Nang makapasok na kami sa loob ng condo ni Jessy ay agad kaming tumungo ni Mama sa kusina at sina Papa at Damsel naman ay naupo sa living room.Inilalabas ko na mula sa paper bag ang mga pagkain at si Mama naman ay naglalagay na ng mga plato at kubyertos sa dinning table."Mabuti na lang marurunong kayo sa bahay," saad ni Mama habang nililibot niya ng tingin ang kabuuang unit ni Jessy."Pauwi na iyon si Jessy, Ma." imporma ko habang inilalagay na sa serving plates ang mga take out na pagkain.Pinakialaman na namin ang mga gamit ni Jessy sa kusina alangan hintayin pa namin siya at saka palang maghahain."Anu-ano ba iyang mga binili niyo?" tanong ni Mama nang sumulyap siya sa mga serving plates."As usual, there's steak, roasted beef, roasted chicken and lots of vegatable salad," sagot ko."Hindi niyo tinanong si Jessy kung anong gusto niyang kainin. Naglilihi na iyon ah?""I messaged her kanina nang nag-stop over kami sa resto, ang sabi niya anything na lang daw hindi naman daw siya nak
Kumakain kami ng umagahan nang mapansin kong simula nang dumating si Jessy, sayang saya siya... maybe because our parents visit her?"I'm so excited na makita na ang apo ko!" sambit ni Mama kasabay nang pagsalop ng kanyang dalawang kamay. She looks pleased."Isang buwan pa lang ang tiyan ni Jessy Ma. walong buwan pa ang hihintayin h'wag muna kayong na-excite baka mamaya maudlot pa," wala sa loob kong saad habang marahang kumakain.Jessy's face became sour. May nasabi ba 'kong hindi niya nagustuhan? Oh well I'm just stating the fact. She's a professional in med so I'm sure she knows what I mean... sometimes accidents happen.I don't like my own thoughts about her having a miscarriage. Ayaw ko rin namang mangyari iyon sa kanya dahil masakit sa akin bilang ina at kahit pa sabihing hindi na ako iiwan pa ng asawa ko ngayon magkaanak man kami o hindi ay ayoko pa rin mangyari ang ganoon."Jessa, I'm taking care of this baby. You know kahit na pamangkin ko lang itong bata ay sa akin pa rin si
"Dam, can I go outside to buy groceries? Kailangan ko nang mamili ng mga gamit pang-kusina," paalam ko sa kanya na sana payagan niya na 'kong lumabas mag-isa at balak ko ding bumili ng kailangan ni Jessy.Bakas sa mukha niya na tila nag-iisip kung papayagan niya na ako. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin na baka may kitain akong ibang lalaki... napaka-seloso."Umuwi ka agad," saad niya na ikinangiti ko at ibinalik niya na ang atensyon niya sa kanyang ginagawa sa harap ng laptop.We are here in the living room. Wala siyang pasok sa office today but he is working at home. Maybe he is just checking and answering important emails."Thanks Dam! Mag-ready lang ako para maaga akong makauwi," saad ko at tumayo na.He looked at me at tumingin sa suot niyang relo. "Come back here at 2:00, don't you ever go somewhere else." May warning sa boses niya.Tumango ako. "Yes, uuwi ako agad wala naman akong ibang pupuntahan." Naalala ko si Jessy. "Ah! Si Jessy nga pala! Pupunta ako sa condo niya, I'
"P'wede ba 'kong sumama sa bahay niyo?" tanong ni Jessy nang palabas na kami ng grocery market.Nilingon ko siya. "P'wede naman..." "Great! Tutal ay bibisitahin niyo naman ako dapat sa condo ko, right? To check me? Edi ako na lang ang bibisita sa inyo."I sighed. Muli akong tumango. "Sure."I don't know if it's a good idea but I don't want to take it personally because we all know that she's pregnant with our child at kung hindi rin man, hindi siguro masamang bumisita ito sa 'ming bahay, she's my twin sister kahit saan banda pa tingnan.Siguro kung may award lang sa pagiging open minded at pagpapanggap na okay lang ay baka award winner na ako."Nag-ki-crave ako Jessa...""Anong gusto mo?" tanong ko habang naglalakad kami patungong parking.Nakasunod sa amin ang dalawang lalaking baggers habang hila-hila nila ang dalawang malaking pushcart ng mga pinamili namin at marami-rami din kasi ako napamili ganu'n din si Jessy."Gusto ko ng mangga... iyung si Damsel ang magtatalop, for me?" Nak
"Hmmm... ang sarap..." may pagpikit na sambit ni Jessy matapos sumubo ng request niyang ulam kay Damsel.Ngumisi lang si Damsel at napataas lang ako ng kilay. "Sarap ba?" tanong ko sabay inom ko ng tubig.She giggled. "Oo, masarap. Craving satisfied."Craving satisfied my ass. "Well, I'm glad you're happy with what you are eating h'wag ka sanang ma-empacho," saad ko habang seryoso ang mukha kong nakatingin sa kanya.Napangiwi naman si Jessy at muntik masamid si Damsel habang umiinom ng tubig. Yes, she's pregnant pero I cannot tolerate her naughtyness."Grabe naman sa ma-empacho, sis? Parang may galit ah?" saad niya na tila ba isa lamang iyong birong pasaring sa akin.Ngumisi ako. "Why would I get mad at you? Wala namang dahilan..." Ramdam ko ang paninitig sa akin ng asawa ko habang diretso ang tingin ko sa gawi ni Jessy, he can sense that I'm upset right now, or should I say kanina pa."Well, I'll take that as a concern of you, don't worry Jessa asawa mo ang nagluto so I think his f
Two months have passed, unti-unti na rin nahahalata ang tiyan ni Jessy medyo nagiging chubby na rin ito but she stays sexy despite of her pregnancy. She manages her curves well.Sa loob din ng dalawang buwan na iyon, medyo nag-lie low ito sa pagdikit-dikit kay Damsel marahil nakakaramdaman o hindi kaya'y nakapag-isip-isip... sana.Today is our baby's gender reveal, nandito kami sa clinic ni Dra Franses to proceed with the ultrasound. I'm excited and kinda nervous at the same time. Hinihintay namin ito dahil sandali siyang may inasikaso sa lab ng hospital."I can feel that it's a girl!" excited na sambit ni Jessy kasabay nang pag-salop ng kanyang dalawang palad.I smiled. "Kahit anong gender basta healthy siya, I'm okay with it." Bumaling naman ako kay Damsel.Kahit tahimik ito nararamdaman kong excited din siya, hindi lang talaga siya showy na tao, I didn't expect him to react much."Ikaw ba Dam? Which gender do you prefer?" tanong ko sa kanya."Like what you've said, I'm okay if it's
Pauwi na kami buhat ng sasakyan, ilang sandali akong tahimik at nag-iisip kaya 'di ko na napigilan lingunin si Damsel na abala sa kanyang pagmamaneho."Dam, tingin mo anong problema ni Jessy? This is the first time na pasinghal niya tayong kausapin. Naniniwala kang hormone changes lang iyon?" tanong ko sa kanya."Maybe she realized na hindi worth it ang ginawa niya para makuha ang atensyon ko. She was pissed dahil hindi din niya makuha ang gusto niya sa 'kin," he answered straight.Hindi na kataka-taka kung iyon nga ang dahilan base sa bawat patak ng kanyang luha kanina nang pinapanuod niya kami kung gaano kami kasaya ni Damsel nang malamang babae ang anak namin.Any gender will do, masaya kami mapababae o lalaki man iyan. When the gender revealed, imbis na masaya siya dapat ay naging emosyonal siya, muka siyang lihim na nasasaktan at nagsisisi.Marahil ang pagsisising nakita ko kanina sa kanyang mga mata ay pagsisi niyang hindi niya pinakasalan si Damsel. She expected Damsel to hugge
Ilang araw na rin akong naghahanda para sa pagbabalik ko sa aming kumpanya, I already informed my parents and as expected they were shocked but happy at the same time.Hindi pa nila alam na babae ang magiging anak namin at piniling h'wag munang sabihin at sa mismong party na lang para surprise na sa lahat. Ngayon pa lang na-i-imagine ko na ang kanilang mga reaksyon ay talaga namang tunay na nakakagalak.I talked to Jessy about the gender reveal party and she's helping me to prepare kahit na busy siya sa kanyang duty sa hospital. Nakausap ko na rin ang mga party organizers at iba pang services na kakailanganin.Jessy apologized to us about her behavior last time when we were at Dra. Franses clinic. Masiyado lang daw siyang maraming iniisip lately tungkol sa trabaho at hindi niya na napigilan pa ang kanyang bugso ng damdamin.If I know, hindi talaga iyon ang dahilan."You've really decided to go back, huh?" Damsel asked teasingly while watching me reading reports on my laptop, mga panah
Nagising akong kulabo ang paningin hanggang sa unti-unting luminaw ang kapaligiran, puti ang kisame at dingding.I'm feeling groggy ngunit alam ko kung nasaan ako, I'm in the hospital. Huli kong natatandaaan nawalan ako ng malay dahil sa matinding pagkahilo.Unti-unti akong gumalaw para sana bumangon ngunit may kamay na humawak sa baywang ko."Don't move, Jessa." Para akong nananaginip...boses iyon ng asawa ko.Ang baritonong boses niya... siya ito.Mabagal akong bumaling sa gilid ko, I saw his serious face looking at me intently. Inabot ko ang pisngi niya pababa sa panga, his features are still the same from the last time I saw him, gwapo pa rin...Malamlam ang mga mata kong sinusuri ang mukha niya dahil baka nananaginip lang ako pero hindi. Totoong nasa harapan ko ngayon ang asawa ko. I felt my hot tears streaming down to my both cheeks."Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan?" puno ng hinanakit kong tanong sa kanya. "Hindi mo alam kung gaano ako nangungulila sa iyo..." dagdag ko haban
It's been a month since Damsel and I separated, but we're not annulled yet because I refused to sign the papers but my parents keep on insisting it. Nagmamatigas ako. Hindi ako pipirma.I am guarded by these bodyguads hired by them if Damsel tries to come near me they will fence me. How funny, isn't? Sarili kong asawa hindi ako malapitan. Every time na papasok ako sa trabaho palaging nakasunod ang mga ito, which makes me irritated day by day.Simula ng mangyari ang mainit na paguusap at komprontahan dahil sa iskandalong ginawa ni Jessy ay ipinadala siya sa Switzerland para doon na manirahan and she's not allowed to go back here in the Philippines anymore.Nanatiling sikreto ang lahat sa publiko. Sinikap ng mga magulang kong h'wag makalabas ang problemang makasisira sa aming mga pamilya.She's now married to Ryke, wala siyang nagawa nang magdesisyon ang aming mga magulang dahil gusto nilang may managot sa batang nasa tiyan ni Jessy. Ryke immediately offered a quick wedding after he fo
Isang malakas na palad ang tumama sa magkabilang pisngi ni Jessy na lumikha ng tumataginting na malutong na tunog sa bawat sulok ng condo, tila wala nang pakialam ang lahat kung makunan man ito ngayon."PAANO MO ITO NAGAWA SA PAMILYA NATIN, JESSY?! AT HIGIT SA SARILI MONG KAPATID??" Nagsisidhing tanong ni Mama nang malaman nila ang nangyari at ang katotohanan sa pinaggagawa ni Jessy.Narito ang mga magulang namin ni Damsel, karapatan nilang malaman dahil hindi ito biro.Wala na silang sinayang na oras nang sabihin ko ang problema sa kanila kaya agad silang pumarito sa condo ni Jessy kung nasaan kami ni Damsel dahil sinundan namin ito hanggang makauwi para mas masinsinang makausap.Sapo ni Papa ang kanyang noo dahil sa labis na pagkadismaya at galit kay Jessy ganoon din ang mga magulang ni Damsel. Hawak ni Mommy Mabel ang kanyang dibdib dahil hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari at si Daddy Roderick naman ay sapo rin ang kanyang noo kagaya ni Papa na labis din ang galit at pagkadis
Hindi na kami nag-abalang umuwi pa ng bahay, diretso na kaming pumunta kay Dra Franses for Jessy's check up. Tumigil kami sa tapat ng clinic at akma sanang bubuksan ko na ang pintuan nang makitang may siwang ito at may nag-uusap sa loob kaya napahinto kami ni Damsel."Jessy, I can't take this anymore... hindi na kinakaya ng konsensya ko!" Boses iyon ni Dra Franses na tila bagabag ito at medyo tumaas ang boses."Binabayaran naman kita ng sapat na halaga higit pa sa binabayad sa iyo ng kapatid ko at ng asawa niya! Kaya anong problema mo??" Puno ng iritasyon ang boses ni Jessy.Nilingon ko si Damsel na ngayon ay tila nagdidilim ang mukha kahit hindi pa namin alam kung anong pinaguusapan nila. Anong hindi na kinakaya ng konsensya? At bakit binabayaran ni Jessy ng doble si Dra Franses? Para saan?"Aamin ako sa kanila! Sasabihin ko ang totoo!""Sige! Subukan mo? Baka nakakalimutan mo kung anong kaya kong gawin? Pili ka, iyung panganay mo o iyung bunso? Kambal sila pareho 'di ba?" Jessy th
"Kung ganoon, sino ang lalaking nakita ni Jarred kung hindi nga talaga ikaw iyon?" tanong ko ngunit may bakas pa rin ng duda."Maybe it was Ryke? Me and that f*cker have the same resemblance. We have the same built and height madalas napagkakamalan siyang ako," sagot niya.Napatigil ako at napaisip. Pinagmasdan ko siyang mabuti upang suriin kung nagsasabi nga siya ng totoo. Kung sa bagay unang kita ko kay Ryke malaki talaga ang hawig nila lalo na sa pangangatawan, may bahagi ang mukha nilang magkapareho.Walang hiyang Jarred! Titingin na lang mali-mali pa! Sa itsura ni Damsel ngayon mukang naninindigan talaga siyang hindi siya ang lalaking kasama ni Jessy papasok ng motel.Kung si Ryke nga iyon, ibang klase din naman talaga itong si Jessy? Ang akala ko ba ayaw niya na ro'n sa lalaki ba't siya nagpapagamit pa? Akala ko wala na sila? At higit sa lahat, buntis siya for God's sake!"Kung siya nga iyon... akala ko ba ayaw niya na kay Ryke? Ba't ngayon nagkasama pa sila sa motel?" tanong ko
Nagpupuyos ang kalooban ko, hindi ako makapag-isip ng tama. Litong-lito na ako.Damsel told me that he didn't sleep with Jessy, pero ang sabi ni Jarred he saw him with Jessy na pumasok sa isang motel? Sino ang paniniwalaan ko?Hindi na ako nagsayang pa ng oras, dalian akong pumunta sa Montevial Corp. Para puntahan ang magaling kong asawa.Tumigil ako sa harap ng sekretarya niya. "Where is my husband? Nandito ba siya?""Ah nasa loob po Ma'am, may ka-meeting. Pakihintay—"Hindi ko na siya pinatapos magsalita nang dire-diretso na akong pumasok sa opisina ni Damsel at awat-awat ako ng secretary pero hinawi ko lang siya nang hinarangan niya ang dadaanan ko.Pagkapasok ko ay naabutan ko itong may kausap na matandang lalaki at agad silang napalingon sa gawi ko nang padarag akong pumasok."I'll be back some other time, Mr. Montevial. Your wife is here, I should go now mayroon din akong pupuntahan. Thanks for the deal, you're a life saver," saad ng matanda at nagpaalam nang aalis na sabay tayo
Sa guest room ako natulog, hindi rin ako sumabay sa kanya ng umagahan at maaga akong pumasok sa trabaho nang hindi siya tinapunan ng tingin kahit makalabas ako ng bahay.He tried to start a conversation with me but I refused because I didn't want talk to him dahil alam ko mauuwi lang sa away. Namumugto na naman ang mga mata ko. Parang dati lang sa tuwing gigising ko ng umaga because of my midnight cries."Ma'am, good morning! I just want to inform you po na may schedule po kayo ng lunch meeting kay Sir Jarred mamaya pong 12:00," My secretary informed me nang salubungin niya 'ko pagdating ko."Okay, thank you Sammy." Pumasok na ako sa loob ng office. Wala ako sa wisyong magtrabaho ngunit hindi ko p'wedeng dalhin dito ang problema ko I have a lot of work to do.Naalala ko hindi ko pa nga pala nakakausap si Jessy at nakakamusta simula nang makabalik siya sa condo niya. Ang hirap ng ganitong may problema ka sa isang tao tapos hindi mo alam kung paano mo ba siya pakikitunguhan o kakausapi
Natapos ang makabuluhang paguusap namin ni Ryke nang napaalam na ito dahil marami pa raw siyang kailangang gawin.Okupado ang isip ko sa mga nalaman nang nakauwi na ako ng bahay kinagabihan. Hindi pa rin mag-sync in sa akin ang lahat. Hagod ko ang buhok kong naupo sa sofa at yumuko.Itinukod ko ang magkabilang siko ko sa tuhod at ang kamay palad ay nasa aking noo. Dahil sa pagod at sobrang pagiisip sumasakit ang ulo ko."Bakit ngayon ka lang?" Damsel's loud voice boomed in every corner of our living room.Sana sinundo mo 'ko kung gusto mo naman pala akong umuwi ng maaga. Bwisit. Hindi ako nag-abalang mag-angat ng tingin sa kanya at nanatili ako sa posisyon ko."Anong pakialam mo?" malamig kong tanong sa kanya na hindi niya naman inaasahan.Bakas ang gulat sa kanya. "What did you say, Jessa? Ulitin mo nga?""Ang sabi ko ano bang pakialam mo?"Mabilis siyang nakalapit sa akin at hinila ako patayo. Mananakit na naman ba siya? Siya pa may ganang manakit?"What's your problem, huh?" tanong
"H-How did she know—""Because they are besties?" he sounds sarcastic nang hindi niya ako pinatapos magsalita.How stupid are you, Jessa? Of course, Dra. Franses knows it because they are long time best friend! Kasasabi lang.Kukurap-kurap ako at iniisip ang sasabihin. "Kaya naman pala... kaya ganu'n na lang sila kung makitungo sa isa't isa dahil alam nila ang bawat sikreto ng isa. But I didn't really expect na ganoon siya pinagkakatiwalaan ni Jessy sa sikreto niya.""Paanong hindi eh, wala siyang choice kundi lumapit sa doctorang iyon na kasalukuyan pa lang nag-aaral noon," klaseng may ibig siyang ipabatid.Simula nang mag-usap kami nitong si Ryke kanina pa, ay binubusog niya na ang utak ko sa mga bagay na kailangan kong malaman at ibinubukas niya ang isip ko sa katotohanan sa likod ng lahat ng ito.Naningkit ang mga mata kong tiningnan siya. "Paanong wala siyang choice na lapitan ito? What do you mean by that?" tanong ko. May nagtutulak sa isipan kong alamin din ang tungkol dito.H