MARY LYNELLEBukas na ang alis namin patungo ng Subic. Naisipan namin ni Nanet na mag tungo ng grocery at nag request ang Nanay ko na mag luto ng babaunin para bukas.Hindi sana sang ayon si Henry at marami naman mabibilhan ng pagkain doon ngunit ang Nanay ko ay sanay sa ganito na pag mayroon kaming outing ay nagluluto ng mga dadalhin na pagkain at 'yon ang pagsasaluhan pagkadating doon.Nagpaalam ako kay Henry na tanghalian kami aalis ni Nanet at kasama namin ang pinsan niya at niyaya ako na mag malling dahil natapat na may lakad kami sasama nalang siya sa pupuntahan namin.Pinuntahan ko ang kaibigan ko sa kanyang kwarto at kaagad pumasok sa loob. Nakahiga ito at nakatutok sa phone niya. Magkasalubong ang dalawang kilay nito at seryoso ang mukha.Hindi ako nito napansin at dahan dahan lamang ako na naglakad papunta sa hinihigaan niya. "Besh, halika kana!" Wika ko sa kanya. "Ang pangit mo!" Gulat nitong sagot at nabitawan pa nito ang hawak na cellphone.Hindi ko maiwasan ang matawa s
JUDE HENRY POVNang pumasok ako ng library ay agad kong tinawagan si Garcia. "Hello boss! Matigas 'tong bata na inutusan, ayaw kumanta sa nag utos sa kanya." Wika ni Axel Garcia pangalan ng kaibigan at detective na pinagkakatiwalaan ko sa lahat."Hayaan na muna. Ang utos ko takutin lang Garcia, hindi masyadong bugbugin." Angil ko dito sa tono ng boses nito mukhang naubos ang pasensya sa kawawang lalaki panigurado ginulpi 'to ng todo.Napahilot ako saking batok, masyado nitong minamaliit ang kakayahan ko at wala 'tong takot na sumugod kahit malapit na ito sa territory ko. Kumuyom ang kamao ko sa galit.Mayroon na kaming pinaghihinalaan ngunit hindi namin ito pwedeng hulihin at kasuhan ng walang solidong ebidensya.Pauwi na ako ng bahay at may lakad nga kami bukas kaya naman sinadya ko nang maagang umuwi ng makapahinga agad.Tama lamang at nag text ang magaling kong pinsan na malapit na sila. Kung swerte baka makasabay ko pa ang mga ito papasok ng subdivision. Napamura ako ng mayroon s
MARY LYNELLENang lumabas kami ni Henry sa library ay sa kwarto kami tumuloy. Dinala ako nito sa gitna ng kama at huminga na kasama ako. Nakapikit at hinihilot ang noo.Nagtataka na sinulyapan ko 'to. Hinaplos ko ang mukha nito. "Love do you want a massage?" tanong ko sa kanya. "Mag-rest din minsan sa office baka na stress kana, love! Minsan dinadala mo din ang trabaho dito sa bahay." Wika ko at bumangon na umupo at hinawakan ang ulo niya para iangat at pinatong sa mga hita at marahan na hinilot ko ang kanyang noo."Uhmm! Ang sarap naman niyan love." Wika niya na naka pikit pa din. Nakadama ako ng achievement dahil nagustuhan niya ang ginagawa ko. Kaya naman lalo kong pinag-igihan ang ginagawa. "Ugh! Ang galing mo naman love, sige pa please!?...continue love 'yan nga! uhh-" Wika nito. Hinampas ko 'to sa balikat ng matanto ko ang pinagsasabi nito.Tinigil ko ang ginagawa ko at piningot ng marahan ang tainga nito. Malakas 'tong humalakhak na hawak ang kabilang taiga at bumangon sa kama
MARY LYNELLEAkma kong l-log out ang aking account ng mag pop-up ang account ni Thomas na tumatawag sa vedio call."At bakit gabi nambubulahaw ka Thomas?" pairap na sagot ko sa tawag niya. Nakita ko naman na napakamot ito sa buhok."Ang sungit naman ng buntis! Na miss ko lang ang nag-iisang bestfriend ko," ani nito sa mahinang tawa."Weh? Are you sure kung hindi ko pa alam ibang tao ang na mi-miss mo," biro ko dito.Humalakhak naman ito. "Bakit alam mo? Manghuhula ka na rin ba ngayon?" nakangisi nitong sagot. "Dati gayuma lang ang miron ka. Ngayon naman ay bolang Cristal na," biro na sabi nito. Napataas ang kilay ko sinabi niya ng ma-realize ang ibig niyang sabihin."Ha!? Kailan pa ako natuto mang gayuma Aber?" tanong ko sa kanya sabay napasimangot."Sayang maganda ka lang pero mahina ang pakiramdam. Naku kung hindi mo lang sana agad ni-lock ang puso mo baka puwede maging tayo no'n," tawang tawa nitong sabi na tila tuwang-tuwa sa kanyang sinasabi."Well, ang malas mo, pero gano'n t
Matured content read at your own riskJUDE HENRYNagtaka siguro si Lynelle at hindi niya ako naabutan sa kwarto. Marahil ay hinahanap na ako sa mga oras na 'to. Biglaan kasi ang tawag ng Axel na 'yon at gusto nang kumanta ang nahuli namin na siyang susi sa aksidenteng nangyari kamakailan lang.Bago ako umalis ay nagbilin naman ako, sa magulang ko na kapag naghanap si Lynelle ay mayroon lang binili sa labas. Hindi ko rin sinabi kung ano ang totoo sa kanila.Tinawagan ko si Axel na malapit na ako sa hideout nito. Ang dilim naman ng napiling lugar nito. Kung hindi ko lang alam ang lugar nito ay naligaw na marahil ako at parang seminteryo kong iisipin ang kinatatayuan ng bahay niya.Ang weirdo talga ng mokong na 'yon. Nabigo lang sa pagibig ay dito na nagtago. Bumukas ang malaking gate ng mag busina ako sa labas marahil ay nakita nito sa CCTV na nasa harapan na ang sasakyan ko.Asensado na talaga ang mokong at de-remote ang gate nito. Sa dami ng nakutong nito sa mga kliyente niya hindi na
MARY LYNELLENakauwi kami ng bahay na malungkot parin. Papasok kami sa gate ng Mansyon ng maalala ko itanong kay Henry kung kailan ang balik namin sa condo at nakauwi na rin naman ang magulang ko.Tanging sagot lang nito ay pansamantala kami dito na kami mag-stay kahit na pumayag si Nanet na sa'min titira. Wala naman problema kung dito na muna kami kaya lamang naisip ko ay sayang naman ang unit niya na walang tao.Nakapasok kami ng gate ay may namataan akong ibang mukha. Napakunot ako ng noo at binilang ko sila ay anim lahat. "Nag hire sila ng new guard? e, may apat na silang gwardiya dalawang magpartner palitan sa umaga at gabi. Sa tingin ko pa naman parang mga retired army ang mga 'to at batak ang katawan at ang porma at tinding." mahinang kong bulong.Pinagbuksan ako nito ng pinto, balak ko na sana usisain 'to kung bago bang tauhan ng Mama niya at wala naman akong nabalitaan na naghahanap sila at ano naman gagawin ng mga 'to sa bahay.Pagkatapos ako nitong alalayan sa pagbaba ng sa
JUDE HENRYMabuti na lamang at napapayag ko si Lynelle sa gusto ko mangyari. Hindi pwede na makampante ako kahit wala naman kilos na ginagawa si Eloisa.Nakahinga ako ng maluwag sa dibdib at madali niyang naunawaan 'to. Sana lang ay hindi 'to masaktan sa pagtitiwala kay Thomas kahit hindi pa kami sigurado sa hinala ko na siya ang kaibigan na tinutukoy ng babaeng 'yon.Napatingin ako sa katabi ko na mahimbing ang tulog. Humugot ako ng paghinga at nagpasya na matulog na din at maaga ako bukas papasok sa opisina. Natambak ang gawain ko ngayon dahil madalas ako nawawala sarili nitong mga nakaraang araw.Nagising ako kinabukasan na wala na ang katabi sa higaan. Kumuha ako ng pambahay na damit at nagpasyang bumaba at hanapin 'to. Papasok ako sa kusina ng makita ko silang mag-iina na masayang nag kwe-kwentuhan habang nag aalmusal ang mga bata. Pinanood ko muna ang mga 'to nang ilang sandali.Nakangiti na pinanood ko 'to habang pinagsisilbihan ang dalawa naming anak. Kahit malaki na ang tiyan
MARY LYNELLENang makapasok si Henry ay pinuntahan ko si Nanet sa kusina. Nakakainip rin na mag-isa ka lang na naiwan sa malaking bahay kahit may kasama ka.Balak ko sana siyang yayaing lumabas 'yon nga lang nakaka-ilang ang mga bodyguard na buntot sa bawat puntahan mo.May idea na pumasok sa isip ko. Isasama ko si Nanet na lumabas ngayon at puntahan namin ang restaurant ni Lovelyn. Nakakainip naman kasi na walang ginagawa."Beshy!" wika ko dito. Napangiwi ako at magugulatin naman masyado ngayon 'to. Mabuti na lang at kutsara lang ang nabitawan nito. Nilapitan ko siya at sinalat ang noo. "Bakit, mukhang wala ka sa sarili mo ngayon? at matamlay ka? balak ko pa naman sana na ayain ka na pasyalan si Lovelyn pero 'wag na lang ngayon at wala ka sa sarili." Seryoso kong tanong sa kanya.Nagiwas 'to ng tingin sa 'kin. At pilit hinuli ang mata nito na tiningnan ako. "May problema ba ang madaldal kong kaibigan?" Tukso ko dito para ng sa gayon ay maging komportable na magsabi sa 'kin.Napasingh