BIGLANG NAGING TAHIMIK ANG PALIGID. Ang mga staff ng store na iyon ay tahimik lang din sa isang sulok habang nakatingin sa kanila. Sa totoo lang, nag-iisa lang ang damit na iyon at si Missy ay regular customer nila kaya hindi nila alam kung kanino mapupunta ang damit lalo pa at ang dalawang babae ay dinala pareho ni Tristan doon. Pero para hindi na sila mag-isip ng kung ano pa ay binalingan niya na si TRistan para hindi na siya magkaproblema pa at hayaan na lamang itong magdesisyon. “Sir, iisa lang po ang damit na iyon. Kanino niyo po ba ibibigay ang damit?” tanong ng staff kay TRistan.Sa pagkakataong iyon ay hindi naman na hinintay pa ni Olivia na sumagot ito at siya na mismo ang sumagot. Binalingan niya ang staff ng store. “Since, nagustuhan din naman ito ni Miss Missy ay sa kaniya na lang.” sabi niya at pagkatapos ay mabilis na tumalikod at bumalik sa dressing room upang magpalit ng kanyang damit. Mabuti na lang kanina ay nakasuot siya ng facemask kaya kahit papano ay natakpan ang
SA KABILANG BANDA, LALO PA NAMANG NAGALIT si TRistan nang makarating siya sa sala sa mga sandaling iyon dahil inaasahan niya na lalapitan siya nito at magmamakaawa sa kaniya at magmamatigas siya bago niya ito patatawarin sana ngunit kabaligtaran ang ginawa nito dahil ni hindi man lang siya nito hinabol kahit na alam nitong nagagalit siya.Kung si Missy lang iyon ay tiyak na kanina pa ito nakasunod sa kaniya at paulit-ulit na humihingi ng paumanhin sa kaniya at gagawin nito ang lahat para lang mawala nang tuluyan ang galit niya ngunit si Olivia, napakatigas ng puso nito at hindi man lang marunong makaramdam.Noon, napakalambing nito. Lahat ay sinasabi nito at napakagaling nitong pigilan siya. Naalala niya pa kung paano siya nito pinigilang manigarilyo at binantaan siya nito na kapag hindi pa siya tumigil sa kaka-sigarilyo ay hinding-hindi na siya nito papayagan pang makalapit sa kaniya o ni yumakap.Palagi itong gumagawa ng paraan, para malambing siya at isa pa ay gustong-gusto nito na
PAGKATAPOS MALIGO NI OLIVIA AY NAG-aalangan pa rin siya kung lalabas na siya o hindi pa. Ayaw niya kasing makita si TRistan sana, ngunit sa tagal niyang naligo panigurado na wala na ito at lumabas na. Pagkatapos niyang makipagtalo sa kanyang isip ng ilang minuto ay tuluyan na siyang lumabas pagkatapos niyang magbihis. Hindi naman siya ito nakita kaya nakahinga siya ng maluwag at dumiretso sa siya sa switch ng ilaw upang patayin iyon.Ngunit, nagulat siya nang bigla na lamang may humawak sa kanyang kamay pagkatapos niyang patayin ang ilaw at inihiga sa kama. Bumilis ang tibok ng puso niya. “Bakit ang tagal mo huh?” tanong nito sa kaniya.“Ikaw…” sabi niya at hindi maituloy-tuloy. Dahil sa kanyang pag-iisip ay hindi na niya namalayan pa na nasa kama pala ito at nakahiga. Marahil ay nakakumot ito kaya hindi niya napansin kaya agad niyang pinatay ang ilaw para makatulog na sana. Sino ba naman ang mag-aakala na nauna na pala itong nahiga kaysa sa kaniya.“Hindi mo ba alam kung anong oras n
PAGKAALIS NI TRISTAN AY TAHIMIK NA NAKASUNOD SA KANIYA ang mga tauhan nito at ilang sandali pa ay nagsalita ang isa. “Miss Olivia, sabi nga pala ni sir TRistan ay pwede daw po kayong lumabas ngayon.” sabi nito.Napatigil siya ng wala sa oras sa kanyang paglalakad at nilingon ang mga ito. “Talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya at bakas din ang saya sa kanyang mukha.Mabilis na tumango ang mga ito. “Mabuti naman!” masayang sambit niya at nagmamadaling umakyat patungo sa kanyang silid upang magpalit ng damit. Hindi niya pwedeng palampasin ang pagkakataong iyon na makalabas lalo pa at pinayagan siya ni Tristan. Kahit papano sa wakas ay makakalaya siya pansamantala rito.Pagkatapos niyang magbihis ay agad siyang lumabas at pagkalabas na pagkalabas niya ay bigla na lamang siyang nakatanggap ng isang tawag na hindi pamilyar sa kaniya ang numero ngunit sa kabila nun ay sinagot niya pa rin ito. “Olivia?” agad na tanong ng nasa kabilang linya. Sa tinig pa lang nito ay agad na niyang nakilala
NANG IKASAL SI MARIE, ang panganay na anak na babae ng pamilya Fuentes at si Jordan ay talaga namang napakaraming tao ang nakasaksi dahil ang kanilang kasal ay talagang pinag-usapan. Maayos naman ang pagsasama nilang dalawa ngunit ang naging problema nga lamang ay hindi nagkaroon ng anak ang dalawa.Kalaunan, ay nagloko ang asawa nito. Palaging sinisi ni Jordan si MArie dahil sa hindi nila pagkakaanak at sinarili lahat iyon ni Marie at hindi ipinagsabi kahit kanino. Kahit na palagi silang nag-aaway ay hindi siya nagkwento sa iba. Ni wala man lang nakapansin na mayroon na pala silang malalim na problema hanggang sa tuluyan na itong kinain ng depresyon at tinangkang magpakamatay ngunit kahit na nailigtas ito ay nahulog naman ito sa pagkabaliw. Habang tumatagal ay palala ng palala ang kundisyon nito. Ngunit may araw na matino ito at nakakausap ng maayos at maging ang kilos nito ay normal din. Ngunit kadalasan nga ay may sumpong ito at wala ni isa ang makalapit rito kundi tanging si Trista
NABALOT NG KATAHIMIKAN ANG SILID pagkatapos sabihin iyon ng kanyang ina. Tumayo siya at tiningnan ito gamit ang kanyang madilim at malamig na mga mata.“Wala na kayo doon. Ang kailangan niyo lang gawin ngayon ay ang alagaan si ate.” malamig na sabi TRistan sa kanyang ina.“Paanong wala na ako doon ha?” sumabog ang galit ni Moira at nilapitan niya ang anak kung saan ay hinawakan niya ang magkabilang kwelyo ng damit nito habang nagtatagis ang mga ngipin sa sobrang galit. “Tristan, nakalimutan mo na ba kung sino ang may gawa niyan sa ate mo ha? Kasalanan yan lahat ng babaeng yun! Napakabait ng ate mo pero ngayon… wala na siya sa sarili niya at ni hindi na niya ako makilala bilang ina niya at hindi mo ba alam kung gaano kasakit iyon para sa akin? Kung gaano kasakit na makita siyang nagkakaganyan?” puno ng sakit na sabi nito.Sa halip na makisimpatya naman ay tinitigan ito ni TRistan at marahang natawa. “What? Nasasaktan ka?” hindi makapaniwala niyang tanong rito.Tumaas ang sulok ng labi
PUMIKIT NA LAMANG SI OLIVIA SA PAGKADISMAYA. Hindi na siya nagsalita pa at tumango na lamang rito. Nang makita naman ni TRistan ang kanyang ekspresyon ay hindi na nito napigilan na hawakan ang baba nito at halikan. Ang halik na iyon ay parang lason kung saan ay napagtanto niya na sobrang namiss niya pala ito. Nagulat siya nang bigla na lamang siyang yakapin ni Olivia sa kanyang beywang at ni hindi siya nito tinanggihan at sa unang pagkakataon ay tumugon ito sa halik niya. Halos magkandabuhol-buhol ang isip ni Tristan ng mga oras na iyon at isa lang ang nasa isip niya, gusto rin nito ang halik na iyon.Umakyat ang isang kamay ni TRistan at pumailalim sa likod ng ulo nito at tumagal ang halik na iyon ng halos ilang minuto. Nawalan sila ng kontrol pareho hanggang sa maghabol sila pareho ng kani-kanilang mga paghinga. Hanggang si Tristan din ang unang bumitaw. “Babawi ako sa susunod, okay.” sabi nito at hinaplos ang pisngi ni Olivia.Hinila naman ni Olivia ang kanyang kamay dahil sa kany
DAHIL SA LABIS NA KALIGAYAHAN DAHIL SA INIHANDANG HAPUNAN NI OLIVIA sa kaniya, nang matapos niyang maligo ay agad niyang tinabihan si Olivia at hinalikan ito. Puno ng ingat ang mga naging halik niya mula sa mga labi nito, sa punong tenga, sa leeg at sa lahat ng dako.Hindi tumutol si Olivia nang mga oras na iyon a hinayaan niya si Tristan na halikan siya. Tiningnan niya si Olivia na namumula ang kanyang mga mata at namumungay pagkatapos ay mahinang nagtanong rito. “Olivia, okay lang ba?” tanong niya na punong-puno ng pagpipigil sa kanyang sarili.Iniunat naman ni Olivia ang kanyang kamay at humawak sa leeg nito. “Tristan, isa lang ang pakiusap ko…” sabi niya.“Ano iyon?” mahinang tanong niya at muling hinalikan ang punong tenga nito at pagkatapos ay narinig niya ang tinig ni Olivia.“Alam mo naman na ang pag-arte ang pangarap ko at hanggang sa mga oras an iyon ay gusto ko pa ring gawin iyon kaya hayaan mo akong bumalik sa entablado.” mahinang sabi nito.Pagkarinig ni Tristan ang mga s
PAGLABAS NA PAGLABAS NI TRISTAN SA CONFERENCE room ay nagpahatid siya kay Kent sa bahay niya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi siya kumain buong araw at kahit na ilang katok pa ang gawin sa kanyang pint ay hindi siya sumasagot.Ilang beses naman nang kumatok sa pinto si Kent ngunit ni isang simpleng sagot ay wala siyang narinig mula sa loob. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tawagan si Olivia dahil alam niya na ito lang ang makakapagpakalma kay Tristan.Bumaba muna siya sa sala at doon niya ito tinawagan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Pasensya na Miss Olivia kung nakaistorbo ako sayo.” sabi niya kaagad.“Kent? May problema ba?” kaagad naman na tanong ni Olivia rito.Nilingon ni Kent ang pangalawang palapag bago nagsalita. “Miss Olivia, hindi ka ba busy ngayon? Pwede niyo bang tawagan si sir para aliwin siya?” sabi niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito. “Para aliwin siya? Bakit? Anong problema?” sunod-sunod
KINABUKASAN, NAKASAKAY NA SI TRISTAN sa kanyang sasakyan at handa nang umalis nang lingunin siya ni Kent. “sir, ang kotse ni madam.” sabi nito sa kaniya.“Hayaan mo siya. Umalis na tayo.” malamig na utos ni Tristan dito. Ang kanyang mga mata ay malamig na para bang isang normal lang na tao ito at ni hindi man lang nito kaano-ano. Dahil sa utos nito ay pinaandar na ang sasakyan ngunit bago pa man sila makaalis ay bigla na lang bumaba mula sa kotse ito at kumatok sa binta. “Tristan, may sasabihin ako sayo. Kailangan nating mag-usap.” sabi nito ngunit hindi ito pinansin ni Tristan at binalingan niya si Kent.“Paandarin mo na ang sasakyan.” sabi niya rito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kanyang ina.“Pero sir, paano po si—” puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan ito mula sa rearview mirror ng sasakyan ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na itong nagsalita sa galit na paraan.“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Umalis na tayo.” inis na sabi nito ka
BUKOD PA DOON AY KAILANGAN niyang aminin sa sarili niya na nag-aatubili ang puso niya na paalisin ito dahil halso kalahating oras pa lang itong dumating. Ilang sandali pa ay ngumiti ito sa kaniya. “Nag-aalala ka ba para sa akin?” tanong nito sa kaniya.Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya itinago pa iyon dito at bukas palad na niyang inamin sa harap nito. “Masyadong delikado lalo pa at napakasama ng panahon. Ayoko na may mangyaring masama sayo.” sabi niya at habang nagsasalita siya ay napakababa ng kanyang boses at may kahinaan ito. Ang matinding pag-aalala ay bakas din sa kanyang mga mata.“Pasensya ka na Olivia.” sabi nito at hinawakan nito ang pisngi niya. “Sa susunod na punta ko ay magtatagal talaga ako pangako ko sayo. Isa pa ay kailangan ko talagang umalis dahil marami pa akong dapat gawin.” sabi nito sa kaniya na ang mga mata ay puno ng paghingi ng pang-unawa.Alam niya na walang silbi ang pakiusap na panatilihin ito kaya wala na lang siyang nagawa kundi ang tumango na lang di
SA LABAS NG PINTO AY NAPAKAPILIT NI Aiden. Hindi pa rin ito umalis doon at patuloy na nagtanong. “Ate Olivia, okay ka lang ba talaga?” tanong nito sa kaniya. “Bakit parang kakaiba ang boses mo? May lagnat ka ba?” tanong pa nito ulit.Mas lalo pa namang nagalit si Tristan nang marinig niya ang tinig nito. Talaga hindi pa rin ito sumusuko. Dahil doon ay ibinaba niya ang kanyang ulo at hinalikan ang balikat ni Olivia dahilan para mapapikit ito ng mariin at dahil sa inis niya ay bahagya niyang ibinuka ang kanyang bibig at kinagat ito.Nang maramdaman naman ni Olivia dahil sa kirot ng ginawa ni Tristan na pagkagat sa kaniya ay bigla na lang niyang itinaas ang kanyang paa na tumama sa may singit nito. Agad na napadaing ito at napasimangot na napatingin sa kaniya. Sa isip-isip ni TRistan ay napakawalang puso talaga ng babaeng kaharap niya. Samantala, nang mga oras an iyon ay napaka-bilis ng tibok ng puso ni Olivia dahil sa sobrang kaba. “Natutuwa ka ba ha?” malamig na bulong sa kaniya ni
NANG MATAPOS ANG EKSENA AY AGAD na lumapit sa kaniya si Aiden na may dalang isang jacket. “Isuot mo, dahil baka sipunin ka napakalamig pa naman ngayon.” sabi nito sa kaniya.“Bakit k naman isusuot yan?” tanong niya rito.“Kung ayaw mong isuot, itapon mo na lang.” sabi nito at pilit na inabot nito iyon sa kaniya at pagkatapos ay tinalikuran na siya nito ng tuluyan. Napabuntung-hininga na lang siya at dahil nga malamig naman talaga ay wala na din siyang nagawa kundi ang sinuot na nga lang ito ngunit pagtalikod niya ay bigla na lang niyang naramdaman na para bang may mga matang nakatitig sa kaniya ng napakatalim kaya dali-dali niyang iniikot ang kanyang mga mata sa paligid ngunit wala naman siyang nakita. Nagkibit balikat na lang siya, marahil ay masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano.Habang nakabalot sa kanyang ang jacket ay naglakad na siya patungo sa apartment na malapit lang din naman doon at may patakbo ba. Hindi nagtagal ay nakarating na siya doon at itinulak niya ang pinto
ILANG MINUTO PA AY BIGLA NA LANG TUMUNOG ang doorbell. Naiisip ni Olivia na baka may nakalimutan si Ate Mia at bumalik ito para kunin ito kaya hindi na siya masyadong nag-isip pa ay dumiretso na lang siya sa may pinto.Gayunpaman, nang makita niya si Aiden na nakasandal sa frame ng pinto na may kalmadong mukha at nakangiting labi, biglang napataaas ang kilay niya nang makita niya ito. “Bakit ka nandito?” kaagad niyang tanong dito.“Naaalala mo ba na may utang ka pa sa akin?” balik din naman nitong tanong sa kaniya na nakataas din ang kilay nito.“Ano naman yun?” agad niyang tanong dito.Tumaas ang sulok ng labi nito at mas ngumiti pa. “Nakalimutan mo na nang iniligtas kita noong gabing iyon?” tanong nito sa kaniya.Seryoso naman siyang tiningnan ni Olivia at dire-diretsong nagsalita. “Aiden, hindi ba at taimtim na akong nagpasalamat sayo? Diba sinabi ko na sayo na salamat dahil sa pagtulong mo sa akin?” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sinabi iyon ay bigla na lang siyang hinila
HINDI NA NAKAPAGSALITA PA SI OLIVIA dahil kinaladkad na nga siya ni Aiden. “Hoy Aiden ano ba. Dahan-dahan lang naman alam mo namang nakatakong ako. Mamaya ay matapilok pa ako.” sabi niya rito. “At isa pa ay saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya rito.Hindi nagtagal ay napahinto naman ito at pagkatapos ay nilingon nga ang mga paa niya. Walang sabi-sabi ay bigla na lang siya nitong binuhay at pagkatapos ay nagtatakbo. Nanlaki kaagad ang kanyang mga mata dahil sa gulat. “Aiden ano bang ginagawa mo? Ibaba mo ako!” sabi niya rito. “Set ito ano ka ba, panigurado na pinagtitinginan na nila tayo!” sabi niya rito.Wala namang pakialam si Aiden sa sinabi niya sa halip ay ngumiti pa ito sa kaniya. “Ano naman? Bakit natatakot ka ba? E magkapareha naman ang role natin ah, isa pa ay tiyak na iisipin lang nila na nagre-rehearse lang tayo.” sagot nito.“Kahit na! Ibaba mo na ako!” pagpupumilit niya ngunit hindi siya nito binitawan. Nagulat na lang siya nang bigla na lang siya nitong ipasok sa isang k
KINABUKASAN AY MAAGA ULIT silang bumangong dalawa ni Mia dahil maaga ang kanilang shoot. Pagdating nila sa set ay maririnig sa mga crew ang pangalang Aiden. Siya ba ang pangalawang bidang lalaki? Si Aiden Mallari? Hindi niya inaasahan na ito ang magiging second male lead sa totoo lang. Sa kasalukuyan nitong kasikatan ay tiyak na tama lang para dito ang maging bida at hindi niya akalain na papayag ito na maging pangalawang bida lang sa pelikulang iyon. “Talaga bang nandito siya para gumanap na pangalawang male lead?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Olivia.Agad naman na tumango si Mia dahil mas nauna siyang dumating doon kaysa kay Olivia kaya kanina pa lang pagdating niya ay nabalitaan na niyang si Aiden nga ang pangalawang bidang lalaki.Hindi naman niyang inaasahan iyon at sa dami ng taong pwedeng maging pangalawang bida ay ito pa talaga. Ilang sandali pa ay nilingon siya ni Mia at bahagyang tinukso. “Olivia, ano ang nararamdaman mo ngayon na ang makakapareha mo ay isang napak
HINDI NIYA LUBOS INAASAHAN NA napakarami nitong gagawin para sa kaniya ng tahimik. Ilang sandali pa ay agad niya itong tinawagan pagkalipas ng ilang segundo. “Hindi ganun kadaling mangolekta ng impormasyong katulad nun ah. Paano mo nagawa iyon?” tanong niya kaagad dito.Sasabihin pa lang sana ni Tristan na ako pa ba, pero bigla na lang may pumasok sa isip niya kaya binago niya ang sinabi niya. “E ginawa ko ang lahat para makalap ang lahat ng iyon.” sabi niya rito. “Napakarami mo ng utang sa akin ngayon. Paano ka makakapagpasalamat sa akin?” tanong niya rito.Sandali namang nag-isip si Olivia pagkatapos ay sumagot. “Pwede bang ipagluto na lang kita pagbalik ko?” tanong niya rito.“Sige.” sagot nito at pagkatapos ay tuluyan nang nagpaalam. Tinawagan niya lang ito sandali at wala siyang balak na magtagal sa pakikipag-usap dito dahil kailangang-kailangan niyang bumalik sa set.Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang bumalik at agad niyang naramdaman na para bang napakasama ng kapaligira