NANG IKASAL SI MARIE, ang panganay na anak na babae ng pamilya Fuentes at si Jordan ay talaga namang napakaraming tao ang nakasaksi dahil ang kanilang kasal ay talagang pinag-usapan. Maayos naman ang pagsasama nilang dalawa ngunit ang naging problema nga lamang ay hindi nagkaroon ng anak ang dalawa.Kalaunan, ay nagloko ang asawa nito. Palaging sinisi ni Jordan si MArie dahil sa hindi nila pagkakaanak at sinarili lahat iyon ni Marie at hindi ipinagsabi kahit kanino. Kahit na palagi silang nag-aaway ay hindi siya nagkwento sa iba. Ni wala man lang nakapansin na mayroon na pala silang malalim na problema hanggang sa tuluyan na itong kinain ng depresyon at tinangkang magpakamatay ngunit kahit na nailigtas ito ay nahulog naman ito sa pagkabaliw. Habang tumatagal ay palala ng palala ang kundisyon nito. Ngunit may araw na matino ito at nakakausap ng maayos at maging ang kilos nito ay normal din. Ngunit kadalasan nga ay may sumpong ito at wala ni isa ang makalapit rito kundi tanging si Trista
NABALOT NG KATAHIMIKAN ANG SILID pagkatapos sabihin iyon ng kanyang ina. Tumayo siya at tiningnan ito gamit ang kanyang madilim at malamig na mga mata.“Wala na kayo doon. Ang kailangan niyo lang gawin ngayon ay ang alagaan si ate.” malamig na sabi TRistan sa kanyang ina.“Paanong wala na ako doon ha?” sumabog ang galit ni Moira at nilapitan niya ang anak kung saan ay hinawakan niya ang magkabilang kwelyo ng damit nito habang nagtatagis ang mga ngipin sa sobrang galit. “Tristan, nakalimutan mo na ba kung sino ang may gawa niyan sa ate mo ha? Kasalanan yan lahat ng babaeng yun! Napakabait ng ate mo pero ngayon… wala na siya sa sarili niya at ni hindi na niya ako makilala bilang ina niya at hindi mo ba alam kung gaano kasakit iyon para sa akin? Kung gaano kasakit na makita siyang nagkakaganyan?” puno ng sakit na sabi nito.Sa halip na makisimpatya naman ay tinitigan ito ni TRistan at marahang natawa. “What? Nasasaktan ka?” hindi makapaniwala niyang tanong rito.Tumaas ang sulok ng labi
PUMIKIT NA LAMANG SI OLIVIA SA PAGKADISMAYA. Hindi na siya nagsalita pa at tumango na lamang rito. Nang makita naman ni TRistan ang kanyang ekspresyon ay hindi na nito napigilan na hawakan ang baba nito at halikan. Ang halik na iyon ay parang lason kung saan ay napagtanto niya na sobrang namiss niya pala ito. Nagulat siya nang bigla na lamang siyang yakapin ni Olivia sa kanyang beywang at ni hindi siya nito tinanggihan at sa unang pagkakataon ay tumugon ito sa halik niya. Halos magkandabuhol-buhol ang isip ni Tristan ng mga oras na iyon at isa lang ang nasa isip niya, gusto rin nito ang halik na iyon.Umakyat ang isang kamay ni TRistan at pumailalim sa likod ng ulo nito at tumagal ang halik na iyon ng halos ilang minuto. Nawalan sila ng kontrol pareho hanggang sa maghabol sila pareho ng kani-kanilang mga paghinga. Hanggang si Tristan din ang unang bumitaw. “Babawi ako sa susunod, okay.” sabi nito at hinaplos ang pisngi ni Olivia.Hinila naman ni Olivia ang kanyang kamay dahil sa kany
DAHIL SA LABIS NA KALIGAYAHAN DAHIL SA INIHANDANG HAPUNAN NI OLIVIA sa kaniya, nang matapos niyang maligo ay agad niyang tinabihan si Olivia at hinalikan ito. Puno ng ingat ang mga naging halik niya mula sa mga labi nito, sa punong tenga, sa leeg at sa lahat ng dako.Hindi tumutol si Olivia nang mga oras na iyon a hinayaan niya si Tristan na halikan siya. Tiningnan niya si Olivia na namumula ang kanyang mga mata at namumungay pagkatapos ay mahinang nagtanong rito. “Olivia, okay lang ba?” tanong niya na punong-puno ng pagpipigil sa kanyang sarili.Iniunat naman ni Olivia ang kanyang kamay at humawak sa leeg nito. “Tristan, isa lang ang pakiusap ko…” sabi niya.“Ano iyon?” mahinang tanong niya at muling hinalikan ang punong tenga nito at pagkatapos ay narinig niya ang tinig ni Olivia.“Alam mo naman na ang pag-arte ang pangarap ko at hanggang sa mga oras an iyon ay gusto ko pa ring gawin iyon kaya hayaan mo akong bumalik sa entablado.” mahinang sabi nito.Pagkarinig ni Tristan ang mga s
“HINDI, dahil gusto kong ikaw ang magtali nito sa akin.” sagot naman kaagad ni Tristan sa kaniya.Wala na lang din naman nagawa si Olivia at tumayo mula sa kama pagkatapos ay itinali na lamang basta ang kurbata. Sa totoo lang, napakasama ng pagkakatali ng kurbata na iyon at matapos lang niyang itali ito ay lumabas na ng silid si Tristan nang hindi nagsasalita.Napahiga ulit si Olivia sa kama. Ang tunog ng pagbuhos ng ulan mula sa labas ay mas lalo pang lumakas ngunit nang mga oras na iyon ay hindi na nakaramdam ng antok pa si Olivia. Kaya muli siyang bumangon at blangkong pinapanuod ang mga patak ng ulan na tumatama sa bintana.Pumunta pa rin ito pagkatapos ng lahat. Ilang araw lang ang nakalipas noong nangako ito sa kaniya na hindi ito pupunta. Pero ngayon, heto at napakaaga nitong bumangon para lang dumalo sa birthday party ng nobya nito. Sa totoo lang, kanina bago ito umalis ay gustong-gusto niya itong tanungin ngunit hindi niya nagawang ibuka ang kanyang ibig. “Tanga ka ba? Syempr
MATAPOS MABASA AT MAKITA NI TRISTAN ANG laman ng chat ng kanyang ina ay bigla siyang nataranta bigla. Kasabay nito ay bigla niyang nilingon si Olivia. “Naka-resereve naman na ang lugar, sabihin mo lang ang pangalan ko at hintayin mo na muna ako doon. Susunod ako.” sabi niya rito.Agad naman itong tumango sa kaniya at nauna nang pumasok sa loob. Hindi na nagdalawang isip pa na tawagan ni Tristan ang kanyang ina. “Sino ang nagsabi sa inyo na dalhin niyo si ate?” galit na tanong niya kaagad rito.“Hindi ba talaga kayo nag-iisip? Sa tingin niyo ba ay iilang tao lang ang dadalo sa birthday party ni Missy? Paano kung sumpungin si ate?” mataas ang boses na tanong niya sa kanyang ina.“Alam ko, pero sa tingin mo ay gusto ko na dalhin ko siya?” balik din naman nitong tanong sa kaniya.“Hindi alam ng ate mo kung sino-sino ang mga dadalo. Ang alam lang niya ay engage ka na kay Missy at alam din nitong magdaraos ito ng kanyang kaarawan ngayon at gusto niyang pumunta para makilala niya ang magigin
SA DAMI NG TAO NA NAKAPALIGID SA MGA ITO ay mas naging maingay pa ang mga ito. “Wow, mukhang inlove na inlove talaga sina Missy at TRistan!” sabi ng mga ito.Matapos niyang panuorin iyon ay parang naubos ang lahat ng lakas niya sa buo niyang katawan. Hindi niya na pa matagalan pa iyon kaya dali-dali niyang pinatay iyon. Agad siyang tumayo at kinuha ang kanyang bag pagkatapos ay lumabas doon. Nagtungo siya sa banyo. Agad siyang naghilamos ng paulit-ulit para maging kumportable ang pakiramdam niya at lumabas doon nang bigla na lamang may isang tinig na nanggaling sa tabi niya. “Olivia?” tanong nito na ikinalingon niya. “Ikaw nga.” nakangiting sabi nito sa kaniya.Ang taong nasa harap niya ng mga oras na iyon ay walang iba kundi si Vincent na kung saan ay isa ring bituin. Agad na hinawakan siya nito sa kanyang braso. Natigilan si Olivia nang makita niya ito at gusto niya sanang kumawala mula sa pagkakahawak nito ngunit mahigpit itong nakahawak sa braso niya. “Kumain kami ng ilang mga di
HINDI NAGTAGAL AY BIGLANG NAGTANONG ANG isa sa mga kasamahan nilang nasa loob kay Vincent. “Hindi ka na naninigarilyo? Paano mo nagawang itigil?” tanong nito.“Hindi naman sa itinigil ko na…” mabilis na sagot nito. “Hindi niyo ba nakikita na ayaw ni Olivia ng amoy usok?” tanong nito sa mga ito at pagkatapos lang nitong sabihin iyon ay bigla na lamang pinatay ng mga ito ang kani-kanilang mga sigarilyo.“Napaka-maalalahanin mo naman.” sabi ng mga ito. Hanggang sa tinukso na ito.Sa totoo lang, hindi niya kilala ang direk Moriena ito dahil noong artista pa siya ay si ate Mia ang bahala sa lahat kaya hindi siya ang nakikipag-usap sa mga ito. Bukod pa doon nang mga oras na iyon ay palihim siyang tinutulungan ni Tristan kaya wala siyang dapat ipag-alala. Tanging ang mga sikat na direktor lang ang kakilala niya at ang iba ay hindi na niya kilala. Wala na ang makapal na usok sa silid at ang alak naman ang pinagka-abalahan ng mga ito.“Inom ka…” panghihikayat ng mga ito sa kaniya. May kasama n
PAGLABAS NA PAGLABAS NI TRISTAN SA CONFERENCE room ay nagpahatid siya kay Kent sa bahay niya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi siya kumain buong araw at kahit na ilang katok pa ang gawin sa kanyang pint ay hindi siya sumasagot.Ilang beses naman nang kumatok sa pinto si Kent ngunit ni isang simpleng sagot ay wala siyang narinig mula sa loob. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tawagan si Olivia dahil alam niya na ito lang ang makakapagpakalma kay Tristan.Bumaba muna siya sa sala at doon niya ito tinawagan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Pasensya na Miss Olivia kung nakaistorbo ako sayo.” sabi niya kaagad.“Kent? May problema ba?” kaagad naman na tanong ni Olivia rito.Nilingon ni Kent ang pangalawang palapag bago nagsalita. “Miss Olivia, hindi ka ba busy ngayon? Pwede niyo bang tawagan si sir para aliwin siya?” sabi niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito. “Para aliwin siya? Bakit? Anong problema?” sunod-sunod
KINABUKASAN, NAKASAKAY NA SI TRISTAN sa kanyang sasakyan at handa nang umalis nang lingunin siya ni Kent. “sir, ang kotse ni madam.” sabi nito sa kaniya.“Hayaan mo siya. Umalis na tayo.” malamig na utos ni Tristan dito. Ang kanyang mga mata ay malamig na para bang isang normal lang na tao ito at ni hindi man lang nito kaano-ano. Dahil sa utos nito ay pinaandar na ang sasakyan ngunit bago pa man sila makaalis ay bigla na lang bumaba mula sa kotse ito at kumatok sa binta. “Tristan, may sasabihin ako sayo. Kailangan nating mag-usap.” sabi nito ngunit hindi ito pinansin ni Tristan at binalingan niya si Kent.“Paandarin mo na ang sasakyan.” sabi niya rito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kanyang ina.“Pero sir, paano po si—” puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan ito mula sa rearview mirror ng sasakyan ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na itong nagsalita sa galit na paraan.“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Umalis na tayo.” inis na sabi nito ka
BUKOD PA DOON AY KAILANGAN niyang aminin sa sarili niya na nag-aatubili ang puso niya na paalisin ito dahil halso kalahating oras pa lang itong dumating. Ilang sandali pa ay ngumiti ito sa kaniya. “Nag-aalala ka ba para sa akin?” tanong nito sa kaniya.Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya itinago pa iyon dito at bukas palad na niyang inamin sa harap nito. “Masyadong delikado lalo pa at napakasama ng panahon. Ayoko na may mangyaring masama sayo.” sabi niya at habang nagsasalita siya ay napakababa ng kanyang boses at may kahinaan ito. Ang matinding pag-aalala ay bakas din sa kanyang mga mata.“Pasensya ka na Olivia.” sabi nito at hinawakan nito ang pisngi niya. “Sa susunod na punta ko ay magtatagal talaga ako pangako ko sayo. Isa pa ay kailangan ko talagang umalis dahil marami pa akong dapat gawin.” sabi nito sa kaniya na ang mga mata ay puno ng paghingi ng pang-unawa.Alam niya na walang silbi ang pakiusap na panatilihin ito kaya wala na lang siyang nagawa kundi ang tumango na lang di
SA LABAS NG PINTO AY NAPAKAPILIT NI Aiden. Hindi pa rin ito umalis doon at patuloy na nagtanong. “Ate Olivia, okay ka lang ba talaga?” tanong nito sa kaniya. “Bakit parang kakaiba ang boses mo? May lagnat ka ba?” tanong pa nito ulit.Mas lalo pa namang nagalit si Tristan nang marinig niya ang tinig nito. Talaga hindi pa rin ito sumusuko. Dahil doon ay ibinaba niya ang kanyang ulo at hinalikan ang balikat ni Olivia dahilan para mapapikit ito ng mariin at dahil sa inis niya ay bahagya niyang ibinuka ang kanyang bibig at kinagat ito.Nang maramdaman naman ni Olivia dahil sa kirot ng ginawa ni Tristan na pagkagat sa kaniya ay bigla na lang niyang itinaas ang kanyang paa na tumama sa may singit nito. Agad na napadaing ito at napasimangot na napatingin sa kaniya. Sa isip-isip ni TRistan ay napakawalang puso talaga ng babaeng kaharap niya. Samantala, nang mga oras an iyon ay napaka-bilis ng tibok ng puso ni Olivia dahil sa sobrang kaba. “Natutuwa ka ba ha?” malamig na bulong sa kaniya ni
NANG MATAPOS ANG EKSENA AY AGAD na lumapit sa kaniya si Aiden na may dalang isang jacket. “Isuot mo, dahil baka sipunin ka napakalamig pa naman ngayon.” sabi nito sa kaniya.“Bakit k naman isusuot yan?” tanong niya rito.“Kung ayaw mong isuot, itapon mo na lang.” sabi nito at pilit na inabot nito iyon sa kaniya at pagkatapos ay tinalikuran na siya nito ng tuluyan. Napabuntung-hininga na lang siya at dahil nga malamig naman talaga ay wala na din siyang nagawa kundi ang sinuot na nga lang ito ngunit pagtalikod niya ay bigla na lang niyang naramdaman na para bang may mga matang nakatitig sa kaniya ng napakatalim kaya dali-dali niyang iniikot ang kanyang mga mata sa paligid ngunit wala naman siyang nakita. Nagkibit balikat na lang siya, marahil ay masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano.Habang nakabalot sa kanyang ang jacket ay naglakad na siya patungo sa apartment na malapit lang din naman doon at may patakbo ba. Hindi nagtagal ay nakarating na siya doon at itinulak niya ang pinto
ILANG MINUTO PA AY BIGLA NA LANG TUMUNOG ang doorbell. Naiisip ni Olivia na baka may nakalimutan si Ate Mia at bumalik ito para kunin ito kaya hindi na siya masyadong nag-isip pa ay dumiretso na lang siya sa may pinto.Gayunpaman, nang makita niya si Aiden na nakasandal sa frame ng pinto na may kalmadong mukha at nakangiting labi, biglang napataaas ang kilay niya nang makita niya ito. “Bakit ka nandito?” kaagad niyang tanong dito.“Naaalala mo ba na may utang ka pa sa akin?” balik din naman nitong tanong sa kaniya na nakataas din ang kilay nito.“Ano naman yun?” agad niyang tanong dito.Tumaas ang sulok ng labi nito at mas ngumiti pa. “Nakalimutan mo na nang iniligtas kita noong gabing iyon?” tanong nito sa kaniya.Seryoso naman siyang tiningnan ni Olivia at dire-diretsong nagsalita. “Aiden, hindi ba at taimtim na akong nagpasalamat sayo? Diba sinabi ko na sayo na salamat dahil sa pagtulong mo sa akin?” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sinabi iyon ay bigla na lang siyang hinila
HINDI NA NAKAPAGSALITA PA SI OLIVIA dahil kinaladkad na nga siya ni Aiden. “Hoy Aiden ano ba. Dahan-dahan lang naman alam mo namang nakatakong ako. Mamaya ay matapilok pa ako.” sabi niya rito. “At isa pa ay saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya rito.Hindi nagtagal ay napahinto naman ito at pagkatapos ay nilingon nga ang mga paa niya. Walang sabi-sabi ay bigla na lang siya nitong binuhay at pagkatapos ay nagtatakbo. Nanlaki kaagad ang kanyang mga mata dahil sa gulat. “Aiden ano bang ginagawa mo? Ibaba mo ako!” sabi niya rito. “Set ito ano ka ba, panigurado na pinagtitinginan na nila tayo!” sabi niya rito.Wala namang pakialam si Aiden sa sinabi niya sa halip ay ngumiti pa ito sa kaniya. “Ano naman? Bakit natatakot ka ba? E magkapareha naman ang role natin ah, isa pa ay tiyak na iisipin lang nila na nagre-rehearse lang tayo.” sagot nito.“Kahit na! Ibaba mo na ako!” pagpupumilit niya ngunit hindi siya nito binitawan. Nagulat na lang siya nang bigla na lang siya nitong ipasok sa isang k
KINABUKASAN AY MAAGA ULIT silang bumangong dalawa ni Mia dahil maaga ang kanilang shoot. Pagdating nila sa set ay maririnig sa mga crew ang pangalang Aiden. Siya ba ang pangalawang bidang lalaki? Si Aiden Mallari? Hindi niya inaasahan na ito ang magiging second male lead sa totoo lang. Sa kasalukuyan nitong kasikatan ay tiyak na tama lang para dito ang maging bida at hindi niya akalain na papayag ito na maging pangalawang bida lang sa pelikulang iyon. “Talaga bang nandito siya para gumanap na pangalawang male lead?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Olivia.Agad naman na tumango si Mia dahil mas nauna siyang dumating doon kaysa kay Olivia kaya kanina pa lang pagdating niya ay nabalitaan na niyang si Aiden nga ang pangalawang bidang lalaki.Hindi naman niyang inaasahan iyon at sa dami ng taong pwedeng maging pangalawang bida ay ito pa talaga. Ilang sandali pa ay nilingon siya ni Mia at bahagyang tinukso. “Olivia, ano ang nararamdaman mo ngayon na ang makakapareha mo ay isang napak
HINDI NIYA LUBOS INAASAHAN NA napakarami nitong gagawin para sa kaniya ng tahimik. Ilang sandali pa ay agad niya itong tinawagan pagkalipas ng ilang segundo. “Hindi ganun kadaling mangolekta ng impormasyong katulad nun ah. Paano mo nagawa iyon?” tanong niya kaagad dito.Sasabihin pa lang sana ni Tristan na ako pa ba, pero bigla na lang may pumasok sa isip niya kaya binago niya ang sinabi niya. “E ginawa ko ang lahat para makalap ang lahat ng iyon.” sabi niya rito. “Napakarami mo ng utang sa akin ngayon. Paano ka makakapagpasalamat sa akin?” tanong niya rito.Sandali namang nag-isip si Olivia pagkatapos ay sumagot. “Pwede bang ipagluto na lang kita pagbalik ko?” tanong niya rito.“Sige.” sagot nito at pagkatapos ay tuluyan nang nagpaalam. Tinawagan niya lang ito sandali at wala siyang balak na magtagal sa pakikipag-usap dito dahil kailangang-kailangan niyang bumalik sa set.Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang bumalik at agad niyang naramdaman na para bang napakasama ng kapaligira