. Ngumiti muna ako bago ako nagsalita. " Ah! ano kasi, nais na kasing umuwi na kami ni Meme kaya lang nakakahiya naman kung uuwi kaming dalawa, kaya kung okay lang sayo na sya na lang ang pauwiin ko, kung okay lang!" nakita ko kung paano ito tumingi
Chapter 37 - Slight SPGPagkatapos nya akong ilapag ay dahan-dahan nitong inangat ang laylayan ng aking damit kaya kunwaring kumilos ako upang maalis ko ang kanyang kamay sa aking damit. "Kahit tulog ka ay umaandar pa rin ang iyong pagiging hard to get, sige lang mamaya ay tatalab na ang gamot na nilagay namin sa iyong inumin," sabi nya sa akin. 'Tama nga ako may gamot silang inilagay sa aking inumin at pagkain, sa tingin ko ay isang sex drugs iyon," sabi ko sa aking isipan. "Siguradong masasarapan ka sa gagawin namin sayo, pero ako muna ang a-angkin sayo, bago pa kita ibigay sa kanila ngunit pagsasawaan muna kita," sabi nya sa akin na bakas sa tinig nito ang labis na pagnanasa.'Mangarap ka ng gising Brandon,' usal ko sa aking isipan. Nakarinig na lang ako ng isang yapak patungo kung saan kaya minabuti kung idinilat ng bahagya ang aking mga mata. Nakita ko si Brandon na kinuha ang kanyang phone saka may pinapunta sa aming kinaroroonan. Ilang sandali ay may pumasok na isang babae.
Chapter 38Anastasia/Lovi POV=ANG NAKARAAN NI BRANDON=Kahit na naguguluhan ako sa kanyang sinabi ay hindi ko parin tinanggal ang aking pagtitig sa kanyang mata. 'Ang kanyang mga mata, parang may lihim itong ayaw na balikan, pero bakit takot ito sa akin? saan ito natakot?' sabi ko sa aking sarili. "Ha-hanggang d-dyan k-kalang," sabi nito sa akin na takot na takot. "Patay kana, a-ako mismong na ka saksing patay kana, p-pero paanong?" kahit na nag tataka ako ay hindi parin ako nag salita. Nais ko malaman kung anong nais nyang pahiwatig. "Brandon, gumawa ka nag paaraan upang maka labas tayo sa silid," sabi ng babae kay Brandon. "H-hindi, hindi maaring bumalik ang taong patay na sa 20 years ang lumipas, TAMA! tama, patay na si Emilia, dahil ako mismo ang pumatay sa kanya. HA HA HA HA HA," sabi nito na habang tumatawa na parang baliw. 'Sinong Emilia? Anong kaugnayan ni Brandon dito?' sabi ko sa aking isipan, hanggang nakita kong may kinuha si Brandon sa may drawer kaya agad akong nagi
Author's Note Maraming salamat po sa walang sawang suporta at pagtangkilik sa kwentong ito! Ang bawat isa sa inyo ay naging bahagi ng kwento ng buhay ng pamilya Clinton at Santiago. Tuwang-tuwa ako na sabay-sabay natin tinahak ang mga landas nina Anastasia at Dave, at pati na rin ang kanilang mga anak—si Princess Xenna at Prince Xenno, na parehong puno ng pangarap at lakas, at si Blue Gray at Red Gabriel, ang kambal na may kani-kaniyang kwento ng buhay at pag-ibig. Ang kwentong ito ay hindi lamang isang simpleng paglalakbay ng mga karakter, kundi pati na rin isang pagninilay sa kahalagahan ng pamilya, pagmamahal, at ang mga hamon ng buhay. Nais kong magpasalamat sa inyo dahil hindi lang kayo nagbasa ng kwento, kundi naging bahagi kayo ng bawat hakbang, mga pagsubok, at tagumpay ng bawat miyembro ng Clinton at Santiago na pamilya. Ngayon, natapos natin ang kwento ng kasal nina Blue Gray at Ivy Grace, pati na rin ang kanilang mga anak na sina Anica at Blue Jr.. Ngunit hindi dito na
Chapter 237Special Chapter - The Wedding Continued Ang araw ng kasal ni Blue at Ivy Grace ay puno ng kasiyahan, mga ngiti, at pagmamahal. Kasama ang kanilang kambal na sina Anica at Blue Jr., hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ng mag-asawa habang nagaganap ang kanilang espesyal na araw. Ang bawat hakbang na tinatahak nila, kasama ang kanilang mga anak, ay parang isang panaginip na naging totoo. Ang buong pamilya ay nagsalo-salo, sumasayaw, nagkakasiyahan, at nagdi-dinner sa ilalim ng mga kumikislap na ilaw ng mga lanterns sa garden. Ang kanilang mga mata ay kumikislap ng kaligayahan—hindi lamang dahil sa kasal, kundi dahil sa bagong buhay na magsisimula sila bilang isang buo at masaya na pamilya. Si Red at ang Hindi Nakikitang Pagsubok Ngunit sa kabila ng lahat ng kasiyahan, may isang tao na hindi ganap na masaya. Si Red, ang kakambal ni Blue, ay may tinatagong problema. Hindi ito halata sa kanyang mga mata, ngunit sa bawat hakbang na tinatahak niya, ramdam ang bigat
Chapter 236Special Chapter (Continued) Ang araw ay patuloy na sumisikat, ang maliwanag na sikat ng araw ay tumagos sa mga bintana ng mansyon, nagpapakita ng kasiyahan sa bawat sulok. Pagkatapos ng seremonya, ang lahat ay nagsama-sama upang ipagdiwang ang bagong simula para kay Blue at Ivy. Ang buong mansyon ay puno ng kaligayahan, mga ngiti, at tawanan. Ang bawat isa ay naroroon upang makita ang simula ng isang bagong yugto ng buhay—isang buhay na puno ng pagmamahal at pag-asa. Pagdiriwang ng Pag-ibig Ang reception ay ginanap sa isang malawak na hardin, kung saan ang mga mesa ay pinalamutian ng mga bulaklak na may makulay na kulay ng rosas, puti, at ginto. May mga lamesang puno ng masasarap na pagkain, at ang hangin ay malumanay na dumadaloy. Ang mga kaibigan at pamilya ni Blue at Ivy ay nagsalu-salo sa kagalakan, ang lahat ay nagbigay galang sa kanilang pagmamahalan. Habang tumatagal ang gabi, si Ivy at Blue ay naglakad sa gitna ng mga bisita, nakakapit ang kamay ng bawat isa.
Chapter 2353rd POVSpecial Chapter - The Wedding Ang araw ay nag-uumapaw sa liwanag, at ang buong mansyon ay puno ng kasiyahan at kaligayahan. Isang bagong kabanata sa buhay ni Blue at Ivy Grace ang magsisimula. Matapos ang lahat ng pagsubok at laban na kanilang hinarap, ngayon ay isang bagong yugto ng kanilang pagmamahalan ang kanilang sasalubungin—ang kanilang kasal. Mabilis ang oras. Walang makapagsasabi kung paano nagbago ang lahat mula sa isang simpleng misyon hanggang sa pagiging isang pamilya. Si Blue, na noon ay isang malamig at malupit na lider, ay ngayon ay isang lalaking nagmamahal at naglalaban para sa kaligtasan ng kanyang pamilya. Si Ivy Grace, na isang dating sekretarya, ay hindi lamang naging isang matapang na kasama sa bawat laban kundi isang ina at asawa na handang magsakripisyo para sa kanilang pamilya. Sa Simula ng Kasal Ang lugar ay puno ng mga bulaklak—ang bawat kanto ng mansyon ay pinalamutian ng puti at ginto, simbolo ng bagong simula. Ang mga paborito nil
Chapter 234 "Sumugod!" sigaw ko, at sabay-sabay kaming nagsimula muli sa laban. Sa mga sandaling iyon, wala nang ibang mahalaga kundi ang magtulungan upang mapanatili ang kaligtasan ng pamilya ko. Bawat galaw ko ay mabilis at tumpak. Ang bawat labang ito ay isang hakbang patungo sa isang mas ligtas na bukas para sa mga anak ko. Ngunit alam ko, ang tunay na laban ay hindi lamang sa pisikal na aspeto ng digmaang ito. Ang laban na ito ay isang paglalakbay na puno ng sakripisyo, at ang huling laban ay hindi lamang para sa kaligtasan ng aking pamilya—kundi para sa kinabukasan ng aming mga anak. Ang araw ay nagsimulang sumik mula sa mga bintana ng mansyon, ngunit ang buong paligid ay puno pa rin ng katahimikan—isang katahimikan na dulot ng matinding laban na naganap. Ang mga kalaban ay wala na, at ang mga sugatang katawan ng aming mga kalaban ay nagpapaalala ng bawat sakripisyo, bawat hakbang na ginawa namin upang maprotektahan ang mga mahal sa buhay. Habang naglalakad kami sa loob ng m
Chapter 233Nagmadali kaming bumalik sa direksyon ng kambal. Agad ko silang nakitang ligtas, kasama ang mga kasambahay na nagbabantay. Nakita ko sa mga mata ng kambal ang takot at ang mga tanong na hindi ko kayang sagutin ngayon. Ang tanging kaya kong gawin ay ipakita sa kanila ang aking lakas—ang aking pagnanais na maprotektahan sila sa lahat ng paraan. "Anak," sabi ko sa kambal, habang lumapit ako sa kanila. "Mahal ko kayo. Hindi ko kayo pababayaan. Kahit anong mangyari, magsasama tayo." Ngumiti ang mga bata, ngunit alam kong alam nila ang kabigatan ng sitwasyon. Hindi na nila kailangang magsalita pa. Ang pagmamahal na nasa kanilang mga mata ay sapat na. Habang tumutok kami sa mga kalaban, naramdaman ko ang lahat ng hindi pa natapos na laban sa buhay ko. Ang mga desisyon ko ngayon ay magpapasya sa kinabukasan ng aming pamilya. Kung gusto kong makita ang mga bata na lumalaki ng ligtas at maligaya, kailangan kong gawin ang lahat ng ito—huwag magpatalo, at protektahan sila hanggang
Chapter 232 Habang nakatayo ako sa harap ni Ivy, ang lahat ng nararamdaman ko ay tila nag-uugnay na. Ang mga bata, ang mga sakripisyo, at ang mga lihim — lahat ng ito ay nagsimulang magbukas sa harapan ko. Si Ivy, ang dating sekretarya ko, ngayon ay isang ina na, at ang mga kambal ay mga anak ko. Hindi ko pa matanggap ang lahat, ngunit ang puso ko ay puno ng pagmamahal at pagnanais na protektahan sila. Ngunit bigla, isang pamilyar na tinig ang tumawag sa pangalan ko mula sa labas. Isang tinig na hindi ko kailanman malilimutan. Si Mommy, ang aking ina—si Agent C. "Blue!" tawag niya mula sa likod ng pinto. Tumingin ako kay Ivy, at ang kanyang mga mata ay puno ng pagkabahala. Alam ko na may ibang nangyayari, may bagong hamon na haharapin. Sa isang saglit, iniwan ko si Ivy at mabilis na naglakad patungo sa pinto. Ang mga hakbang ko ay matalim, puno ng pangangailangan na makuha ang sagot sa tawag ng aking ina. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siya — ang aking ina, si Agent C. Ang
Chapter 231 Blue POV Nasa likod ako ng mga madilim na kanto ng mansyon, tinitingnan ko ang paligid habang ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko nakita ang mga nangyaring laban, ngunit mula sa mga mensahe ng aking ina, si Agent C, alam kong hindi madali ang mga hinarap nila ni Ivy. Si Agent C, walang alinlangan, ay isang eksperto sa mga misyon at kahit na hindi ko nasaksihan ang mga laban, naramdaman ko ang kabang dulot ng bawat sandali ng pangyayari. Ang kalaban nila ay malupit at hindi matitinag, ngunit alam ko rin na si Ivy ay walang ibang layunin kundi ang tapusin ang lahat ng ito—ang lahat ng paghihirap na dulot ng mga kalaban ng Santiago Empire. Kaya't agad kong dinala ang kambal ko at ang mga kasambahay sa isang ligtas na lugar sa mansyon. Ang mga mata ko’y hindi mapakali, nakatingin sa mga pader ng mansyon na parang may makakapasok na kahit sino sa mga oras na ito. Hindi ko na hinayaan pang magtagal ang takot at panik, ang mga bata ko, kahit maliit, ay ang pinaka-ma
Chapter 230 Hindi ko na binigyan pa ng pagkakataon si Ramon, mabilis ang aking kilos. Nanlaki lamang ang kanyang mata ng nasa harapan na ako sa kanya. Walang buhay ang aking mga matang nakatingin sa kanya, bumalik ang dating ako. Isang mamatay na assassin pero ngayon ay hindi na mga inosenteng tao ang pinatay o papatayin ko. Isang masamang tao ang aking hahatulan sa kamatay isa na si Ramon ang dating kanang kamay ng aking Ama. "Paa—," hindi ko na tinapos ang kanyang sasabihin. Agad kong giniliitan ang kanyang leeg, dahilan upang tumalsik ang kanyang dugo sa aking suotbna damit. Ang aking katawan ko ay naramdaman ko ang pangangalay, ang mga kalamnan ko ay nanginginig sa pagod, habang hinahabol ko ang aking hininga. Ang aking mata ay nanatili sa katawan ng pinuno ng kalaban na ngayon ay wala nang buhay, ang ulo ay nasa sahig, ang dugo ay unti-unting dumadaloy mula dito. Nakatitig ako dito ni walang pagsisisi na aking nararamdaman, ang mga kamay ko ay mahigpit naka hawak s