AMBER RIZALYN JOY....Matapos ang meeting ay iginiya sila palabas ni Poncho. Nauna itong naglakad at nakasunod lamang sila sa lalaking kanang kamay ng kanilang ama.Dinala sila nito sa kabilang bahagi ng malaking bahay at doon ay nakita nila ang isang magarang lugar kung saan ay may mga kwarto at malaking living room sa gitna. Para na din itong isang bahay na nasa loob ng palasyo.Napapalamutian ng mga furniture na kulay puti at gold ang buong living room. Sumisigaw sa karangyaan ang bawat gamit na namataan n'ya at nalulula s'ya sa nakikitang yaman ng mga Borris. Hindi basta-basta ang mga brand ng mga gamit na nasa loob at alam n'yang bawat piraso ay milyones ang halaga."Welcome home queen Rachel and kids," si Poncho sa kanila. "Maraming salamat Poncho, maraming salamat at inalagaan mo ang bahay namin kahit wala na kami rito," maluha-luhang pasasalamat ng ina kay Poncho.So ang ibig sabihin ay sa kanila ang bahay na ito. Bahagi pa rin ito ng malaking palasyo ngunit ang parteng ito
AMBER RIZALYN JOY...Kinabukasan ay maaga s'yang nagising. Alas tres pa lang ng umaga ay gising na s'ya.Bumangon s'ya at naligo, pagkatapos ay binuksan n'ya ang laptop na pinahiram sa kan'ya ni Lucy at pinanuod na naman ulit ang laban ng mga kawani ng mga Borris.Ilang ulit n'yang minimemorya ang pinapanuod at tinandaan ang bawat strategy na ginagamit ng mga ito sa pag ataki.Isang oras din s'yang nakatunganga sa harapan ng laptop. Pagkatapos na mapanuod ang lahat ng video ay naupo s'ya sa kama at nag-isip ng iba pang plano at mga taktika kung paano lumaban sa mga ito.Hindi s'ya dapat pakampante. Ang sabi ni Erros sa kan'ya ay patayan ang challenge na ibinigay sa kan'ya. Dalawa lang ang pwede n'yang pagpilian.Ang patayin ang makakalaban o s'ya ang papatayin nito kapag hinayaan n'ya ito na makalusot sa kan'ya. Ayon sa mga kapatid ay hindi s'ya buhuhayin ng makakalaban n'ya dahil nasa batas yan na ipinatupad ng kanilang ama.Patayin ang katunggali para ebedensya na ikaw ang nanalo at
AMBER RIZALYN JOY...Nawindang s'ya ng makita ang taong kan'yang makakalaban. Sino ba ang hindi? The man standing in front of her is a giant.Ay hindi pala! Kapre pala dahil sa sobrang taas at laki ng katawan nito. Siguro sampong beses ang laki nito sa kumpara sa kan'yang katawan.Hindi n'ya inakala na may alagang ganito ang mga Borris. Ang akala n'ya ay sa mga movie n'ya lang ito mapapanuod ang mga ganitong klase ng mga tao.Para itong Chinese basketball player na si Yaoming sa tangkad. Naisip n'ya ang ibinigay sa kan'ya ni Lucy na armas. Paano n'ya maabot ang mga mata nito kung hindi n'ya alam kung paano aakyat sa katawan ng lalaki para magpantay ang mga mukha nila.Biglang sumakit ang ulo n'ya habang nakatingin sa lalaki na naglalakad palapit sa kan'yang kinaroroonan."Shit!" wala sa sariling mura n'ya. Ngayon pa lang ay alam n'yang mahihirapan s'yang pabagsakin ito. Para itong kapatid ni "The Rock" na isang wrestler."Saan ba nakuha ng mga Borris itong lalaki na to? Bakit naman so
AMBER RIZALYN JOY....Mabilis na nakabawi ang lalaki at mas lalo pa itong nanggigil sa kan'ya ng hindi man lang makatama kaya sinugod s'yang muli nito at sa pagkakataong ito ay nasukol na s'ya ng lalaki.Nagpalitan sila ng mabilis at malakas na suntok sa isat-isa. Alam n'yang hindi ito natitinag sa natatamong suntok at sipa mula sa kan'ya. Parang bato ang katawan ng lalaki at aaminin n'yang mas nasasaktan pa ang kan'yang kamao sa tuwing tatama sa pagmumukha nito o sa ibang parte ng katawan ng lalaki.Kailangan n'yang makahanap ng sensitibong parte ng katawan nito para patamaan. Hindi pwedeng hindi n'ya magawa iyon dahil mananatili lang ang lakas nito sa katawan at mahihirapan na s'ya na pabagsakin ito.Inaliw n'ya muna ang lalaki sa pakikipag sparing sa kan'ya ngunit iniiwasan n'ya na matamaan ng kamao nito dahil hindi n'ya alam kung magigising pa ba s'ya kapag nagkataon na napatamaan s'ya nito.Kumuha s'ya ng pagkakataon para makaakyat muli sa katawan nito at magpantay ang kanilang
AMBER RIZALYN JOY...Nandidilim na ang kan'yang tingin at halos mawalan na s'ya ng malay. Ngunit bigla s'yang nataohan ng makita sa kan'yang balintataw ang dalawang anak na sinasaktan ni Maxine.Nagmukhang demonyo sa paningin n'ya ang babae habang hawak-hawak ang dalawang anak sa buhok. May dalawang sungay ito at namumula ang mga mata habang sinasaktan ang mga anak n'ya."No! Hindi ako papayag na magiging madrasta ng mga anak ko ang demonyong babaeng iyon," pagkausap n'ya sa sarili ng makitang sinasabunotan ni Maxine ang buhok ni Dominique.Napakasakit para sa kan'ya bilang ina na nakikita ang mga anak na sinasaktan ng ibang tao. Halos ayaw n'ya itong madapoan ng alikabok ngunit sasaktan lang ng iba. Hindi s'ya papayag, lalaban s'ya para sa kan'yang dalawang anak.Parang sinasaksak ang puso n'ya ng makita na sinasabunotan ang kan'yang bunsong anak ng taong may malaking kasalanan na nagawa sa pamilya nila. Ang tao na s'yang dahilan para maghiwalay silang magpamilya.Ang taong sumira sa
AMBER RIZALYN JOY...Nagising si na masakit ang buong katawan. Napangiwi s'ya ng maramdaman ang pagsigid ng kirot sa kan'yang mukha.Pakiramdam n'ya ay tuyong-tuyo ang kan'yang lalamunan kaya dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata ngunit kakaunting liwanag lang ang kan'yang nakikita.Bigla s'yang nabalisa ng imulat ulit ang mga mata at ganon pa rin ang nakikita n'ya. Kaunting liwanag lamang at hindi n'ya alam kung bakit. Parang ang liit ng pagkabuka ng kan'yang mga mata."Anong nangyari?" lihim na tanong n'ya sa sarili at sinubukan ulit na imulat ang mga mata ngunit ganon pa rin. Nakaramdam s'ya ng kaba ngunit ng maisip ang pamilya ay agad n'yang tinawag ang mga ito."Mommy! Erros, Earl, Lucy?" tawag n'ya sa ina at mga kapatid ngunit walang sumasagot. Mag-isa lang s'ya sa kwartong kinaroroonan n'ya na hindi n'ya alam kung saan."Nasaan sila at nasaan ako?" tanong n'ya ulit sa sarili at pilit na inaaninag ang paligid ngunit puro puti lang ang kan'yang nakikita."Lucy anak kamusta si
AMBER RIZALYN JOY...Isang linggo matapos n'yang makalabas ng hospital ay idinaos ang isang engrandeng kasiyahan sa loob ng malaking bulwagan ng mga Borris bilang pag welcome sa kan'ya.Excited na ang lahat sa pagharap n'ya sa mga ito. Pero bago pa man s'ya humarap sa mga tao ay nagkaroon muna ng pribadong pagpupulong ang mga matatanda at opisyal ng buong empire kasama s'ya at ang kan'yang pamilya.Nauna na s'yang ipinakilala sa mga ito at nagbigay pugay sa kan'ya ang lahat. Malaki ang pasasalamat ng lahat na hindi daw s'ya nanghina sa mga ipinakita ng mga ito noong una.Bilang pagsubok sa bagong mamumuno sa kanilang angkan ay kasama rito ang pagiging kalmado nito para makapag-isip ng maayos at hindi ma distract sa kung ano mang bagay na nakikita sa o naririnig sa paligid.Ang she did well. Hindi s'ya nagpadala sa mga panunuya ng mga ito sa kan'ya which is ramdam n'ya naman mula pa ng humarap silang mag pamilya sa mga ito.Isa-isang tumayo ang mga nakakatanda at lumapit sa kan'ya at l
AMBER RIZALYN JOY...Matapos ang napag-usapan ay tumulak agad sila pauwi ng Pilipinas. Nakahanda na ang kan'yang mga plano kung paano laruin ang laro na gusto ni Maxine.Hindi lang si Erros ang sumunod sa kan'ya kundi pati na ang dalawa pang kambal. Isinama n'ya rin sa pag-uwi si Dominique dahil kasama din ito sa plano.Tingnan n'ya lang kung hindi ma stroke sa galit si Maxine kapag nakita s'ya at ang anak n'ya na kamukhang-kamukha ng tukmol na tatay nito.Paglapag nila sa Pilipinas ay dumeritso agad sila sa kanilang bahay. May bahay sila sa Pilipinas na binili at dito na muna sila pansamantala.Agad na tinulongan s'ya ng mga kapatid na maasikaso ang lahat. May mga nailagay na ang kan'yang mga kapatid na mga device para mapadali ang kanilang trabaho.Pati si Dominique ay mayroong tracker sa katawan. Alam n'ya ang galawan ni Maxine pati na ang utak at pagkaduwag nito. Hindi ito lumalaban ng patas at palaging patalikod o pailalim kung turmira kaya mabuti na yong handa.This time ay hin