Share

Chapter 24

Author: Tin Gonzales
last update Huling Na-update: 2025-03-25 18:18:01

Inihagis niya sa kama ang kaniyang shoulder bag saka hinubad ang sapatos at umupo sa gilid ng kama. Hindi naman traffic pauwi, pero masyadong maraming nangyari sa araw na iyon. Buti na lang at holiday bukas. Mapapayapa ang isip niya.

Nagpahinga lang siya ng ilang minuto, saka isinalang sa washing machine ang mga labada. Hindi na siya mag-d-dinner dahil busog pa siya. Naglinis siya ng kwarto at inilapat ang katawan sa kama.

Bago siya umuwi kanina, kinausap siya ni Mr. Thompson tungkol sa model contract. Mariin siyang tumanggi. Pero lahat ng mga investor ay boto sa kaniya. Tanging si Cedrick lang ang tumanggi sa ideyang iyon. Malaki ang maiitulong niyon sa pag-aaral ng kapatid niya kung papayag siya.

Pero anong alam niya sa mundong iyon? Haist!

Oo nga pala. Sa Sunday na ang opening ng flowershop ni Mrs Thompson at wala pa siyang susuotin. Tinawagan niya si Alexa.

"Friend! I miss you! Super busy ba?" malakas na wika nito.

Boses mo naman. Hindi naman ako bingi," aniya rito.

"Anong mayroon
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 25

    Dala ang juice at sandwich na kinuha sa kusina ay muli silang bumalik sa kwarto ni Alexa. Pero bago pa sila makahakbang paakyat ng kaibigan ay tinawag na sila ni Alexis."Alexa, come here!"Sumimangot ang tinawag."Yes, Kuya! May problema ba tayo?" sagot ng kaibigan."Pare, this is my sister Alexa and her friend, Natasha. This is Brent Castillo, our friend," pakilala nito."Kilala ko na siya, Kuya. So, if you'll excuse us, may tinatapos pa kami ni Natasha sa taas.""Ikuha mo muna sila ng juice, Alexa. May kukunin lang ako sa kwarto. Pare, excuse me for a while," wika ni Alexis.Ngumiti lang ang mga ito.Ibinaba ni Alexa ang dala, saka pumunta sa kusina. Mukhang kapag ganitong holiday, day off ang mga kasambahay ng mga Boromeo."Hi, Natasha!" wika ni Brent at ngumiti ito sa kaniya. "Brent nga pala." Iniabot nito ang kamay sa kaniyanSo, hindi nga ito si Ken? Much better kung ganoon. Kukunin na sana niya ang nakalahad na kamay nang biglang tumikhim si Cedrick."Pare, I think, you left

    Huling Na-update : 2025-03-26
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 26

    Thalia's Flower ShopIsang malaki at bonggang dekorasyon ang bumungad sa kaniya with red carpet sa gitna. May isang malaking ribbon at madaming bulaklak sa gilid. Masasabi mong elegante at isang malaking bilihan ng bulaklak ang lugar. Makikita mo ang mga investor at malalapit na kaibigan ng pamilya.May mga nakatutok na mga cameraman sa gilid.Natanaw niya si Mr. and Mrs. Thompson na abalang nakikipag-usap sa isang sikat at kilalang negosyante sa bansa. Nahagip din ng kaniyang paningin ang lalaking kamukha ni Cedrick na may kargang bata, na sa tingin niya ay nasa dalawang taon gulang na. Katabi nito ang isang magandang babae na nakahawak sa braso ng lalaki, at akay-akay ang isang batang lalaki na nasa limang taon sa tantiya niya.Masayang pinagmasdan niya ang mga ito. Parehong nagniningning ang mga mata na halatang in love sa isat-isat.Mula sa kung saan, biglang lumitaw ang bulto ni Cedrick at nagmamadaling lumapit sa sinasakyan nila. Nauna ng bumaba si Alexis at nag-fist bump pa ang

    Huling Na-update : 2025-03-27
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 27

    Lumipas muli ang isang linggo at walang Cedrick na nagpakita sa kaniya. Pati ang makulit na si Ken, wala rin mensahe.Mabuti naman at tahimik ang mundo niya.Nagpaalam siya kay Mr. Thompson na mag-l-leave for four days simula sa susunod na araw. Mabilis naman siya pinayagan nito, dahil walang gasinong trabaho sa opisina. Signing contract na lang nang magiging model nila ang naka-pending, at plantsado na ang lahat. Although, hindi naman niya parte iyon, pero nasa check list pa rin ng boss niya."Sir, iyong planner nasa table ninyo na po. Wala po kayong meeting na naka-schedule for one week. Tapos kung may kailangan kayo, nasabihan ko na po si HR at si Miss Emma," wika niya."No, problem. Thank you, hija. Enjoy your vacation and please give my warm greetings to your parents." Maaliwalas na mukhang tumingin ito sa kanya.Napatitig siya rito. Saan pa siya makahanap ng mabait na amo katulad nito?."Anything else, hija?" Napakunot ang noo nito ng maramdaman ang titig niya "Money problem?" d

    Huling Na-update : 2025-03-28
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 28

    Nakatanaw siya sa bintana ng condo niya at isang linggo na halos wala siya sa mood magtrabaho. Sa tagal na panahon, ngayon lang siya naging ganito. Muli niyang naalala ang huling usapan nila ni Natasha. Dinaramdam pa rin niya ang rejection nito sa kaniya.Kinuha ang phone sa bulsa at tumingin siya roon. Picture ito ng dalaga noong una silang magkita sa coffee shop. Palihim niyang kinuhanan ito. Parang baligtad nga ang lahat, kasi dapat siya ang kasama sa picture pero tumanggi ito. Unang kita pa lang sa dalaga, talagang na-hypnotized na siya nito. Na kahit walang gawin ang dalaga kuhang-kuha nito ang lahat ng atensiyon niya. At nadagdagan pa ito nang magkita sila sa birthday party ni Alexis at nakawan siya ng halik ng dalaga.Umalis siya ng bansa at inalis ang mga alaala nito para maka-focus siya sa trabaho niya, pero nagkamali siya nang bumalik ng Pilipinas. Mas lalo niya itong na-miss, lalo pa at nagtatrabaho ito sa kompanya ng daddy niya.Biglang tumunog ang telepono niya.Si Alex

    Huling Na-update : 2025-03-30
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 29

    "Michelle, I'll send you some information now. Please make a call to the said number," aniya sa pinsan.Ito ang naisip niyang tawagan para maghanap ng resort na bibilhin. "Now na ba, Kuya?" sagot nito."Yap! Then, set the meeting and I will be there. Paayos mo ang mga papel at title. If hindi pumayag bilhin ko ng triple," sagot niya."Nasaan ba ang secretary mo at ako na naman ang ginugulo mo?" reklamo nito."Just do it! If it is successful, I will give you a bonus. Alright?" wika niya sa pinsan."Sure! How much?" mabilis nitong wika sabay halakhak. "Trip to Korea na lang Kuya with allowance," dagdag nito."Then, do it now, Michelle," sang-ayon niya."Yes. Maasahan mo, Kuya. Gawan natin paraan ito. Tawag na lang ako sa iyo later," masayang wika ng pinsan niya.Napailing siya at ngumiti.Alam niya ng gagawin iyon ng pinsan kahit walang bayad. Ano kayang nakain at pupunta ng Korea ito?Matapos ang maghapon, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Bumalik siya sa opisina, pero hindi par

    Huling Na-update : 2025-03-31
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 30

    Nagdala sila ni Nathalie ng isang blanket at mga pagkain sa dalampsigan. Kung mas maaga sila, mas maaga namang umalis ang tatay at nanay nila. Naisipan nilang doon kumain at magkape bago lumusong sa tubig.Nagsuot sila one piece at pinatungan ng isang maiksing short. Isang black one-piece ang suot ng kapatid niya at siya naman ay kulay red. Mahilig sa photograph ang kapatid niya, kaya dala nito ang mini-camera. Nakita niya ang mga kuha nito at mukhang may future ito bilang isang photographer."Ate, ako ang photographer mo ngayon. Model kita, bilis! Suotin mo itong sumbrero. Then, mag-one-piece ka muna. Maganda ang sunrise! Go Ate!" sigaw ni Nathalie"Ayoko nga! Baka may mga taong dumaan," tanggi niya. Hindi siya sanay na one-piece lang ang suot."Saglit lang naman, Ate. Tapos ako naman kuhanan mo," maktol nito.Tumingin siya sa paligid. Tahimik naman. Tumingin siya sa resort. Mukha rin namang walang tao sa loob. Buntonghininga muna siya."Sige na! Pero bilisan mo, ah. Iyong cover up

    Huling Na-update : 2025-04-01
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 31

    Nakatulog siya at mga bandang alas-tres siya ng hapon bumangon. Hindi talaga siya ginising ng kapatid. Hindi rin niya alam kung nakauwi na ang mga magulang nila galing bayan.Medyo blurry pa ang mata at magulo pa ang buhok niya nang lumabas sa kwarto. Pinusod lang niya ang buhok at itinali ng basta saka dumiretso sa kusina.Nagtaka siya at alas-tres pa lang ng hapon ay mukhang ang dami ng niluto ng kaniyang ina. Narinig niya na tumatawa ang kan'yang ama sa labas at mukhang may bisita ito.Sumilip siya sa bintana at nabigla siya sa nakita.Masayang nakikipagtawanan at nakikipagkwentuhan ang ama sa nakahubad na lalaki. Matipuno ang katawan at sumisigaw sa laki ang mga muscle nito, habang itinataas ang palakol upang mabiyak ang kahoy. Pawis na pawis ito at halos mabasa na rin ang suot nitong pantalon. Mas lalo siyang kinabahan ng lumingon ito sa dako niya. Nakangiti ito at nag-thumps up sa kaniya kasabay ng tatay niya.Si Cedrick Thompson lang naman.Mukhang kuhang-kuha na nito ang loob

    Huling Na-update : 2025-04-02
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 32

    Nagdasal muna ang kapatid niya bago sila kumain. Sa haba nang panahon, ngayon lang sila na kompleto at may nadagdag pa na isang asungot.Inabot niya rito ang plato saka inilapit ang mga pagkain. Ayaw man niyang gawin, pero nakatingin ang ama at ina niya. Hindi sila pinalaking bastos ng mga ito lalo pa sa hagpag-kainan."Kuya Cedrick, kumain ka lang at maya-maya may mabarik kayo ng tatay. Naku, iwan lang ha, baka mauna kang malasing sa dami ng tuba na iyan," natatawang wika ng kapatid."Ay mukhang hindi ko malalasing areng batang are. Aba'y sa ganda ng exercise nare kanina sa pagsisibak ng kahoy eh, paniguradong handang-handa na ito," natatawang wika ng tatay niya."Eh, bakit mo ga naman hinayaang magsibak ng kahoy ang bisita ng anak mo? Mukhang hindi naman niya gawain ang trabahong iyan. Aba'y pasensya ka na, hijo. Talagang napasabak ka dine," sabat ng kaniyang ina."Okey lang po, 'Nay. Sanay naman ako sa katulad niyan, pero hindi nga lang kahoy." Malawak itong nakangiti at sumulyap s

    Huling Na-update : 2025-04-03

Pinakabagong kabanata

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 45

    After two weeks, bumalik na sa normal ang lahat. Maayos na ang lagay ni Natasha.Napaluwas nang hindi oras ang kaniyang mga magulang. Gusto siyang isama pabalik ng mga ito pero tumanggi siya. Kailangan niyang makabalik sa trabaho, at kailangan nila ng pera para sa last sem ng kapatid. At hindi siya papayag na hindi ito makapag-enroll.Malakas na siya at ang mga pasa sa katawan niya ay wala na rin. Normal ang lahat ng laboratory at x-ray niya ayon sa doctor.Dahil na rin siguro iyon sa tulong ng binata na laging nasa tabi niya. Matiyagang nagbantay at umalalay ito sa kaniya hanggang gumaling siya."I'm sorry for what happened. This is all my fault. If you want to file the case against Athena, I can help you, babe. I can't imagine if you leave me forever."Tumingin siya sa binata. Naaawa na siya rito dahil halos wala itong tulog at hindi na maasikaso ang sarili. Nalaman na niya ang lahat dahil sa kwento nito. And that's when she realized th

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 44

    "What do you mean, Alexa! Where are you? What car accident!" Boses iyon ni Alexis na gumising sa kan'ya.Nasa condo na sila at hindi niya alam kung paano sila nakauwi. Halos dalawang sunod-sunod na gabi sila sa bar simula nang huling magkita sila ni Natasha.Umupo siya sa sofa at hinawakan ang masakit na ulo dala ng hangover."Dude, hurry up! Alexa and Natasha got involved in a car accident somewhere in Tagaytay," malakas na wika ni Alexis."What!? How are they?" Biglang nawala ang skit ng ulo niya at napatayo nang bigla. Hindi niya matawagan ang dalaga dahil na-block na nito ang mga number niya."Alexa is under observation and suffered from minor injuries. But Natasha. . ." Napatiim ang bagang nito. " She had suffered serious injuries and unconscious until now!""F*ck! Let's go! Call our connection there. Hold all people around the perimeter!"Hindi na niya nagawang magpalit ng damit."Aries, prepared the helic

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 43

    Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong kay Natasha nang magising. Halos hindi niya maigalaw ang katawan. Nakatitig siya sa puting kisame nang maalala ang lahat."Alexa. . ." mahinang tawag sa kaibigan.Pero ang gwapong mukha ni Cedrick ang bumungad sa kan'ya. Sa ilang araw nilang hindi pagkikita, parang tumanda ito ng isang taon.Bakit parang humaba ang balbas nito? Nakatitig lang siya sa kamay niya na hawak ng binata, na mukhang nakaidlip sa tabi ng kama na hinihigaan niya. Iginalaw niya ang kamay para makuha niya ang atensiyon nito."Babe? Are you awake?" anito sa malamyos na tinig at hinaplos ang mukha niya. "Nurse. . . Nurse!Nakita niyang mabilis na pumasok ang mga tinawag at tiningnan ang vital status niya.Bakit parang ang OA ng mga ito. Gising na siya at mukhang okay naman ang pakiramdam niya."Mr. Thompson, stable na po siya after three days of being unconscious."Tatlong araw na siyang naroon?

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 42

    Nakarating sila ni Alexa sa isang resort sa Tagaytay. Maaga pa silang nakarating doon kaya naman kitang-kitang ang mababang ulap sa dinaraaanan nila. Timigil muna sila sa isang picnic groove. Makikita rito ang heartbreaking view of Taal Volcano. They sit and take a picture for a while. Then, they proceed to resort. They took a shower and rest. Ganito ang buhay nilang magkaibigan kapag may problema. Dahil masakit sa ulo ang alak, mas pinili nilang mag-getaway."Friend, may masarap na kainan dito ng bulalo. You want to try? Then, let's go to sky ranch at sakyan natin lahat ng rides," nakangiting wika ni Alexa."Sure! How about horse riding?""Then, let's try that too. Maliligo muna ako tapos mamayang gabi, magbabad tayo sa pool," wika nito bago pumasok sa banyo. "Bukas na tayo umuwi ng Manila."Malawak ang ngiti ng kaibigan. After a year, ngayon lang ulit nangyari ang bonding nila. Kaya lulubos-lubusin na nila dahil sa Monday, trabaho na n

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 41

    Nagmadali umuwi si Cedrick pagkatapos ihatid ang dalaga sa tinutuluyang boarding house, dahil sa isang papeles na kailangan niyang ipasa kinabukasan sa isang supplier para sa bago niyang itatayong condo sa Makati area. Tinawagan niya ang kan'yang secretary para ipasa ang soft copy nito sa email. Nasalubong niya ang ina sa hallway, bago siya pumasok ng kwarto niya."Akala ko ba isasama mo si Natasha?""Bukas na lang po para makapagpahinga siya. May tatapusin lang akong layouts at dokumento para sa project na itatayo namin.""Siya, sige. Kami ng daddy mo ay matutulog na."Humalik siya sa ina bago tuluyang pumasok ng silid. Mabilis siyang nagbihis at pumunta sa opisina. Alas-nuebe na nang gabi at madami-dami rin iyon.Nasa kalagitnaan ng trabaho, tumunog ang cell phone niya.Athena!Hindi ito pinanasin saka binalik ang isip sa ginagawa. Pero makulit ito."Yes, Athena? What is it?""Whoa! Gan'yan

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 40

    Kahit kinakabahan, gusto niyang malaman ang totoo. Sana mali siya. At kung iisa lang ang lalaking minahal niya at ang ka-text niya, hindi niya alam kung anong gagawin. Pagbukas ng elevator, hinanap niya ang lalaki pero wala ito sa lobby. May lumapit sa kan'yang dalawang men in black."Ma'am Natasha, sumama po kayo sa amin. Pinapasundo po kayo ni Boss Ken," bulong ng isa.Nakangiti ang mga ito.Nagtataka siya at tumingin sa phone niya."I have two bodyguards there. Go with them." Hindi niya alam kung anong bang mayroon.Tumingin siya sa dalawang lalaki at sumunod dito.Isang eleganteng limousine car ang naghihintay sa labas, saka inalalayan siyang papasok. Bahala na kung sino ito. Mukhang mabait naman ang mga tauhan ni Ken.Isang exclusive restaurant ang narating nila. Parang naka-reserve lang iyon para sa kanila at walang mga tao. "Ma'am., pasok na po kayo. Naghihintay na si boss sa loob," w

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 39

    Gusto niyang sumagap ng sariwang hangin. Ayaw muna niyang umuwi ng bahay. Gusto niyang tawagan si Alexa, pero wala siyang phone. Naiwan niya iyon. Kaya naglakad-lakad muna siya sa isang parke na hindi niya alam kung saan. Marami namang tao na naglalakad pero mga foreigner ang mga ito.Naliligaw na ba siya?Ang alam niya bumaba siya ng The Fort, pero hindi niya alam ang pasikot-sikot doon. Tumingin siya sa relong nasa bisig. Alas-singko na nang hapon at halos limang oras na siyang naglalakad doon. Kahit nakararamdam ng gutom hindi niya iyon pinansin. Hanggang may bumangga sa kan'yang babaeng naka-hood.Napatitig siya rito .Athena!"Wow! Small world!" palatak nito. "Hindi ba ikaw ang babaeng kasama ni Cedrick last time and slash secretary ni Tito Leopoldo?" ismid nito.Umiwas siya rito. Bakit andito ito? Baka kasama nito si Cedrick. Mabilis siyang tumalikod, pero hinila nito ang braso niya."Bastos ka rin noh! K

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 38

    Pagkahatid ng binata sa kaniya sa boarding house, nagmamadali itong umalis. Naalala niya ang sinabi ni Athena na puntahan ito ng lalaki sa pad nito."Babe, sleep early. Huwag na magpuyat. Sunduin kita bukas ng umaga. I love you. Good night."Ngumiti lang siya at hindi sinagot ang sinabi ng binata."Sige mag-iingat ka. Good night!" Matamlay na tumalikod siya sa binata at binuksan ang pinto."Babe, you didn't answer me. I said, I love you." Hinila siya nito paharap."Gabi na. You need to rest."Magpapahinga nga ba ito kung pupunta ito sa pad ng Athena na iyon? bulong sa sarili niya.Hindi naman niya hawak ang oras at isip nito, kaya wala siyang magagawa. Maganda si Athena kumpara sa kaniya at kahit sinong lalaki, pwedeng mahumaling sa kagandahan nito."Are you mad at me?"Narinig niya ang pagbuntonghininga ng lalaki."Sige na, good night. And I love you, too. Ingat sa pag-d-drive." Yumakap siya s

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 37

    Balik opisina na siya pagkatapos ng opening ng resort at limang araw na bakasyon.Mula kahapon hindi na siya tinigilan ng binata na maghatid at sundo sa kaniya papasok ng opisina. Katulad ngayon, pagkaupo niya sa table, nagpaalam ito na kakausapin ang ama."Sabay na tayo mag-lunch mamaya, babe," wika nito bago pumasok sa opisina ng ama.Ngumiti lang siya.Ayaw niyang magpahalata sa mga tao sa opisina na may relasyon sila ng binata maging sa ama nito. Hindi pa siya handa.Halos mag-l-lunch na nang matapos ang meeting ng mag-ama. Mukhang seryosong-seryoso ang dalawa. Narinig niya tumunog ang telepono."Thompson Builders Corporation, this is Natasha. Can I help you?""Can I talk to Tito Leopoldo?" anang tinig mula sa kabilang linya."I'm sorry, Ma'am, he has a meeting right now. If you have a message, please leave it to me or you can call after fifteen to twenty minutes?" magalang niyang wika dito.

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status