MARY LYNELLENagising ako ng maaga kinabukasan. Sinulyapan ko ang katabi, ang himbing ng tulog nito. Marahil dahil din sa nakainom ito kagabi kaya bumabawi.Marahan na kumalas ako ng yakap dito sa takot na magising sa galaw ko. Sa pagpipilit ko na makaalis sa pagkakayakap, ay nagising ito.Paano, daig pa nito ang tuko sa higpit ng kapit kala naman ay makakatakas ako. Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay dahil pakiwari ko ay gising na ito.Nakita ko na umaalog ang balikat tanda na nagtutulog tulugan lamang ito. Naghikab ito kunwari. Kinurot ko ito sa tiyan o mas tamang sabihin sa abs niya at sinimangutan ko."Ouch naman my love, mapanakit ka naman." Wika nito na hinahaplos ang nasaktang tiyan. "Sabihin mo lang na gusto mo hawakan at haplusin ang abs ko. Hindi 'yong kunwari pa na mangungurot." Tawang wika nito."Hoy! Mister ikaw 'tong laging nang-aakit kaya 'wag mo ipasa sa 'kin." Ganting biro ko dito. "Ah!? ganon wala na palang appeal ang hotness ko sa'yo." Wika nito na pinalungkot
MARY LYNELLENagpahatid kaming dalawa ni Nanet kay manong Dan sa Super Mall. Sinabihan ko ito na sunduin na lang kami pagkasundo sa mga bata. Nauna namin pinuntahan ang time zone at tuwang tuwa kami na naglaro na tila batang nakawala sa hawla. Naalala ko noon nagkakarera kami ni Nanet sa play racing car game at dahil magaling ako sa kanya lagi 'to asar talo sa 'kin.Nang mapagod napagpasyahan namin na magtungo sa food court ng mall. Na-miss namin kumain ng kwek-kwek at palamig na gulaman. Kahit ito lang ang bibilhin namin solve na kami sa busog.Ito ang paborito namin kainin noon dahil bukod sa masarap abot kaya ng budget namin. "Hinahanap-hanap ko 'to noon nung lumipat kami Ng Iloilo, iba kasi ang gawa nila dito." Sabi ko kay Nanet. "Ako din naman Besh hinahanap-hanap ko 'yong bonding natin dito. Kaya naman minsan kahit mag isa lang ako nagpupunta ako dito para lang kumain." Wika ni Nanet.Inabot kami ng isang oras sa pagkain sa dami namin napag-usapan ng mga dating gawi pag namasya
MARY LYNELLEBukas na ang alis namin patungo ng Subic. Naisipan namin ni Nanet na mag tungo ng grocery at nag request ang Nanay ko na mag luto ng babaunin para bukas.Hindi sana sang ayon si Henry at marami naman mabibilhan ng pagkain doon ngunit ang Nanay ko ay sanay sa ganito na pag mayroon kaming outing ay nagluluto ng mga dadalhin na pagkain at 'yon ang pagsasaluhan pagkadating doon.Nagpaalam ako kay Henry na tanghalian kami aalis ni Nanet at kasama namin ang pinsan niya at niyaya ako na mag malling dahil natapat na may lakad kami sasama nalang siya sa pupuntahan namin.Pinuntahan ko ang kaibigan ko sa kanyang kwarto at kaagad pumasok sa loob. Nakahiga ito at nakatutok sa phone niya. Magkasalubong ang dalawang kilay nito at seryoso ang mukha.Hindi ako nito napansin at dahan dahan lamang ako na naglakad papunta sa hinihigaan niya. "Besh, halika kana!" Wika ko sa kanya. "Ang pangit mo!" Gulat nitong sagot at nabitawan pa nito ang hawak na cellphone.Hindi ko maiwasan ang matawa s
JUDE HENRY POVNang pumasok ako ng library ay agad kong tinawagan si Garcia. "Hello boss! Matigas 'tong bata na inutusan, ayaw kumanta sa nag utos sa kanya." Wika ni Axel Garcia pangalan ng kaibigan at detective na pinagkakatiwalaan ko sa lahat."Hayaan na muna. Ang utos ko takutin lang Garcia, hindi masyadong bugbugin." Angil ko dito sa tono ng boses nito mukhang naubos ang pasensya sa kawawang lalaki panigurado ginulpi 'to ng todo.Napahilot ako saking batok, masyado nitong minamaliit ang kakayahan ko at wala 'tong takot na sumugod kahit malapit na ito sa territory ko. Kumuyom ang kamao ko sa galit.Mayroon na kaming pinaghihinalaan ngunit hindi namin ito pwedeng hulihin at kasuhan ng walang solidong ebidensya.Pauwi na ako ng bahay at may lakad nga kami bukas kaya naman sinadya ko nang maagang umuwi ng makapahinga agad.Tama lamang at nag text ang magaling kong pinsan na malapit na sila. Kung swerte baka makasabay ko pa ang mga ito papasok ng subdivision. Napamura ako ng mayroon s
MARY LYNELLENang lumabas kami ni Henry sa library ay sa kwarto kami tumuloy. Dinala ako nito sa gitna ng kama at huminga na kasama ako. Nakapikit at hinihilot ang noo.Nagtataka na sinulyapan ko 'to. Hinaplos ko ang mukha nito. "Love do you want a massage?" tanong ko sa kanya. "Mag-rest din minsan sa office baka na stress kana, love! Minsan dinadala mo din ang trabaho dito sa bahay." Wika ko at bumangon na umupo at hinawakan ang ulo niya para iangat at pinatong sa mga hita at marahan na hinilot ko ang kanyang noo."Uhmm! Ang sarap naman niyan love." Wika niya na naka pikit pa din. Nakadama ako ng achievement dahil nagustuhan niya ang ginagawa ko. Kaya naman lalo kong pinag-igihan ang ginagawa. "Ugh! Ang galing mo naman love, sige pa please!?...continue love 'yan nga! uhh-" Wika nito. Hinampas ko 'to sa balikat ng matanto ko ang pinagsasabi nito.Tinigil ko ang ginagawa ko at piningot ng marahan ang tainga nito. Malakas 'tong humalakhak na hawak ang kabilang taiga at bumangon sa kama
MARY LYNELLEAkma kong l-log out ang aking account ng mag pop-up ang account ni Thomas na tumatawag sa vedio call."At bakit gabi nambubulahaw ka Thomas?" pairap na sagot ko sa tawag niya. Nakita ko naman na napakamot ito sa buhok."Ang sungit naman ng buntis! Na miss ko lang ang nag-iisang bestfriend ko," ani nito sa mahinang tawa."Weh? Are you sure kung hindi ko pa alam ibang tao ang na mi-miss mo," biro ko dito.Humalakhak naman ito. "Bakit alam mo? Manghuhula ka na rin ba ngayon?" nakangisi nitong sagot. "Dati gayuma lang ang miron ka. Ngayon naman ay bolang Cristal na," biro na sabi nito. Napataas ang kilay ko sinabi niya ng ma-realize ang ibig niyang sabihin."Ha!? Kailan pa ako natuto mang gayuma Aber?" tanong ko sa kanya sabay napasimangot."Sayang maganda ka lang pero mahina ang pakiramdam. Naku kung hindi mo lang sana agad ni-lock ang puso mo baka puwede maging tayo no'n," tawang tawa nitong sabi na tila tuwang-tuwa sa kanyang sinasabi."Well, ang malas mo, pero gano'n t
Matured content read at your own riskJUDE HENRYNagtaka siguro si Lynelle at hindi niya ako naabutan sa kwarto. Marahil ay hinahanap na ako sa mga oras na 'to. Biglaan kasi ang tawag ng Axel na 'yon at gusto nang kumanta ang nahuli namin na siyang susi sa aksidenteng nangyari kamakailan lang.Bago ako umalis ay nagbilin naman ako, sa magulang ko na kapag naghanap si Lynelle ay mayroon lang binili sa labas. Hindi ko rin sinabi kung ano ang totoo sa kanila.Tinawagan ko si Axel na malapit na ako sa hideout nito. Ang dilim naman ng napiling lugar nito. Kung hindi ko lang alam ang lugar nito ay naligaw na marahil ako at parang seminteryo kong iisipin ang kinatatayuan ng bahay niya.Ang weirdo talga ng mokong na 'yon. Nabigo lang sa pagibig ay dito na nagtago. Bumukas ang malaking gate ng mag busina ako sa labas marahil ay nakita nito sa CCTV na nasa harapan na ang sasakyan ko.Asensado na talaga ang mokong at de-remote ang gate nito. Sa dami ng nakutong nito sa mga kliyente niya hindi na
MARY LYNELLENakauwi kami ng bahay na malungkot parin. Papasok kami sa gate ng Mansyon ng maalala ko itanong kay Henry kung kailan ang balik namin sa condo at nakauwi na rin naman ang magulang ko.Tanging sagot lang nito ay pansamantala kami dito na kami mag-stay kahit na pumayag si Nanet na sa'min titira. Wala naman problema kung dito na muna kami kaya lamang naisip ko ay sayang naman ang unit niya na walang tao.Nakapasok kami ng gate ay may namataan akong ibang mukha. Napakunot ako ng noo at binilang ko sila ay anim lahat. "Nag hire sila ng new guard? e, may apat na silang gwardiya dalawang magpartner palitan sa umaga at gabi. Sa tingin ko pa naman parang mga retired army ang mga 'to at batak ang katawan at ang porma at tinding." mahinang kong bulong.Pinagbuksan ako nito ng pinto, balak ko na sana usisain 'to kung bago bang tauhan ng Mama niya at wala naman akong nabalitaan na naghahanap sila at ano naman gagawin ng mga 'to sa bahay.Pagkatapos ako nitong alalayan sa pagbaba ng sa