AMBER RIZALYN JOY...Naging maayos naman ang kan'yang pagtira sa mga kapatid. Ngayon ay hindi s'ya na nahihirapan sa kan'yang pagbubuntis dahil nand'yan ang mommy nila at ang tatlong kapatid na nag-aalaga sa kan'ya.At mabuti na lang dahil hindi din naging maselan ang kan'yang pagbubuntis. Ang pinaglihian n'ya lang ay ang anak na si Joshua kung kaya paulit-ulit n'ya itong kinukulit na bisitahin s'ya.Alam ng mga magulang ni Howald na buhay s'ya at nag-usap ang mga ito at si Erros. Hindi n'ya alam kung ano ang naging kasunduan ng mga ito na napapayag ng kapatid ang kan'yang mga in-laws na itago kay Howald na buhay s'ya.Naaawa din s'ya sa asawa ngunit wala s'yang magawa sa ngayon dahil naka depende lang s'ya sa mga kapatid at isa pa ay buntis s'ya sa pangalawang anak nila.Hindi s'ya pwedeng bumiyahe pauwi ng Pilipinas. Sobrang miss n'ya na si Howald at halos araw-araw ay umiiyak s'ya dahil sa pangungulila n'ya rito.Nang hindi na makayanan ang nararamdaman ay lumabas s'ya ng kwarto a
AMBER RIZALYN JOY...Mabilis na lumipas ang mga araw at kabuwanan n'ya na. Masaya s'ya, excited and at the same time ay malungkot din dahil hindi man lang naranasan ng mga anak n'ya ang maalagaan ng ama ng mga ito habang ipinagbubuntis n'ya.Tiniis n'ya ang lahat ng pangungulila at sakit sa araw-araw na nagdaan. Lalo pa ng malaman n'ya ang mga nangyayari kay Howald at Maxine.Hindi n'ya alam kung paano nagawa ng mga kapatid na makapaglagay ng cctv sa bahay nila ni Howald kung saan nakatira si Maxine ngayon.Kaya nalalaman n'ya ang lahat ng nangyayari pati na ang mga plano nito kay Howald at sa yaman ng asawa.Naging matapang s'ya at naging malakas dahil sa mga nalaman. Hindi n'ya hahayaan na magtagumpay ang impaktang si Maxine sa mga plano nito.Kaya hinintay n'ya talaga ang pagkakataong ito na mailuwa ang anak para makapag simula na s'ya sa sinasabi ng mga kapatid na training.Pursigido na s'ya na gagawin ito hindi dahil gusto n'yang maging reyna ng angkan nila kundi dahil gusto n'y
AMBER RIZALYN JOY...Naging emosyonal ang pagkikitang muli ng kanilang mga ina pero masaya ang lahat.Iisang pamilya na sila at sobrang gulo dahil kan'ya- kan'ya ng bida ang mga nanay nila sa mga achievements ng mga ito noong kapanahunan ng mga ito.Inimbita din ng kanilang mommy ang mga byenan na mag stay muna sa kanilang bahay ng ilang araw na pinaunlakan naman agad ng ina ni Howald.Kaya ang dating bahay nila sa Sweden na tahimik at sila-sila lang ay napuno ng tawanan at huntahan ng dalawang pamilya.Makalipas ang tatlong araw ay nakalabas na sila ng hospital at kasalukuyang nagpapahinga na sa bahay.Hindi na s'ya nahihirapan sa pag-aalaga kay Dominique dahil ang daming tumutulong sa kan'ya kaya nakapag pahinga s'ya ng maayos.She named her daughter Dominique and she knows na masaya ang anak n'ya sa pangalan nito dahil napapangiti ito sa tuwing tinatawag n'ya na Dominique.Nasa balkonahe s'ya ng kan'yang kwarto at pinapaarawan ang anak. Karga-karga n'ya ang maliit na katawan nito s
AMBER RIZALYN JOY...Matapos kumain ay tumulak sila sakay ng private plane ni Earl. Wala s'yang ka ide-ideya kung saan sila pupunta.Nakasunod lang s'ya sa mga kapatid at ina. Iniwan n'ya muna si Dominique kay Hariet na s'yang nag boluntaryo na bantayan si Dominique.Kagabi lang ito dumating sa kanila. Tumawag s'ya kahapon sa mga byenan at nakisuyo at si Hariet ang nag boluntaryo na pumunta. Well.., nahahalata n'ya naman ang pakay nito at natatawa na lamang s'ya sa hitsura ng dalaga kapag dinidedma lang ito ng kan'yang kapatid na si Erros kapag nasa bahay nila.Pero kapag hindi nakatingin si Hariet dito ay palagi n'yang nahuhuli ang kapatid na hindi maalis ang tingin kay Brenda Hariet.Kinikilig tuloy s'ya minsan sa dalawa ngunit sinasarili n'ya na lang dahil alam n'yang sisimangotan lang s'ya ni Erros kapag kinatyawan n'ya ito.Mukhang itinadhana talaga ang mga pamilya nila na maging isa. Naalala n'ya ang sinabi ng mga ina nila na noong kabataan ng mga ito ay palagi nitong pinag-uus
AMBER RIZALYN JOY..."Good day everyone, let us welcome the family of the late don of our clan Rizalino Llunova Borris together with the chosen and the next boss to be of this empire — Her Majesty Amber Rizalyn Joy Borris," malakas na pagpapakilala ni Poncho sa kan'ya sa lahat ng mga tao nasa bulwagan.Nilingon pa sila nito at imwenestra sa mga tao sa kanilang harapan. Nagpalakpakan ang lahat ng naroroon at tuwang-tuwa ng makita silang lima.Ngunit ang mga matatanda na nakaupo sa unahan ay malamig at seryoso lang ang mga mukha na nakatingin sa harapan.Namamangha pa rin s'ya sa nakikita sa buong hall na kinaroroonan nila. May malaking espasyo na pabilog na parang arena sa gitna. Sa unahan ay nakaupo ang mga matatandang lalaki at babae na sa hinuha n'ya ay may matataas na katungkulan sa kanilang angkan dahil sa mga suot ng mga ito na damit na may nakakabit na iba't-ibang badges na may iba't-ibang kulay.They looks like a royal dynasty dahil sa mga kasuotan ng mga ito samantalang sila
AMBER RIZALYN JOY....Matapos ang meeting ay iginiya sila palabas ni Poncho. Nauna itong naglakad at nakasunod lamang sila sa lalaking kanang kamay ng kanilang ama.Dinala sila nito sa kabilang bahagi ng malaking bahay at doon ay nakita nila ang isang magarang lugar kung saan ay may mga kwarto at malaking living room sa gitna. Para na din itong isang bahay na nasa loob ng palasyo.Napapalamutian ng mga furniture na kulay puti at gold ang buong living room. Sumisigaw sa karangyaan ang bawat gamit na namataan n'ya at nalulula s'ya sa nakikitang yaman ng mga Borris. Hindi basta-basta ang mga brand ng mga gamit na nasa loob at alam n'yang bawat piraso ay milyones ang halaga."Welcome home queen Rachel and kids," si Poncho sa kanila. "Maraming salamat Poncho, maraming salamat at inalagaan mo ang bahay namin kahit wala na kami rito," maluha-luhang pasasalamat ng ina kay Poncho.So ang ibig sabihin ay sa kanila ang bahay na ito. Bahagi pa rin ito ng malaking palasyo ngunit ang parteng ito
AMBER RIZALYN JOY...Kinabukasan ay maaga s'yang nagising. Alas tres pa lang ng umaga ay gising na s'ya.Bumangon s'ya at naligo, pagkatapos ay binuksan n'ya ang laptop na pinahiram sa kan'ya ni Lucy at pinanuod na naman ulit ang laban ng mga kawani ng mga Borris.Ilang ulit n'yang minimemorya ang pinapanuod at tinandaan ang bawat strategy na ginagamit ng mga ito sa pag ataki.Isang oras din s'yang nakatunganga sa harapan ng laptop. Pagkatapos na mapanuod ang lahat ng video ay naupo s'ya sa kama at nag-isip ng iba pang plano at mga taktika kung paano lumaban sa mga ito.Hindi s'ya dapat pakampante. Ang sabi ni Erros sa kan'ya ay patayan ang challenge na ibinigay sa kan'ya. Dalawa lang ang pwede n'yang pagpilian.Ang patayin ang makakalaban o s'ya ang papatayin nito kapag hinayaan n'ya ito na makalusot sa kan'ya. Ayon sa mga kapatid ay hindi s'ya buhuhayin ng makakalaban n'ya dahil nasa batas yan na ipinatupad ng kanilang ama.Patayin ang katunggali para ebedensya na ikaw ang nanalo at
AMBER RIZALYN JOY...Nawindang s'ya ng makita ang taong kan'yang makakalaban. Sino ba ang hindi? The man standing in front of her is a giant.Ay hindi pala! Kapre pala dahil sa sobrang taas at laki ng katawan nito. Siguro sampong beses ang laki nito sa kumpara sa kan'yang katawan.Hindi n'ya inakala na may alagang ganito ang mga Borris. Ang akala n'ya ay sa mga movie n'ya lang ito mapapanuod ang mga ganitong klase ng mga tao.Para itong Chinese basketball player na si Yaoming sa tangkad. Naisip n'ya ang ibinigay sa kan'ya ni Lucy na armas. Paano n'ya maabot ang mga mata nito kung hindi n'ya alam kung paano aakyat sa katawan ng lalaki para magpantay ang mga mukha nila.Biglang sumakit ang ulo n'ya habang nakatingin sa lalaki na naglalakad palapit sa kan'yang kinaroroonan."Shit!" wala sa sariling mura n'ya. Ngayon pa lang ay alam n'yang mahihirapan s'yang pabagsakin ito. Para itong kapatid ni "The Rock" na isang wrestler."Saan ba nakuha ng mga Borris itong lalaki na to? Bakit naman so