Chapter 144 Tinawagan ko ang isa kong kasamahan, isang pulis, upang dakpin si Rolando. Saka ako tuluyang umalis upang pagplanuhan namin ng aking ina kung anong dapat gawin dahil ang aking ina ang bihasa sa ganitong pagplano dahil isa siyang assassin na mas kilalang Agent C. Pagdating ko sa aming mansyon, agad kong hinanap si Mommy. Nasa kanyang lihim na silid siya, nag-aaral ng mga mapa at plano. Tumigil siya at tumingin sa akin nang makita niya akong pumasok. "Mommy, kailangan ko ang tulong mo," sabi ko, dala ang mga dokumentong nakuha ko mula kay Rolando. "May mas malaking panganib na paparating. Ang pangalan ng organisasyon ay Umbra," sabi ko. Agad niyang kinuha ang mga dokumento at sinuri ito. "Umbra... matagal ko nang narinig ang pangalan na ito," sabi niya, puno ng pag-aalala. "Kung totoo ang sinasabi ni Rolando, kailangan nating maging handa. Hindi biro ang kalaban na ito," dagdag nitong sabi. "Anong dapat nating gawin, Mommy?" tanong ko, umaasang may plano siya.
Chapter 145 Agad akong bumaling upang bigyan ng malakas na suntok ang kalabang sumugod sa akin. Nakipagsabayan ako tulad ng aking ina at mga kasamahan niya. Lahat ng tinuro nila sa akin, lalo na ni Tita Sky, ay aking nagamit. Bilang isang assassin at anak ng dating assassin, naging bihasa ako sa pakikipaglaban. Hanggang nakita kong dumukot ng espada ang kalaban kaya tanging ilag lang ang aking ginawa. "Enna, salo!" sigaw ni Tita Sky saka initsa ang isang espada. Doon ko lang napansin na lahat ng kalaban ay may hawak na espada. Agad kong sinalo ang espada na initsa ni Tita Sky. Ramdam ko ang bigat nito sa aking kamay, ngunit alam kong kailangan kong gamitin ito upang protektahan ang aking sarili at ang mga kasama ko. "Focus, Xenna. Huwag kang magpapatalo," bulong ko sa sarili ko, habang humihinga ng malalim. Sumugod muli ang mga kalaban, ang kanilang mga espada'y kumikislap sa liwanag ng silid. "Huwag kayong magpapatalo! Laban lang!" sigaw ni Tita Sky, habang patuloy na nakikipa
Chapter 146 "Kailangan makasiguro tayo na ligtas ang iyong pamilya. Kailangan nating kunin ang lahat na maaaring ikapahamak ninyo," sabi ni Tita Sky, ang boses niya'y puno ng seryosong determinasyon. "Tama ka, Agent Black!" sagot ni Tita P, ang tono niya'y walang bahid ng pag-aalinlangan. Sumang-ayon ang lahat, pati si Mommy, kaya agad naming hinalungkat ang paligid. Kinuha namin ang lahat ng maaaring magdulot ng panganib—mga dokumento, armas, at iba pang kagamitan ng mga kalaban. Pagkatapos naming makuha ang lahat, agad inutos ni Tita Sky na tamnan ng bomba ang paligid. "Tiyakin niyong walang makakalabas dito nang buhay," utos niya, ang mga mata'y nagliliyab sa panganib. "Masusunod, Agent Black," sagot ni Agent T, habang sinisimulan ang pag-set up ng mga bomba. Habang abala kami sa paglalagay ng mga eksplosibo, naramdaman ko ang tensyon bawat galaw namin. Alam kong kailangan naming gawin ito upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, ngunit hindi ko maiwasang maramdaman ang pangani
Chapter 147 Hanggang makarating kami sa mansyon kung saan iniwan ko si Marcos na walang kamalay-malay sa nangyari dahil pinatulog ko ito gamit ang gamot. Dahil sa tagumpay ng aming operasyon at sa tulong ng mga kasamahan ni Mommy—sina Agent A, T, R, at P—naging payapa ang aking kalooban. Sa pamumuno ni Tita Sky o Agent Black, naging maayos ang lahat at wala nang banta sa buhay ni Marcos. Pagpasok namin sa mansyon, agad kong tinungo ang kwarto kung saan natutulog si Marcos. Tahimik siyang nakahiga, walang kamalay-malay sa mga nangyari sa labas. Umupo ako sa tabi ng kanyang kama at hinaplos ang kanyang buhok. "Xenna, kailangan nating mag-usap tungkol sa susunod nating gawin," sabi ni Tita Sky, habang pumasok sa kwarto. "Oo, Tita. Ano ang plano natin?" tanong ko, habang tinitignan siya. "Kailangan nating tiyakin na walang natitirang banta. Kailangan nating alamin kung may iba pang grupo na maaaring magtangkang gumanti," sagot ni Tita Sky, ang boses niya'y seryoso. "Handa ak
Chapter 148 "Assassin? Paano ninyo nagagawa ang mga ganitong bagay?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "May mga bagay na kailangang gawin para sa ikabubuti ng nakararami," sagot ko, ang boses ko'y puno ng seryosong determinasyon. "Hindi lahat ng tao ay kayang intindihin ang aming misyon, pero ito ang realidad ng aming mundo." "Ngunit paano kayo nakakatulog sa gabi, alam ang mga buhay na kinuha ninyo?" tanong niya, ang kanyang boses ay nanginginig. "Ang bawat misyon ay may dahilan. Ang bawat target ay may kasalanan na dapat pagbayaran," sagot ko, tinitingnan siya ng diretso sa mata. "Hindi ito madali, pero ito ang aming sinumpaang tungkulin," pagpapaliwanag ko dito. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, pero alam kong kailangan niyang marinig ang katotohanan. "Kung hindi kami kikilos, mas maraming inosenteng buhay ang mawawala. Kami ang mga anino na naglilinis ng kasamaan sa mundong ito," dagdag ko, ang boses ko'y malamig at puno ng seryos
Chapter 149 Lumipas ang mga araw at buwan qy naging tahimik na ang aming paligid. Wala ng banta sa buhay namin lalo na kay Marcos. Naging masaya kaming lahat lalo na ng tuluyan na nag pakilala si Shadow da kanyang kapatid. Kaya ngayon ang araw ng aming pag-iisang dibdib. Napailing na lang ako sa aking kasal dahil sa kalukuhan ng aking kasamahan. Halos mga bisita namin ay napalunok sa kanilang nakita at bakas sa kanilang mata ang takot habang nakatingin sa aming decoration. Sino ba namang hindi matatakot na dapat ang decoration ay mga bulaklak at puting tila kanilang susuotin at ang aming lalakaran ay dapat red carpet. Ngunit iba ang kanilang inilagay, dapat bulaklak ay naging bala ng machine gun, dapat na puting tila ay itim ang damit sinuot ng abay pati ang aming nilalakaran ay itim din. Ang aking mga bridesmaid ay nakabalangkas mukha tanging mata at labi lang ang makikita.Ang mga bisita ay nagbulungan, hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Ang bawat hakbang ko ay tila m
Chapter 150Agad akong napabuntong-hininga. Dahil sa kagagawan ng aking kambal, hindi na nakatiis ang aking kaibigan kaya ito nilayasan.Agad kong binuksan ang laman ng sobre. Pagkakita ko, agad lumaki ang aking mga mata dahil isang buwan kaming mag-hohoneymoon sa Hawaii."OMG, one month honeymoon to Hawaii!" bigla kong bigkas.Agad namang napatingin sina Mommy, Daddy, Red, at Blue sa aking sinabi. Ganoon din si Marcos.Bakas sa aming mga mata ang pagkagulat dahil hindi biro ang ibinigay ng aking kambal sa aming honeymoon ni Marcos."Hindi biro ang halagang inilaan sa honeymoon mo, Enna!" wika ni Mommy, ang kanyang mga mata'y puno ng pagtataka."Oo nga, anak," dagdag ni Daddy. "Napaka-generous ng kambal mo.""Grabe, Enna! Hawaii for one month? Ang saya niyan!" sabi ni Red na may ngiti sa kanyang labi."Talagang pinaghandaan nila ito," sabi ni Blue habang tinitingnan ang mga detalye ng aming trip.Lumapit si Marcos at hinawakan ang aking kamay. "Enna, napakapalad natin. Ang ganda ng re
Chapter 151Lumipas ang mga nagdaang buwan, ngayon ay nagdadalang-tao na rin ako. Kung anu-anong mga pagkain ang pinaglilihian ko na kakaiba. Anim na buwan na akong buntis pero hanggang ngayon ay naglilihi pa rin ako."Marcos, bili mo ako ng strawberry na blue," sigaw ko dito.Nagmamadaling pumasok si Marcos sa kwarto, ang kanyang mukha ay puno ng pagtataka at pag-aalala. "Strawberry na blue? Enna, sigurado ka ba?""Oo, Marcos! Pakiramdam ko talaga kailangan ko ng blue na strawberry," sagot ko habang hinahaplos ang aking tiyan.Napakamot ng ulo si Marcos, ngunit alam kong gagawin niya ang lahat para mapaligaya ako. "Sige, hahanap ako ng paraan," sabi niya habang lumalabas ng kwarto.Habang naghihintay, naramdaman ko ang mga sipa ng aming baby. "Mukhang excited na rin siya," bulong ko habang nakangiti.Makalipas ang ilang oras, bumalik si Marcos na may dalang basket ng mga prutas. "Enna, wala akong mahanap na blue na strawberry, pero may dala akong iba't ibang prutas na pwedeng magustu