Share

Chapter 18.3

last update Huling Na-update: 2024-11-19 19:11:20

SA DAMI NG TAO NA NAKAPALIGID SA MGA ITO ay mas naging maingay pa ang mga ito. “Wow, mukhang inlove na inlove talaga sina Missy at TRistan!” sabi ng mga ito.

Matapos niyang panuorin iyon ay parang naubos ang lahat ng lakas niya sa buo niyang katawan. Hindi niya na pa matagalan pa iyon kaya dali-dali niyang pinatay iyon. Agad siyang tumayo at kinuha ang kanyang bag pagkatapos ay lumabas doon. Nagtungo siya sa banyo. Agad siyang naghilamos ng paulit-ulit para maging kumportable ang pakiramdam niya at lumabas doon nang bigla na lamang may isang tinig na nanggaling sa tabi niya. “Olivia?” tanong nito na ikinalingon niya. “Ikaw nga.” nakangiting sabi nito sa kaniya.

Ang taong nasa harap niya ng mga oras na iyon ay walang iba kundi si Vincent na kung saan ay isa ring bituin. Agad na hinawakan siya nito sa kanyang braso. Natigilan si Olivia nang makita niya ito at gusto niya sanang kumawala mula sa pagkakahawak nito ngunit mahigpit itong nakahawak sa braso niya. “Kumain kami ng ilang mga di
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 18.4

    HINDI NAGTAGAL AY BIGLANG NAGTANONG ANG isa sa mga kasamahan nilang nasa loob kay Vincent. “Hindi ka na naninigarilyo? Paano mo nagawang itigil?” tanong nito.“Hindi naman sa itinigil ko na…” mabilis na sagot nito. “Hindi niyo ba nakikita na ayaw ni Olivia ng amoy usok?” tanong nito sa mga ito at pagkatapos lang nitong sabihin iyon ay bigla na lamang pinatay ng mga ito ang kani-kanilang mga sigarilyo.“Napaka-maalalahanin mo naman.” sabi ng mga ito. Hanggang sa tinukso na ito.Sa totoo lang, hindi niya kilala ang direk Moriena ito dahil noong artista pa siya ay si ate Mia ang bahala sa lahat kaya hindi siya ang nakikipag-usap sa mga ito. Bukod pa doon nang mga oras na iyon ay palihim siyang tinutulungan ni Tristan kaya wala siyang dapat ipag-alala. Tanging ang mga sikat na direktor lang ang kakilala niya at ang iba ay hindi na niya kilala. Wala na ang makapal na usok sa silid at ang alak naman ang pinagka-abalahan ng mga ito.“Inom ka…” panghihikayat ng mga ito sa kaniya. May kasama n

    Huling Na-update : 2024-11-19
  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 18.5

    NAPATITIG SI TRISTAN sa operating room. Gustong-gusto na niyang umalis doon ngayon kaya lang ay narinig ng kanyang ina ang ginawa niyang pagtawag kanina. “Kung wala kang pakialam kung anong mangyayari sa ate mo, sige. Umalis ka.” sabi nito sa kaniya.Napakuyom ang kanyang kamay. Wala siyang magawa at nahahati siya sa gusto niyang puntahan si Olivia at gusto niya ring manatili sa tabi ng ate niya. Nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ina ay mas lalo pa siyang nainis na kung tutuusin kay Olivia pa lang kanina ay inis na inis na siya. “Pwede ba.” galit na sabi niya dito.“Sinasabi ko lang ang totoo.” sabi pa nito.“Tumigil na kayo.” inis na sabi niya at pagkatapos ay muling tinawagan si Olivia ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya bagkus ay pinapatayan pa siya nito. Nasa panganib ang buhay ng kanyang ate kaya hindi niya ito magawang iwanan.Dahil hindi niya ito matawagan ay si Kent na ang tinawagan niya. “Sunduin mo si Olivia dahil mukhang lasing na siya. Nag-aalala ako na baka k

    Huling Na-update : 2024-11-20
  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 19.1

    TUMITIG DIN NAMAN ANG DOKTOR KAY MOIRA at pagkatapos ay napabuntung-hininga. “Alam ko po ang nararamdaman ninyo bilang ina ngunit ang pagkakahulog niya talaga ay hindi ganun kaganda.” sagot nito.“Anong ibig niyong sabihin dok? Na wala ng pag-asa pa na magising ang anak ko ganun ba?” puno ng sakit na tanong niya rito.“May chance pa naman po ma’am, pero syempre ay depende iyon sa pasyente.” mabilis na sagot nito.Hindi siya nakasagot at napatakip na lamang siya sa kanyang bibig. Napakahirap para sa kaniya na tanggapin ang bagay na iyon. Nakita niya na wala man lang reaksyon si Tristan at dahil doon ay mas lalo pa siyang nalungkot. “Wala ka man lang bang reaksyon sa kalagayan ng ate mo?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. “Huwag mong sabihin na ang babaeng iyon pa rin ang nasa isip mo.”Nanlamig ang kanyang mga mata na nakatingin dito. Tumalim din ang mga ito habang nakatitig dito. “Sinasabi ko na sayo na hanggat nabubuhay ako ay hindi ko kailanman tatanggapin na makapasok ang baba

    Huling Na-update : 2024-11-20
  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 19.2

    NANLALAKI ANG MGA MATA NITONG TUMINGIN SA KANYA. “Olivia, hindi mo ba talaga maintindihan o nagkukunwari ka lang?” tanong nito sa kaniya. “Sige, sasabihin ko na sayo. Interesado talaga ako sayo sa totoo lang.” sabi nito sa kaniya. “Alam ko na dati ay isa kang sikat na artista at sobrang laki ng pera ang nagiging pera mo sa mga projects, pero ngayon iba na.” sabi nito sa kaniya.“Napakataas mo noon at ni hindi man lang kita makausap. Pero ngayon?” sabi nito na halos manlabo ang mag mata. Sa mga sandaling iyon ay lumabas na nga ang tunay nitong kulay. Napakagaling niyong magkunwari na napakabait sa harap ng lahat kanina. Nang wala nang nakakakita ay naghubad na ito ng suot nitong pagkukunwari. Sa totoo lang ay gusto niyang masuka ng wala sa oras.“Bitawan mo ako.” malamig na sabi niya rito. Ang kanyang buong katawan ay tila ba nababalot ng yelo dahil sa sobrang lamig. Sa halip naman na bitawan siya nito ay bigla na lamang nitong hinaplos ang kanyang mga labi na puno ng interes. “Nakaka

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 19.3

    SA SOBRANG TAKOT NI OLIVIA NANG mga sandaling iyon ay hindi na niya alam kung saan siya kumuha ng kanyang lakas ng loob. Bigla niyang ikinawit ang kanyang kamay sa kamay ni Aiden at biglang nagsalita sa malambot na tinig. “Please, tulungan mo ako. Nakikiusap ako sayo…” nagmamakaawang sabi niya rito at pagkatapos lang niyang sabihin iyon ay sobrang kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung ililigtas ba siya nito.Ngumiting muli si Direk Morie kay Aiden. “Katulad ng sinabi ko ay mas maganda na huwag kang makialam. Isa pa, may bago akong project at handa akong isali kita.” sabi nito.Samantala, hindi ito nagsalita at itinupi lang nito ang manggas ng mga suot nitong long sleeve at nakatayo pa rin doon at walang kagalaw-galaw. Ngunit nang magtaas siya ng kanyang ulo at tumingin dito ay halos hindi makayanan ni Direk Morie na tingnan ito. Matapos ang ilang sandali pa ay niluwagan din nito ang kanyang suot na neck tie.Ang kanyang mga labi ay biglang ngumiti at itinaas ang kanyang paa at s

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 19.4

    BIGLANG NIYAKAP NI OLIVIA ANG KANYANG sarili gamit ang kanyang mga kamay nang marinig niya ang sinabi nito. “Hindi. Hindi mo magagawa yun.” mahinang sabi niya.“Heh.” ngumiti ito sa kaniya. “Paano mo naman nasabi na hindi ko kayang gawin iyon?” tanong nito sa kaniya na nakataas ang kilay habang may ngiti pa rin sa labi nito.Mas hinigpitan pa lalo ni Olivia ang yakap sa sarili niya at mas lalong umiinit ang katawan niya. Hindi siya komportable. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa katawan niya o kung may hindi ba siya magandang kinain kanina. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pagkatapos ay tiningnan ito. “Sa itsura mo ay hindi ka ganung klase ng tao.” sagot niya rito. “Isa pa, ang dami ko na ring nakita na palabas mo at nkita ko kung paano mo igalang at irespeto ang mga babaeng katrabaho mo.” dagdag pa niyang sabi rito. “Kaya alam ko na wala kang masamang intensyon na gawin iyon sa akin.”Hindi ito nagsalita at nakatingin lang sa kaniya. “Bukod pa doon, kung tama ang hinala ko

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 19.5

    KUMPARA SA PAGIGING KALMADO NI AIDEN AY SIYA NAMANG kawalang pasensya ni TRistan. Hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili at sinugod ito pagkatapos ay hinawakan niya ang kwelyo ng suot na damit ni Aiden at malamig ang tinig na nagtanong. “Nasaan siya?”“Sino ba?” sinadya ni Aiden na magkunwari na hindi alam kung sino ang tinutukoy nito. “Bakit ka ba nagpunta rito para maghanap? Wala naman akong kinuha sayo.” sabi niya na may ngiti sa kanyang mga labi.“Uulitin ko, huwag kang magmaang-maangan na hindi mo alam kung bakit ako nandito. Alam mo kung sino ang tinutukoy kaya ilabas mo na siya ngayon din!” galit na galit na sigaw ni Tristan rito.Tumaas ang sulok ng labi ni Aiden na para bang nang-aasar pa. “Paano kung ayoko?” tanong sa kalmadong tinig at walang takot sa mga mata.“Pwes mag-hello ka na kay kamatayan. Huwag mong sabihin na ikaw ay nasa kapangyarihan dahil hindi ako natatakot sayo.” mariing sabi ni Tristan at matapos ito ay mabilis na bumagsak ang kanyang kamao sa mukha n

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 20.1

    ANG MGA SALITANG IYON ANG PINAKAMATAPANG na sinabi ni Aiden ngunit sa huli ay nilunok niya iyon dahil makalipas lang ang ilang buwan ay naglakas loob siya na lumapit sa kaniyang kapatid ngunit tinanggihan siya nito ng walang pag-aatubili. “Ang babaeng gusto mo ay hindi ganun kadali na makausap. Kung gusto mo ay kausapin mo siya mag-isa pero hindi kita tutulungan.” sabi nito sa kaniya.Dahil dito ay napakuyom ang kanyang kamay sa labis na poot at sumumpa na kailangan niyang pumasok sa industriya para lang makausap at mapalapit siya rito dahil walang ibang paraan. Noong bago pa lamang siya at talagang nagdusa siya ng napakarami. Ang pangalan niya ay Aiden at ang apelyido niya ay Mallari at sinong mag-aakala na siya pala ang kapatid ng isang sikat na negosyante na si Flynn Martinez dahil sa magkaiba naman sila ng apelyido.Walang kumilala sa kaniya at rumespeto. Wala ding naging mabuti sa kaniya noong nag-uumpisa pa lang siya at masasabi niya na ang unang dalawang taon na pagsisimula niy

    Huling Na-update : 2024-11-22

Pinakabagong kabanata

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 25.3

    PAGLABAS NA PAGLABAS NI TRISTAN SA CONFERENCE room ay nagpahatid siya kay Kent sa bahay niya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi siya kumain buong araw at kahit na ilang katok pa ang gawin sa kanyang pint ay hindi siya sumasagot.Ilang beses naman nang kumatok sa pinto si Kent ngunit ni isang simpleng sagot ay wala siyang narinig mula sa loob. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tawagan si Olivia dahil alam niya na ito lang ang makakapagpakalma kay Tristan.Bumaba muna siya sa sala at doon niya ito tinawagan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Pasensya na Miss Olivia kung nakaistorbo ako sayo.” sabi niya kaagad.“Kent? May problema ba?” kaagad naman na tanong ni Olivia rito.Nilingon ni Kent ang pangalawang palapag bago nagsalita. “Miss Olivia, hindi ka ba busy ngayon? Pwede niyo bang tawagan si sir para aliwin siya?” sabi niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito. “Para aliwin siya? Bakit? Anong problema?” sunod-sunod

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 25.2

    KINABUKASAN, NAKASAKAY NA SI TRISTAN sa kanyang sasakyan at handa nang umalis nang lingunin siya ni Kent. “sir, ang kotse ni madam.” sabi nito sa kaniya.“Hayaan mo siya. Umalis na tayo.” malamig na utos ni Tristan dito. Ang kanyang mga mata ay malamig na para bang isang normal lang na tao ito at ni hindi man lang nito kaano-ano. Dahil sa utos nito ay pinaandar na ang sasakyan ngunit bago pa man sila makaalis ay bigla na lang bumaba mula sa kotse ito at kumatok sa binta. “Tristan, may sasabihin ako sayo. Kailangan nating mag-usap.” sabi nito ngunit hindi ito pinansin ni Tristan at binalingan niya si Kent.“Paandarin mo na ang sasakyan.” sabi niya rito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kanyang ina.“Pero sir, paano po si—” puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan ito mula sa rearview mirror ng sasakyan ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na itong nagsalita sa galit na paraan.“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Umalis na tayo.” inis na sabi nito ka

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 25.1

    BUKOD PA DOON AY KAILANGAN niyang aminin sa sarili niya na nag-aatubili ang puso niya na paalisin ito dahil halso kalahating oras pa lang itong dumating. Ilang sandali pa ay ngumiti ito sa kaniya. “Nag-aalala ka ba para sa akin?” tanong nito sa kaniya.Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya itinago pa iyon dito at bukas palad na niyang inamin sa harap nito. “Masyadong delikado lalo pa at napakasama ng panahon. Ayoko na may mangyaring masama sayo.” sabi niya at habang nagsasalita siya ay napakababa ng kanyang boses at may kahinaan ito. Ang matinding pag-aalala ay bakas din sa kanyang mga mata.“Pasensya ka na Olivia.” sabi nito at hinawakan nito ang pisngi niya. “Sa susunod na punta ko ay magtatagal talaga ako pangako ko sayo. Isa pa ay kailangan ko talagang umalis dahil marami pa akong dapat gawin.” sabi nito sa kaniya na ang mga mata ay puno ng paghingi ng pang-unawa.Alam niya na walang silbi ang pakiusap na panatilihin ito kaya wala na lang siyang nagawa kundi ang tumango na lang di

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 24.5

    SA LABAS NG PINTO AY NAPAKAPILIT NI Aiden. Hindi pa rin ito umalis doon at patuloy na nagtanong. “Ate Olivia, okay ka lang ba talaga?” tanong nito sa kaniya. “Bakit parang kakaiba ang boses mo? May lagnat ka ba?” tanong pa nito ulit.Mas lalo pa namang nagalit si Tristan nang marinig niya ang tinig nito. Talaga hindi pa rin ito sumusuko. Dahil doon ay ibinaba niya ang kanyang ulo at hinalikan ang balikat ni Olivia dahilan para mapapikit ito ng mariin at dahil sa inis niya ay bahagya niyang ibinuka ang kanyang bibig at kinagat ito.Nang maramdaman naman ni Olivia dahil sa kirot ng ginawa ni Tristan na pagkagat sa kaniya ay bigla na lang niyang itinaas ang kanyang paa na tumama sa may singit nito. Agad na napadaing ito at napasimangot na napatingin sa kaniya. Sa isip-isip ni TRistan ay napakawalang puso talaga ng babaeng kaharap niya. Samantala, nang mga oras an iyon ay napaka-bilis ng tibok ng puso ni Olivia dahil sa sobrang kaba. “Natutuwa ka ba ha?” malamig na bulong sa kaniya ni

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 24.4

    NANG MATAPOS ANG EKSENA AY AGAD na lumapit sa kaniya si Aiden na may dalang isang jacket. “Isuot mo, dahil baka sipunin ka napakalamig pa naman ngayon.” sabi nito sa kaniya.“Bakit k naman isusuot yan?” tanong niya rito.“Kung ayaw mong isuot, itapon mo na lang.” sabi nito at pilit na inabot nito iyon sa kaniya at pagkatapos ay tinalikuran na siya nito ng tuluyan. Napabuntung-hininga na lang siya at dahil nga malamig naman talaga ay wala na din siyang nagawa kundi ang sinuot na nga lang ito ngunit pagtalikod niya ay bigla na lang niyang naramdaman na para bang may mga matang nakatitig sa kaniya ng napakatalim kaya dali-dali niyang iniikot ang kanyang mga mata sa paligid ngunit wala naman siyang nakita. Nagkibit balikat na lang siya, marahil ay masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano.Habang nakabalot sa kanyang ang jacket ay naglakad na siya patungo sa apartment na malapit lang din naman doon at may patakbo ba. Hindi nagtagal ay nakarating na siya doon at itinulak niya ang pinto

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 24.3

    ILANG MINUTO PA AY BIGLA NA LANG TUMUNOG ang doorbell. Naiisip ni Olivia na baka may nakalimutan si Ate Mia at bumalik ito para kunin ito kaya hindi na siya masyadong nag-isip pa ay dumiretso na lang siya sa may pinto.Gayunpaman, nang makita niya si Aiden na nakasandal sa frame ng pinto na may kalmadong mukha at nakangiting labi, biglang napataaas ang kilay niya nang makita niya ito. “Bakit ka nandito?” kaagad niyang tanong dito.“Naaalala mo ba na may utang ka pa sa akin?” balik din naman nitong tanong sa kaniya na nakataas din ang kilay nito.“Ano naman yun?” agad niyang tanong dito.Tumaas ang sulok ng labi nito at mas ngumiti pa. “Nakalimutan mo na nang iniligtas kita noong gabing iyon?” tanong nito sa kaniya.Seryoso naman siyang tiningnan ni Olivia at dire-diretsong nagsalita. “Aiden, hindi ba at taimtim na akong nagpasalamat sayo? Diba sinabi ko na sayo na salamat dahil sa pagtulong mo sa akin?” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sinabi iyon ay bigla na lang siyang hinila

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 24.2

    HINDI NA NAKAPAGSALITA PA SI OLIVIA dahil kinaladkad na nga siya ni Aiden. “Hoy Aiden ano ba. Dahan-dahan lang naman alam mo namang nakatakong ako. Mamaya ay matapilok pa ako.” sabi niya rito. “At isa pa ay saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya rito.Hindi nagtagal ay napahinto naman ito at pagkatapos ay nilingon nga ang mga paa niya. Walang sabi-sabi ay bigla na lang siya nitong binuhay at pagkatapos ay nagtatakbo. Nanlaki kaagad ang kanyang mga mata dahil sa gulat. “Aiden ano bang ginagawa mo? Ibaba mo ako!” sabi niya rito. “Set ito ano ka ba, panigurado na pinagtitinginan na nila tayo!” sabi niya rito.Wala namang pakialam si Aiden sa sinabi niya sa halip ay ngumiti pa ito sa kaniya. “Ano naman? Bakit natatakot ka ba? E magkapareha naman ang role natin ah, isa pa ay tiyak na iisipin lang nila na nagre-rehearse lang tayo.” sagot nito.“Kahit na! Ibaba mo na ako!” pagpupumilit niya ngunit hindi siya nito binitawan. Nagulat na lang siya nang bigla na lang siya nitong ipasok sa isang k

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 24.1

    KINABUKASAN AY MAAGA ULIT silang bumangong dalawa ni Mia dahil maaga ang kanilang shoot. Pagdating nila sa set ay maririnig sa mga crew ang pangalang Aiden. Siya ba ang pangalawang bidang lalaki? Si Aiden Mallari? Hindi niya inaasahan na ito ang magiging second male lead sa totoo lang. Sa kasalukuyan nitong kasikatan ay tiyak na tama lang para dito ang maging bida at hindi niya akalain na papayag ito na maging pangalawang bida lang sa pelikulang iyon. “Talaga bang nandito siya para gumanap na pangalawang male lead?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Olivia.Agad naman na tumango si Mia dahil mas nauna siyang dumating doon kaysa kay Olivia kaya kanina pa lang pagdating niya ay nabalitaan na niyang si Aiden nga ang pangalawang bidang lalaki.Hindi naman niyang inaasahan iyon at sa dami ng taong pwedeng maging pangalawang bida ay ito pa talaga. Ilang sandali pa ay nilingon siya ni Mia at bahagyang tinukso. “Olivia, ano ang nararamdaman mo ngayon na ang makakapareha mo ay isang napak

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 23.5

    HINDI NIYA LUBOS INAASAHAN NA napakarami nitong gagawin para sa kaniya ng tahimik. Ilang sandali pa ay agad niya itong tinawagan pagkalipas ng ilang segundo. “Hindi ganun kadaling mangolekta ng impormasyong katulad nun ah. Paano mo nagawa iyon?” tanong niya kaagad dito.Sasabihin pa lang sana ni Tristan na ako pa ba, pero bigla na lang may pumasok sa isip niya kaya binago niya ang sinabi niya. “E ginawa ko ang lahat para makalap ang lahat ng iyon.” sabi niya rito. “Napakarami mo ng utang sa akin ngayon. Paano ka makakapagpasalamat sa akin?” tanong niya rito.Sandali namang nag-isip si Olivia pagkatapos ay sumagot. “Pwede bang ipagluto na lang kita pagbalik ko?” tanong niya rito.“Sige.” sagot nito at pagkatapos ay tuluyan nang nagpaalam. Tinawagan niya lang ito sandali at wala siyang balak na magtagal sa pakikipag-usap dito dahil kailangang-kailangan niyang bumalik sa set.Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang bumalik at agad niyang naramdaman na para bang napakasama ng kapaligira

DMCA.com Protection Status