Abala si Natasha sa pag-aayos ng mga dokumentong papipirmahan sa boss niya nang biglang bumukas ang elevator. Natigil siya sa ginagawa at napalingon doon.Napataas ang isang kilay nang makita kung sinong lumabas mula sa elevator."Good morning, Sir," pormal na bati niya sa lalaking bagong dating.Sa tuwing makikita niya ang lalaking ito, na walang iba kundi si Cedrick Thompson ay nag-iiba ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung bakit pero magkahalong inis at kaba iyon.Nilagpasan lang siya ng lalaki, pero tumigil ito sa tapat ng pintuan ng opisina ng ama nito. Matagal itong nakatayo roon na parang may iniisip."Sir, may kailangan ba kayo?" hindi na nakatiis na tanong niya.Pero sa halip na sagutin siya ay saka naman ito pumasok sa loob.Ngali-ngaling batuhin niya ito ng puncher kung hindi lang siya mawawalan ng trabaho.Noong isang araw, para itong kung sino na bigla na lang dumating sa apartment niya na nakikain at nakitulog.Wait, Natasha. Hindi siya ang nakikain kundi ikaw. Siya
Pagdating sa restaurant, kumaway sa kanila ang isang waiter para ituro ang kanilang table. Sandamakmak ang pagkaing nakahain doon. Lumingon siya sa kanilang likuran dahil baka may kasama pa sila, pero mukha namang sila lang dalawa ang kakain doon. Natigil sa paglakad ang lalaki nang lumingon siya. Inalalayan siya nito patungo sa naka-reserved na lamesa. Ang nakasimangot na mukha nito kanina ay nawala na, pero seryoso pa rin. Nakita siguro nito ang kaniyang pagtataka, kaya hinila siya paharap at nagsalita ito."This is our first date. I mean. . . your first lunch with me. And I know my dad will kick my a** if his secretary becomes thin when he comes back in the office. So, this is it! Let's eat." At inaya siyang maupo sa isang bakanteng upuan.Napansin niya ang tatak ng restaurant. Saan nga ba niya iyon nakita. Biglang nag-blink sa isip niya ang minsang ipinadalang pagkain ni Ken sa kaniya.Coincidence lang ba iyon? O baka naman talagang masarap ang pagkain sa restaurant na iyon? Tu
Pagbalik sa opisina inayos niya ang pagkain sa mini-refrigerator sa pantry para initin na lang mamaya. Tama rin naman ang naisip ng lalaki para makatipid na rin. Pero sa dami ng pagkain baka hindi pa rin nila maubos iyon. Nang matapos ay bumalik na siya sa table at inayos ang mga natitirang papeles na pipirmahan. Pero kailangang ang matandang Thompson ang pumirma ng mga iyon. Sa isang araw pa naman kailangan kaya ipapadala na lang niya iyon sa lalaki. Abala siya sa pagdikit ng mga sticky notes ng tumunog ang cell phone niya."Hi! How's your lunch?" mula kay Ken.Sumilip muna siya sa bintana ng opisina ng boss niya, dahil baka makita siya nito. Pero abala ito sa pagpindot sa sariling cell phone.Mabilis siyang nag-reply."Okay naman. Hindi nga lang ako makahinga sa sobrang pagkabusog. Marami kasing pagkain, pero dalawa lang kami. But in fairness, masarap at nag-enjoy naman ako," sagot niya na ngumingiti pa habang nag-s-send ng mensahe."That's good! I miss you," sagot ni Ken. Biglan
Inayos niya ang sarili bago bumaba sa sasakyan at kinuha mga files sa likod. Eksaktong bubuksan niya ang pinto nang bumukas na iyon. Wala na pala sa tabi niya ang lalaki. Para itong kidlat sa bilis kumilos. Inabot nito ang kamay para tulungan siyang bumaba ng sasakyan."No need, Sir. I can manage." Hindi tinanggap ang kamay nito.Nagdikit ang mga kilay nito. "I will carry you straight inside the mansion if you don't hold my hand. And I am not kidding." Seryoso itong nakatingin sa kaniya.Nagdalawang isip siya kung aabutin ba iyon o hindi. Pero mukhang hindi ito nagbibiro.Isang irap ang pinakawalan niya dahil hindi na niya makayanan ang pagka-bossy nito. Saka niya tinanggap ang kamay nito."Good girl," bulong nito sa kaniya.Nagmamadali siyang binuksan ang back seat para kunin ang mga papeles doon. Hindi niya ito pinansin at nauna ng humakbang papasok."Pedring, get all the food inside and park the car!" Narinig niyang utos ng binata sa matanda. Saka narinig ang mga yabag nitong nagma
Halos hindi siya makatulog ng oras iyon. Nakatitig pa rin siya sa bulaklak na nasa table. Tumingin siya sa orasan. Pasado alas-dos na nang madaling araw. Tatlong oras na mula nang ihatid siya ni Cedrick, pero gising na gising pa rin ang diwa niya.Sinusubukan niyang ipikit ang mga mata pero mukha ng lalaki ang nakikita niya."Cedrick Thompson!" Bumalikwas siya sa higaan."Tumayo siya at kumuha ng gatas sa mini fridge. Pabagsak siyang umupo sa upuan at nagsimulang inumin ang malamig na gatas. Kinalikot niya ang kaniyang cell phone para manood ng mga korean movies, pero text ni Ken ang biglang nakita niya.Two minutes ago?"I'm drunk, babe. Are you still awake?" Bungad sa kaniya ng mensahe.Kumunot-noo siya at kinabahan sa uri ng text ng lalaki. May kurot sa dibdib niya ang maikling mensahe na iyon. Mas lalong naghalo emosyon niya.Tutal hindi rin siya makatulog, patulan na lang niya ang chat nito."Yeah! Do you have a problem?" sagot niya rito"I want you and I miss you. Can we meet?
Isang mapayapang araw iyon para sa kaniya, dahil mabilis na lumipas ang isang linggo at bumalik na si Mr. Thompson sa kaniyang trabaho. Ang anak nito ay lumipat na sa sariling opisina. Sa kabilang building lang naman iyon kung tutuusin. Pero bakit hinahanap niya ang presensya ng lalaki roon? Nakakahiya man aminin pero na-m-miss niya ito. Nag-prepare sila ni Emma ng mga dokumento para sa general assembly na gaganapin ngayong araw. Pagkatapos niyon ay inayos niya ang mga gagamitin ni Mr. Thompson. Napatingin siya sa isang signing contract na nakalista roon. Iyon ang kontrata para sa hinahanap ni Mr. Thompson na modelo. At napaswerte naman nang makakakuha niyon dahil half a million ang talent fee. Wow! Ang laki! Parang isang buong course nang kapatid niya sa isang university ang presyo niyon.Naalala niya ang pinag-usapan ng mag-ama noong nakaraang linggo. Hindi talaga mapigilan ang patuloy na paglago ng company ng mga Thompson. Bukod sa Thompson Builders Corporation, may bagong mall
Inihagis niya sa kama ang kaniyang shoulder bag saka hinubad ang sapatos at umupo sa gilid ng kama. Hindi naman traffic pauwi, pero masyadong maraming nangyari sa araw na iyon. Buti na lang at holiday bukas. Mapapayapa ang isip niya.Nagpahinga lang siya ng ilang minuto, saka isinalang sa washing machine ang mga labada. Hindi na siya mag-d-dinner dahil busog pa siya. Naglinis siya ng kwarto at inilapat ang katawan sa kama.Bago siya umuwi kanina, kinausap siya ni Mr. Thompson tungkol sa model contract. Mariin siyang tumanggi. Pero lahat ng mga investor ay boto sa kaniya. Tanging si Cedrick lang ang tumanggi sa ideyang iyon. Malaki ang maiitulong niyon sa pag-aaral ng kapatid niya kung papayag siya.Pero anong alam niya sa mundong iyon? Haist!Oo nga pala. Sa Sunday na ang opening ng flowershop ni Mrs Thompson at wala pa siyang susuotin. Tinawagan niya si Alexa."Friend! I miss you! Super busy ba?" malakas na wika nito.Boses mo naman. Hindi naman ako bingi," aniya rito."Anong mayroon
Dala ang juice at sandwich na kinuha sa kusina ay muli silang bumalik sa kwarto ni Alexa. Pero bago pa sila makahakbang paakyat ng kaibigan ay tinawag na sila ni Alexis."Alexa, come here!"Sumimangot ang tinawag."Yes, Kuya! May problema ba tayo?" sagot ng kaibigan."Pare, this is my sister Alexa and her friend, Natasha. This is Brent Castillo, our friend," pakilala nito."Kilala ko na siya, Kuya. So, if you'll excuse us, may tinatapos pa kami ni Natasha sa taas.""Ikuha mo muna sila ng juice, Alexa. May kukunin lang ako sa kwarto. Pare, excuse me for a while," wika ni Alexis.Ngumiti lang ang mga ito.Ibinaba ni Alexa ang dala, saka pumunta sa kusina. Mukhang kapag ganitong holiday, day off ang mga kasambahay ng mga Boromeo."Hi, Natasha!" wika ni Brent at ngumiti ito sa kaniya. "Brent nga pala." Iniabot nito ang kamay sa kaniyanSo, hindi nga ito si Ken? Much better kung ganoon. Kukunin na sana niya ang nakalahad na kamay nang biglang tumikhim si Cedrick."Pare, I think, you left
Mula sa loob ng simbahan maririnig ang kalampag ng kampana. Kung gaano kalakas iyon, mas malakas pa ang tibok ng puso niya. Nakatayo siya sa unahan kung saan makikita ang ang pintuan ng simbahan, habang dahan-dahan bumubukas iyon.Napangiti siya nang masilayan niya ang babaeng pinangarap niya simula nang makita ito sa coffee shop niya noon. Mas bumilis ang tibok ng puso niya nang nagsimula itong lumakad palapit sa kan'ya.She's wearing sleeveless-white-illusion-princess-V-neck-appliques-beading-lace wedding gown. Simple yet elegant. Hindi niya mapigilan ang hindi mapaluha habang papalapit ito sa kaniya na may malapad na ngiti."Dudes, ngayon ka pa ba iiyak? Abot kamay mo na siya," nakangiting siko ni Alexis sa kaniya.Madali niyang pinunasan ng panyo ang mga luha."Fuck, dude! Napuwing lang ako." Nilingon niya ang dad at kuya niya na hindi napigilang mangiti."I know that feeling, bro. Ilang hakbang na lang at sa iyo na
Isang malawak, makulay at eleganteng hardin ang makikita pagpasok pa lang ng lugar kung saan gaganapin ang pictorial. Makikita ang mga malalaking camera sa gilid at mga gamit para sa gagawing event. Napaka-perfect nang ayos ng lugar na iyon.Hindi niya alam kung ano ang kaniyang mararamdaman lalo pa at kasama niya sa pictorial ang kan'yang.kasintahan."Miss Natasha, ready na po tayo in ten minutes." Mula sa labas ng dressing room ang boses na iyon.Hinila siya ng hairdresser doon at isinuot ang isang black-backless and rhinestone-straps cocktail dress. Nailang siyang suotin iyon kasi hakab na hakab sa kaniya plus showy pa ang likod niya."Wow, Miss Natasha! You look perfect! The most beautiful face I've seen so far," bulalas ng baklang nag-aayos sa kan'ya.Namula ang mukha niya sa sinabi nito."Bolera ka," aniya."I'm stating the fact, Miss Natasha," maarteng wika nito.Hanggang marinig nila ang hudyat ng direct
After two weeks, bumalik na sa normal ang lahat. Maayos na ang lagay ni Natasha.Napaluwas nang hindi oras ang kaniyang mga magulang. Gusto siyang isama pabalik ng mga ito pero tumanggi siya. Kailangan niyang makabalik sa trabaho, at kailangan nila ng pera para sa last sem ng kapatid. At hindi siya papayag na hindi ito makapag-enroll.Malakas na siya at ang mga pasa sa katawan niya ay wala na rin. Normal ang lahat ng laboratory at x-ray niya ayon sa doctor.Dahil na rin siguro iyon sa tulong ng binata na laging nasa tabi niya. Matiyagang nagbantay at umalalay ito sa kaniya hanggang gumaling siya."I'm sorry for what happened. This is all my fault. If you want to file the case against Athena, I can help you, babe. I can't imagine if you leave me forever."Tumingin siya sa binata. Naaawa na siya rito dahil halos wala itong tulog at hindi na maasikaso ang sarili. Nalaman na niya ang lahat dahil sa kwento nito. And that's when she realized th
"What do you mean, Alexa! Where are you? What car accident!" Boses iyon ni Alexis na gumising sa kan'ya.Nasa condo na sila at hindi niya alam kung paano sila nakauwi. Halos dalawang sunod-sunod na gabi sila sa bar simula nang huling magkita sila ni Natasha.Umupo siya sa sofa at hinawakan ang masakit na ulo dala ng hangover."Dude, hurry up! Alexa and Natasha got involved in a car accident somewhere in Tagaytay," malakas na wika ni Alexis."What!? How are they?" Biglang nawala ang skit ng ulo niya at napatayo nang bigla. Hindi niya matawagan ang dalaga dahil na-block na nito ang mga number niya."Alexa is under observation and suffered from minor injuries. But Natasha. . ." Napatiim ang bagang nito. " She had suffered serious injuries and unconscious until now!""F*ck! Let's go! Call our connection there. Hold all people around the perimeter!"Hindi na niya nagawang magpalit ng damit."Aries, prepared the helic
Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong kay Natasha nang magising. Halos hindi niya maigalaw ang katawan. Nakatitig siya sa puting kisame nang maalala ang lahat."Alexa. . ." mahinang tawag sa kaibigan.Pero ang gwapong mukha ni Cedrick ang bumungad sa kan'ya. Sa ilang araw nilang hindi pagkikita, parang tumanda ito ng isang taon.Bakit parang humaba ang balbas nito? Nakatitig lang siya sa kamay niya na hawak ng binata, na mukhang nakaidlip sa tabi ng kama na hinihigaan niya. Iginalaw niya ang kamay para makuha niya ang atensiyon nito."Babe? Are you awake?" anito sa malamyos na tinig at hinaplos ang mukha niya. "Nurse. . . Nurse!Nakita niyang mabilis na pumasok ang mga tinawag at tiningnan ang vital status niya.Bakit parang ang OA ng mga ito. Gising na siya at mukhang okay naman ang pakiramdam niya."Mr. Thompson, stable na po siya after three days of being unconscious."Tatlong araw na siyang naroon?
Nakarating sila ni Alexa sa isang resort sa Tagaytay. Maaga pa silang nakarating doon kaya naman kitang-kitang ang mababang ulap sa dinaraaanan nila. Timigil muna sila sa isang picnic groove. Makikita rito ang heartbreaking view of Taal Volcano. They sit and take a picture for a while. Then, they proceed to resort. They took a shower and rest. Ganito ang buhay nilang magkaibigan kapag may problema. Dahil masakit sa ulo ang alak, mas pinili nilang mag-getaway."Friend, may masarap na kainan dito ng bulalo. You want to try? Then, let's go to sky ranch at sakyan natin lahat ng rides," nakangiting wika ni Alexa."Sure! How about horse riding?""Then, let's try that too. Maliligo muna ako tapos mamayang gabi, magbabad tayo sa pool," wika nito bago pumasok sa banyo. "Bukas na tayo umuwi ng Manila."Malawak ang ngiti ng kaibigan. After a year, ngayon lang ulit nangyari ang bonding nila. Kaya lulubos-lubusin na nila dahil sa Monday, trabaho na n
Nagmadali umuwi si Cedrick pagkatapos ihatid ang dalaga sa tinutuluyang boarding house, dahil sa isang papeles na kailangan niyang ipasa kinabukasan sa isang supplier para sa bago niyang itatayong condo sa Makati area. Tinawagan niya ang kan'yang secretary para ipasa ang soft copy nito sa email. Nasalubong niya ang ina sa hallway, bago siya pumasok ng kwarto niya."Akala ko ba isasama mo si Natasha?""Bukas na lang po para makapagpahinga siya. May tatapusin lang akong layouts at dokumento para sa project na itatayo namin.""Siya, sige. Kami ng daddy mo ay matutulog na."Humalik siya sa ina bago tuluyang pumasok ng silid. Mabilis siyang nagbihis at pumunta sa opisina. Alas-nuebe na nang gabi at madami-dami rin iyon.Nasa kalagitnaan ng trabaho, tumunog ang cell phone niya.Athena!Hindi ito pinanasin saka binalik ang isip sa ginagawa. Pero makulit ito."Yes, Athena? What is it?""Whoa! Gan'yan
Kahit kinakabahan, gusto niyang malaman ang totoo. Sana mali siya. At kung iisa lang ang lalaking minahal niya at ang ka-text niya, hindi niya alam kung anong gagawin. Pagbukas ng elevator, hinanap niya ang lalaki pero wala ito sa lobby. May lumapit sa kan'yang dalawang men in black."Ma'am Natasha, sumama po kayo sa amin. Pinapasundo po kayo ni Boss Ken," bulong ng isa.Nakangiti ang mga ito.Nagtataka siya at tumingin sa phone niya."I have two bodyguards there. Go with them." Hindi niya alam kung anong bang mayroon.Tumingin siya sa dalawang lalaki at sumunod dito.Isang eleganteng limousine car ang naghihintay sa labas, saka inalalayan siyang papasok. Bahala na kung sino ito. Mukhang mabait naman ang mga tauhan ni Ken.Isang exclusive restaurant ang narating nila. Parang naka-reserve lang iyon para sa kanila at walang mga tao. "Ma'am., pasok na po kayo. Naghihintay na si boss sa loob," w
Gusto niyang sumagap ng sariwang hangin. Ayaw muna niyang umuwi ng bahay. Gusto niyang tawagan si Alexa, pero wala siyang phone. Naiwan niya iyon. Kaya naglakad-lakad muna siya sa isang parke na hindi niya alam kung saan. Marami namang tao na naglalakad pero mga foreigner ang mga ito.Naliligaw na ba siya?Ang alam niya bumaba siya ng The Fort, pero hindi niya alam ang pasikot-sikot doon. Tumingin siya sa relong nasa bisig. Alas-singko na nang hapon at halos limang oras na siyang naglalakad doon. Kahit nakararamdam ng gutom hindi niya iyon pinansin. Hanggang may bumangga sa kan'yang babaeng naka-hood.Napatitig siya rito .Athena!"Wow! Small world!" palatak nito. "Hindi ba ikaw ang babaeng kasama ni Cedrick last time and slash secretary ni Tito Leopoldo?" ismid nito.Umiwas siya rito. Bakit andito ito? Baka kasama nito si Cedrick. Mabilis siyang tumalikod, pero hinila nito ang braso niya."Bastos ka rin noh! K