AMBER RIZALYN JOY...Maaga s'yang nagising kinabukasan. Wala na ang asawa sa tabi n'ya ng kapain n'ya ito. Nag-unat muna s'ya bago nagpasyang bumangon para maligo.Buhay pa naman s'ya! Wala namang ginawa ang imapakta na babae habang s'ya ay tulog. Minsan tulog mantika pa naman s'ya lalo na kapag pagod. Mabuti na lang at hindi humirit ang asawa kagabi.Tahimik at matiwasay ang buong magdamag n'ya. Siguro ay pagod din si Howald, bago sila umalis sa hideout nito ay tatlong araw lang naman silang nagkulong at sinulit ang mga panahon na napalayo sila sa isat-isa.Baka nga sa mga oras na ito ay may lumalangoy ng sperm ng asawa sa kan'yang matris. Pero hindi s'ya madaling mabuntis after kay Joshua. Ilang taon muna ang hinihintay nila bago dumating si Dominique.Mabilis lang ang ginawa n'yang paliligo at nagbihis din agad. Sinadya n'yang magsuot ng skimpy short at crop top na kita ang kan'yang pusod. Titingnan n'ya kung ano ang magiging reaction ng demonyita.Sa nakikita n'ya kay Maxine ay is
AMBER RIZALYN JOY...Ilang araw na s'yang nasa bahay nila ni Howald at ilang araw na din na parang papatay ng tao si Maxine. Halos luluwa na ang mga mata nito at puputok ang ugat sa leeg dahil sa galit sa kan'ya.Pinagtatawanan n'ya lang ang hitsura nito sa araw-araw na magpang-abot silang dalawa. Takot din naman pala ito na isumbong kay Howald ang panloloko nito ngunit ang hindi alam ng babae n alam na ng kan'yang asawa ang lahat.Nagpapanggap lang si Howald na walang alam para sakyan ang laro ni Maxine.Simula ng pagsabihan n'ya ito ng tungkol sa kan'yang nalalaman tungkol sa anak nito ay hindi na s'ya binabangga ng dalaga ngunit lihim n'yang nakikita ang matatalim na tingin sa kan'ya ng babae. Alam n'yang kumukuha lang ito ng magandang pagkakataon para makaganti sa kan'ya. At hindi n'ya hahayaan na makapaghiganti ito. Hindi n'ya ito bibigyan ng pagkakataon pa na may magawang krimen laban sa kanila.She knows that she's planning something against her dahil pinapasundan n'ya ito pal
AMBER RIZALYN JOY..."Matapang ka ha! Pero tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo," nakangising sabi ng matandang ama ni Maxine. Senenyasan nito ang isang taohan at agad namang lumapit ang lalaki at may iniabot na itim na files sa matanda.Kilala n'ya ito. Ito ang files na kinuha ni Maxine sa kanila. So talagang ibinigay na nito sa demonyong ama ang mga naturang files. Pero hindi s'ya nag-alala dahil mga peke lahat ang laman ng files na hawak ng lalaki."I'll make a deal with you Ms. Borris—,""Mrs. El Frio," she cut him off. Ngising aso itong humila ng upoan at naupo sa kan'yang harapan."Hmmm, Mrs. El Frio? So niloloko lang pala ni El Frio ang anak ko na pakakasalan n'ya? O ikaw lang ang nagloloko sa sarili mo at umaastang asawa ka pa rin?" puno ng pang-uuyam na sabi ng matanda sa kan'ya."Nakakatawa ka Maximo, talagang umaasa ka na papatulan ng asawa ko ang anak mong dispirada? Kung gusto s'ya ni Howald eh di sana noon pa, magkasama silang lumaki hindi ba? And besides pina
AMBER RIZALYN JOY....Sa buhay may makakasama kang mabuti at may masama. Minsan ang iba ay nagpapanggap na kaibigan pero ang totoo ay gusto ka lang saktan at pabagsakin.Ang iba ay pumapalakpak at nakikitawa sa mga tagumpay at nakamit mo sa buhay ngunit ang totoo at pinapatay ka na nila sa kanilang isip dahil sa inggit.Iyan ang nangyari sa kanilang dalawa ni Maxine. Nilamon ng kasamaan ang babae na naging dahilan para makagawa ito ng mga bagay na hindi dapat.Na impluwensyahan din ito ng demonyong ama kaya sa murang edad ay natuto na si Maxine na maging masama.Nalaman n'ya na ito pala talaga ang may pakana sa aksidente na nangyari dito at kay Howald noon na naging dahilan para makalimutan s'ya ng lalaki. Ito din ang nag-utos ng mga tao para sundan sila ng kan'yang anak na si Joshua para patayin sana ngunit mayroong humadlang sa mga ito kaya nagtagumpay silang makarating sa Maynila na walang nangyari.Nagpanggap itong isang kaibigan para makuha ang kan'yang tiwala ngunit sinaksak di
AMBER RIZALYN JOY...Matapos ang natuklasan ay agad n'yang tinawagan si Howald para ipaalam dito ang lahat. Kailangan n'yang umuwi ngayon sa bahay nila para makausap ang mga kapatid.Sigurado s'yang wala pang alam si Erros dito dahil hindi nito nabanggit kanina ang tungkol sa kanilang ama.Sa tantya n'ya ay bago lang ang naturang litrato kung sa mukha ng babaeng iyon ang pagbabasehan. Kung totoo ang kan'yang hinala isang bagay lang ang ibig sabihin nito.Buhay ang kanilang ama, iyan ang pumasok sa isip n'ya ngunit agad ding nawala ng maalala na hawak ng babae ang isang sniper gun at nakaumang ito sa kan'yang ama na nasa paanan ng barko."Fvck!" mariing mura n'ya dahil nagulo na naman ang kan'yang isip. Si Maxine lang ang problema n'ya pero dumagdag pa itong impostor na ito.Dinayal n'ya ang numero ng asawa para tawagan ito. Ipapaalam n'ya kay Howald ang kan'yang plano."Nay," sagot ni Howald mula sa kabilang linya."Nasaan ka tay?" tanong n'ya rito."Nasa Cebu kami ni Leo. May nakapag
AMBER RIZALYN JOY...Palitan ng mga putok mula sa kanila at sa kabilang panig na hindi n'ya naman alam kung sino ang kanilang kalaban.Tumakbo s'ya papasok sa isang barko dahil nakita n'ya na maraming mga bala ang galing rito. Hindi n'ya namalayan na sumunod pala sa kan'ya ang asawa."What do you think wife?" boses ni Howald na nasa tabi n'ya na at nakipag palitan din ng putok sa mga kalaban."Damn! Hindi ko inaasahan na magkakasama tayo sa gyera hubby. This is gonna be exciting," tuwang-tuwa na sabi n'ya rito. Narinig n'ya ang mahinang pagtawa ni Howald habang ang atensyon ay nasa mga kalaban na sumusugod sa kanila."I feel love wife, I feel love," puno ng pang-uuyam na sagot ng asawa sa kan'ya na ikinahalakhak n'ya ng malakas."Don't get shoot Amber, tatamaan ka sa akin mamaya kapag nasugatan ka in any ways," bilin ni Howald na may kasamang pagbabanta."That's not gonna happen hubby," kampanteng sagot n'ya rito.Nagkatinginan silang dalawa at nag-uusap gamit ang mga mata sabay laba
AMBER RIZALYN JOY...."R-Red," gulat na tawag n'ya sa kaibigan ni Howald ngunit hindi s'ya nito pinansin dahil mas inuna nito baril ang mga kalalakihan na may hawak kanina kay Howald.Ang bilis at ang liksi ng galaw ng lalaki na halos hindi n'ya na makita ang paglabas ng bala sa baril nito.Ngayon n'ya lang nakita si Red sa mga laban at masasabi n'yang hindi ordinaryo ang galing ng lalaki. Kung sabagay sa mga magkakaibigan ay si Red naman ang mautak at tuso.Nang maubos na nitong mapatumba ang lahat ng mga kalaban ay humarap ito sa kan'ya."You're bleeding Amber! Fvck! El Frio, gumising ka ngang gago ka, may tama ng bala ang asawa mo!" sigaw nito kay Howald at agad na lumapit sa kan'ya para daluhan s'ya."B-Baby," natigil si Red ng akmang pag-alalay sa kan'ya ng marinig ang pagtawag ng kasintahan nito."Give me a second Amber, may ihahatid lang ako sa empyerno," paalam nito sabay tayo at lumapit sa babae. Umayos s'ya ng upo at sinundan ng tingin si Red."What now Jinky?" tanong ni Red
MAXINE POV...Sa buhay ay may marami tayong choices na pagpipilian. Mayroon na pwede tayong maging mabuting tao sa kapwa natin at mayroon din na pwede tayong maging masama sa iba.And she choose the second one. Ang akala n'ya na kapag naging katulad s'ya ng kan'yang ama ay madali n'yang makukuha ang mga gusto sa buhay.Namulat s'ya sa maling gawain ng ama at lantarang ipinapakita nito sa kan'ya ang mga ginagawang kasamaan. Isa itong uliran at mabait na asawa sa harap ng kinalakhan n'yang ina ngunit demonyo ito kapag silang dalawa lang.Bata pa lamang s'ya ay alam n'ya na kung paano gumawa ng masama dahil sa kan'yang ama. Tinuruan s'ya nito at itinatak sa kan'yang isip na kailangan n'yang maging masama para magkaroon ng kapangyarihan at makukuha agad ang kan'yang mga gusto sa buhay.At ang ganitong paniniwala ay dala-dala n'ya hanggang sa kan'yang paglaki. Isa sa kan'yang pangarap ay ang mapansin ng isang Howald Jacob El Frio. Sabay silang lumaki at palaging magkasama. Naging malapit