Tumayo si Catherine, mula sa inuupuan swivel chairs. Pahablot dinampot ang bag niya.“Lena, cancel all my meetings and appointments today.” Aniya bago tinalikuran ang secretary niya na nakatingin lang at hindi agad nakapag-react.“Hah, ma’am Cath, importanteng client po si Mr. Reyes,” pahabol sabi ni Lena nakatingin sa likod ni Catherine.Huminto si Carherine sa paglalakad atsakaa pumihit paharap dito. “Reschedule ang meeting at tawagan mo na rin ang secretary niya.” Hindi niya na hinintay na makapagsalita uli si Lena. Lumayas na siya.Malalaki ang bawat hakbang ng kanyang mga paa patungo roon sa parking lot. Kung saan naka park ang kotse niya.Kung tama ang hinala niya na sinasadya ni Travis. Ang paghinto ng mga trabahante roon sa site. At kung totoo ang hinala niya na iniiwasan siya ng lalaking ‘yon. P’wes! humanda si Travis sa kanya.Ilang linggo na rin ang nakalipas na hindi nagpapakita si Travis. Tumigil na rin ito sa pagpapadala ng mga bulaklak sa office niya. At kahit kay Migg
“What if we have dinner together one of these days? Kung okay lang sa ‘yo?” Ani Tristan na may alanganin ngiti sa mga labi nito.“Sure,” nakangiti rin sabi ni Catherine. “Puntahan ko muna ang kuya mong tarantado at malaki ang atraso n’on sa ‘kin,” aniya kinindatan pa si Tristan.“Sure, go ahead Cath. Paalis na rin ako.”She’s different from Catherine now. Kaya niya ng itago ang totoong naramdaman niya. Unlike the Catherine before, masyadong emotional at showing sa kung ano ang nararamdaman niya. “Cath, wait…” Pigil ni Tristan, hinawakan sa braso si Catherine.“Hah…” Nagtatakang tiningnan niya si Tristan na nakahawak sa braso niya.“Can I have your contact number…”“Don’t touch her bastard!” boses ni Travis ng dumadagundong. Naglalakad ito patungo rito at madilim ang itsura nito. “Kung ayaw mo maputulan ng kamay.”Nagkatinginan sila ni Tristan. “ May nagawa ba ako?” Pabulong tanong ni Tristan.Nagkibit ng isang balikat si Catherine. “I don’t know.”“Kuya naman, selos agad?” Tumatawa
Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita. “Pumunta ako dito dahil pinagtataguan mo ako,” naiinis turan ni Catherine.“Ako?” ani Travis itinuro pa ang sarili. “Hindi ako nagtatago.”“Tumawag ang secretary ko dito, Mr Monteiro and your secretary said, your out of town.”“Yun ba?” pigil ang pilyong ngiti sa mga labi ni Travis ngunit dagli lamang iyon. Muli naging seryoso ang nakalarawan sa itsura nito.“Direct to the point, why did you drop your worker from the construction sites?” biglang bumangon ang galit sa dibdib niya ng naalala ang ginawa nitong pagpapatigil ng mga trabahante nito roon sa sites. “They need for rest,” bale-walang sabi ni Travis.“You know what? You are impossible!” pigil ang boses sabi ni Catherine. “I want to remind you, Mr. Monteiro may contract ang nasabing proyekto ang ibig sabihin lang ay…” Hindi niya nasabi ang ibang sasabihin ng muling nagsalita si Travis.“So…” Nag-iisang linya ang makapal nitong mga kilay.‘Don’t act like you are immature, Mr Mon
Nagpapantig ang bagang ni Travis, kinoyomos ang kapirasong papel hawak niya. Atsaka binato roon sa pinakamalapit na basurahan. Kuyom ang kamao binagsak niya sa ibabaw ng lamesa. Ramdam niya ang sakit sa kamao niya ngunit mas masakit ang natuklasan niya na nakasaad sa kapirasong papel. Magkahalong ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Umaasa pa naman siya pero disappointed siya sa result ng DNA test nila ni Miggy. Negative ang DNA test, ibig sabihin lang ay hindi niya anak si Miggy. Umaasa pa naman siya at ramdam niya na anak niya ang bata. Awtomatiko siya napatingin doon sa may pintuan ng may kumatok roon. “Sir, I want to remind you. You have a meeting with Mr. Dela Cruz, this afternoon…” “Cancel all my meetings and appointments for today,” pakli niya sa ibang sasabihin ng secretary niya. “But Sir, Important client si Mr. Dela Cruz,” giit pa rin sabi ng secretary niya. Napapitlag na lamang ito ng magsalita si Travis na mataas ang tuno ng boses at galit. Nilag
“Kung wala ka man lang sabihin matino, p’wede ba umalis ka na lang,” pigil ang galit sa boses sabi ni Catherine.Bumontong-hininga ng malalim si Travis bago nagsalita. “Who’s the father of your child?”Biglang nabitawan ni Catherine ang hawak na dokumento at sign pen.“Ano ang sabi mo?” tanong niya dahil pakiramdam niya ay bigla na lang siya nabingi sa uri ng tanong ni Travis. “Pakiulit ng sinabi mo.”“Sino ang ama ni Miggy?” Tiim bagang tanong ni Travis, naka kuyom ang kamao nito. “Pumunta ka lang ba dito para itanong kung sino ang ama ng anak ko, Mr. Monteiro?” Nanggigil sa galit tanong ni Catherine.Pakiramdam niya ay biglang nanginig ang buong katawan niya sa sobrang galit na kinikimkim niya nang mga sandaling iyon. Ang kapal ng mukha ni Travis para itanong sa kanya kung sino ang ama ni Miggy.“Yes, gusto ko malaman kung sino ang ama ng anak ng asawa ko. May iba ka pa bang naging karelasyon maliban sa akin noon?”Talagang humagalpos na ang galit ni Catherine. “How dare you! Nev
“Get out, Mr. Monteiro!” mabalagsik sabi niya sa kabila ng mga luhang namilisbis sa kanyang pisngi. Hindi niya na nakayanan na maging tapang-tapangan sa harapan ni Travis, kusang bumigay na ang kanyang mga luha. Kahit kailan ay naging mahina siya pagdating lalaking ito. Ang lalaking walang ginawa kung di saktan siya.“Cath…” Akmang lalapitan ni Travis si Catherine ngunit bigla rin napahinto ng muling nagsalita si Catherine.“Don’t dare lumapit dito! Umalis ka na Travis, nakikiusap ako,” pakli niya sa ibang sasabihin ni Travis.Bumuga ng hangin si Travis, napasabunot pa ito sa sariling buhok. “Okay pero babalik ako para makapag-usap tayo.”Hindi na siya sumagot. Patuloy na lang siya sa pag-iyak ng tahimik. Lumapit si Travis para sana punasan ang mga luha niya. Ngunit matalim niya pinukol ng tingin ang lalaki.“Huwag mo akong hawakan. Umalis ka na Travis!”“Okay,” ani Travis nakataas pa ang dalawang kamay. Animo ay sumusuko. “But please calm down.” “Alis…”Nagkibit ng balikat si Travi
“Come in!” aniya ng narinig niya na may kumakatok sa dahon ng pinto mula roon sa labas ng kwarto niya. Kakatapos niya lang maligo.“Dinalhan kita ng gatas at bread sandwich.”Kunwari sumimangot siya. “Hindi ako nagugutom.”“Hindi p'wede na matulog ka na walang laman ang tiyan mo, honey. Inumin mo na itong gatas habang mainit pa,” ani David sabay lapag ng tray sa ibabaw ng maliit na lamesa.“On diet ako.”“Huwag matigas ang ulo, Catherine. Napagod ako sa paggawa ng bread sandwich, kaya kainin mo na ‘yan,” giit pa rin sabi ni David, naupo ito sa gilid ng kama ni Catherine.“What are you doing?” nakamata tanong niya kay David na prenting nakaupo sa gilid ng kama niya. “Gusto ko ng magpahinga.”“Gusto mo magpahinga o gusto mo lang akong iwasan, honey?” nahiga pa ito sa ibabaw ng kama niya.“David, get out!” naiinis turan niya. “Doon ka sa kwarto mo mahiga, alis…” sinamaan niya pa ang itsura niya. She hates confrontations but she knows, hindi siya titigilan ni David, hangga’t hindi niya
NANGINGINIG ang mga kamay ni Catherine, habang hawak niya ang kopya ng marriage certificate nila ni Travis. Confirmed! Kasal pa rin sila ni Travis. Technically ay mag-asawa pa rin sila.Pagkatapos niya magpaalam sa abogado nakausap niya at tumulong sa kanya ay nagpaalam na rin siya rito. Mabibigat ang mga paa niya na lumabas mula sa opisina ng abogado.Lulan ng kotse minamaneho niya ay hindi tiyak ni Catherine ang patutunguhan niya. Basta ang alam niya lang nang mga sandaling iyon ay gusto niya mapag-isa.Hindi niya kaya ipaliwanag ang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Masakit na rin ang kanyang ulo sa kakaisip. Napabuga siya ng hangin para ilabas ang frustrations niya.Natagpuan na lamang ni Catherine ang sarili niya nasa tapat ng dating boutique na pagmamay-ari niya. Five years ago, ibininta niya na ang boutique. Natutuwa siya sa paglipas ng limang taon ay nakabalik siya rito.Napakunot-noo siya ng napatingin siya roon sa malaking signage ng boutique. Hindi pa rin napapalitan
ANONG ginagawa ni Tristan dito? Tanong niya sa sarili. Naglalakad ito palapit dito sa kinatatayuan niya.“Tistan,” aniya ng tuluyan ng nakalapit dito si Tristan at ang kasama nitong babae.“Hi, Cath, I’m happy to see you again,” malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi nito.“Attend rin ba kayo ng party?” Tanong niya. Wala pa rin siyang ideya kung anong klaseng party ang dadaluhan nila ni Bella. Ang magaling na Bella ay bigla na lamang ito nawala.“Yeah,” maikling sagot ni Tristan, tumitingin ito sa paligid. “Bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan ang kasama mo, Cath?” Sunod-sunod tanong ni Tristan.Kahit paano ay nabunutan siya ng tinik sa kanyang dibdib sa kaalaman makasabay niya sina Tristan. Hindi siya mapagkamalan gate-crash party. Kapag nagkataon, talagang nakakahiya. “Tristan, do you have an idea, what kind of party…” Hindi niya nasabi ang ibang sasabihin ng muling nagsalita si Tristan.“Wala ka pa rin bang alam Cath?” Balik tanong ni Tristan.Umiling siya. “Wala eh. Basta na lang
“MALAYO pa ba tayo?” nababagot tanong ni Catherine, nakatingin doon sa unahan nitong kotse sinasakyan niya.“We almost therea,” sagot ni Bella, habang nagmamaneho ng kotse. “Umidlip ka na lang muna. Gisingin na lang kita kapag nakarating na tayo roon,” suhistiyon nito.“Hindi ako inaantok,” aniya isinandal ang ulo sa may headrest ng inuupuan niya. Pero sa totoo lang wala siyang tiwala kay Bella. Mamaya kung saan siya dalhin nito.“Talagang party ba ang pupuntahan natin?” Hindi pa rin mapakali tanong niya. Napapansin niya rin na malayo na sila mula sa city. Ang kotse sinasakyan nila ay ang mataas na bahagi ng kalsada ang binabaybay niyon.“Just relax, Catherine,” mahinahon ang boses sabi ni Bella. “Don’t worry wala akong masamang gawin para sa ipapahamak mo.”“Wala akong sinabi mo.”“Pero ‘yun ang nasa isip mo.”Guilty siya sa sinabi ni Bella. Mas minabuti niya na lamang na tumahimik.Habang nasa byahe ay binalot ng mahabang katahimikan sa loob ng sasakyan na tumatakbo.Habang bin
ILANG araw na rin ang nakalipas, simula ng lumabas mula sa hospital si Travis. Katulad sa napag-usapan nila ay bumalik ng mansion Monteiro, sina Catherine at Miggy.Nagising si Catherine na mabigat ang pakiramdam niya. Confirm. She’s pregnant. Ngunit hindi pa rin niya sinasabi kay Travis, tungkol sa pagdadalang-tao niya.Gusto niya kasi surprisahin ang asawa. Kaya naman todo pag-iingat ang ginagawa niya na hindi mahalata ni Travis na buntis na siya sa ikalawang- anak nila.Lumipad ang tingin niya roon sa wall clock. Alas-siete pa lang ng umaga at higit sa lahat ay week end ngayon. Ngunit wala na si Travis sa tabi niya.Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa malambot na kama. Upang tumungo na roon sa loob ng banyo. Pagkatapos niya gawin ang morning ritwal niya ay lumabas na rin siya ng kwarto nilang mag-asawa. Dumiritso na siya roon sa baba.Siguradong magkasama na naman ang kanyang mag-ama. Buhat ng iisang bahay na lang sila nakatira ni Travis ay mas lalong naging malapit sa isa’t
“Nag-aaway pa rin kayo?” Tanong ulit ni Miggy na nakasalubong na ang mga kilay nito. Talagang may pinagmanahan itong anak niya.Bigla na lamang natarantana si Catherine ng makita si David na naglalakad papasok dito sa loob ng kwarto. Gusto niya tuloy tumalon mula sa ibabaw ng kama.“Hindi ah…”“Hindi kami nag-aaway ng mommy mo, buddy,” sabi naman ni Travis. Naramdaman ni Catherine, hinapit siya ni Travis palapit sa katawan nito.“Anong ginagawa mo?” pabulong niyang tanong sa asawa.“Gusto ko lang maramdaman ang init ng katawan mo, sweetheart,” pabulong din sabi ni Travis sa bandang punong- taenga niya. Nakaramdam siya ng kakaibang init ng maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa balat niya.“Stop it Travis, nakakahiya nandito ang anak natin at si David.”Ngunit tila walang narinig si Travis. Akmang aalis siya sa tabi ni Travis, ngunit hinigpitan nito ang pagkakayapos ng isang braso nito sa bewang niya.“Ano ba? Let me go,” mahina pa rin niyang sambit. Tinapunan niya ng masakit
KINABUKASAN-nagising si Travis na may malapad na ngiti naka paskil sa kanyang mga labi. Habang tinitigan ang maamong ni Catherine na natutulog pa rin ito.Tila ayaw pa rin niya maniwala nasa mga bisig niya na ang babaeng pinakamamahal niya at sa wakas ay napatawad na rin siya ni Catherine.Kung panaginip lamang ang lahat nangyayaring ito. Ayaw niya na magising sa napaka gandang panaginip niya.Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok ni Catherine nakatabing sa mukha nito. Bahagyang kumilos si Catherine. Magkatabi silang natulog nang nagdaang gabi. Ayaw niya rin palagpasin ang pagkakataon na muling makatabi ang asawa sa pagtulog sa iisang kama. “Good morning,” aniya kinintilan ng maliit na halik sa noo si Catherine.“Good morning,” sabi ni Catherine, medyo namamaos nitong boses. Nakapikit pa riin ang mga mata nito. “Ang aga mo naman yata nagising.”“Hindi kasi ako makatulog.”Nagmulat ng mga mata si Catherine. “May masakit ba sa’yo?” nag-alala nitong tanong.“Katabi kasi kita ka
KANINA pa nakaalis si Daisy. Hindi nagtagal nagpaalam si Bella na aalis na rin. Napabuntong-hininga na lamang si Travis na nakatingin doon sa nakasarang pintuan.Binalot ng nakakabinging katahimikan ang apat na sulok ng kwarto.Tumikhim si Travis, uoang tanggalin ang tila nakabara sa lalamunan nito bago magsalita. “Cath…”“Travis…”Halos magkasabay sambit ng pangalan ng isa’t isa. “May sasabihin ka?” Tanong ni Catherine.“May sasabihin ka rin ba?” balik tanong ni Travis.Tumango si Catherine. “Yes, pero ikaw muna kung may sasabihin ka.”“Ladies first. I mean you’re y wife. So ikaw muna…”Bahagyang tumaas ang isag kilay ni Catherine. But deep inside kinikilig siya. Aaminin niya mman o hindi, maganda sa pandinig niya sa tuwing sinasabi ni Travis ang salitang ‘wife’, masarap iyon sa pakiramdam niya.Bahala na. Wala ng atrasan pa. Huminga ng malalim si Catherine. Inipon niyon sa kanyang dbdib, atsaka pinakawan din.“I’m sorry, kung hindi ko agad sinabi sa’yo na ikaw ang biological fa
“KUNG nagseselos ka kay Travis at sa babaeng iyon. P’wede ba Bella, huwag mo akong idamay.”Biglang huminto sa paghakbang ng mga paa si Bella. “Ako nagseselos?” sabay turo nito sa sarili.“Yes, you are. Nagseselos ka kay Travis at Daisy.“Walang dahilan para magselos ako kay Travis at sa pangit na babaeng iyon no.”Kusang tumaas ang isang kilay ni Catherine. Talagang hindi ito aamin na may relasyon ito at si Travis.“Di ba may relasyon kayo ni Travis…”Pinukol niya ng matalim na tingin si Bella.“Ako nagseselos?” sabi ulit ni Bella na tumatawa ng mahina.“Anong nakakatawa?” naiinis turan ni Catherine. Talagang ang lakas pa ng loob nito para pagtawanan siya.“Sorry…sorry, ikaw kasi eh,” natatawa pa rin sabi ni Bella. “Hindi mo pa rin pala nakakalimutan ang issue na ‘yan. Medyo matagal na ang nakalipas ng nangyari ang issue tungkol sa amin ni Travis.’“Ofcourse hinding-hindi ko makakalimutan na ang bestfriend ko at ang asawa ko ay may relasyon, naging kabit ka ng asawa ko.” Mas mabuti ng
SABAY napatingin sina Catherine at Travis ng bigla na lamang bumukas ang dahon ng pinto at iniluwa mula sa labas ang babaeng blonde ang buhok at ang maiksing kasuotan nito. Sobrang makapal din ang make-up nito. To the left to the right ang talbog ng balakang nito, habang naglalakad palapit dito.Napangiwi na lamang si Catherine na nakatingin sa babae.“Travis, oh my god. How are you?” sabi ng maarting boses ng babaeng may makapal na pintura sa mukha nito at bigla na lamang pumasok dito.“Daisy…?” Tila nagulat pang sabi ni Travis ng makita ang babaeng bagong dating.“Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?” sunod-sunod na tanong ni Travis. “Wait, Daisy,” sabi ni Travis na nakangiwi ng bigla na lang yumakap dito ang babae.“May masakit ba sa’yo? Oh my god. Saan ang masakit my baby Travis?” maarti pa rin sabi ng babae na tinawag ni Travis sa pangalan nitong Daisy.Napaubo ng mahina si Catherine buhat sa narinig. Pinukol niya ng masamang tingin si Travis. Animo’y nagustuhan ng mokong
NAGISING si Travis na masakit ang buong katawan niya, pakiramdam niya ay binugbog siya ng sampung tao. Partikular na ang kanyang likod. Kapag sinusubukan niyang gumalaw ay inaataki siya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Magkahalong sakat kirot sa bandang likuran niya.Pagmulat ng kanyang mga mata ay tumambad sa kanyang paningin ang apat na sulok ng kwarto na kulay puti. Pinuno ng samo’t sari amoy ng mga gamot ang kanyang pang-amoy. Saka niya biglang naalala ang nangyari sa kanya. Ang huling natatandaan niya ay sinubukan niyang sagipin si Miggy mula sa malaking truck. Pinuno ng matinding kaba at takot ang kanyang dibdib. Kumusta si Miggy? Kailangan niyang makita ang bata.Inikot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid. Ngunit wala siyang makita na may kasama siyang ibang tao rito. Tanging siya lang ang mag-isa nandito sa loob ng kwarto.Muli ni Travis sinusubukan na igalaw ang katawan niya. Ngunit talagang hindi niya nakayanan ang sobrang sakit at ang bigat ng pakiramdam niya.