Share

MOP_2

MOP-2

    Pagkatapos kong sagutin ng katarantaduhan si Logan o Golan hayst dapat magpractice ko na ang tawag sa kanya. ‘Yun nga matapos kong sagutin ang lalaki na ‘yun ng kabalbalan ko at mukhang nabigla s’ya aba totoo naman ah, ‘yung mga mahinhin unang lumolobo ang t’yan dahil mga nasa loob ang kulo simpleng mga malilibog at mahihindutin naman talaga. Ay ‘di uso sa akin ang filter sa bibig ako’y magiging ako na aking ginusto, kabugera ata to May may entrata lang ang peg proud probinsyana po. Natatanaw ko na ang umpukan ng mga taga rito yes naman ‘di lang sa manila o sa ibang lugar dito rin sa amin may mga legendary pokemon este legend na mga chismacker. Alam n’yo ba kung bakit ko na sabi ‘yun?.

Nang umalis ako sila ‘yung nag-uumpukan at pinag-uusapan ang buhay namin at ngayon na bagong balik ko sila pa rin ang magkakaharap mukhang wala pang session ng tong its at bingo. Wala talagang pagbabago sina Aling Karing, Aling Mangue, Aling Sonia o si Sonia bunganga grbe kasi tumalak at ang may pondahan na tinigilan nila at pinag susugalan na si Aling Onyang. Si Aling Onyang isa sa mabuti sa amin ni Ate Cristel noon lahat ‘din ng kayang tulong ay ibibigay nito. Nagpatuloy ako sa mabagal na paglakad habang sinusuri ang paligid wala namang pinag-bago ang paligid still the same ng umalis ako may ilang bagong tayong bahay atb mukhang level up ang pondahan ni Aling Onyang mukhang bagong renovate.

    Habang nagmamasid ako ay nakabundol pa ko ng isang batang tumatakbo at mukhang takot na takot ito parang may tinatakasan. Ewan ko instinct ko lang ang bilis ko pagdating sa ganito isa sa mga natutunan ko sa training namin. Marahan kong itinayo ang bata at ako naman ang lumuhod sa harapan nito upang tanungin kung bakit ito nag mamadali.

“Bata nasaktan ka ba? Bakit ka ba tumatakbo ng walang habas at direksyon?Anong pangalan mo?”sunod sunod na tanong ko. Habang ang bata ay mataman na nakatingin lang sa akin na para bang na matanda kaya tinapik  ko ang bata para pukawin. “Alin ang masakit bata?” ulit ko at doon ata natauhan ang bata na tingin ko ay nasa sampung taon na.

“I-ikaw ‘y-yung sa bahay sa dulo, ‘y-yung umiiyak lagi”utal na sabi nito at parang nahihintakutan.

“Ha? Anong pinagsasabi mo e, kakauwi ko lang bata ka at oo aking bahay ‘yun. Saka bakit naman na abot ka doon e, wala ng bahayan pa doon?”sabi ko at mukhang natuhan na naman s’ya.

“Wala po pag po kasi umuulan nanghuhuli ako ng palaka doon namamalaka kami nbi Tonton pang ulam po. Ako nga po pala si Tibo pasensya na po kayo nagtatago po ako sa amain ko papaluin na naman ako noon dahil ‘di ako pinautang ni Aling Onyang ng Gin bulag n’ya” naputol ang sasabihin ng bata ng isang malakas na siga ng lalaki sa ‘di kalayuan ang narinig namin kita ko ang lubhang takot ng bata. Agad rumehistro ang galit at pagka-bugnot dahil naisip ko kung paanong pananakit ang ginagawa nito kay Tibo.

“Tibo?!?Lintik ka wala ka ng pakinabang. Bwiset ka ‘yang ina mo talandi inawan ka pa at simpleng mga bagay na lang wala ka pang magawa”Buong lakas at galit na sabi ng lalaki habng mabilis na nakalapit sa amin at hinablot ang bata. Mukhang ang mga legendary chismacker tanders ay na pukaw na lahat ay nakadungaw na. Biglang pumitik ang sintido ko at iglap lang ay nakahandusay na ang amain ni Tibo matapos kong patamaan ng isang solidong flying kick.

“Sus isang sipa ka lang palang herodes ka”Sabi ko habang nakatingin sa lalaki na nakahandusay lakas ng loob mag-amok e weak naman pala. Napatingin ako sa mga chismacker ng mag hurong-hurong naman ng salita ngunit deadma ako agad kong itinayo si Tibo at inaya na sumama sa akin ang payat ng batang to mukhang kulang sa kain. Samantalang ang herodes na amain ay mukhang native na baboy legit ang itim at taba.

“Tibo sama ka sa bahay ko. Ako lang doon papakainin kita para kang walis tingting”Sabi ko sa bata na pansin ang pamumutla ng sabihin ko ‘yun.

“A-Ah ayoko Ate ma Mumu doon. Sabi ko nga ‘diba ‘yung kamukha mo baka magalit sa akin multuhin ako”pautal nasabi nito, nagtataka ako anong multo si Ate ba wish ko lang multuhin nga ako noon ng mamatay ito ay hindi ko na muling nakita. Maging ng burol ayaw ng serbisyo ng punerarya na buksan ang kabaong kaya hinayaan ko na.

“Ate Cristine  ako ok ‘yun pangalan ko at walang multo!Anong gusto mo sasama ka sa akin o bugbog ka n’yang si sunog?”tanong ko sa bata mukhang nag iisip naman maya maya ay tumingin sa akin sa akin at marahang tumango. 

“Hindi ka na n’ya malalapitan basta ikwento mo sa akin ang storya at kung ‘di mo talaga s’ya ama. Ipapabaranggay natin ‘yan tutal mag isa lang ako baka gusto mo sa bahay kana hind marangya pero laging may pudang’s promise. Kita ko ang pagningning ng mata ng bata parang ako sa tuwing may sinasabi ang Ate na magandang balita sa akin noon. Wala ng salita pa kumapit ito sa aking kamay at umakto pa na kukunin ang duffle bag ko, susko nipis ng katawan n’ya kaya inilingan ko na at mukhang may kakaibang emosyon na lumabas sa mata ng bata ang pagtanggap at pagmamalasakit.

Ilang hakbang na lang ay pondahan na at mukhang ‘di na nakatiis si Aling Onyang at sumugod na sa akin at walang abog na yumakap sa akin sabay sabi ng mga katagang kinagulat ko.

“Cristel bumalik ka na ba talaga?Parang hindi dumaan ang maraming taon hindi ka tumanda. Si Cristine wala an dito”sabi ng matanda na nakapag-patuod sa akin. Anong sinasabi n’ya?.

“Aling Onyang si Cristine po ito ‘wag kayong magbiro ng ganyan. Paano pang babalik ang Ate ko e, kasama ko kayong naglibing sa kanya?”sabi ko sa matanda na mukhang pinanlamigan ang itsura. Mukhang may hindi ako alam sa lahat ng ito ah.

“Ay Oo nga, pasensya nadala na siguro ng katandaan at pagka-miss ko sa ate mo kaya ako nagkaganito. Mabuti naman Ineng nakabalik ka na. Doon ka ba mamalagi sa bahay n’yo at teka ikaw nga  ba ang nakabangga ni Raulo na ama-amahan ni Tibo?Ang taong ‘yan ay sobra na wala ng ginawang matino sa bata mula ng umalis si leslie at naghahanap buhay sa manila kawawang bata. Alam mo bang utusan ‘yan dito maabutan lang ng piso ay maligaya na kahit ang trabaho ay labis pa sa trabahong pang matanda.

Ewan ko ba parang mas nabuo ang desisyon ko na sa akin na lang si Tibo grabe pala inaabuso na ‘ya ng amain n’ya pati mga tao dito naki-gaya pa nasaan ang habang nila. Hindi ko namalayan na may luha na palang tumakas sa aking mata. Napatingin lang ako kay tibo ng bahagya nitong hatakin ang kamay ko at isang genuine na ngiti ang binigay n’ya sa akin wala mang salita pero halos apaw na pasasalamat ang nakita ko wala pa man akong nagawa para sa kanya. Ramdam ko na kailangan ako ng bata para matigil na ang mga pang-aabuso sa kanya ng amain n’ya at ibang tao rito. Alam ko rin na kailangan ko s’ya bilang kasama ko sa lugar na ito dahil ngayon palang binabalot ako ng lungkot dahil unti unting nagsasalimbayan lahat ng naganap noon. Nagpaalam na kami kay aling Onyang nangako ako na lalabas buka at makikipag-bonding sa kanila alam na bingo is life talaga. Maglilinis muna kami sa bahay. May baon naman akong ilang grocery na tatagal pa ng ilang araw kaya nga flying kick binigay ko kay siraulo ay Raulo pala hindi koa mabitawan ang eco bag na dala ko. Habang daan ay tahimik si tibo kaya ako ang bumasag sa katahimikan namin tinanong ko ito.

“Tibo anu-ano ‘yung mga pinapagawa sayo ng iba at inuupahan ka ng piso piso?”tanong ko pero parang hindi ako handa sa mga sagot. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot at pagod sa mukha ng bata.

“Ate si Mang karyo po ako ang karilyebo mag araro. Si Aling Gaying po pinapa ombre sa akin ang bungkos ng kamatis. Tapos po si Mang Tano po taga dilig ng halaman n’ya ako po nag-iigib sa bomba na poso”Nahinto ito dahil humigpit ang kapit ko sa kamay nito sunukbit ko ksi ang duffle bag ko para maakay ko ang bata. Sa tingin ko isa sa mga taong ‘yun ang makaharap ko ngayon kahit matanda pa sila ay siguradong sabog ang mukha nila. Alipin ang ginawa nila sa bata ninakawan nila ng laya ang bata. Nang makabawi nginitian ko ito at sinabihan.

“Tibo mula ngayon wala ka ng susundin na gano’n mula sa kahit kanino. I mean trabaho dahil hindi ‘yun dapat ok piso ang bigay sayo hindi tama ‘yun magagalit ako apag sumunod ka pa sa kanila. Sa bahay sapat ng magwalis ka, magligpit ng kinainan natin o minsan mautusan bumili naiintindihan mo ba?Saka anong grade muna?”pagpapaintindi ko sa bata sabay tanong ko na rin.

“Grade 1 po kasi nahinto na ko ng umalis si Nanay dalawang taon na po nakakaraan. Sabi ni Tatay Raulo nag asawa na si Nanay kaya ‘yun galit si tatay sa akin.”palianag ng bata na para bang nangungulila sa ina ng mahabang panahon na.

Nakakapag-sintir ng kalooban mga walang awa. Narating namin ang bahay at sa gulat ko ay maayos ang bakuran mas nagulat ako ng makita ko ang loob ay wala ni isang alikabok sino ang naglilinis dito. Dala na rin ng pagod ay tinamad akong lumabas agad para mag tanong kay Aling Onyang magsasaing muna ako pero gulat ko ng makita ang usok sa parte ng kalanan na de kahoy si Tibo nagpaparikit na ito ng apoy kita ko na bihasa ang bata. Mukhang lahat ata ay alam na ng bata.

“Ate ako na po ang magkukuse, pahinga ka muna mukhang samalayo ka galing baka pagod na pagod ka at mukhang naglakad ka din ng malayo kayang kaya ko po ito Ate”sabi ng bata na puno ng ngiti at kumpyansa sa ginagawa nya.

“Talaga ba Tibo ayos lang sayo?Oo malayo ako nanggaling sa Maynila ba nakakapagod sobra, maige nga at nagkakaunawaan na tayo sa tagalog na pananalita.”Mukhang mali ang nabanggit ko lumungkot ang mukha nito ng masabi ko ang maynila. Tanga lang oo nga pala nandoon ang kanyang Ina.

“Maganda ba doon Ate?Siguro maganda doon kaya hindi na ako binalikan ni Nanay?”puno ng habag sa sariling sabi ng bata. Maging ako ay na habag doon isang pangako ang bibitawan ko at tutuparin ko ‘yun.

“‘Wag ka ng malungkot pag punta ko ng maynila isasama kita basta ‘yung mga bilin ko at magpakabait ka saka dapat pumasok ka sa iskwela ako ng bahala sa lahat ayos ba ‘yun? Deal ba tayo?”puno ng giliw kong sabi sa bata mukha naman na bigla pro mabilis nakabawi at manghang mangha na puno ng saya ang mukha.

“Talaga Ate? Salamat hindi na ako kakanchawan ng iba na mangmang. Hulog  ka ng langit sa akin Ate ‘yung pagaralin mo ako ay sobra na po tapos isasama mo ako sa manila magpapakabait ako pangako. Sige na Ate mausok na po pahinga ka na at tatawagin kita pag luto na po.” Bakas ang saya sa mukha ni Tibo simple lang pero parang napaka espeyal ganito ako noon sa Ate ko .

Siguro nga ako ang bagong simula para sa bata basta isasama ko s’ya sa bagong mundo pagkatapos ng lahat ng ito,.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status