MALAKAS na singhap ang kumawala sa bibig ni Amelie dahil sa naabutang tagpo. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi niya maigalaw ang mga paa kaya nanatiling nakatayo siya sa kinaroroonan hanggang sa magdesisyon ang dalawa na lumingon sa gawi niya.Nanlaki ang mga mata ni Tristan nang makita siya. Agad na bumitiw si Tristan sa pagkakayakap ni Sunny."A-Amelie . . ." anas nito.Bumigat ang kaniyang paghinga. Parang may sumasakal sa kaniyang leeg at hindi siya makahinga nang maayos.Napayuko siya at humakbang papasok sa loob ng elevator na hindi sinasalubong ang tingin ng mga tao sa loob.Parang may umuugong sa tainga niya at nanginginig ang buong katawan niya. May sinasabi si Tristan pero parang nakalutang ang utak niya at wala siyang maintindihan sa lahat ng sinasabi nito.Ang sakit. Sobrang sakit na ni hindi niya magawang umiyak.Bakit ganoon? Nagmahal lang naman siya bakit niya kailangang masaktan ng ganito?Tuluyan nang nanghina ang mga tuhod niya at muntik na siyang matu
TINANGHALI ng gising si Amelie. Hindi na niya namalayan kung anong oras dumating si Tristan nang umalis kagabi.Dito na kasi siya natulog sa sala dahil ayaw niyang makatabi si Tristan. Hindi niya kayang marinig nito ang mga hagulgol niya habang magkatabi sila. Ayaw niya ng masyadong ibaba ang sarili.Bumangon na siya sa sofa bed para ligpitan ang higaan niya. Medyo naliyo siya kaya napaupo siyang muli. Napahawak siya sa sentido niya. Doon naman lumabas sa silid si Tristan. Nakabihis na ito at mukhang papasok na sa opisina.Nagsalubong ang mga mata nila. Nakakunot naman ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Alam niyang namamaga ang mga mata niya dahil sa ginawang pag-iyak kagabi at ayaw niyang makita nito kung gaano siya kamiserable.Dumiretso naman sa kusina si Tristan. Nang tanawin niya ito ay nakita niyang nagtitimpla ito ng kape nito. Tumayo naman siya para ligpitin na ang higaan niya. Tinupi niya ang kumot at ipinatong sa unan. Tinungo niya a
"TALAGANG pinag-iisipan mo ang pagpunta sa America?" tanong sa kaniya ni Tere nang sila na lang dalawa. Nandito sila ngayon sa kuwarto niya—sa bahay ng lola niya sa harap ng bahay nina Tristan.Marahan siyang tumango.Nanlaki ang mga mata ni Tere. "M-May nangyari na naman bang problema? Nag-away na naman ba kayo?""Nakita ko silang naghahalikan . . ." aniya at hindi na napigilan ang mapahagulgol.Naaawang niyakap naman siya ni Tere. Sa pagitan ng pag-iyak niya ikinuwento niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Lahat ng hindi niya masabi ay sinabi niya kay Tere at nakagaan 'yon kahit papaano. Medyo nabawasan ang bigat ng dibdib niya.Inabot sa kaniya ni Tere ang tissue. "Sige lang, iiyak mo lang 'yan," anito na sisinghot-singhot din. Nakikiiyak din kasi ito sa kaniya kanina pa.Natawa siya kay Tere at inabutan din ito ng tissue. "Gaya-gaya ka naman!" biro niya rito."Tange, ganito talaga kapag buntis mababa ang luha," ani naman nito.Natawa siya saka natigilan pagkatapos ay napat
HALOS mag-aalas-dose na nang pakawalan siya ng daddy ni Amelie. Naubos na nila ang dalawang boteng imported liquor na inilabas nito.Medyo tinamaan na siya ng alak kaya naman nagkusa na siyang magpaalam. Buti na rin at pumayag ang biyenan niyang lalaki.Paakyat na siya sa kuwarto ni Amelie nang makasalubong niya sa hagdanan si Sunny."Can we talk?" tanong nito sa kaniya. Nagsusumamo ang mga mata nito.Mga matang kinabaliwan niya noon pero ngayon . . . kinapa niya ang damdamin, wala na siyang nararamdamang kakaiba kapag nakatitig siya sa mga mata ni Sunny.He can tell that Sunny was his first love. Magkababata sila at noon pa man ay napapansin niya ito. Magkaiba ang magkapatid. Si Sunny ang tipo ng babae na aalagaan mo. 'Yong bubuhay sa pagiging hero ng isang lalaki. She's like a damsel in distress that every knight wants to save. And he once a knight. He wanted to save Sunny kahit hindi niya alam kung saan.Ang alam niya lang kapag malungkot si Sunny noon gusto niyang pasayahin. Kapag
DALI-DALI siyang nagbihis. Gumana na naman ang pagiging impulsive niya. Pupuntahan niya ang asawa at ipararating dito na magkakaanak na sila. Hindi niya na mahintay ang pagdating nito dahil excited na siyang ipaalam na magkakaanak na sila, gusto na niyang malaman ang magiging reaksiyon ni Tristan.Nag-isip pa siya kung dadal'hin lahat ng pregnancy test, pero nagdesisyon na lang siya na bitbitin ang dalawa. Sinilid niya iyon sa sling bag niya.Sumakay siya ng taxi papunta sa kompanya na pinagtatrabahuhan ni Tristan. Alam niya iyon dahil naikuwento na nito sa kaniya.Kabado pero masaya siya habang nasa taxi.Ilang sandali pa ay nakarating na siya. Lumapit siya sa receptionist at inalam ang opisina ni Tristan. Pinaakyat naman siya nito sa 5th floor.Mabilis na hinanap niya ang opisina ni Tristan na agad naman niyang nakita. Kakatatok sana siya pero naabutan niya ng bukas iyon. Sapat ang pagkakabukas niyon para makita at marinig niya ang dalawang tao na nag-uusap sa loob ng opisina.Halos
"GOOD morning, sleepyhead," bulong ni Tristan sa tainga niya. Nakangiting nagmulat siya ng mga mata. Namulat niya ang bagong ligong asawa. Agad na hinalikan siya nito sa mga labi. "Gising na kayo ni baby. Kailangan mong magpaaraw para gumanda naman ang kulay mo," ani pa nito at maingat siyang tinulungang makaupo.Kinuha ni Tristan ang tray ng pagkain na nakalapag sa paanan ng kama at inilagay sa tabi niya. Mayroon iyong gatas, slice apple, bread and butter, bacon, at sinangag."N-Niluto mo ito?" nangingiting tanong niya sa asawa."Yep. At kailangan mo itong ubusin para sabay kayong lumusog ni baby," nakangiting sagot ni Tristan.Hindi naman siya nakapagsalita. Nitong mga nakaraang araw ay sobra-sobra ang pag-aasikaso ni Tristan sa kaniya. Maaga itong gumigising para maipagluto siya ng almusal at ng kakainin niya hanggang tanghalian. Ayaw nitong magkikilos siya dahil ayaw nitong mapagod siya. Lagi rin itong tumatawag kahit pa nasa kalagitnaan ito ng meeting para lang tanungin kung kuma
PARANG pinagbagsakan ng langit ang pakiramdam ni Amelie nang dumating ang buwanang dalaw niya.Ang ibig sabihin n'yon ay hindi pa siya buntis ulit. Hindi pa nagbubunga ang araw-araw na pagsisiping nila ni Tristan.Naiyak na lang siya habang hawak ang panty niya na may spot ng dugo. Bakit ba ang damot-damot ng pagkakataon sa kaniya? Bakit kung kailan kailangan niyang mabuntis saka pa siya hindi mabuntis-buntis?Dali-dali niyang nilab'han ang panty niya dahil natatakot siyang makita iyon ni Tristan at mabuko siya.Buti na lang at wala pa ang asawa niya. Kumuha siya ng napkip at short. Pinatungan niya pa ng pajama ang short niya para hindi mahalata ang napkin niya.Nang dumating si Tristan ay nagpanggap siya na masama ang pakiramdam para naman hindi siya nito kulitin na may mangyari sa kanila. Paniwalang-paniwala naman ito at alalang-alala sa kaniya kaya naman nakukuntento na lang ito sa paghimas-himas sa braso at dibdib niya tuwing gabi.Ilang araw siyang nagpanggap hanggang sa tuluyang
NAGPAPALIT si Amelie ng kurtina nang marinig niyang may nag-doorbell.Nangunot ang noo niya dahil wala namang sinabi si Tristan na maaga itong uuwi. Tumingin siya sa wall clock nila. Alas-dos pa lang ng hapon.Wala rin naman siyang inaasahang bisita dahil wala pa namang nakaaalam na nakalipat na sila ni Tristan.Muling tumunog ang doorbell kaya naman bumaba na siya sa upuan na kinatutuntungan niya at nagtungo sa front door.Napatda siya nang makita si Sunny na nasa gate at diretsong nakatingin sa kaniya. Muli nitong pinindot ang doorbell kahit pa nakita na siya nito."Hindi mo ba ako papapasukin, Ate? " anito na sarkastiko ang pagkakatawag sa kaniya ng ate.Tumiim ang bagang niya. Lalo na nang maalala niya ang araw kung bakit siya umiyak nang umiyak dahilan kung bakit nawala ang anak niya.Nagpasya siyang lumabas at pagbuksan ito ng pinto. Nakangisi si Sunny sa kaniya. Wala ang mabait at mahinhing awra nito.Binunggo nito ang balikat niya at diretsong pumasok sa loob ng bahay kahit hi
MAAGANG nagising si Amelie kahit pa masama ang pakiramdam niya. Ilang umaga nang madalas na nakahiga lang siya sa kama dahil sa nararamdaman. Pero iba ang sigla niya ngayong umaga. Kahit pa kanina ay nagduduwal at nahilo na naman siya, nagawa niya pa ring bumangon at makapagluto ng agahan.Na-miss niya ang ganito. Ang magising na magaan ang pakiramdam at walang pangungulilang nararamdaman. Puno ng galak ang kaniyang puso.Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang makita roon ang asawa. Kagaya kagabi ay nakatingin na naman ito sa kaniya na tila siya ay isang aparisyon na kung kukurap ito ay bigla na lang siyang mawawala.Hindi ganoon ang iniisip niyang muling pagkikita nila. Nagulat pa siya kagabi nang parang walang panahon na nagkawalay sila nang yakapin siya nito. Para bang araw-araw siyang naroroon at nakakasama nito. Kumain sila nang hindi nakakapag-usap. Hinayaan niya lang si Tristan dahil iniisip niyang nabibigla ito sa pagdating niya sa bahay.Natulog siya sa bisig nitong mahigp
IT'S been three months since Amelie left. Masakit at hanggang ngayon hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang sakit na nararamadaman niya. Amelie take his heart with her when she left him. And now, para siyang robot na nakaprogramang huminga at gumalaw.Nabubuhay at kumikilos siya ayon na lang sa dikta ng pagkakataon. Bumalik si Tristan sa trabaho. Nanatili siya sa bahay nila ni Amelie. Their home doesn't feel home anymore. There's something missing. Somewhere felt empty.Ganito na nga siguro talaga ang magiging buhay niya. Kung makakaya niyang makapag-move on, hindi niya alam. Nilinaw ni Amelie na wala na sila. Ayaw niya itong pilitin dahil ngayon na-realize niyang kung mahal niya talaga ito, hahayaan niyang mag-grow ang asawa sa paraang gusto nito . . . ang magkalayo sila. Mahirap, sobrang hirap. Pero magtitiis siya para kay Amelie."'Tol, sama ka naman. Night out. Friday naman, e, walang pasok bukas," aya ni Carlos, officemate niya.Nginitian niya ito habang inaayos ng mga gam
"TRISTAN . . .""Yes, baby?" sagot nito kay Amelie habang patuloy na hinahalikan ang balikat at leeg niya.Nagtatalo naman ang loob niya dahil sa ginagawa ni Tristan. Gusto niyang pumikit at namnamin ang ginagawa nito pero kailangan niyang paglinawin ang isip at paglabanan ang nararamdaman.Kailangang manalo ang isip niya sa pagkakataong ito at hindi ang damdamin.Mali na nga na nagpadala siya sa pang-aakit ni Tristan. Pero may akitan bang nangyari? Nakahihiya mang aminin sa sarili niya pero wala, hindi siya inakit ni Tristan dahil nang halikan siya nito ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya iyon."Tristan, stop it. Teka nga. Tristan." Napabuntonghininga na lang siya dahil parang walang naririnig si Tristan, patuloy lang ito sa ginagawa.Kapag umiiwas siya at lumalayo hinahapit naman siya nito palapit.Pinilit niyang tumayo pero hinila lang siya ni Tristan at pumaibabaw ito sa kaniya. Ngiting-ngiti itong nakatunghay sa kaniyang mukha. Tila kinakabisado pa nga nito ang bawat s
"HI," bati ni Sunny. Agad na tumayo ito pagkakita sa kaniya. Alanganin ang ngiting nakapaskil sa labi nito, tila nananantiya.Tipid ang ngiting ibinalik niya sa dalaga. Napahimas siya sa batok niya. Wala pa siyang ligo o kahit hilamos man lang. Hindi pa rin siya nakakapag-ahit ilang araw na. Dalawang araw na siyang nagkukulong sa bahay nila. Nakahiga sa kama habang binibilang ang mga gumagapang na langgam sa kisame niya.Si Amelie ang naiisip niya. Hindi na kasi sila ulit nakapag-usap pagkatapos niyang akyatin ang bahay ng mga ito at makausap ito. Wala pa siyang balita sa asawa, sa totoo lang ayaw niya munang makibalita. Ayaw niya munang isipin na aalis si Amelie at kailangan na muna nilang maghiwalay. Na kung hanggang kailan, hindi niya pa alam.Mas gusto niyang isipin na naroroon lang ito, naghihintay na uwian niya."You look . . . awful," ani Sunny.Mahina siyang natawa. Maski ang mommy niya iyon din ang sinabi sa kaniya. Medyo nakaramdam siya ng hiya."Ano palang sadya mo?" tanong
"GUSTO ko ng annulment, Tristan." Agad niyang pinigil ang pagpatak ng kaniyang luha nang makita ang gulat at sakit na bumadha sa guwapong mukha ni Tristan.Gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit pinigil niya ang sarili. Tama lang na ngayon pa lang ay masabi niya na habang may lakas pa siya ng loob. Hangga't kaya niya pa."W-What?" halos anas na ni Tristan. Ang sakit ay bakas din sa tinig nito.Bumitiw siya sa pagkakayakap nito. Tila nawalan naman ito ng lakas kaya hindi siya nito napigilan."Narinig mo ako," malamig na aniya. Pinilit niyang tingnan nang diretso sa mga mata si Tristan para makita nito kung gaano siya kaseryoso. "Mag-file tayo ng annulment—""Ayoko! Hindi . . . Amelie . . . bakit?"Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya makayanang tagalang titigan ang mukha ni Tristan."'Yon naman ang dapat. Noon pa nga tayo dapat pormal na naghiwalay, Tristan.""Is this because of what happened? Because I deceived you when you had your amnesia? I . . . I—"Huminga muna siya nang malal
AMELIE is safe now. Kahit paano ay nakahinga na siya nang maluwag. Inilipat na ito ng silid mula sa ICU, pero under monitoring pa rin ang asawa niya. Sinigurado naman ng doctor na ligtas na ito at kailangan na lang ng pahinga.Malalim siyang napabuntonghininga. Parang ngayon lang siya nakahinga nang maayos simula pa kahapon. Buong akala niya mawawala na sa kaniya si Amelie. Buti na lang talaga at lumaban ito. Hinaplos niya ang noo nito at hinawi ang mga hibla ng buhok doon palayo sa mukha nito. Maputla pa rin si Amelie dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.Hinalikan niya ito sa noo at ginagap ang kamay nito saka iyon dinala sa pisngi niya. Napapikit siya nang maramdaman ang init na nagmumula sa palad nito."Tristan, I need to talk to you," dinig niyang ani ng daddy ni Amelie mula sa likuran niya.Saka niya lang ulit naalala na naririto rin pala sa loob ng silid ang pamilya ni Amelie pati na ang mommy at daddy niya. Napabuntonghininga siya. Alam niyang alam na nila ang nangyari pa
NANATILI lang nakatingin si Amelie sa kisame habang nagkakagulo ang mga taong dumudulog sa kaniya. Nahawi ang mga ito nang may isang pigurang lumapit at lumuhod sa tabi niya pagkatapos ay kinandong ang ulo niya.Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luha at pagkahilo. Ramdam na niya ang panghihina ng sariling katawan. Ang unti-unting paghirap na huminga."Please, hold on . . ." ani ng lalaking may kalong-kalong sa ulo niya. Naramdaman niya ang mainit na likidong pumatak sa pisngi niya mula sa mga mata nito.Pamilyar ang tinig sa kaniya. Isang pamilyar na boses na hindi niya pagsasawaang pakinggan. Ikinurap-kurap niya ang mga mata para paalisin ang mga namumuong luha. Nais niyang makita kung sino ang dumating. Nais niyang kumpirmahin kung tama ba ang hinala niya. At nang luminaw ang kaniyang mga mata at makita ang takot at puno ng pag-aalalang mukha ni Tristan ay may tuwang umahon sa kaniyang puso."D-Dumating ka . . ." aniya. Ngumiti kahit nahihirapan. Kanina pa niya iniisip na kung it
GUSTO niyang sumugod sa loob ng rest house ni Dave, pero mahigpit na nakahawak sa braso niya ang mommy niya na kasama niyang sumugod dito nang malaman nila kung saan dinala ng mga k-um-idnap sina Amelie at Sunny.Kasama nila ang mga pulis, ang magulang ni Dave, at si General Santisimo na kumpare ng daddy niya.Nasa loob na ang swat at dinig nila ang putukan sa loob. Halos hindi siya humihinga. Nais niyang pumasok pero nangangamba siya na baka atakihin naman ang mommy niya, isa pa'y nangako ang General na walang mangyayaring masama sa dalawang babae dahil undercontrol na ng mga ito ang sitwasyon."Si Sunny!" sigaw ng mommy nito na katabi at nakayakap sa esposo. Kasunod ito ng mga magulang niyang dumating nang makarating sa mga ito ang nangyari."Diyos ko, ang anak ko!" parang hihimataying paghihisterya ni Mrs. Rivera.Palabas si Sunny sa rest house, nakaalalay rito ang dalawang swat. Namumutla ang babae at nanginginig. Nagkaroon ng pag-asa ang puso niya. Kung ligtas si Sunny, malamang
"D-DAVE . . ." Namutla si Sunny nang makita si Dave.Maski siya'y nagulat din. Ibang-iba ang itsura ni Dave. Mahaba ang buhok nito at magulo. Makapal na rin ang balbas, mukhang ilang buwang hindi nagshe-shave ang lalaki. Namayat din ito at humumpak ang pisngi. Nanlalalim ang mga mata.Basa ang malagong buhok nito, halatang kaliligo lang. Puting long sleeve polo ang suot nito na hindi maayos ang pagkaka-tuck in sa itim na slacks, wala itong sapin sa paa."Hi, love . . . kumusta ka na?" malambing na tanong nito kay Sunny na ngayon ay unti-unti nang napapalitan ng galit ang gulat at takot na bumadha sa mukha nito kanina nang pumasok ang binata."Anong kalokohan 'to, Dave?" galit na tanong ni Sunny.Ngumiti lang si Dave. Lumuhod ito sa harapan ng kapatid niya. Ipinatong ang ulo sa kandungan ni Sunny. Nakapaling ang mukha nito sa gawi niya kaya naman kita niya ang pagod sa mukha nito. Nakapikit si Dave."I m-miss you, love . . ." garalgal ang tinig na ani Dave. Namasa rin ang pilikmata nit