Mavi PovGaling ako sa school dahil hinatid ko si Moses sa pinapasukan niyang school. Minsan kasi naglalambing sa akin si Moses at gusto niyang samahan ko siya papunta sa school ngunit hindi ko na pagbibigyan ang paglalambing niya dahil may pasok ako sa trabaho. Pero ngayon ay day off ko kaya may time ako na ihatid siya sa school niya.Pagkagaling ko sa school ay tumawid ako sa kalsada at naglakad naman papuntang palengke. Walking distance lang mula sa school hanggang palengke kaya hindi na ako sumakay. Sayang lamang ang pamasahe at saka exercise ko na rin ang paglalakad.Magluluto ako ng paborito g ulam ni Moses. Matagal na siyang hindi nakakakain ng paborito niyang ulam kaya tiyak na matutuwa siya kapag nakita niyang ang nakahain sa mesa.Habang naglalakad ako sa kalsada ay napansin ko ang isang itim na van na sumusunod sa akin. Actually, paglabas ko ng school ay naka-park na sa tapat ng school ang van na ito at nang maglakad ako ay saka naman ito umandar. Akala ko ay nagkataon lam
Alpha Magnus PovNasa veranda ako at tahimik na umiinom ng alak habang tinatanaw ang tubig sa swimming pool. Malalim ang laman ng aking isip. Iniisip ko ang babaeng ina ng batang pinagkamalan ako bilang kanyang ama. Hindi ko maintindihan ngunit magmula nang makita ko sila ay hindi ko sila magawang iwaglit sa aking isipan. Para bang may nagbubulong sa akin na isipin ko sila. At mas lalong hindi sila mawala sa aking isip nang makita ko ulit ang babaeng iyon nang araw ng engagement party namin ni Sonia.Pakiramdam ko ay may kaugnayan sila sa akin. Sila kahit anong isipin ko ay wala akong maalala na nakilala ko ang sila. "Mavi," mahinang sambit ko sa pangalan ng babae. Naglalaro sa loob ng aking isip ang maganda niyang mukha. Ang mga mata niyang nakitaan ko ng pagkabigla at pag-aalala nang makita niya ako. "Ano ba ang kauganyan ninyo sa akin? O may kaugnayan ba ako sa inyo? Pero bakit hindi ko kayo maalala?"Nagtanong ako sa mga maid sa bahay kung kilala ba nila si Mavi, ang kasama ng ba
Mavi PovGusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko sa loob ng sasakyan ni Alpha Magnus. Sa dinami-rami ng tao sa mundo ay bakit sa kotse pa niya ako napasakay? Bakit kotse pa niya ang huminto malapit sa akin? Coincidence lang ba ito o talagang pinagtagpo kami ng tadhana?Nandito rin sa loob ng kotse si Sonia na siyang pinaghihinalaan kong nag-utos sa mga lalaking iyon ma kidnapin ako. Kapag kinompronta ko siya ngayon ay tiyak na hindi siya aamin dahil wala naman akong matibay na katibayan na totoo ang aking hinala. Ngunit malakas ang kutob ko na hindi ako nagkakamali. "Hey? Are you listening to me?"Nagulat ako nang bigla akong kinalabit ni Alpha Magnus. Nakatingin pala sila ni Sonia sa akin habang si Dave naman ay panaka-nakang sumusulyap sa akin sa rearview mirror. Malalim ang iniisip ko kaya hindi ko namalayan na kinakausap pala ako ni Alpha Magnus."May sinasabi ka ba, Alpha Magnus? Pasensiya na hindi ko narinig," mabilis kong paumanhin sa kamya. "Hanggang ngayon kasi ay nangingin
Mavi Pov"Anong nangyari sa'yo, Mavi? Bakit parang mamamatay na ang hitsura mo kanina pagdating mo?" agad na tanong ni Lotlot sa akin nang pagbalikan ako ng aking malay. Maayos na ang pakiramdam ko. Hindi ko na nararamdaman na para bang pinipiga ang aking puso.Bumangon muna ako sa pagkakahiga at naupo na lamang sa kama bago ko siya sinagot. "Nagkita na ulit kami ni Alpha Magnus, Lotlot. Nagkita na rin sila ni Moses. At wala nga siyang maalala tungkol sa amin ng anak niya. Tapos kinidnap naman ako kaninang umaga habang naglalakad ako papunta sa palengke. Mabuti na lamang nakatakas ako kung hindi ay baka patay na ako ngayon. At alam mo ba na kaya ako tuluyang nakatakas sa mga kidnaper ay dahil sumakay ako sa kotseng huminto malapit sa akin? At sakay ng kotse na iyon sina Alpha Magnus at Sonia," mahabang salaysay ko kay Lotlot. Sa haba ng kuwento ko ay nag-dry ang aking lalamunan kaya lumabas si Lotlot sa silid at kumuha ng malamig na tubig. Sinaid ko ang laman ng baso na para bang uh
Mavi PovKinabukasan ay inumpisahan namin ni Lotlot na sundan si Sonia mula sa bahay niya hanggang sa mga lugar na pupuntahan niya. Nagkataong school fair kaya hindi ko na lamang pinapasok si Moses sa school. Pinakiusapan ko na lamang ang dalagang kapitbahay namin na samahan ang anak ko sa bahay dahil mag-isa lamang siya. Mahigpit kong ibinilin sa kanila na huwag lalabas ng bahay at huwag magbubukas o magpapapasok sa loob ng bahay ng kahit na sinong tao.Maaga pa lamang ay naka-park na ang kotse ni Lotlot hindi kalayuan sa bahay ni Sonia. Ang distansiya namin mula sa bahay niya ay sapat lamang para makita namin siya at kung sino ang kasama niya. Hindi niya mapapansin ang kotse ng kaibigan ko dahil maraming kotse ang naka-park malapit sa bahay ni Sonia. Mga kotse ng kanyang mga kapitbahay.Sinigurado namin na maaabutan namin ang pag-alis ni Sonia sa bahay niya kaya maaga kaming umalis sa mga bahay namin. Nagbaon na lamang kami ng sandwich at tubig para sakaling makaramdam kami ng gutom
Mavi PovNapamura ako ng mahina nang makita ko ang kalunos-lunos na kalagayan ni Alex habang nakakulong sa malaking bakal na hawla. Para siyang malaking aso na ikinulong ni Sonia. Half-naked siya habang nakaupo at nakasandal ang likuran sa bakal na rehas. Duguan ang katawan niya na para bang katatapos pa lamang niyang pahirapan."Alex!" Mabilis kong natakpan ng aking kamay ang bibig ni Lotlot. Katulad ko ay nabigla din siya sa kanyang nakita. Nakikita ko na gustong-gusto nang lumabas ni Lotlot sa lugar na pinagtataguan namin para lapitan si Alex. Ngunit kapag ginawa niya iyon ay tiyak na pareho silang hindi makakaligtas ng buhay sa mga kamay ni Sonia at ng lalaking kasama niya."Gusto mo ba na mahuli tayo ni, Sonia? Paano natin maliligtas si Alex kung pati tayo ay mahuhuli niya?"sita ko sa kanya sa mahinang boses. Natahimik na umiyak na lamang ang kaibigan ko ngunit pigulip na pigil ang kanyang boses para walang tunog ng iyak na lumabas sa lalamunan niya. Nasa mga kamay naming dalaw
Mavi PovHindi na ako nagtaka nang magising ako sa loob ng hospital. Sa ilang beses na nangyaring nagising ako sa loob ng hospital ay parang nasanay na akong magising na nasa ganitong klaseng lugar. Pasalamat nga ako na nagising pa ako. Ngunit hindi ko inasahan na ang taong una kong makikita pagmulat ko ng aking mga mata ay walang iba kundi si Alpha Magnus. Ano ang ginagawa niya rito?Nakatitig ng matiim siya sa akin at para bang matagal na siyang nakatitig sa akin bago pa man ako magising."How are you? Are feeling okay?" agad niyang tanong nang makitang gising na ako."Yes. I'm okay." Ito lamang ang tanging naisagot ko dahil hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan. Ibang Alpha Magnus ang kaharap ko ngayon. Wala siyang nararamdamang pag-ibig para sa akin kaya nakakaramdam ako ng pagkailang sa tuwing kaharap siya. Ngunit paano niya nalaman na nandito ako sa ospital? O baka naman binisita niya lang ako pero ang totoong sinadya niya ay si Alex. Teka, ano nga pala ang nangyari sa
Mavi PovNang magising si Alex ay sinabi niya kay Alpha Magnus ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa sekreto ni Sonia. Labis naman ang galit nang huli nang malaman ang totoong kulay ng babaeng nakatakda sana niyang pakasalan. Ngunit may isang sekreto ni Sonia ang hindi sinabi ni Laex dahil pinakiusapan ko siya na ilihim ito kay Alpha Magmus. Ito ay ang tungkol sa pagpapainom ni Sonia sa akin ng espesyal na gamot ng kanilang pack na ang epekto ay halos hindi ko makayanan.Pinakiusapan ko rin si Akex na huwag sabihin kay Alpha Magnus ang tungkol sa past relationships ko sa kanya at hayaan na lamang ang tadhanang magtakda kung maaalal ba niya ako o hindi. Kung hindi bumalik ang kanyang mga alaala tungkol sa akin at sa anak namin, ibig sabihin ay iyon ang kagustuhan ng moon goddess.Pagkalabas ko ng ospital ay agad kong inilayo si Moses. May relatives si Lotlot sa malayong probinsiya kung saan pansamantalang nakatira ang anak ko. Doon ay ligtas siya dahil hindi alam ni Sonia ang lugar ni
Mavi Pov"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata."Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak."That's righ
Mavi PovAgad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit."I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus."Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin."Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—""Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata."Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na
Mavi Pov"Natutuwa ako at sa wakas ay nakabisita ka sa amin, Moses. Nayakap na rin kita." Mahigit na niyakap ng aking ama si Moses pagpasok namin sa loob ng bahay."Natutuwa ako at nakilala na kita, Lolo. Pati rin ikaw, Aunt Mayer. Finally, I have relatives aside from my dad and mom," sagot naman ni Moses. Halatado sa kanyang boses ang saya na nakita at nakilala niya ang iba pa niyang mga kamag-anakan. Natutuwa naman ako sa kasiyahang nakikita sa kanilang mga mukha lalo na ang anak ko. Hindi na siya takot na takot kagaya kanina nang datnan ko siya na nilulunod ni Lora sa tubig. Hindi ko mapigilan ang magtagis ang aking mga ngipin nang maalala ko ang ginawa ng babaeng iyon sa anak ko. Kung hindi lamang dumating si Alpha Magnus ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."Mabuti at pumayag si Alpha Magnus na dalhin mo rito si Moses, Mavi," kausap sa akin ni Aunt Veron."Of course, papayag siya, Aunt Veron. Busy siya sa kanyang bagong girlfriend kaya wala siyang time para sa anak niya
Mavi PovNatuwa ako nang makasalubong ko ang kotse ni Alpha Magnus habang nasa daan ako at nagmamaneho ng kotse ko papunta pa sa bahay niya. Ibig sabihin, hindi ko siya makikita at makakausap. Gusto ko man siyang makita at makausap ngunit kung sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay may pangyayaring hindi maganda na nagaganap ay mas gusto ko na hindi na lamang kami magkaharap.Si Dayay ang nagbukas ng gate dahil day off daw ng guard ni Alpha Magnus."Nasa sala lamang si Moses at naghihintay na sa'yo, Mavi," nakangiting kausap niya sa akin."Aalis ka ba?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pang-alis at sa halip na bumalik sa loob ng bahay ay humakbang siya palabas ng gate."Oo. Inutusan ako ni Ma'am Lora. May pinapabili siya sa akin sa grocery," sagot niya sa akin. "Aalis na ako, Mavi. Purtahan mo na lamang si Moses. Kailangan kong mabili agad itong ipinapabili sa akin ng babaeng iyon dahil baka pagalitan na naman niya ako. Napakasungit pa naman niya. Ma
Mavi Pov"What are you doing inside this room, Mavi?" naniningkit ang mga matang tanong ni Alpha Magnus habang nakatitig sa akin. "Don't tell me na naligaw ka papunta sa room ni Moses?"Ilang sandaling hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya kung bakit ako nasa loob ng dati kong silid? Alangan namang sabihin ko sa kanya na kaya ako pumasok dito dahil namimiss ko ang dati kong silid? "Ahm, n-nothing. I-I j-just want to get some of my things that I left before." Bahagya pa akong nautal sa pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya alibi ko o hindi."Really? Bakit ngayon mo lang naisip iyon gayong ilang beses ka nang nagpupunta rito sa bahay para makita si Moses?" Tinapunan niya ako ng nagdududang tingin. Halatadong hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya."Ngayon ko lang naman pupuntahan ang anak ko sa kuwarto niya kaya ngayon lang din ako umakyat
Mavi PovNapakunot ang noo ko nang paglabas ko sa gate ng bahay namin ay nakita kong naghihintay si Edward sa labas ng kanyang kotse nakangiting nilapitan niya ako."Hi, Mavi. Are you going to visit your son at Alpha Magnus' house?" tanong niya matapos niyang lumapit sa akin."Yes. But how did you know that I going to visit my son now?"Although pinatawad ko siya sa kasalanan niya sa akin at kinakausap ko na ulit siya ng maayos ay naiilang pa rin akong kausapin siya. Alam ko kasi na gusto niyang makipagbalikan sa akin kaya niya nakikipaglapit siya sa akin ngunit wala na talaga akong balak na makipagrelasyon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na maging single na lamang habambuhay kaysa ang makipagbalikan pa sa kanya."Ahm, you aunt called me earlier. Sinabi niya sa akin na bibisitahin mo nga raw ang anak mo ngayon kaya gusto niyang ipag-drive kita papunta sa bahay ni Alpha Magnus. Wala ka raw kasing kotse na gagamitin ngayon dahil lahat ng kotse niyo wala rito," paliwanag ni Edward. Mukha
Alpha MagnusBinilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko para makarating sa lugar kung saan ko pinababa si Mavi. Siguradong naglalakad siya ngayon sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan dahil wala naang pampasaherong sasakyan na dumadaan sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya.I didn't mean to let her out of my car earlier. Naunahan lang ako ng selos kapag nababanggit ang pangalan ng ex-boyfriend nito. Ayaw pa niyang magkuwento sa ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Edward na para bang pinoprotektahan niya ang privacy ng lalaking iyon. Sa sobrang inis at selos ko ay pinababa ko siya.Hindi ko napansin na madilim ang kalangitan at malapit na palang umulan. At tatawagan ko sana si Alex para sunduin niya si Mavi kaya malakas ang loob ko na iwan siya sa ganoong klaseng lugar. Ngunit nang tinext ko ang kaibigan ko ay hindi nagreply siya at hindi raw siya puwede dahil nasa out-of-town sila ni Lotlot.Malayo pa ako ay may naaninagan akong tao na nakahiga sa gilid ng kalsada. Kinabahan ako dahil
Mavi PovNagsisi ako kung bakit sumakay pa ako sa kotse ni Alpha Magnus. Sana kahit anong sinabi niya ay hindi ako sumakay dahil wala naman na kaming relasyon maliban sa siya ang tatay ng anak ko. Hindi na niya ako pag-aari kaya wala na siyang karapatan na utusan ako at hindi ko na rin siya dapat sundin."Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa inyong dalawa ni Edward, Mavi. Kailan kayo nagkabalikan? Nakaka-inspired naman ang loves story ninyong dalawa. Nagkahiwalay kayo dahil sa misunderstanding tapos pagkalipas ng maraming taon ay muli kayong nagkabalikan. Ikuwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkabalikan ni Edward?" sabi ng babae habang nasa biyahe na kami.Masyado siyang maraming tanong at feeling close siya sa akin. Akala naman niya ay magkukuwento ako sa kanya para marinig ni Alpha Magnus at lalong magalit sa akin ang huli. Luma na ang style niya."Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman tayo close. Ni hindi ko nga kilala kung sino ka," seryoso ang mukha na sagot ko sa babae.
Mavi PovGustong -gusto ko nang umuwi sa bahay dahil hindi naman ako nag-eenjoy sa party. Ang mga dati kong friends ay pinagtataasan ako ng kilay at lihim na pinag-uusapan kapag nakatalikod ako sa kanila. Ngunit hindi ako nasasaktan kahit na hindi na kaibigan ang tingin nila sa akin ngayon. Wala akong pakialam sa kanila. Wala naman silang ambag sa buhay ko kaya bakit ako paaapekto sa mga sinasabi nila?Gusto ko nang magpaalam kay Aunt Veron na mauuna na ako sa kanyang bumalik sa bahay ngunit hindi ako makalapit sa kanya dahil hindi siya nawawalan ng kausap. Nahihiya naman ako kung basta na lamang ako lalapit sa kanila at iistorbuhin ang masarap nilang usapan. Si Edward naman ay hinila ng mga kakilala nito. Kahit na medyo nasira ang pangalan nito dahil sa paghihiwalay namin noon ay meron pa naman itong mga kaibigan na nakahandang makipag-usap sa kanya. Mas gusto kong mag-isa na lamang ako at magmukhang tanga kaysa siya ang kaharap ko. Hindi porke't nakahanda na akong patawarin siya i