Chapter 137 Pagkatapos kong nadala sa madilim na parte ay maingat ang mga galaw ko saka iniisa-isa ang mga nagbabantay sa labas hanggang naubos ko silang lahat. Kaya mabilis ang aking kilos pumunta sa may entrance upang makapasok sa loob. Hindi gaano ka maliwanag ang paligid kaya napangiti ako dahil pabor sa akin ito. Sumilip ako sa isang pintuan na may nakatayong apat na armadong mga lalake. Kaya binaling ko sa aking gilid ng may nakita akong isang hagdan paakyat walang atubiling umakyat ako doon hanggang makarating ako sa may itaas kaya kitang-kita ko ang nangyari sa ibaba. Kahit salamin ang naging pundasyon ay hindi hadlang upang hindi ko maaninag ang aking sadya walang iba kundi si Bea. Hanggang nagsimula na itong nagbintahan kaya agad kong hinanda ang aking sarili. "The real battle begins now." Ngising sambit ko saka ko tinali ang dala kong manipis na tali kahit anong titig ay hindi ito makita. Kahit manipis lang ito pero matibay, pagkatapos kong tinali sa isang baka
Chapter 138Marcos POVNasa opisina ako sa ospital, kung saan ako nagtatrabaho. Hindi na ako umuwi pagkatapos ng party na dinaluhan ko, nang may kumatok sa pinto ko. Agad ko itong binuksan."Doc Marcos, may pasyente pong bagong dating, kritikal ang kondisyon!" sabi ng isang nurse.Agad akong lumabas ng opisina at nagtungo sa operating room. Habang papalapit kami, nakaramdam ako ng kaba na hindi ko maipaliwanag. Nang makita ko ang pamilyang Santiago, nag-aalala sila at duguan ang damit ni Enno, ang panganay na anak ng mga Santiago."Magandang gabi, Mr. Santiago!" bati ko sa kanila."Doc Marcos!" sigaw ng ama nila. "Iligtas mo ang aming Prinsesa!" pagmamakaawa niya.Napako ako sa kinatatayuan ko. Agad akong nagmadaling pumasok sa emergency room para makita kung sino ang tinutukoy nila. Kahit na kinakabahan ako, gusto kong makita at malaman ang katotohanan.Pagpasok ko sa loob, nakita ko agad ang babaeng nag-aabala sa akin noong nasa party ako kahapon. Duguan ang mukha niya, at napako an
Chapter 139Hanggang inilipat si Xenna sa recovery room Kaya agad kami nagtungo doon. Nakita ko ang kanilang bawat galaw na hindi basta-basta ang kanilang kinatatayuan buhay. Habang naglalakad kami ay maraming mga bagay ang pumapasok sa aking isipan ang katahimikan namin ay biglang naputol ng may biglang nagsalita sa aking likuran. "Mar," napahinto ako dahil iisa lamang ang tumawag sa akin ng ganoon pangalan walang iba kundi si Bea. "Patawad!" bigkas nito kaya agad akong lumingon pero iba ang nakita kong Bea ang niyang nakasama ko sa bahay ay maraming piklat sa mukha subrang kalunos-lunos ang sinapit nito kung sino man ang maygawa nito. "Sino ka?" tanging tanong ko. "A-ako si Bea, ang totoong Bea na kababata mo!" bigkas nito na may luhang tumulo doon. "Paanong?" "Ang kasama-sama mo ay hindi ako, ang kakambal ko ang lagi mong kasama na syang dahilan kung bakit nagkaganito ako," sabi nito. "Pero ako naman ang dahilan pagka-comatose ng babaing pinakamamahal mo, kung hindi nya ako o
Chapter 140 LUMIPAS ang mga araw, buwan at taon ay natanggap ako ang isang mensahe galing sa pamilya ni Xenna. Ang mensahe ay naglalaman ng mga larawan ng aming anak, laking tuwa ko dahil hindi lang isa kundi tatlo ang naging anak namin na kinawayan ko ng lubusan lalo na't nagiging malusog at masigla ang mga ito. Ang aking puso ay nag-init sa pagmamahal, sa pag-asa na makikita silang tatlo ng personal. Sa mensahe, sinabi ng pamilya ni Xenna na nagpapasalamat sila sa aking pag-aalaga kay Xenna. Pinapaliwanag nila sa akin kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa sila bumalik. Nagkaroon pala ng temporary amnesya si Xenna kaya hanggang ngayon ay hindi pa sila nakabalik sa Pinas. Sa sandaling iyon, nagpasya ako. Hindi ko maaaring hayaang mawala sa akin ang aking pag-asa. Hindi ko maaaring hayaang mawala ang aking pagmamahal kay Xenna at sa aming tatlong mga anak. "Maghihintay ako!" yang ang bigkas ko sa akin sarili. "Maghihintay ako ng araw na makikita ko ulit silang apat, na
Chapter 141 Habang magkasama kaming naglalakad, nagkuwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa aming buhay habang magkalayo. Ikinuwento ni Xenna ang mga bagong kaalaman at karanasan na nakuha niya, at ako naman ay nagbahagi ng mga alaala at mga pangarap na patuloy kong pinanghahawakan. Nang makarating kami sa isang maliit na cafe, umupo kami at nag-order ng mga paborito naming pagkain. Habang hinihintay ang aming order, hindi ko mapigilan ang pagtitig kay Xenna at sa kanilang anak. Ang kanilang presensya ay parang panaginip na nagkatotoo, isang himala na hindi ko inasahan. "Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa amin," sabi ni Xenna, hawak ang aking kamay. "Hindi namin makakayang harapin ang lahat ng ito kung wala ka." "Ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas," sagot ko, tinitignan siya ng buong pagmamahal. "Hindi ko kayang mawala kayo sa buhay ko." Habang kumakain kami, puno ng tawanan at kwentuhan ang aming mesa. Ang mga sandaling iyon ay nagbigay sa akin ng pag-asa at kasiyahan na
Chapter 142 Xenna POV Ligid sa kaalaman ni Marcos ay bumalik na ang aking alaala ngunit hindi ko ito sinabi. Kaya kami bumalik dahil may banta sa kanyang buhay at ngayon ay andito kami sa bahay ng nais pumatay sa kanya, ang kanyang matalik na kaibigan. Habang nagkakasiyahan sila, pasimple kong nilagyan ng maliit na camera ang bawat sulok nito. Hindi ako takot na isama ang tatlo naming anak na 3 years old dahil andyan sina Mommy at Daddy, laging nakabantay sa amin. Flashback "Ano 'to, Mom, Dad?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Yan ang last misyon mo, Xenna," sagot ni Mommy. "Basahin mo ang detalye," bigkas ni Dad. Kaya agad ko iyong binasa. "Rolando Tolentino, kababatang kapatid ni Marcos Gonzalez. Isang drug dealer at nais patayin ang kanyang matalik na kaibigan dahil sa pagkawala ng kakambal ni Bea," yun ang nabasa ko sa impormasyon. "At siya rin ang dahilan kung bakit nawawala ka sa iyong sarili kapag nakita mo ang iyong dugo, Xenna. Ang taong nais kang patayin noong bata ka
Chapter 143 Pagsapit ng gabi ay agad akong kumilos. Pinatulog ko muna si Marcos gamit ang isang gamot na si Tita Sky pa ang nakaimbento bago ako pumunta sa bahay ni Rolando. Ang tatlo ay hinabilin ko kina Mommy habang may gagawin akong misyon. May tiwala akong iwan ang aking tatlong anak dahil dati din itong assassin na kinabibilangan ko ngayon. "Mag-ingat ka, Enna! Kung maaari ay huwag mong patagalin," sabi niya sa akin. "Opo, Mommy!" sagot ko agad. "Ku-kunin ko agad ang buhay ni Rolando upang wala nang banta sa buhay namin, lalo na kay Marcos!" dagdag kong sabi. Pagdating ko sa bahay ni Rolando, tahimik akong pumasok, iniiwasan ang anumang ingay na maaaring makapag-ingat sa kanya. Ang dilim ng paligid ay tila nagtatago ng mga lihim at panganib, ngunit disidido akong tapusin ang misyon na ito. Sa bawat hakbang na aking ginagawa ay nararamdaman ko galit at isang mabigat na responsibilidad naka pasan aking balikat. Ang kaligtasan ni Marcos ay nakasalalay sa aking mga kamay. Alam
Chapter 144 Tinawagan ko ang isa kong kasamahan, isang pulis, upang dakpin si Rolando. Saka ako tuluyang umalis upang pagplanuhan namin ng aking ina kung anong dapat gawin dahil ang aking ina ang bihasa sa ganitong pagplano dahil isa siyang assassin na mas kilalang Agent C. Pagdating ko sa aming mansyon, agad kong hinanap si Mommy. Nasa kanyang lihim na silid siya, nag-aaral ng mga mapa at plano. Tumigil siya at tumingin sa akin nang makita niya akong pumasok. "Mommy, kailangan ko ang tulong mo," sabi ko, dala ang mga dokumentong nakuha ko mula kay Rolando. "May mas malaking panganib na paparating. Ang pangalan ng organisasyon ay Umbra," sabi ko. Agad niyang kinuha ang mga dokumento at sinuri ito. "Umbra... matagal ko nang narinig ang pangalan na ito," sabi niya, puno ng pag-aalala. "Kung totoo ang sinasabi ni Rolando, kailangan nating maging handa. Hindi biro ang kalaban na ito," dagdag nitong sabi. "Anong dapat nating gawin, Mommy?" tanong ko, umaasang may plano siya.