MARY LYNELLENang lumabas kami ni Henry sa library ay sa kwarto kami tumuloy. Dinala ako nito sa gitna ng kama at huminga na kasama ako. Nakapikit at hinihilot ang noo.Nagtataka na sinulyapan ko 'to. Hinaplos ko ang mukha nito. "Love do you want a massage?" tanong ko sa kanya. "Mag-rest din minsan sa office baka na stress kana, love! Minsan dinadala mo din ang trabaho dito sa bahay." Wika ko at bumangon na umupo at hinawakan ang ulo niya para iangat at pinatong sa mga hita at marahan na hinilot ko ang kanyang noo."Uhmm! Ang sarap naman niyan love." Wika niya na naka pikit pa din. Nakadama ako ng achievement dahil nagustuhan niya ang ginagawa ko. Kaya naman lalo kong pinag-igihan ang ginagawa. "Ugh! Ang galing mo naman love, sige pa please!?...continue love 'yan nga! uhh-" Wika nito. Hinampas ko 'to sa balikat ng matanto ko ang pinagsasabi nito.Tinigil ko ang ginagawa ko at piningot ng marahan ang tainga nito. Malakas 'tong humalakhak na hawak ang kabilang taiga at bumangon sa kama
MARY LYNELLEAkma kong l-log out ang aking account ng mag pop-up ang account ni Thomas na tumatawag sa vedio call."At bakit gabi nambubulahaw ka Thomas?" pairap na sagot ko sa tawag niya. Nakita ko naman na napakamot ito sa buhok."Ang sungit naman ng buntis! Na miss ko lang ang nag-iisang bestfriend ko," ani nito sa mahinang tawa."Weh? Are you sure kung hindi ko pa alam ibang tao ang na mi-miss mo," biro ko dito.Humalakhak naman ito. "Bakit alam mo? Manghuhula ka na rin ba ngayon?" nakangisi nitong sagot. "Dati gayuma lang ang miron ka. Ngayon naman ay bolang Cristal na," biro na sabi nito. Napataas ang kilay ko sinabi niya ng ma-realize ang ibig niyang sabihin."Ha!? Kailan pa ako natuto mang gayuma Aber?" tanong ko sa kanya sabay napasimangot."Sayang maganda ka lang pero mahina ang pakiramdam. Naku kung hindi mo lang sana agad ni-lock ang puso mo baka puwede maging tayo no'n," tawang tawa nitong sabi na tila tuwang-tuwa sa kanyang sinasabi."Well, ang malas mo, pero gano'n t
Matured content read at your own riskJUDE HENRYNagtaka siguro si Lynelle at hindi niya ako naabutan sa kwarto. Marahil ay hinahanap na ako sa mga oras na 'to. Biglaan kasi ang tawag ng Axel na 'yon at gusto nang kumanta ang nahuli namin na siyang susi sa aksidenteng nangyari kamakailan lang.Bago ako umalis ay nagbilin naman ako, sa magulang ko na kapag naghanap si Lynelle ay mayroon lang binili sa labas. Hindi ko rin sinabi kung ano ang totoo sa kanila.Tinawagan ko si Axel na malapit na ako sa hideout nito. Ang dilim naman ng napiling lugar nito. Kung hindi ko lang alam ang lugar nito ay naligaw na marahil ako at parang seminteryo kong iisipin ang kinatatayuan ng bahay niya.Ang weirdo talga ng mokong na 'yon. Nabigo lang sa pagibig ay dito na nagtago. Bumukas ang malaking gate ng mag busina ako sa labas marahil ay nakita nito sa CCTV na nasa harapan na ang sasakyan ko.Asensado na talaga ang mokong at de-remote ang gate nito. Sa dami ng nakutong nito sa mga kliyente niya hindi na
MARY LYNELLENakauwi kami ng bahay na malungkot parin. Papasok kami sa gate ng Mansyon ng maalala ko itanong kay Henry kung kailan ang balik namin sa condo at nakauwi na rin naman ang magulang ko.Tanging sagot lang nito ay pansamantala kami dito na kami mag-stay kahit na pumayag si Nanet na sa'min titira. Wala naman problema kung dito na muna kami kaya lamang naisip ko ay sayang naman ang unit niya na walang tao.Nakapasok kami ng gate ay may namataan akong ibang mukha. Napakunot ako ng noo at binilang ko sila ay anim lahat. "Nag hire sila ng new guard? e, may apat na silang gwardiya dalawang magpartner palitan sa umaga at gabi. Sa tingin ko pa naman parang mga retired army ang mga 'to at batak ang katawan at ang porma at tinding." mahinang kong bulong.Pinagbuksan ako nito ng pinto, balak ko na sana usisain 'to kung bago bang tauhan ng Mama niya at wala naman akong nabalitaan na naghahanap sila at ano naman gagawin ng mga 'to sa bahay.Pagkatapos ako nitong alalayan sa pagbaba ng sa
JUDE HENRYMabuti na lamang at napapayag ko si Lynelle sa gusto ko mangyari. Hindi pwede na makampante ako kahit wala naman kilos na ginagawa si Eloisa.Nakahinga ako ng maluwag sa dibdib at madali niyang naunawaan 'to. Sana lang ay hindi 'to masaktan sa pagtitiwala kay Thomas kahit hindi pa kami sigurado sa hinala ko na siya ang kaibigan na tinutukoy ng babaeng 'yon.Napatingin ako sa katabi ko na mahimbing ang tulog. Humugot ako ng paghinga at nagpasya na matulog na din at maaga ako bukas papasok sa opisina. Natambak ang gawain ko ngayon dahil madalas ako nawawala sarili nitong mga nakaraang araw.Nagising ako kinabukasan na wala na ang katabi sa higaan. Kumuha ako ng pambahay na damit at nagpasyang bumaba at hanapin 'to. Papasok ako sa kusina ng makita ko silang mag-iina na masayang nag kwe-kwentuhan habang nag aalmusal ang mga bata. Pinanood ko muna ang mga 'to nang ilang sandali.Nakangiti na pinanood ko 'to habang pinagsisilbihan ang dalawa naming anak. Kahit malaki na ang tiyan
MARY LYNELLENang makapasok si Henry ay pinuntahan ko si Nanet sa kusina. Nakakainip rin na mag-isa ka lang na naiwan sa malaking bahay kahit may kasama ka.Balak ko sana siyang yayaing lumabas 'yon nga lang nakaka-ilang ang mga bodyguard na buntot sa bawat puntahan mo.May idea na pumasok sa isip ko. Isasama ko si Nanet na lumabas ngayon at puntahan namin ang restaurant ni Lovelyn. Nakakainip naman kasi na walang ginagawa."Beshy!" wika ko dito. Napangiwi ako at magugulatin naman masyado ngayon 'to. Mabuti na lang at kutsara lang ang nabitawan nito. Nilapitan ko siya at sinalat ang noo. "Bakit, mukhang wala ka sa sarili mo ngayon? at matamlay ka? balak ko pa naman sana na ayain ka na pasyalan si Lovelyn pero 'wag na lang ngayon at wala ka sa sarili." Seryoso kong tanong sa kanya.Nagiwas 'to ng tingin sa 'kin. At pilit hinuli ang mata nito na tiningnan ako. "May problema ba ang madaldal kong kaibigan?" Tukso ko dito para ng sa gayon ay maging komportable na magsabi sa 'kin.Napasingh
WARNING: RATED SPG, READ AT YOUR OWN RISKMARY LYNELLESumapit ang tanghalian na si Manang at Nanet ang kasama ko na kakain, kaya naman pinasabay na namin ang tatlo na kasama sa bahay. Marami kaming nakakatawang napag-kwentuhan. Ganito kami noon pag magkakasama.Pagkatapos kumain ay umakyat ako ng kwarto para kunin ang phone na naiwan. Dito na lang ako magtatambay kay Nanet hanggang dumating ang mga bata.Nagbukas ako ng messenger pag pasok ng kwarto, timing ang pag-open ko at online ang kapatid ko na nakatao sa Helena's boutique. Nag-video call ako para mangumusta sa kanila, ganoon din sa sales na pumapasok.Nakahinga ako nang maluwag at wala naman problema. Ayaw ko na dahil hindi na ako ang nag handle ay bumagsak ang negosyo na naipundar ko.Ayaw ko na mangyari ang ganoon, ito ang isa sa naging source of income ko noon sa pagpapalaki sa dalawa kong anak. Sobrang iniingatan ko 'to. Kaya kahit nandito ako sa Maynila naka monitor ako sa pagpapatakbo nila.Matapos makipag usap naisipan
MARY LYNELLENagising ako ng maaga dahil ngayon araw ang field trip ng kambal. Ang bilis ng araw nakalipas na pala ang isang linggo. Dahan dahan na bumaba ako sa kama sa pag iingat na magising si Henry.Pinuntahan ko sa kwarto ang dalawa para e-check kung gising na sila. Sakto lang ang dating ko gising na sila. Pinag ayos ko na sila agad at inayos ang gamit na kanilang dadalhin. Marami akong binilin kay Hendrix at Helena pag andoon na sila.Nang matapos ang kanilang pagligo ay tinulungan ko ang anak kong babae na magbihis at pagkatapos ay magkasabay na kaming bumaba para sa almusal. Tama lang at nasa kusina na si Manang at Nanet na busy sa paghahanda ng almusal. "Morning." bati ko sa kanila. "Magandang umaga naman sa 'nyo Hija! Mayroon ng naluto na ulam, mauna na kayong mag-almusal." wika ni Manang. "Sige po, mamaya nalang po ako pag nagising si Henry. Paunahin ko muna silang dalawa." sagot ko.Pinaupo ko ang dalawa sa lamesa at pinaglagay sa plato ng pagkain. "Mommy, hindi pa po gis