AMBER RIZALYN JOY...Nandidilim na ang kan'yang tingin at halos mawalan na s'ya ng malay. Ngunit bigla s'yang nataohan ng makita sa kan'yang balintataw ang dalawang anak na sinasaktan ni Maxine.Nagmukhang demonyo sa paningin n'ya ang babae habang hawak-hawak ang dalawang anak sa buhok. May dalawang sungay ito at namumula ang mga mata habang sinasaktan ang mga anak n'ya."No! Hindi ako papayag na magiging madrasta ng mga anak ko ang demonyong babaeng iyon," pagkausap n'ya sa sarili ng makitang sinasabunotan ni Maxine ang buhok ni Dominique.Napakasakit para sa kan'ya bilang ina na nakikita ang mga anak na sinasaktan ng ibang tao. Halos ayaw n'ya itong madapoan ng alikabok ngunit sasaktan lang ng iba. Hindi s'ya papayag, lalaban s'ya para sa kan'yang dalawang anak.Parang sinasaksak ang puso n'ya ng makita na sinasabunotan ang kan'yang bunsong anak ng taong may malaking kasalanan na nagawa sa pamilya nila. Ang tao na s'yang dahilan para maghiwalay silang magpamilya.Ang taong sumira sa
AMBER RIZALYN JOY...Nagising si na masakit ang buong katawan. Napangiwi s'ya ng maramdaman ang pagsigid ng kirot sa kan'yang mukha.Pakiramdam n'ya ay tuyong-tuyo ang kan'yang lalamunan kaya dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata ngunit kakaunting liwanag lang ang kan'yang nakikita.Bigla s'yang nabalisa ng imulat ulit ang mga mata at ganon pa rin ang nakikita n'ya. Kaunting liwanag lamang at hindi n'ya alam kung bakit. Parang ang liit ng pagkabuka ng kan'yang mga mata."Anong nangyari?" lihim na tanong n'ya sa sarili at sinubukan ulit na imulat ang mga mata ngunit ganon pa rin. Nakaramdam s'ya ng kaba ngunit ng maisip ang pamilya ay agad n'yang tinawag ang mga ito."Mommy! Erros, Earl, Lucy?" tawag n'ya sa ina at mga kapatid ngunit walang sumasagot. Mag-isa lang s'ya sa kwartong kinaroroonan n'ya na hindi n'ya alam kung saan."Nasaan sila at nasaan ako?" tanong n'ya ulit sa sarili at pilit na inaaninag ang paligid ngunit puro puti lang ang kan'yang nakikita."Lucy anak kamusta si
AMBER RIZALYN JOY...Isang linggo matapos n'yang makalabas ng hospital ay idinaos ang isang engrandeng kasiyahan sa loob ng malaking bulwagan ng mga Borris bilang pag welcome sa kan'ya.Excited na ang lahat sa pagharap n'ya sa mga ito. Pero bago pa man s'ya humarap sa mga tao ay nagkaroon muna ng pribadong pagpupulong ang mga matatanda at opisyal ng buong empire kasama s'ya at ang kan'yang pamilya.Nauna na s'yang ipinakilala sa mga ito at nagbigay pugay sa kan'ya ang lahat. Malaki ang pasasalamat ng lahat na hindi daw s'ya nanghina sa mga ipinakita ng mga ito noong una.Bilang pagsubok sa bagong mamumuno sa kanilang angkan ay kasama rito ang pagiging kalmado nito para makapag-isip ng maayos at hindi ma distract sa kung ano mang bagay na nakikita sa o naririnig sa paligid.Ang she did well. Hindi s'ya nagpadala sa mga panunuya ng mga ito sa kan'ya which is ramdam n'ya naman mula pa ng humarap silang mag pamilya sa mga ito.Isa-isang tumayo ang mga nakakatanda at lumapit sa kan'ya at l
AMBER RIZALYN JOY...Matapos ang napag-usapan ay tumulak agad sila pauwi ng Pilipinas. Nakahanda na ang kan'yang mga plano kung paano laruin ang laro na gusto ni Maxine.Hindi lang si Erros ang sumunod sa kan'ya kundi pati na ang dalawa pang kambal. Isinama n'ya rin sa pag-uwi si Dominique dahil kasama din ito sa plano.Tingnan n'ya lang kung hindi ma stroke sa galit si Maxine kapag nakita s'ya at ang anak n'ya na kamukhang-kamukha ng tukmol na tatay nito.Paglapag nila sa Pilipinas ay dumeritso agad sila sa kanilang bahay. May bahay sila sa Pilipinas na binili at dito na muna sila pansamantala.Agad na tinulongan s'ya ng mga kapatid na maasikaso ang lahat. May mga nailagay na ang kan'yang mga kapatid na mga device para mapadali ang kanilang trabaho.Pati si Dominique ay mayroong tracker sa katawan. Alam n'ya ang galawan ni Maxine pati na ang utak at pagkaduwag nito. Hindi ito lumalaban ng patas at palaging patalikod o pailalim kung turmira kaya mabuti na yong handa.This time ay hin
AMBER RIZALYN JOY..."Ano ba Howald bakit mo ako dinala rito ha? At kaninong bahay to?" singhal n'ya sa asawa ng ipasok s'ya nito sa loob ng bahay at dinala pa sa kwarto.Nakaramdam s'ya ng kaba ngunit hindi s'ya nagpatalo rito."Bahay natin bakit may reklamo ka?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kan'ya."Aba ang gagong to, may kapal ka pa ng mukha na sabihin sa akin yan? Eh ibinahay mo na nga yong demonyitang Maxine na yon," galit na sikmat n'ya sa asawa.Nagbuga ito ng hangin at nagsimulang magpaliwanag kung bakit nito pinatira si Maxine sa kanilang bahay. Alam n'ya na ito dahil sinabi na ni Leo sa kan'ya ngunit gusto n'ya pa ring marinig mula mismo kay Howald ang totoo.Nakikinig lang s'ya habang nagpapaliwanag ang lalaki hanggang sa matapos ito sa pagsasalita. Hinamig n'ya ang sarili bago nagsalita para kausapin ang asawa sa kan'yang plano.Mapapadali nila ang trabaho kapag nagtulongan sila at alam n'ya na malaki ang maitulong ni Howald dito."Let's work together Howald. Do you
AMBER RIZALYN JOY...Marahas at may diin ang bawat halik ng asawa na iginawad sa kan'ya. Ramdam n'ya ang panggigil sa bawat dampi ng labi nito sa kan'yang labi.Kung gugustohin n'ya ay baka sa kama sila humantong dahil sa kapusokan ngunit hindi pa ito ang tamang oras.Marami pang bagay ang kailangan nilang unahin ni Howald at hindi kasama dito ang init ng kanilang mga katawan. Na miss n'ya rin ito, hindi n'ya ipagkakaila yan ngunit hindi pa ito ang tamang oras para sa tawag ng laman.Pasasaan ba at mararanasan din nila ito kapag natapos na ang problema nila. Kaya naman ay inipon n'ya ang lahat ng lakas at itinulak ang asawa habang hindi pa s'ya nadadala sa mga halik nito.Nagawa n'ya naman ang maitulak ito at kita sa mukha ni Howald ang pagtataka sa kan'yang ginawa."Sino ang may sabi sayo na pwede mo akong halikan? Nakalimutan mo ba ang sinabi ng kapatid ko kanina? Hindi na tayo kasal at hindi na tayo mag-asawa," kunyari ay singhal n'ya rito. Sumeryoso naman ang mukha nito na lumapit
AMBER RIZALYN JOY...She drives fast at hindi alintana ang kan'yang speed. Ngunit ng maalala na hindi n'ya alam kung nasaan ngayon ang asawa ay agad s'yang nag menor at inabot ang kan'yang cellphone.Hinanap n'ya ang pangalan ni Howald at tinawagan ito ngunit hindi na ito sumasagot sa kan'yang tawag kaya naman ay wala s'yang choice kundi ang tawagan si Leo.Taohan ng kapatid n'ya si Leo at s'yang naatasan na bantayan s'ya sa loob ng bahay ni Howald noong hindi pa sila nagkakilala ni Erros. Huli n'ya na lang nalaman na pinababantayan pala s'ya ng kapatid at si Leo ang nagrereport sa lahat ng nangyayari sa kan'ya sa bahay ni Howald.Isa din si Benny sa mga ally ni Erros. Benny is an assassin too na naging katiwala ni Howald.Bilib s'ya sa kan'yang kapatid. Ang dami nitong connection at napapanganga na lang s'ya nang nalaman n'ya na ang mga tao na nakapalibot sa kan'ya ay s'ya pa lang inutosan nito na magbantay sa kanila ng anak na si Joshua."Yes madam?" natigil lang s'ya sa pag-iis
HOWALD JACOB...Bigla s'yang naging masigla at mas naging motivated sa kan'yang mga plano dahil sa kan'yang asawa at mga anak.Masaya s'ya dahil alam n'yang mahal pa rin s'ya ni Amber. Hindi s'ya nito pupuntahan kung hindi ito nag-aalala sa kan'ya."Nay isang kiss nga lang, ang damot naman talaga oh, samantalang dati kahit sa momo ay pinapakiss mo ako," nagmamaktol na reklamo n'ya habang panay pa rin ang ungot ng halik sa asawa."Anong momo yang pinagsasabi mo Howald?" sita sa kan'ya ni Amber."Yan oh! Yang momo na yan, nag kiss ako dati d'yan," sagot n'ya sabay nguso sa ilalim na parte ng katawan ng asawa. Sinundan nito ng tingin ang itinuro n'ya at ganon na lang ang paniningkit ng mga mata nito ng makuha ang kan'yang tinutukoy."Hayop ka talaga ang bastos mo!" inis na sigaw nito sa kan'yang pagmumukha."Bastos ka d'yan, pa kiss na nga lang kasi nay," giit n'ya pa rito ngunit imbes na pagbigyan s'ya ay nag martsa ito patungo sa pinto.Mabilis ang mga kilos na hinahol n'ya ang asawa a