NANG HAWAKAN SIYA KANINA ni TRistan ay alam na kaagad kung ano ang gusto nito. Nang umalis ito ay nakalaya siya sandali ngunit nanatili pa rin naman siyang nakakulong sa bahay nito. Habang pinipilit niyang matulog ay mas lalo naman siyang hindi makatulog.Dahil dito ay agad siyang nabalisa ng wala sa oras ngunit habang nababalisa siya ay mas bumilis naman ang tibok ng puso niya. Ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang pagyakap ng isang tao mula sa likod niya. Walang ingay na maririnig sa loob ng silid ng mga oras na iyon kundi tanging ang kanilang mga paghinga lamang.Mahigpit ang yakap nito na kung saan ay halos wala siyang lusot rito. Ang mabangong amoy ng sabon ay agad niyang naamoy at hindi nagtagal ay narinig niya ang mababa at mahinang tinig nito sa kanyang tenga. “Na-miss kita ng sobra…” bulong niti sa kaniya. “Tatlong araw pa lang, pero halos mabaliw na akong hindi kita nakita…” dagdag pa nito.Samantala, ayaw niya namang marinig ang mga salitang iyon. “Ano ba…” pagtutol n
KINABUKASAN, NANG MAGISING si Olivia ay wala na sa tabi niya si TRistan. Habang nakatitig sa kanyang tabi ay nakahinga siya ng maluwag. Bumangon siya at nagpunta sa banyo upang maghilamos at nang ibaba niya ang kanyang ulo ay bigla na lamang siyang natulala nang may makita siyang na kwintas na nakasabit sa leeg niy.Hindi niya matandaan na nagsuot siya ng kwintas. Siya ba ang nagsuot nito sa kaniya? Ilang sandali pa ay bumaba na siya. Pagbaba niya ay nakahanda na ang pagkain sa mesa at katulad ng mga nakaraang pagkain nila ay inaasikaso siya ni Tristan.Habang kumakain ito ay hindi niya maiwasang mapansin ang mga mga galaw nito na napaka-maingat. Kahitna na pag-inom o pagkain iyon. Patuloy na tumatakbo sa kanyang isip ang kwintas na nasa kanyang leeg at gustong-gusto niyang tanungin ito hanggang sa matapos ang mahabang pag-aatubil sa wakas ay nagawa niya ring ibuka ang kanyang bibig. “Itong kwintas sa leeg ko, ikaw ba ang nagsuot nito?”Nang marinig ni Tristan ang kanyang tanong ay ag
NANG PAGLABAS NIYA AY MAY puno doon sa tapat mismo ng bintana at may mga damo na hindi pa naman matataas ngunit natatakpan na nito ang lupa kaya masasabi niya na mahirap nga talaga iyong hanapin. Matapos niyang maghanap ng dalawang minuto ay agad siyang bumalik sa loob. Inilbot niya ang kanyang tingin sa mga tauhan ni Tristan na nakatayo malapit sa mesa. “Sumama kayong lahat sa akin para hanapin ang kwintas.” sabi niya.Agad naman na nagtinginan ang mga ito at pagkatapos ay sabay-sabay na nagtinigin ka sa kanilang boss. Hindi naman nagsalita si TRistan at nakatingin lang kay Olivia. Ilang sandali pa ay napatikhim ito na tila ba natauhan. “Hindi niyo ba siya narinig, pumunta na kayo. Tulungan niyo siya.” kaagad na sabi niya at doon pa lamang gumalaw ang mga ito at lumabas ng kusina.Agad naman na naningkit ang mga mata ni Olivia dahil sa sama ng loob. “Anong tinatayo-tayo mo rin diyan? Sumama ka rin na hanapin iyon.” malamig na sabi niya rito at pagkatapos ay tumalikod, sumunod naman i
PAGDATING NI OLIVIA SA TINDAHAN na iyon ay agad na siyang naakit sa isang kulay lila na dress. Napakaganda ng kulay ay ang dinseyo ay napakaganda rin. Agad na nakita ni TRistan ang kanyang mga na kumislap nang makita niya ang damit. Dahan-dahan itong lumapit ito doon. “Kung gusto mo ito ay isukat mo. hihintayin na lang kita sa labas.” sabi nito sa kaniya.Mabilis naman na tumango si Olivia rito. Makalipas ang ilang minuto ay naisukat na niya ang damit at pagkatapos ay dali-dali niyang binuksan ang pinto ng fitting room para tanungiin sana si Tristan kung bagay ba ito sa kaniya ngunit sa sandali iyon ay bigla na lamang may isang babae na mataas ang takong na lumapit kay Tristan. Kasunod nito ay bigla na lamang nitong ikinawit ang kamay nito sa braso nito. “Tristan, bakit ka nandito?” malambing na tanong nito. “Nalaman mo ba na pupunta ako rito at sinadya mo na hintayin ako rito para sorpresahin ako?” dagdag pa nito. Napakabanayad din ng tinig nito at halata doon na masaya ito.Nakatula
BIGLANG NAGING TAHIMIK ANG PALIGID. Ang mga staff ng store na iyon ay tahimik lang din sa isang sulok habang nakatingin sa kanila. Sa totoo lang, nag-iisa lang ang damit na iyon at si Missy ay regular customer nila kaya hindi nila alam kung kanino mapupunta ang damit lalo pa at ang dalawang babae ay dinala pareho ni Tristan doon. Pero para hindi na sila mag-isip ng kung ano pa ay binalingan niya na si TRistan para hindi na siya magkaproblema pa at hayaan na lamang itong magdesisyon. “Sir, iisa lang po ang damit na iyon. Kanino niyo po ba ibibigay ang damit?” tanong ng staff kay TRistan.Sa pagkakataong iyon ay hindi naman na hinintay pa ni Olivia na sumagot ito at siya na mismo ang sumagot. Binalingan niya ang staff ng store. “Since, nagustuhan din naman ito ni Miss Missy ay sa kaniya na lang.” sabi niya at pagkatapos ay mabilis na tumalikod at bumalik sa dressing room upang magpalit ng kanyang damit. Mabuti na lang kanina ay nakasuot siya ng facemask kaya kahit papano ay natakpan ang
SA KABILANG BANDA, LALO PA NAMANG NAGALIT si TRistan nang makarating siya sa sala sa mga sandaling iyon dahil inaasahan niya na lalapitan siya nito at magmamakaawa sa kaniya at magmamatigas siya bago niya ito patatawarin sana ngunit kabaligtaran ang ginawa nito dahil ni hindi man lang siya nito hinabol kahit na alam nitong nagagalit siya.Kung si Missy lang iyon ay tiyak na kanina pa ito nakasunod sa kaniya at paulit-ulit na humihingi ng paumanhin sa kaniya at gagawin nito ang lahat para lang mawala nang tuluyan ang galit niya ngunit si Olivia, napakatigas ng puso nito at hindi man lang marunong makaramdam.Noon, napakalambing nito. Lahat ay sinasabi nito at napakagaling nitong pigilan siya. Naalala niya pa kung paano siya nito pinigilang manigarilyo at binantaan siya nito na kapag hindi pa siya tumigil sa kaka-sigarilyo ay hinding-hindi na siya nito papayagan pang makalapit sa kaniya o ni yumakap.Palagi itong gumagawa ng paraan, para malambing siya at isa pa ay gustong-gusto nito na
PAGKATAPOS MALIGO NI OLIVIA AY NAG-aalangan pa rin siya kung lalabas na siya o hindi pa. Ayaw niya kasing makita si TRistan sana, ngunit sa tagal niyang naligo panigurado na wala na ito at lumabas na. Pagkatapos niyang makipagtalo sa kanyang isip ng ilang minuto ay tuluyan na siyang lumabas pagkatapos niyang magbihis. Hindi naman siya ito nakita kaya nakahinga siya ng maluwag at dumiretso sa siya sa switch ng ilaw upang patayin iyon.Ngunit, nagulat siya nang bigla na lamang may humawak sa kanyang kamay pagkatapos niyang patayin ang ilaw at inihiga sa kama. Bumilis ang tibok ng puso niya. “Bakit ang tagal mo huh?” tanong nito sa kaniya.“Ikaw…” sabi niya at hindi maituloy-tuloy. Dahil sa kanyang pag-iisip ay hindi na niya namalayan pa na nasa kama pala ito at nakahiga. Marahil ay nakakumot ito kaya hindi niya napansin kaya agad niyang pinatay ang ilaw para makatulog na sana. Sino ba naman ang mag-aakala na nauna na pala itong nahiga kaysa sa kaniya.“Hindi mo ba alam kung anong oras n
PAGKAALIS NI TRISTAN AY TAHIMIK NA NAKASUNOD SA KANIYA ang mga tauhan nito at ilang sandali pa ay nagsalita ang isa. “Miss Olivia, sabi nga pala ni sir TRistan ay pwede daw po kayong lumabas ngayon.” sabi nito.Napatigil siya ng wala sa oras sa kanyang paglalakad at nilingon ang mga ito. “Talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya at bakas din ang saya sa kanyang mukha.Mabilis na tumango ang mga ito. “Mabuti naman!” masayang sambit niya at nagmamadaling umakyat patungo sa kanyang silid upang magpalit ng damit. Hindi niya pwedeng palampasin ang pagkakataong iyon na makalabas lalo pa at pinayagan siya ni Tristan. Kahit papano sa wakas ay makakalaya siya pansamantala rito.Pagkatapos niyang magbihis ay agad siyang lumabas at pagkalabas na pagkalabas niya ay bigla na lamang siyang nakatanggap ng isang tawag na hindi pamilyar sa kaniya ang numero ngunit sa kabila nun ay sinagot niya pa rin ito. “Olivia?” agad na tanong ng nasa kabilang linya. Sa tinig pa lang nito ay agad na niyang nakilala
DAHIL NGA iyon na ang huling eksena ni Olivia ay dumiretso na siya sa kanyang tinutuluyan para magpalit ng kanyang damit. Naligo na rin siya pagkatapos ay nagbihis. Nang lumabas siya sa sala ay nakita niya doon si Ate Mia na nakaupo sa sofa ngunit nang makita siya nitong lumabas mula sa kanyang silid ay dali-dali itong tumayo para lumapit sa kaniya.Umupo ito sa harap niya na ikinataas niya ng kilay ngunit hinawakan lang nito ang kanyang bukong-bukong. Dahil dito ay niyuko niya rin ito at nakita niya na namamaga pala ito. “Huwag kang gumalaw…” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay inakay siya nito patungo sa may sofa at pinaupo.Iniunat ni ate Mia ang kamay nito at bahagyang pinindot ito at hindi niya napigilang mapasigaw sa sakit. “Ah masakit ate Mia! Huwag! Tama na tama na…” napapakagat-labi na pakiusap niya rito.Napabuntong hininga naman ito. “Mukhang masakit talaga dahil parang ngayon lang kita nakita na nag-uumiyak dahil sa sakit.” sabi nito.Hindi naman siya nakapagsalita kaagad
“Anong ginagawa mo sa tingin mo ha Olivia?!” bulalas ni Kyra at hindi na niya napigilan pa. “Tirik na tirik ang araw at napakarami pang tao ang nanonood pagkatapos ay ganyan ang ginagawa mo? Ang lakas din naman ng loob mo, hindi ka ba nahihiya?” sunod-sunod na tanong niya rito. Wala na siyang pakialam pa dahil ang tanging alam niya lang ng mga oras na iyon ay galit siya. Hindi lang basta galit kundi galit na galit.Ilang sandali pa nga ay narinig na niya ang tinig ni Humphrey. Ito na ang unang sumagot dahil hindi pa rin makapagsalita si Olivia marahil sa matinding gulat. “Mali ang pagkakaintindi mo.” sabi nito. “Muntik nang mahulog si Olivia dito sa hagdan at tinulungan ko lang siya. Mali ang iniisip mo.” dagdag pa nito.Dahil dito ay mabilis naman na lumayo na si Olivia mula kay Humphrey. “Salamat.” sabi niya rito at pagkatapos ay tiningnan si Kyra. “pasensya na sa gulo.” dagdag pa niya at pagkatapos ay hinawakan niya na ang kanyang palda para hindi na niya ito matapakan pa. Tumaliko
PAGKATAPOS NILANG MAGNIIG ay parehong nakahiga sa kama sina Kyra at Humphrey. Ilang sandali pa ay nagsalita si Kyra at mahinahong binalaan siya. “Humphrey, binabalaan kita. Kapag niloko mo ako ay sinisiguro ko sayo na kaya kong sirain ka sa lahat.”Ngumiti lang naman si Humphrey at nilingon siya. “My god Kyra, sa tingin mo ba ay gagawin ko iyon? Napaganda mo para pakawalan ko pa kaya sinisiguro ko rin sayo na hindi na ako maglalakas loob pa na maghanap ng ibang babae.” sabi niya rito.“Mabuti naman.” sabi nito at pagkatapos ay isiniksik nito ang sarili sa kaniya kaya niyakap niya na lang ito. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay tuluyan na ngang nakatulog ito habang nakayakap sa kaniya. Bahagya siyang lumayo rito at sumandal sa kama pagkatapos ay inabot ang isang kaha ng sigarilyo at naglabas ng isa para sindihan.Napuno ng usok ang loob ng silid at nang lingunin niya si Kyra na nakahiga sa tabi niya ay biglang naging malamig ang kanyang tingin dito. Binantaan siya nito na kapag niloko
PAGDATING NI OLIVIA sa lugar kung saan sila nag-shoshoot ay nakasalubong niya sa koridor si Humphrey. Dahil dito ay agad siyang nagpasya na liliko na lang bago pa man sila tuluyang magkasalubong na dalawa dahil sa totoo lang ay iwas na iwas siya rito at ayaw niya itong makasalamuha sa totoo lang.Dali-dali siyang tumalikod ngunit dahil sa ginawa niya ay mabilis din namang gumalaw ito at hinabol siya. Hindi nga nagtagal ay naabutan siya nito. “Olivia, nakabalik ka na rin sa wakas.” sabi nito sa kaniya.Sumimangot na lang siya bigla. “Ano bang sinasabi mo?” patay malisya niyang tanong dito at walang ganang hinarap ito. Pinagtyagaan na lamang niyang tingnan ang mukha nito kahit na sa totoo lang ay inis na inis na siya.“Huwag mo ng itago sa akin ang totoo. Narinig ko na umalis ka para sa isang bagay. Ano kamusta ang lahat? Tapos na ba? Naayos mo na ba ang inaayos mo o baka kailangan mo ng tulong, handa akong tulungan ka.” tuloy-tuloy na sabi nito sa kaniya.Blangko niyang tiningnan ito a
TUMITIG SI TRISTAN SA kanyang mga mata. “Bakit naman ayaw mong malaman niya?” seryosong tanong nito sa kaniya.Napalunok naman si Olivia at sinadyang hindi tumingin sa mga mata nito. “Syempre, unang-una dahil siya ang nobya mo at ako, wala lang naman ako…” sabi niya at pagkatapos ay naglakad palapit dito at inayos ang kwelyo ng damit nito. Ang kanyang mukha ay napaka-seryoso maging ang tinig niya. “Kahit na gaano pa kaganda ang relasyon natin ngayon ay darating at darating pa rin ang araw na pakakasalan mo siya at bubuo kayo ng sarili ninyong pamilya.” mahinang sabi niya.Napalunok siya kung saan pakiramdam niya ay para bang may kung anong bumara sa lalamunan niya pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit sa kabila nun ay pinilit niya pa ring makapagsalita. “Hindi ba at mas maganda kung hayaan mo na lang akong umalis ng tahimik nang hindi niya nalalaman ang tungkol sa ating dalawa?”Nang marinig ito ni Tristan ay agad na nagdilim ang kanyang mga mata at nagtagis ang mga bagang niya. “Lagi
DAHIL DOON AY HINDI na nag-aksaya pa ng oras si Olivia para yakapin si Tristan. “Kahit na hindi ko pa nakikita ang ate mo ng sarili kong mga mata, mula sa kwento mo ay alam ko na kaagad na mahal na mahal ka nga niya bilang kapatid niya.” masuyong sabi niya rito. “Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang nararamdaman mo sa ate mo lalo pa at ikaw na rin mismo ang nagsabi na siya na ang halos tumayong ina sayo.” Hinaplos niya ng bahagya ang likod nito. “Alam kong walang imposible kaya magtiwala ka lang. Maniwala ka na magkaroon ng himala at magtiwala sa magagawa ng Diyos dahil sa Kaniya ay walang imposible.” sabi niya rito.Naramdaman naman niya ang pagtango nito sa kaniya. “Salamat dahil nandito ka sa mga oras na ito.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay biglang humiga ito sa kandungan niya. Ilang sandali pa ay hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang daliri.“Matulog ka muna.” sabi niya rito.“Baka pag nagising ako ay wala kana rito paggising ko.” sabi nito sa kaniya.Umi
KAHAHATID LAMANG NI KENT si Missy ngunit pagbalik niya sa loob ng bahay ay bigla siyang nagulat nang makita niya ang isang babaeng naghihintay sa may sala. “Miss Olivia?” hindi makapaniwalang tanong niya at pagkatapos ay lumapit dito. “Paano kayo nakauwi?” gulat na gulat pa rin na tanong niya rito.“Nasaan na siya? Hindi pa rin ba siya lumalabas ng silid niya?” tanong naman kaagad ni Olivia kay Kent. marahan naman itong tumango kaya napabuntung-hininga na lang siya.“Nasa silid niya po siya Miss Olivia. Ihahatid ko po kayo hanggang sa pinto.” sabi nito at nauna nang naglakad patungo sa hagdan. Agad naman siyang sumunod dito at pagtapat nila sa pinto ay humarap ito sa kaniya. “Katulad nga po ng sabi ko sa inyo ay halos buong araw na siyang nakakulong diyan sa loob.” mahinang sabi nito sa kaniya.Hindi naman na binanggit pa ni Kent ang tungkol sa pagdating doon ni Missy at ang pagpupumilit nito na pumasok. “Sige, ako ng bahala sa kaniya pero gusto ko na maghanda ka ng pagkain.” sabi nit
PAGLABAS NA PAGLABAS NI TRISTAN SA CONFERENCE room ay nagpahatid siya kay Kent sa bahay niya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi siya kumain buong araw at kahit na ilang katok pa ang gawin sa kanyang pint ay hindi siya sumasagot.Ilang beses naman nang kumatok sa pinto si Kent ngunit ni isang simpleng sagot ay wala siyang narinig mula sa loob. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tawagan si Olivia dahil alam niya na ito lang ang makakapagpakalma kay Tristan.Bumaba muna siya sa sala at doon niya ito tinawagan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Pasensya na Miss Olivia kung nakaistorbo ako sayo.” sabi niya kaagad.“Kent? May problema ba?” kaagad naman na tanong ni Olivia rito.Nilingon ni Kent ang pangalawang palapag bago nagsalita. “Miss Olivia, hindi ka ba busy ngayon? Pwede niyo bang tawagan si sir para aliwin siya?” sabi niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito. “Para aliwin siya? Bakit? Anong problema?” sunod-sunod
KINABUKASAN, NAKASAKAY NA SI TRISTAN sa kanyang sasakyan at handa nang umalis nang lingunin siya ni Kent. “sir, ang kotse ni madam.” sabi nito sa kaniya.“Hayaan mo siya. Umalis na tayo.” malamig na utos ni Tristan dito. Ang kanyang mga mata ay malamig na para bang isang normal lang na tao ito at ni hindi man lang nito kaano-ano. Dahil sa utos nito ay pinaandar na ang sasakyan ngunit bago pa man sila makaalis ay bigla na lang bumaba mula sa kotse ito at kumatok sa binta. “Tristan, may sasabihin ako sayo. Kailangan nating mag-usap.” sabi nito ngunit hindi ito pinansin ni Tristan at binalingan niya si Kent.“Paandarin mo na ang sasakyan.” sabi niya rito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kanyang ina.“Pero sir, paano po si—” puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan ito mula sa rearview mirror ng sasakyan ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na itong nagsalita sa galit na paraan.“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Umalis na tayo.” inis na sabi nito ka